π™²πš‘πšŠπš™πšπšŽπš› 𝟹𝟢

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

"Still, you didn't tell me that your classmates are boys only." Ani kuya LZ habang papasok kami sa bahay.

"Because I know that your reaction would be like that." Sagot ko at nagkamot ng ulo.

Yes! Finally! Aym home baby!

Lumipas ang Isang buwan at isang linggo um-okay ang pakiramdam ko. Muli na akong nakakalakad, nakakatayo, nakakatambling at nakakasapak este nakaka sulat pala hehe.

Sa loob ng Isang buwan at isang linggo araw-araw akong dinadalaw ng mga kumag. Hindi nila pinapalipas ang isang araw ng hindi nakakadalaw saakin. Palaging dinadala yung mga notes, pagkain, board games, lahat ginawa nila para lang hindi ako ma-board.

"Buti hindi ka naaasiwa sa mukha ng mga kaklase mo. Araw-araw nandun eh." Asar ni EZ.

"Mas naaasiwa ako sa mukha mo. Tsupi." Sabi ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Huwag kang sasabay sakin mamaya ah! Pumasok ka mag-isa mo! Panget!" Sigaw niya at tumakbo paakyat ng hagdan.

"Nye nye nye." Nagmake face lang ako at hindi na siya hinabol. Sayang energy mars.

"Papasok ka nanaman mamaya. Nako Cyan Jade Luhence Zia Montefalco sinasabi ko sayo." Banta ni Kuya.

"Hanggang kelan stay mo dito?" Tanong ni ate HZ.

"Next year. So mababantayan ko tong batang toh." Sagot ni kuya LZ. Umasim naman ang mukha ko.

"I'm not a kid! I'm 16 for goodness' sake!" Ani ko.

"Yes. That's why you're still a kid." Asar ni ate HZ. Napanguso naman ako matapos nila akong pagtulungan.

"Bala kayo jan." Sabi ko at umakyat. "Bihis lang ako!" Sigaw ko at pumasok sa kwarto.

"OMG Pikachu!!!!!" Excited na sabi ko at patalong dumamba sa kama ko at agad na pinaggigilan si Pikachu. Takte isang buwan ko din tong hindi nayakap! Ayaw kasi dalhin nila kuya baka daw makasagap ng germs hmp.

"I miss you baby mwah mwah mwah!" Tinadtad ko ng halik si Pikachu at niyakap ng pagkahigpit-higpit. Sa gigil ko ay kinagy kagay ko din yung buntot niya.

Grrr kakagigil!

"Hala gagi kuya! Si CJ nangangagat! May rabies na toh kuya!" Ksalukuyan kong kagat kagat ang buntot ni Pikachu nang bumukas ang pinto at nagsimulang sumigaw si EZ. Tiningnan ko siya ng masama bago tumayo.

"Ikaw ang kakagatin ko jan! Nagmo-moment kami ni Pikachu eh! Epal! Labas!" Singhal ko at nagakad palapit sakaniya. Dali dali naman siyang bumaba.

"Kuya! Si CJ na-ulol na!" Sigaw nito.

"G*go!" Sigaw ko sakaniya.

"Language young lady! Language!" Rinig kong sigaw ni kuya LZ mula sa ibaba.

Muli akong pumasok sa kwarto at dumiretso sa walk-in closet bago ko pa muling panggigilan si Pikachu.

Nagbihis ako ng uniform namin. This time with the blazer na. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napangiwi.

"Mukha akong g*go." Sabi ko sa sarili ko. Ayos yung damit. Ang nakapagpa-g*go lang talaga ay yung buhok kong walang direksyon ang gupit.

"I'm out of wig sh*t." BUlong ko nang makitang wala na akong wig. I walked back and forth, then napapitik ako sa hangin.

"Ate FZ!" Lumabas ako ng kwarto at agad hinanap si ate FZ.

"Hmm? What is it?" She asked. Ngumiti ako ng matamis.

"Paayos ng buhok hehe." Sabi ko.

"Nue bayan ayoko nga." Tumatawang sagot niya. "Upo dito dali." Sabi niya at pinaghila ako ng upuan. Ngumiwi siya nang makita yung wig ko.

"Awts plano ko pa naman i-braid. Ang ikli naman pala. Half pony nalang." Sabi niya at nagsimulang ayusin ang buhok ko.

After one million minutes minus nine thousand nine hundred ninety-five is equals to 5 minutes, natapos din ang pagpapasalon ko. Char.

"Yan." Nakangiting sabi ni ate FZ at ibinigay saakin yung salamin.

