π™²πš‘πšŠπš™πšπšŽπš› 𝟹𝟻

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

"Are you sure gusto mo nang pumasok? Alam mong pwede ka pang hindi muna pumasok." Tanong ni kuya DZ. Tumango lang ako at ngumiti.

"I'm fine na kuya. I'm sure." Sabi ko.

1 week na ang lumipas nang mangyari iyong Grayson incident na yun. 1 week ko ding tinaboy ang lahat. Nagkulong lang ako sa kwarto ko. I shut myself from the outside world. Wala akong kinausap ni isa. Kahit ang mga pinsan at kapatid ko. And I know 1 week is enough para bumalik ako sa dating ako. And isa pa,

Sports fest na. Ngayon pa ba ako aarte eh sayang yun 1 week din yun ah. 1 week away from schoolwork.

"Fine. Call us if you need anything. Mag-ingat sa pagmamaneho. Hindi kita maihahatid at may meeting ako." Sabi naman ni kuya LZ. Tumango lang ako at kinuha yung susi ng bagong motor ko. Binilhan ulit ako ni kuya hehe.

Pero miss ko na yung baby ducatti ko huhu.

Sumakay ako sa motor at bumusina ng dalawang beses bago umalis. Sandal lamang ang naging byahe ko dahil wala namang traffic. It's already 7:30 a.m. at ang simula ng parade ay 8:00 a.m. Hindi na kami kasama dun pero gusto kong pumunta ng maaga eh. Aayusin ko na rin kasi yung room dun sa fifth floor and ibibigay kay Mr. Ford yung papeles and letter from kuya LZ. Buti nga napilit ko siyang pirmahan yun eh.

Pagdating sa school ang dami na agad tao. Kapag sports fest kasi, open ang school para sa lahat. Mga taga-ibang school or mga taong bibisita lang. Buti nalang may natira pang parking space sa parking lot. Ni-park ko ang motor ko dun at pumasok sa campus.

Ang daming booths, food stalls, mga magjowang nagpi-picture, mga nagso-solo, kumakanta, at nage-entertain. Dumiretso ako sa principal's office.

"Hi Catelyn!" Bati ko. Nakita kong nag-aayos siya ng gamit at papalabas na.

"Hi CJ! Kamusta? Last week ka pa hinihintay ni Mr. Ford. Andiyan siya sa loob. Pasok ka nalang." Sabi niya at lumabas. Tumango lang ako at lumapit sa pintuan bago kumatok ng tatlong beses.

"Ah, Ms. Montefalco! Akala ko hindi ka na interesado." Bati ni Mr. Ford. Ngumiti lang ako at ibinigay sakaniya ang brown envelope na naglalaman ng mga papers and letter.

"Thank you. I'll have them arranged as soon as possible. It's nice negotiating with you, Ms. Montefalco." He said. I only smiled and bid him goodbye. Nakasalubong ko pa si Astrid pero wapakels nalang si ako dahil maganda mood ko. Dumiretso ako sa building namin at nakitang wala pang tao sa room namin kaya dumiretso ako sa fifth floor.

"Okay. Let's start." I told myself and started cleaning. Nag-play din ako ng music sa cellphone ko at ni-max volume ko.

"Whenever I walk in the room
All the focus on me
The way I talk the way I move
They all want on my team."

Pagsabay ko sa kanta with matching sayaw pa. Sinimulan kong walisan ang dulong bahagi ng classroom at tinanggal ang mga agiw.

"Not tryin' to brag, brag
But I'm flawless
I'm taking over your playlist
Ain't perfect but I can't miss, yeah
The party don't start 'til I walk in
I'm stealing all the attention
Don't get me started on mentions, yeah."

Ginamit kong mic yung walis tambo at feel an feel ang pag kanta.

"Some might say I sound conceited
They don't get the shine that I get
Some get jealous
They can't help it
They wish they were me, oh"

Matapos magwalis ay pinunasan ko naman ang bintana. And dzaii, parang isang milyon ng microorganism ang nakatira dito.

Ay shala ang OA ko lels.

Pagkatapos ko sa bintana ay yung blackboard naman.

Bakit kaya tinatawag na black board 'to kung kulay green naman siya?

