π™²πš‘πšŠπš™πšπšŽπš› 𝟹𝟷

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

"Bahala kayo jan. Gusto niyong um-attend edi amtic kasama tayo sa contests." Sabi ni Ice at nag cross arms.

"Gagi bat hindi ko alam yun?" Bulong ko sa sarili ko. Tingann mo talaga toh si Clover hindi kumpleto magbigay ng impormasyon wengya.

"Edi sumali problem aba yun." Sabi ko naman. Ni-make face lang niya ako at inirapan.

"Ay buti nalang naalala ko. May tanong pala kami sayo." Biglang sabi ni Riu. Agad tumahimik ang buong room.

Hoy walangya kinakabahan ako sa biglang pagtahimik nila huhu.

"Nue yown?" tanong ko at binuksan ang bag ko.

Shuta may iinumin nga pala akong gamot. Put a tang in a glass hinding-hindi na talaga ako babalik sa ospital.

"Sinong may gawa nun sayo?" Tanong ni Riu. Saglit akong napatigil sa ginagawa ko bago nagpatuloy.

Should I tell them?

Yes! Matutulungan ka nila!

No! Keep it to yourself. Baka madamay lang sila.

Luh epal ka?

Shut up mas epal ka.

Putspa ayoko na nabubuang na ata ako. Nagtatalo yung dalawang bulate sa utak ko hoooo.

"Huy. Sino kako may gawa nun sayo?" tanong niya ulit.

"Sakin nalang yun." Sagot ko at uminom ng gamot. Napapikit ako nang malasahan ko kung gaano ito kapait.

God I think I'm gonna puke.

"Parang ewan toh. Dali na sino nga?" Pangungulit niya.

"Akin na nga lang yun okay?" Sabi ko at dumukdok.

Hindi na sila nagsalita pa. Unti-unting pumipikit ang mata ko pero pinipigilan ko.

"Himala nag-ipit ka ng buhok ngayon?" Sabi ni Kyle. Nangalumbaba naman ako at tumingin sakaniya. Pupungay pungay ang mata.

"Ang pangit pag nakalugay. Mukha akong gag*." Sabi ko.

"Halata nga. Sino bang naggupit sayo at hindi maayos?" Natatawang tanong niya. Ngumuso ako.

"Oh diba? Peste kasi yung gumupit ng buhok ko. Ang sarap itali sa leeg ng babaeng yun yung berdeng necktie niya na ginawa niyang bandana. Magkaka-araw din sakin yun. Kakalbuhin ko siya." Sabi ko at ini-imagine ang itsura niyang kalbo.

"Wait, section 4 ang may gawa niyan sayo?" Agad akong napadilat at umupo ng maayos. Foq narinig nilang lahat hayp!

Wengya pahamak yung antok ko huhu.

"Ah...eh..." Nanatiling nakatingin sila saakin. "Ih, oh, uh?" Ngumiwi sila.

"amu geosdo haji maseyo. naneun igeos-eul seuseulo cheolihago sipda." ("Please don't do anything. I want to handle this myself.") I told Kyle.

"naneun dangsin-ege geugeos-eul yagsoghal su eobs-seubnida. sonyeondeul-eun dangsin-ui eolgul-eul boass-eul ttae geugeos-eul joh-ahaji anh-assseubnida." ("I can't promise you that. The boys didn't like it when they saw your face." He answered in Korean. "teughi Ice. dangsin-eun geuui eolgul-eul bwass-eoya haessda." ("Especially Ice. You should have seen his face.") He added. Nagsimula nanaman akong kutkutin ang daliri ko. They way he said it, he's so serious. "Anong pinag-usapan niyo, Ate?" Tanong ni Renz. Umiling lang ako.Β  "Tama nga ako. Section 4 ang may pakana nun. Wala nang iba." Narinig kong sabi ni Clover. Kitang kita ko din ang pagkuyom ng kamao ni ice.