"Ang girly. Di bagay sakin." Nakangiwing saad ko.

"Sorry ka yan lang ang pwede jan sa buhok mo." Sabi ni ate FZ tsaka tumawa.

"Psh. Babye na nga." Sabi ko at kinuha ang susi kong nakapatong lang sa ibabaw ng parang table na nasa tabi lang ng hagdan.

"Ako na ang maghahatid saiyo." Sabi ni kuya LZ. Ngumuso lang ako at hinagis papunta sakaniya yung susi. Sinalo naman niya iyon at pina-ikot ikot pa sa kamay niya.

"Sigurado ka bang kaya mo na?' tanong ni kuya DZ nang makitang palabas na kami. Tumango ako.

"Opo. Ako pa." Sabi ko. Ngumiwi naman siya.

"Ganyang ganyan yung sinabi mo saakin noon. Tingnan mo tuloy kung saan ang bagsak mo. Sa ospital." Sabi niya. Tumawa naman si Kuya LZ.

"Di nga pramis keri ko na." Sabi ko at naunang lumabas.

"Bye Kuya!" Sigaw ko at pumasok sa passenger seat.

"Seatbelt?' Tanong ni kuya. Nag thumbs-up naman ako kaya pinaandar na niya yung kotse.

Naging tahimik at matiwasay ang buong byahe namin. Ni-park niya sa paking lot yung sasakyan ko bago kinuha ang bag ko mula sa likod at bumaba.

"Akin na." Pilit kong kinukuha yung bag ko pero tinataas lang niya.

"Ako na." Sabi niya kaya wala akong nagawa. Ang tangkad kasi psh.

Bakit kayo biniyayaan ng height tas ako hinde?! Ang unfair!

"How careless are you when driving?" tanong niya habang nilo-lock yung kotse. Taka akong tumingin sakaniya.

"No I'm not careless." I said. Tumaas naman ang kilay niya. "Maybe in racing. Pero imposibleng magasgasan yan ng hindi ko alam." Sabi ko at lumapit sa pintuan. Tinuro naman niya kung saan yung gasgas.

"Tch. Sadya yan jan. Hindi yan aksidente." Sabi ko. Naalala ko yung tatlong lalaking nan-trip ng kotse ko.

"Hayaan mo na yan." Sabi ko. Ewan ko kung may topak si kuya o kung ano ang nakain niya. Akbayan daw ba kasi ako. "Ang bigat ng braso mo." Nakangiwing saad ko. Tumawa lang siya at hindi sumagot.

Pagpasok namin sa campus umusbong ang bulong-bulongan sa paligid. May mga nakita akong section 4 na masama ang tingin saakin. At dahil bilang ako si CJ, sinamaan ko din sila ng tingin.

Di ako papatalo noh.

"Stop that." Bulong ni kuya kaya napilitan akong mag-iwas ng tingin. Napatingin ako sa kamay niya at kinuha iyon.

"Since when did you have a tattoo?" I asked. Agad niya itong binawi.

"Recently lang yan." Sabi niya.

"What's the meaning behind it?" Tanong ko.

"It's just a rose. Now, stop asking about it." Sabi niya at umiwas ng tingin. Naningkit ang mata ko.

"Okay." Sabi ko nalang. But no. I don't believe him. It's just a rose? What a lame excuse.

"Sino kaya yun? Ang lakas maka-intimidate."

"Oo nga. Pero ang gwapo shems."

"Shala ang hot omyghad."

"Look at those muscle. I wonder, may pandesal kaya siya?"

Umasim ang mukha ko at bahagyang siniko si kuya.

"Wag ka na dito. PInagpapantasyahan ka na ng girls." Bulong ko. Tumawa lang siya na halos ikamatay na nung mga babae. Pati yung may mga jowa. And ending tuloy, yung mga lalaki ang sama ng tingin kay kuya.

"This is your building?" Tanong ni kuya. Tumango lang ako. Parang nag-aalangan siya. "Mas papasa pa tong haunted building." Sabi niya.

Hey those are my exact same words!

"Taralets na kuya." Sabi ko at umakyat. Nakasunod lang siya saakin. Pagdating namin ng 4th floor, himala tahimik yung room namin. Hala baka umalis sila or hindi pumasok? Hindi ko kasi sinabi sakanila na makakalabas na ako ngayon ng hospital. Sumilip ako kaso sarado ang bintana. Pati na rin ang pinto.

"Grabe naman ang dilim dito. What if may bagyo at madilim ang langit?" Komento ni kuya. Nagkibit balikat lang ako at binuksan ang pinto.

