π™²πš‘πšŠπš™πšπšŽπš› 𝟸𝟾

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

"Tumayo ka." Utos saakin nung babae.

"Just tell me what you want. I'm not in the mood right now." I said nang makita ang yellow necktie nila na ibig sabihin taga section 4 sila.

"Itayo niyo yan." Saad nung babae nang makitang wala akong balak kumilos. Agad nagtungo yung dalawa pang lalaki sa magkabilang gilid ko at sapilitan akong itinayo. Hinawakan din nila ang braso ko ng napaka higpit.

"Para toh sa pananakit mo kay Finley." She said before giving me a hard punch in the stomach.

Anak ng tokinawa masakit pa nga yung sa labi ko, dadagdagan pa.

I didn't show any emotion na lalong nakapag pagalit sakaniya na dahilan para bigyan niya ako muli ng suntok sa tiyan. Hindi pa siya nakunteto at tinadyakan pa muli ang tiyan ko kaya napaluhod ako.

Tangmother ka ateng. Pasalamat ka wala akong lakas ngayon kaya hindi kita masasapok ng matindi.

Hinila niya ang buhok ko at pinatingala sakaniya.

"Look who's tough. Still no emotion? Tingnan natin kung hindi ka masaktan sa gagawin ko." Sabi nung lalaki na nagsara nung pintuan. Nilabas niya sa bulsa niya ang isang black 2 fingers brass knuckles. Sinenyasan niya yung dalawang lalaki na itayo ulit ako.

Muli niya akong sinuntok sa tiyan gamit yung knuckles. My body curled. Shems ang hapdi!

I chuckled na nakapag pakunot ng noo niya.

"You punch like a girl." I said while smirking before spitting the blood from my mouth. He scoffed. Tumalikod siya pero agad ding humarap at binigyan ako ng suntok sa mukha. Pumaling sa kabila ang mukha ko dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya. Nararamdaman ko ang pagdudugo nang gilid ng kaliwang mata ko.

"Tapos na kayo?" nanghihinang saad ko. I smirked again.

"Kung sa tingin niyo matatakot ako sainyo, think again. 'Cause for me? You are a bunch of cowards. 4 vs 1? Tapos hindi ako makalaban? Hindi kayo patas. Ang gumagawa lang nun ay yung mga duwag." I said. The guy gripped my jaw.

"Hindi pa ito ang huling pagkikita namin. Sa susunod, sisiguraduhin naming hindi ka na makakapag salita." He said. Bago pabatong binitawan ang mukha ko Binigyan niya ako ng tadyak na tumama sa gitnang bahagi ng dibdib ko. Kasabay ng pagtadyak niya ang pagbitaw saakin nung dalawang lalaki kaya ending tumumba ako. At ang mas masaklap pa, tumama yung likod ko dun sa kanto nung armchair.

Shutanggala yung spine ko.

Hinila ulit nung babae yung buhok ko at hinarap sakaniya.

"Babalikan ka namin." She said before slapping me hard. Tumumba ulit ako. Sinipa ako nung dalawang lalaki na nakahawak sakin sa tiyan.

Shuta kayo ano bang meron sa tiyan ko at yun nang yun ang pinupuntirya niyo?!

Nagtungo yung babae dun sa teacher's table na parang may hinahanap. Nakita kong dinampot niya yung gunting dun bago lumapit uli saakin. Mukhang alam ko na ang binabalak nitong bruhang toh.

At hindi nga ako nagkamali dahil hinila niya muli ang buhok ko at ginupit. Kung ano anong gupit ang ginawa niya kaya for sure pangit ang kalalabasan nito.

Sarap kalbuhin neto peste.

Binulungan siya nung kasama niyang mga lalaki bago tumawa. Ngumisi naman siya bago bitawan ang buhok ko. Hinila niya ang collar ng long sleeves ko. Sinubukan kong pigilan ang kamay niya pero dala na din ng pang hihina ay hindi ko mahawakan ang kamay niya.

Nagtagumpay siya sa plano niyang gupitin yung botones ng blouse ko. Buti na lamang naka sando ako sa loob. Plano niya pa sana galawin yung sando ko nang magsalita yung lalaking nasa pintuan.

"Pa-akyat na sila. Tara na." He said.

"Till we meet again." She said before punching me again. Mabilis silang lumabas at tumakbo. Napadapa na lamang ako dahil sa kirot ng sikmura ko. Ikaw ba naman tadyakan, sipain, suntukin ng maka ilang ulit sikmura mo tingnan natin kung di ka talaga masaktan.

Narinig ko yung boses ng mga kaklase ko. Gumapang ako palapit sa desk ko para sana tumayo nang marinig ko ang boses ni Kyle na papasok ng room.

"Sana ayos lang--CJ?" He said. Binalik ko sa sahig yung kamay ko.

"CJ, anong ginagawa mo jan? Malamig yung sahig. Tumayo ka jan."I heard Sir kylo said.