Hay nako. Dami ko na ngang problema dagdag pa 'tong bulateng 'to.

"I keep the part going all night, all night
I set the trends that you all like, all like
I make an entrance when I don't try, don't try
'Cause all I see is all eyes on me
I only lead, I never follow, follow
I never open, 'cause it's my show, my show
Don't know if people think I'm shallow, shallow
But all I see is all eyes on me."

Nang matapos na sa paglilinis ay nagpintura naman ako. I painted it yellow. Then kinuha ko yung blue spray paint na dalawa ko at nilagyan yung pader ng

S-5 PROPERTY ONLY

Pumunta naman ako dun sa board at gamit ang permanent marker, sinulat ko doon ang surnames naming lahat. Natapos din yung kanta.

I finished singing with a pose. Nang ma-realize ang ginawa ko na pag-pose ay tumawa ako ng tumawa.

"Delikado ka pala kapag nag-iisa." Biglang sabi ng kung sino kasunod ng sunod-sunod na tawanan.

Agad akong lumingon at nagulat ng lahat pala sila nandito an sa loob, mga nakaupo sa sahig at kanina pa pala ako pinapanood.

"Kanina pa kayo?" tanong ko. Tumango sila.

Mga kumag, hindi man lang ako tinulungan hmp.

"Oo. Napanood namin ng buo yung mini concert mo." Sabi ni Mykel at tumawa. Binato ko sakaniya yung basahan an ginamit kong pang punas kanina ng bintana. Agad naman siyang umiwas habang tumatawa.

"Excited ka bang maglinis mamaya at inumpisahan mo na dito?" tanong ni Klarenz.

"Hindi ah. Trip ko lang." Sabi ko at niligid ang tingin ko. Malinis na. Hindi ko iyon napansin dahil nalilibang ako dun sa kanta.

"Kamusta ka?" Tanong ni Kyle. Ngumiti ako at nag thumbs up.

"Ayos na ayos lang." Sabi ko. "Hindi naman pwedeng habang buhay magmumukmok ako. May buhay din naman ako noh. Sapat an yung isang linggo akong MIA. Tsaka sports fest Ngayong week. Aarte pa ba ako?" Sabi ko pa at tumawa. Inilagay ko na dins a garbage bag yung mga basahan na ginamit ko dahil hindi an toh malalabhan sa sobrang dumi.

"Okay, next one, kuryente." Sabi ko at hinila palabas ang garbage bag.

"Huh? Kuryente? Aanhin mo yung kuryente?" Tanong ni Kyle. Ngumit lang ako at binuhat yung garbage bag.

"Akin na nga." Sabi ni Riu at kinuha yung garbage bag. "Ang liit liit mo tapos magbubuhat ka ng ganito kabigat. Kaya hindi ka tumatangkad eh." Sabi niya.

"Ano kamo Riu Mendoza?!" Singhal ko at hinabol siya pababa ng hagdan. Tawa lang siya ng tawa habang tumatakbo pababa hawak pa rin yung garbage bag.

"Ano yan ganyan ka hanggang mamaya?" tanong ni Dev. Umiling ako.

"Hindi. Uuwi ako saglit tas magpapalit then babalik din agad. Eh kayo? Nag practice na ba kayo?" Tanong ko. Tumango siya.

"Ate! Ate! Gusto mo pakitaan kita ng moves ko?" Sabi ni Renz. Sila kasi nina Mykel, Luis, Renz, Dev at James ang mga dancers namin. Tapos battle of the bands naman, sina Clover, Riu, Uno, Kenneth and Leo ang representative namin. Sa singing contest, wala pa. Paano ko nalaman? Sa GC nila pinag-usapan. Ako naman ay tamang seen lang at hindi nagre-reply kasi why not?

"Mag-practice ka muna mabuti tas pagbalik ko pakita mo saakin." Sabi ko. Tumango siya at hinila si Dev pabalik sa classroom.

"Sure ka bang okay ka na?" Tanong ni Clover. Tumango ako at ngumiti.

"Yup! Ayos lang ako." Sabi ko. Nagpaalam ako sakanila at nagtungo sa motor ko.