"WELCOME BACK CJ!" Nagulat ako nang sabay sabay silang sumigaw at may kasama pang confetti.

"Ate!!!" Patakbong yumakap saakin si Renz. Agad naman siyang humiwalay ng tumikhim si kuya.

"Yow welcome back pandak!" Asar ni Kyle. Sinamaan ko siya ng tingin at inambaan ng batok.

"Anak ka ng tinola di nga ako pandak punyemas toh. Kasalanan ko bang mas nabiyayaan ka ng height kesa saken?" Singhal ko at akmang hahampasin siya. Tinapik ako ni kuya at sinenyas na lalabas muna siya kasama si Sir. Ibibigay kasi yung excuse letter ko at medical certificate.

"Parang may nagbago ata sayo." Puna ni Riu. Ngumiwi naman ako.

"Malamang. Nawala na yung mga pasa at sugat ko eh." Ani ko.

"Hindi. May iba pa." Pagpipilit niya. Sumang-ayon naman ang ibang kumag.

"Kulang ka lang sa tulog kaya kung ako sayo, dumukdok ka na dun sa upuan mo at matulog." Sabi ko bago naglakad palapit sa upuan ko. "In fairness ah na-miss kong umupo dito sa trono ko." Sabi ko at pinagmasdan yung upuan na may kulay pulang pintura at may bakas pa ng tela.

Sabay sabay kaming napatingin sa labas nang marinig namin ang speaker na nag feedback.

"Attention students of Stanforx Academy, please proceed to the auditorium for an announcement. I repeat, please proceed to the auditorium for an announcement. Thank you!" Sabi nito at muling nag feedback yung speaker.

"Anong meron?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang sila.

"Tara na." Biglang sulpot ni Ice galing sa kung saan at hinila ako patayo.

Nawalan ako ng balanse at matutumba sana kung hindi lang ako hinila ulit ni Ice at isinubsob sa dibdib niya.

"Tss. Ang lampa mo." Ani Ice. Hinampas ko naman siya dahil dun.

"Bigla-bigla kang nanghihila malamang mao-off balance yung tao. Bob* lang?' Sarcastic na saad ko. Inirapan lang niya ako at hinila.

"Hindi kailangan manghila!" Sabi ko at pilit nagpupumiglas.

"Pag hindi ka tumigil bubuhatin kita." Banta niya kaya automatic na tumigil ako at nagpahila nalang sakaniya.

"Aalis na ako. Mag-iingat ka ha. I-text mo ako pag pauwi ka na." Sabi ni kuya. Tumango lang ako kaya hinila na ulit ako ni yelo.

Ang hirap humabol sakaniya! Ang lalaki ng hakbang niya samantalang ako eto pilit rin nilalakihan ang hakbang.

Baka naman ano. Hindi mahaba ang binti ko f.y.i.

At ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Section 5 stop running!" Sigaw ng isang teacher pero dahil likas na kumag ang mga lalaking ito, hindi nila pinansin at mas binilisan pa ang takbo.

Gag* nahihila ako punyet*.

"Anak ng tipaklong hoy bitaw!" Sabi ko kay Ice. Nagulat ako ng tawanan niya ako.

Holy mother of sweet monkey milk oh my fvcking god.

"Huy. Tulala ka jan?" Nabalik ako sa reyalidad nang tapikin ako ni Luis. Pagtingin ko ansa auditorium na pala kami.

"May masakit ba sayo?" Tanong ni Clover. Hinanap ng mata ko si Ice.

"Asan si Ice?" Tanong ko. Agad naman silang ngumiti ng nakaka-echos.

"Yieeee ngayon si Ice ang hinahanap yieee." At nagsimula nanaman po sila.

"Che! Tumigil nga kayo." Sabi ko at sumunod sa iba na umakyat na. Nasa pinakadulo kasi ang upuan ng section 5. Malayo sa mga higher section.

Expected naman na yun lalo na kung isang bruha na nagngangalang Astrid ang nagre-reyna reynahan dito.

"Good morning students and teachers." Pagsisimula ng principal namin. Agad naman tumahimik ang lahat. "Si hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. I know everyone knows what event is coming this week." Sabi niya.

"Stanforx Academy's 25th Anniversary!" Sabay sabay na sigaw ng students.

"That's right. Now nagdaos ang board ng meeting together with your homeroom teachers and other staffs, at napagdesisyunan na ang sports day natin ay magiging sportsfest as a celebration for the 25th anniversary of Stanforx!" Masayang saad nito. Lahat naman ng students ay napahiyaw sa tuwa, except sakin na naguguluhan.