"Boys. Please. Let me handle this." I said. "This kind of things should be taken care by me and me alone."

"Don't do anything that'll cause you harm or hurt you. Lalo ka nang bata ka." Sabi ko pa at humarap kay Renz.

"Montefalco?" Sabay sabay kaming tumingin sa pintuan.

Speaking of the devil...

"Pinapatawag ka sa studio." Sabi niya. Tumaas ang kilay ko. "Pinapatawag ka ni AZ. Tumayo ka na jan. Your building is starting to kill me." Maarteng sabi niya. I gave her a sweet smile before raising my middle finger at her and stood up.

"Bakit nakakapagsalita ka pa kung pinapatay ka na pala ng building namin?" Sarcastic na tanong ko. Tumayo ako sa tapat niya at nakipag sukatan ng masamang tingin sakaniya.

"What's taking you so long?!" Sabay kaming tumingin sa lalaking kadadating lang at maangas na naglalakad palapit sa direksyon namin. Naalerto naman ang ang section 5 pero sinenyasan ko lang silang manatili sa pwesto nila.

"Move. Paano ako makakalabas kung nakaharang ka sa dadaanan ko?" Sabi ko. Masama pa rin ang tingin niya saakin ng gumilid siya. Maglalakad na sana ako pero humarap ulit ako sakaniya.

"I don't know what the hell you guys are doing here, but I want you to tell her don't involve my family in this." Bulong ko at dumiretso sa hagdan. Ramdam kong nakasunod lang silang dalawa saakin. At mas lalong ramdam ko ang mga matang nagbabantay saakin. Hindi mula sa kanila, kundi mula sa mga kumag.

"So...you're back." Rinig kong sabi ng kung sino sa likuran ko. Nakita ko ding humiwalay na yung dalawang gumulpi saakin noon. Nilingon ko si Astrid.

"Yup. Alive and kicking." I said. "Don't worry. Na-miss din kita." Ani ko. Umirap lang siya at umalis na.

Pfft. Wala sigurong baon toh kaya nag walk-out nalang.

"OMG! CJ!" Nagulat ako nang salubungin ako ni Jasmin at niyakap ako ng mahigpit. "Nabalitaan ko yung nangyari sayo. How are you? Sorry di ako makadalaw dalaw saiyo. Busy kasi ako magchoreo ng routine na gagawin for the sports fest." Paliwanag niya. Ngumiti lang ako.

"Ano ka ba okay lang. Naiintindihan ko naman yun. So, san si Ikay?" Tanong ko. Nagtaka naman siya. "I mean si AZ." Nginuso lang niya yung loob at inaya akong pumasok.

Kasalukuyan nilang pina-practice yung Boombayah.

Pupusta ako mga sampung centimos blink tong si Jasmin.

Pinanood ko lang sila hanggang sa matapos sila.

"Nice one." Sabi ko at nakipag apir kay Ikay.

"So, why?" Tanong ko. Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita.

"It's Jane's birthday. May mini celebration mamaya. Sama ka?" tanong niya.

"Sige ba basta may red horse." Sabi ko. Inambaan naman niya ako ng batok kaya agad akong umiwas. "Eto naman joke lang."

"Ano nga? Sasama ka ba?" Tanong niya.

"May shift akoβ€”"

"Sabi ni Catherine huwag ka munang magtrabaho." Pinutol niya ang sasabihan ko.

"Magpapaalamβ€”"

"Ipapaalam kita." Putol niyang muli saakin.

"Oo na. Para namang papayag ka kapag sinabi kong hindi." Nakangiwing sagot ko na ikinatawa niya.

"So...what do you think of the dance?" Tanong niya.

"Oks lang." Sagot ko. This time, siya naman ang ngumiwi.

"Talaga? Perfect na? Wala talagang mali?" Tanong niya.