Pagbalik ko sa bahay, puro maids nalang ang nandoon. Wala na sila Kuya DZ at kuya LZ. Pati na rin ang iba ko pang pinsan.

Umakyat ako sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos ay nagbihis ulit ng oversized purple tee na may pikachu design and black ripped jeans. Pinaresan ko iyon ng low cut high-heeled boots na kulay black. Sinuklay ko ang buhok ko at kinuha ang duffel bag ko. Ang laman? Chips, sleeping bag, at syempre ang pinakamamahal kong travel pillow na color yellow. Mawawala ba ang pikachu design? Syempre hindi.

Nag-aayos ako ng gamit ko nang kumatok ang isasa mga maid namin.

"Maam, may nag-iintay po sainyo sa ibaba. Pakibilisan daw po dahil ayaw niyang pinaghihintay." Sabi niya. Tumango lang ako at sumunod sakaniya palabas.

"Oh, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko paglabas ko ng gate.

"Baka tataniman ng bomba yung bahay niyo." Sarcastic na sagot niya.

"Haha ang funny mo." Sarcastic din na sagot ko.

"Bilisan mo na baka maubos yung parking space dun." Sabi niya at lumapit doon sa itim na motor. Nanlaki ang mata ko nang makilala ang motor na ito.

"Is that a Suzuki AEM Carbon Fiber Hayabusa?" Tanong ko. Tumango lang siya at inabot saakin yung helmet. Shocks ang yaman niya! If I remember it correctly, its $200,000. P10,000,000 if converted in Philippine peso.

Ang gwapo niyaβ€”este ng porma niya ngayon. Naka black shirt siya, as usual, tapos naka black skinny jeans din at white vans na rubber shoes. Tapos naka leather jacket pa siya na kulay black.

"Sakay." Utos niya. Tahimik akong sumunod. Umangkas ako sa likuran niya. Humawak ako sa balikat niya pero tinanggal niya iyon. Instead, pinayakap niya ako sa bewang niya.

"Diyan ka kumapit. Medyo bibilisan ko yung takbo dahil traffic na. Baka mahulog ka kaya kumapit ka mabuti." Sabi niya.

As if naman takot akong mahulog. Kung ikaw ba sasalo, sure why not ehe. Char ang landi shet!

"G lang." sabi ko. Ibinaba niya ang visor ng helmet niya bago pinaandar yung motor. Napayakap ako ng mahiglit sakaniya dahil dzaii, yung medyo mabilis niya, para saakin sobrang bilis na. Gagi nagpapatakbo ako ng mabilis oo, pero hindi ganito na parang makikipag meet up na ako kay San Pedro.

Pagpasok sa parking lot ay saktong iisa nalang yung space dun kaya mabilis niyang ipinatk doon yung motor niya.

"Ayos ka lang?" Tanong niya. Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Hindi. Parang humiwalay ata yung kaluluwa ko. Balik tayo baka naiwan ko din sa highway." Sabi ko. Umirap lang siya bago naglakad papasok. Dala ko yung helmet hanggang sa pagpasok namin sa room.

"Oh, ang bilis niyo naman? Sabay kayo?" Tanong ni Clover. Nasagot din niya ang tanong niya nang makita ang hawak kong helmet. Tumitig siya dito bago tumingin saakin pagkatapos ay kay Ice na walang imik.

Inabot ko kay yelo yung helmet niya at kinuha yung phone ko sa bulsa ko. Hinanap ko ang pangalan niya sa contact list ko at tinawagan. After a few rings, sumagot din siya.

"This better be important and quick, hon. I'm busy." The person on the other line said.

"Yeah yeah whatever Migz. Anyways, I have a favor to ask." I said.

"A favor? What kind of favor?" She asked. "If this is one of your projects, d*mn you my answer will be a straight NO. I almost hot fired last time, and you electrocuted me that I couldn't feel my pinkie for a week." Mahabang lintanya niya. Tumawa ako bago nagsalita.

"That's low voltage! Sabihin mo OA ka lang. About sa favor, you know Stanforx International Academy, right?" I asked. Nag-hum siya bilang respond kaya nagpatuloy ako. "Old building electricity. Whole building. I'll pay for it. I'll make it double." I said.