"Ano yung sports fest?" Tanong ko kay Clover.

"Parang Intrams or Festival Day sa iba. May booths, sports, foods." Sabi ni Clover.

"Booths plus Sports plus foods equals fun!" Masayang sabi ni Renz.

Natawa naman ako sakaniya. Pero natigil nang marinig ko ang sinabi ni Ice na nasa likod ko lang pala.

"We're not going." Sabi niya. Sabay sabay kaming tumingin sakaniya. Nagtataka.

"But why?" I asked. Tumingin siya saakin bago muling ibinalik ang tingin sa harap.

"Dahil paniguradong ipapahiya lang nila tayo." Sabi niya. Narinig ko naman ang mahinang pagrereklamo ng iba. Sumasang-ayon sa sinabi niya.

"Paanong ipapahiya?" Tanong ko kay Clover.

"Simple lang. Pagdating kasi sa mga events, may kanya-kanyang toka yan. May mga gagawa ng booths, organizer, magde-design ng school, and syempre, ang cleaners." Sabi niya. Mukhang alam ko na toh.

"Tapos tayo ang cleaners?" Tanong ko. Tumango lang siya.

"Every year nagdadaos ng sports day and school. Ang sports day isang araw lang ang itinatagal. Section 5 ang lagging cleaners. Kaya nung si Ice ang naging president ng section 5, hindi na kami nakapunta pa ulit. Ipinagbawal na niya. Gusto naming um-attend, pero kapalit nung magiging cleaners ang Section 5." Paliwanag niya.

"Bakit hindi nalang yung iba? I mean Salit-salitan kung baga." Tanong ko. Natawa lang siya ng mahina.

"Tinatanong pa ba yan?" Tanong niya pabalik. Nag-ahh nalang ako.

Siyempre kasi di papayag ang bruhang Astrid.

"Ice..." Pagtawag ko. Hindi pa man ako nakakpaagsalita ay sumagot na siya.

"No." Matigas na sagot niya. Ngumiwi ako. Nu-uh hindi ako susuko.

"Ice please? Hindi pa ako nakakapunta sa ganito. Please?" Pangungulit ko. "Tsaka gusto rin ng iba nating classmates. Sige na attend tayo please?"

"No." yowo ang tigas nang pagkaka-no niya.

Tsk tsk tsk. Pinahihirapan mo lang ang sarili mo Ice. Baka makulit ako noh.

"Hoy yelong kumag papayag o papayag?" sabi ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa nila.

"Wala sa pagpipilian." Sagot niya.

"Pumayag ka na kase." Pangungulit ko.

"No."

"Dali na!"

"No."

"Yes!"

"No. No. No."

Hoooo pautang ina pigilan niyo ko itatapon ko toh sa apoy.

"Oh come on! Don't be a KJ!" Sabi ko.

"I said no. And that's final. Sa iba nalang tayo pumunta kesa mapahiya tayo dito." Sabi niya. Nagsimula namang magbulong-bulongan ang mga kaklase ko.

"Mag-stay sa bahay o um-attend ng sports fest ulit?" Sabi ko naman.

"Look, I'd rather stay in my house than do the chores they wanted us to do." He said.

"No. You're not going to make the decision for them, for us. Let them decide." I said and looked at the boys.

"Kuya..." Narinig kong sabi ni Renz. Hinihila niya ng mahina yung polo ni Ice. "Attend tayo? Please sayang naman oh 1 week yung sports fest. Minsan lang toh." Sabi niya.

"Oo nga Ice. Minsan lang naman eh."
"Pumayag ka na pre."
"Dali na Ice kahit ngayon lang."

"Fine." Pagsuko niya. Sabay sabay kaming napa-yes at nalimutang andito pa pala kami sa auditorium. Lahat tuloy ng tao napatingin saamin.

"Is that your answer?" tanong ng principal. Nagkatinginan kami sa isa't isa.

'What's the question, maam?" Nahihiya kong tanong at siniko si Clover. Tawanan daw ba kasi ako parang hindi naki-yes kanina hmp.

"Gagawin niyo ba yung task or hindi nanaman kayo sisipot? Para naman mapaghandaan namin." Mataray na tanong ni Astrid. Nakatayo siya sa harap at nakatayo sa tabi ng principal. May hawak din siyang parang checklist.

Sabay sabay kaming tumingin kay Ice nang bumuntong hininga siya.

"Yeah fine we'll come. Section 5, cleaners." Sabi niya. Nagtawanan ang mga students pero la kaming pake.

Yeah, baby we're going to the sports fest yay!

(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

You are reading the story above: TeenFic.Net