"Wala naman. Yung posture lang at tsaka yung sa 4th figure. Yung parang chorus part. Dun need ng more energy. Facial expression din wag kalimutan. Always smile and look at the audience. Tapos yung part na parang iikot mo yung braso, medj yuko pa nang onti dun then yung buhok dapat i-relax mo lang habang niro-rotate kasi kung manggigigil ka, magiging stiff yung leeg mo nun." Sabi ko. Pagtingin ko sakaniya, mas lalo pa siyang nakangiwi.

"Akala ko ba oks na?" Nakangiwing tanong niya.

"Sabi ko nga. Dali tayo ka papakita ko sayo." Sabi ko at tumayo.

"Hep hep hep bawal kang sumayaw. Hindi ka pa lubusang gumagaling." Suway niya.

"Hindi naman ako nabalian ng buto ah. Tsaka ipapakita ko lang sayo yung part na tinutukoy ko para mai-share mo sa mga kasama mo." Sabi ko. Tumango siya at tumayo.

"Ganto. Bend mo yung tuhod mo. Then etong left hand mo ipatong mo dito sa hita mo for support. Lean forward then bend ang ulo ng onti, tsaka i-swing yung kamay ng pa-ikot. Then yung ulo. Relax lang. Para ka lang nags-stretching. Relax lang yung ikot pero isabay mo sa beat. Huwag titigasan ang leeg kasi magiging stiff yung ikot niyan." Sabi ko habang idine-demo.

"Thanks, cous!" Sabi niya at nagmamadaling bumalik sa mga co-dancers niya at itinuro yung tinuro ko sakaniya.

"Nice. Pwede ka nang pumalit saakin." Nakangiting sabi ni Jasmin habang nakatingin sa mga nagpa-practice.

"Huh? Why?" Tanong ko.

"Well, next year I won't be here anymore. I'm leaving the DT." She said.

"Hala bakit?" Tanong ko. Tumawa siya.

"Ga-graduate na ako silly. Of course, I won't be here anymore since I'm not a HS anymore. But don't worry. I'll still be here to guide you." She said. Umiwas ako ng tingin.

"You could give it to AZ. I'd rather be the follower than the one being followed. It's hard for me to lead a group." I explained. Ngumiti lang siya at muling ibinalik ang tingin sa mga nagpa-practice.

"Punta ka mamaya ah. 6:00 p.m. ang start ng party. You could bring your section with you." Jane said nang matapos silang mag-practice. Kasalukuyan silang nagpapahinga dito sa bench.

"Really? Baka magalit yung mga classmates mo?" Sabi ko. Kung hindi ko pa kasi nasasabi sainyo, taga-section 1 sina Jane, Charmaine at Neil.

"Di yan. Hindi naman sila manggugulo. Ako bahala." Sabi niya. Nhaiya tuloy ako parang ang labas section 1 ang lagging nagsisimula ng gulo. "Tsaka hindi sila pwedeng gumawa ng eksena since may iba pa akong bisita mamaya. Lalo na family ko andun." She added.

"Uh...sige. Ako bahala dun sa boys. Pagmumukhain ko silang presentable." Biro ko.

"Gora. Basta pagsuotin mo ng matino si Dev para mukhang presentable sa family ng ating birthday girl." Asar ni Jasmin. Namula naman si Jane.

"Hoy, gagi weh?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Lalo siyang namula.

"Hay nako CJ late ka na sa balita." Sabi ni neil at tumabi saakin. "Matagal an yang may crush kay Dev. Dati nalalapitan niya kaso dahil kela Astrid, napilitan siyang maging hanggang tingin nalang." Paliwanag ni Neil.

"Gusto mo ba ipatapon ko na sa mars si Astrid para wala nang balakid sa love story niyo?" Tanong ko. Nagtawanan naman sila ng mas lalong namula si Jane.

"Hoy tama na tingnan niyo nga oh mas mapula pa siya sa kamatis. Bumalik na kayo sa mga room niyo baka sabihin nagca-cutting kayo." Suway ni Ikay. Sabay-sabay kaming tumayo. Halos magkauntugan naman kami ni Neil dahil lalakad na sana ako sa pintuan kaso may bigla naman siyang inabot sa likuran ko.