"Sure no prob. No need to double it. What are friends for, right? By the way, dude the building atill have a remaining balance. It's 250,000 pesos." She said.

"Yeah I'll pay for it. Idadaan ko nalang jan yung bayad mamaya." Sabi ko.

"G. Gotta go now. Expect your electricity back in 10 minutes." Sabi niya at ibinaba ang tawag.

"Expect electricity in 10 minutes!" Sabi ko pagpasok sa loob. Lahat sila ay tumahimik at tumingin saakin. "What?" Tanong ko.

"Can you and Ice do a duet?" Deretsahang tanong ni Eric. Napataas naman ang kaliwang kilay ko.

"Duet? What kind of duet? And what for?" I asked.

"Singing competition. Kailangan may representative tayo dun. Kung hindi, mababaliwala yung ibang competition na sinalihan natin." Sabi ni Allan.

"Ngi. Bakit ako?" Tanong ko at umupo sa upuan ko. Nahagip ng mata mo yung kulay pulang gitara na nakalagay sa gilid.

"We heard you sing. Kailangan kasi duet." Sabi naman ni Ian. Tumango nalang ako kaya bumalik na sila sa kaniya-kaniya nilang gawain.

"Kanino yun?" Tanong ko at itinuro yung gitara.

"Mine." Walang ganang sagot ni Ice. Tumayo ako para kuhanin yun.

"Pahiram." Sabi ko at bumalik sa pwesto ko. Tumango lang siya na para bang walang pakialam.

"Marunong kang gumamit niyan?" Tanong ni Clover. Nagkibit-balikat ako.

"Hindi ko alam." Sagot ko. Hindi siya sumagot kaya tiningnan ko siya at nakitang nakangiwi siya saakin. "Seryoso ako. Hindi ko alam. Pakiramdam ko marunong, pero ang totoo, hindi ako sigurado. Wala kasi akong natatandaan na nag-aral ako neto." Sabi ko. Dahan dahan ko iyon ni-strum. Hanggang sa mabuo ako ng tono ng kantang alam na alam ko dahil yun ang madalas na ipatugtog saakin ng mga kaklase ko sa dati kong paaralan.

"Elementary palang napapansin na nila mga gawi ko hindi pang babae
Eh kasi, imbis na chinese garter laruan ko ay teks at jolens
Tapos ka-jamming ko lagi noon mga sigang lalaki saamin." Pagkanta ko. Ini-skip ko agad dun sa chorus part.

"Pero noong nakilala kita nagbago bigla ang aking timpla
Natuto ako na magpa-rebond at mag-ahit ng kilay at least once a month
Hindi ko alam kung anong meron ka
Na sa akin ay nag palambot mg bigla
Sinong mag-aakalang lalaki pala ang bibihag sa tulad kong tigreng gala." Nakatitig lang ako dun sa gitara habang kumakanta.

"Kahit ako't titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo
Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan
At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
Na para bang bulaklak na namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig at tamang sikat ng araw-araw mong pag-ibig saaking buhay nagpapasarap." Tinapos ko doon ang kanta. Saktong pagtapos kong magstrum ng gitara ay biglang lumiwanag ang buong building namin.

"Woah what the?" Gulat na sabi nila Clover.

"I told you expect the electricity in 10 minutes." I said while smirking. Lumabas ako para isa-isahin yung mga room at patayin ang mga ilaw na nakabukas. Ganun rin ang ginawa ng iba. Nakita kong may mga students na nakatingin sa building namin. Gulat ang mababasang rekasyon mula sa mukha nila dahil biglang umilaw ang building namin.

Literal na ilaw dzaii.

"May hindi ka ba sinasabi saamin?" Tanong ni Riu pagbalik naming lahat sa room dahil napatay na namin lahat ng ilaw.

Huminga ako ng malamim bago sabihing, "I bought the building and paid for the electricity." Tsaka ngumiti ng alanganin.

"Ano?!"

(votes and comments are highly apprecited by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

-----

Song title: All eyes on me (Julie and the Phantoms)

Song title: Titibo-tibo by Moira Dela Torre

You are reading the story above: TeenFic.Net