"Ay sorry." Sabi ko. Ngumiti lang siya at kinuha yung bag niya.

"Hoy bakla taralets na!" Sigaw ni Charmaine.

"Pag ikaw hinalikan ko jan!" Sigaw ni Neil. Tumawa lang ako sa kakulitan nila.

"Etong mag-jowang toh hindi na naubusan ng away." Ani Ikay. Umasim naman ang mukha nilang dalawa.

"Hindi ko yan jowa!" Sabay na sigaw nila.

"The more you hate, the more you love. Tandaan niyo yan." Sabi ko at tumakbo palabas nang akmang hihilahin ni Neil yung buhok ko.

"Inggit ka nanaman sa buhok ko." Sabi ko. Bigla siyang tumakbo palapit saakin at dahil bilang isang likas na bobo, tumakbo ako palayo. Ang kaso may malaking bato dun sa dadaanan ko. Mga kasing laki lang naman ng kamay. Sinubukan kong iwasan kaso...

Boom bob* iniiwasan yan!

Tangmader na bulate wala kang naitutulong dzaii.

Buti nalang nahila agad ako ni Neil at Charmaine kaya hindi ako tumuloy sa sahig.

"Makikipag meet-up ka nanaman kay kumareng semento." Sabi ni Charmaine. Nagkatinginan silang dalawa bago sabay na ngumisi.

"H-hoy hehe labyu both of you hehe." Sabi ko at pilit tinatanggal yung pagkakahawak nila saken. "My friends! Hehe." Sabi ko pa.

"Attack!" Sigaw ni Charmaine at angsimula na silang kilitiin ako.

"h-hoy HAHAHAHAβ€”tamaβ€”HAHAHAHA. Ikay oh!" Sumbong ko pero naki-kiliti lang din si Ikay.

"T-tamaβ€”HAHAHAHAβ€”na hoy hindiβ€”HAHAHAHAβ€”na ako makahinga." Tumigil naman sila. Namalayan ko nalang na nasa tapat na kami ng building ng section 5.

"Hala pumasok ka na. Mula dito natatanaw ko na ang pagka-pula ng panahon." Sabi ni Charmaine habang sinisilip ang room namin. Tumingin naman ako sa wristwatch ko.

"Si Ms. Fuhla na pala." Bulong ko. Doon ko lang na-realize yung sinasabi niyang pagka-pula ng panahon.

"Ang funny mo talaga. Halika nga dito pakurot." Naka-ngiwing saad ni Neil bago sinubukang kurutin si Charmaine pero agad siyang nakalayo.

"Bye CJ. Mamaya ah. Aasahan kong kumpleto kayo." Sabi ni Jane. Kumaway ako at hinintay silang makaalis.

"Oh, you're back Montefalco. At saan ka naman galing aber?" Mataray na tanong ni Ms. Fuhla nang pumasok ako.

"Uy Maam! I miss you too! Galing lang po ako jan sa tabi-tabi." Nakangiting saad ko. Inirapan lang niya ko.

"Maupo ka na!" Sigaw niya. Ngumuso naman ako at humawak sa dibdib ko na para bang nasasaktan.

"Eto naman si Maam naninigaw. Hindi mo po ba ako na-miss?" Tanong ko. Narinig ko ang mahinang pag-tawa ng mga kaklase ko.

"Hindi. Kaya umupo ka na." Sabi niya at muling umirap. Napatakip ako ng bibig ko at nagkunwaring nagpupunas ng luha at humihikbi.

"W-wag ka mag-alala Maam. Di rin kita na-miss. The feeling is mutual." Sabi ko habang naglalakad papunta sa upuan ko. Muli ay umirap siya.

Pero aminin, ngumiti siya yieeee.

Hoy plus points yun para saakin nakapagpa-ngiti ako ng teacher yeehaw!

Tahimik ang lahat. Hindi rin nagtuturo si Maam. May kaniya-kaniyang mundo ang mga kumag. Agad kong kinalabit si Kyle.

"Psst. Kyle-langot." Tawag ko. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Ano yun asul na bato?" Tanong niya. Nagtaka ako.

Asul na bato? Ahhh. Cyan is asul tas Jade is a kind of rock kaya asul na bato. Ibang klase. Ang brainy ni pareng Kyle!

"Wala wala nevermind." Sabi ko. Inirapan lang niya ako.

Onti nalang iisipin kong bakla ka.

Hinarap ko si Riu na as usual, natutulog. Kinalabit ko siya. Mabagal na umangat ang ulo niya at pupungay pungay ang matang tumingin saakin.

"Why? Do you need anything? Do you feel anything?" Tanong niya agad. Tumawa ako ng mahina.

"No silly. May tanong lang ako." Sabi ko. "Sama ka mamaya?" Tanong ko.

"Saan?' Rinig kong tanong ni Kyle na nakikinig pala sa usapan namin. Humarap ako sakaniya.

"Sa paglubog ng tae ko." Sabi ko at muling humarap kay Riu na nagpipigil ng tawa.

"Yuck ang dugyot mo asul!" Singhal ni Kyle.

"What's going on? Yung mga nasa last row!" Sigaw ni Ms. Fuhla. Tumingin naman ako sa magkabilang gilid ko.

"Maam mag-isa lang ako dito hehe." Sabi ko. Diba sabi ko nga sainyo naka pa-V ang formation ng upuan namin. Tas ako yung tuldok ng V. So ako lang mag-isa sa last row.

Umirap si Maam bago tumayo.

"You're dismissed." Sabi ni Maam at dere-deretsong lumabas. Nagkatinginan naman kaming lahat.

"Uyy ano nga sama ka mamaya? May pupuntahan ako." Tanong ko kay Riu.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Eh sasama ka ba?" Tanong ko.

"Depende nga kung saan ka pupunta. Mamaya niyan pupunta ka pala sa bangin ayoko nga." Sabi niya.

"Ha. Ha. Ang funny mo." Sarcastic na saad ko. "Sa birthday party nga." Sabi ko. Tumango lang siya kaya humarap ulit ako kay Kyle na nakaluhod pala sa gilid ko kaya halos mahulog ako sa upuan ko dahil sa gulat.

"Anak ng tinolang walang manok anong ginagawa mo jan walanghiya muntik na akong atakihin sa puso!" Singhal ko. "Oh ano, sasama ka?" tanong ko. Tumango lang siya. Hindi ko alam na nakalapit na pala sa pwesto namin si Renz.

"San kayo punta? Sama ako!" Sabi ni Renz. Sasagot na sana ako kaso sumabat si Kyle.

"Sa paglubog ng tae ko. Sama ka?" Sagot ni kyle. Binatukan ko naman siya bago humarap kay Renz.

"Sa birthday party." Sabi ko.

"Sino may birthday?" Tanong niya.

"Schoolmate natin." Sagot ko.

"Be more specific." Nagulat ako nang marinig ang boses ni Ice.

Ay tsismoso rin naman pala. Charot!

"Jane Cullen. Section 1. Pamangkin ni detective Cullen." Sagot ko. "Niyaya niya ako. Sabi niya isama ko kayo." Dagdag ko.

"Have you lost your mind? It's a student from section 1. Tapos pupunta ka at isasama mo sila?" tanong niya.

"Chill bro. It's a formal party. And andun yung family niya. So, I'm positive na walang mangyayaring eklabu sa pagitan ng 1 at 5." Sabi ko. "She's hoping the section 5 will be complete for her debut." I said.

"Kayo bahala." Sagot niya. May mga narinig akong mahihinang yes.

Yey!!!

(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

You are reading the story above: TeenFic.Net