"CJ anong trip yan? Pangarap mo bang maging basahan?" I heard Riu asked.

"T-trip k-ko m-mag p-planking e-eh b-bat b-ba. W-walang b-basagan n-ng t-trip." Nahihirapang saad ko. Shutek ang hirap huminga sa totoo lang.

"Tayo." Rinig kong saad ni Ice. I mentally rolled my eyes since di ako maka-irap dahil ang sakit din ng mukha ko.

"I-ikaw g-gumawa i-ikaw m-may g-gusto e-eh. B-basta a-ako m-mag p-paplanking l-lang d-dito." Saad ko.

"Tch." Rinig ko saad niya bago naglakad palapit saakin. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at tinayo. Bago niya pa makita ang mukha ko ay mabilis ko itong isinubsob sa katawan niya. Nagulat naman siya.

"Layo." He said. Umiling lang ako. "Pagbilang ko ng 3 at hindi ka lumayo hindi mo magugustuhan ang mangyayari. Isa." He added. Itinaas ko ang daliri ko para senyasan na tumigil siya.

"L-lalayo a-ako. w-walang t-titingin." I said. Huminga ako ng malalim bago lumayo at mabilis na tumalikod. nahihirapan man ay inabot ko yung loob ng bag ko at kinuha yung face mask ko dun.

"Bakit bukas yang polo mo?" Dev asked. I looked at it and mentally cursed. Pakshet nawala sa isip ko yung polo ko!

"M-mainit e-eh. D-diba n-nga n-nag p-planking a-ako. T-tas n-nasira yung butones. A-ayos l-lang a-ako h-hehe." Sabi ko. Sinara ko yung polo ko at nilagyan nalang ng pardible sa gitna. Bale bukas yung dun sa taas bandang baba.

"M-may k-kunin l-lang a-ako s-sa b-baba." Ani ko. Kasabay ng paghakbang ko ang pagdilim ng paningin ko.

"CJ--Woy CJ!" Rinig kong sigaw nila. Yun nalang ang naalala ko ng tuluyan na akong mapapikit.

And the next thing I knew, nakahiga ako sa malambot na kama. nakakarinig din ako ng boses na nag-uusap. Madami, magulo. Lalong sumasakit ulo ko jusmiyo.

"Ingay." Ani ko. Tumigil naman yung mga boses. Dinilat ko ang mga mata ko at ang unang sumalubong saakin ay ang liwanag na nanggagaling dun sa ilaw.

Pagtingin ko sa harapan ko unang sumalubong saakin ang galit na mukha ni Kuya DZ at Kuya BZ. Nasa gilid naman nila ang iba ko pang pinsan. Iba't-ibang emosyon ang mababasa sa mga mukha nila. gaya ni Ikay na nag-aalala, si EZ na nakangiti pero hindi abot sa mata niya. Si KZ, hindi kasali yan. Emotionless eh. Si ate HZ at FZ na naiiyak na natutuwa na ewan. Pagtingin ko naman sa gilid ay nakita ko si Sir Kylo.

Akala ko sila lang pero bumukas ang pinto at isa-isang pumasok ang mga kaklase ko. Buti na lamang at malaki ang room kaya kasya kaming lahat.

"Mabuti naman at gumising ka na. Alalang-alala ang mga pinsan mo sayo." Sir Kylo said. Tumingin ako kela kuya DZ at Kuya BZ na hindi umiimik.

"Kuya--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sabay silang naglakad patungo sa magkabilag gilid ko at pinitik ang noo ko.

"Akala ko ba kaya mo ang sarili mo ha? Yan ba ang kaya sarili? Tingnan mo nga yung sarili mo. You're a mess!" Sermon ni Kuya BZ.

"Halos hindi ka makilala CJ. Nagkalat yung dugo sa katawan mo nung sinugod ka dito. Sabi mo kayang kaya mo. Hinayaan kita kasi may tiwala ako na kaya mo. Kaso malalaman ko ganto mangyayari sayo?" Sabi naman ni Kuya DZ.

"At hindi mo din sinabing puro lalaki lang ang kaklase mo!" He said. Ngumiwi naman ako.

"Ngi eh nagpunta na sila sa bahay ah. Imposible naman na hindi mo pa din alam?" Sagot ko nanaman kaya nakatanggap nanaman ako ng pitik sa noo.

"Sasagot pa eh. Ang akala ko kasi kasama mo yung mga babae mong kaklase." Sabi niya. Nagkamot ulo nalang ako.

"Hindi na pwede toh Cyan Jade. Napapadalas na tong mga pangyayari na toh. Pinauwi na namin siya." Sabi ni kuya BZ. Nanlaki ang mata ko.

"H-ha?! A-anong pauwi na?! Sinabi niyo?! Bakit?! Ano ba yan ihhhh." Ani ko. Mukha akong batang hindi napagbigyan sa gusto pero alaws akong pake.

"Bakit niyo pinauwiiiiiiii. Wala na sira na plano ko huhu." Naiiyak na saad ko. Nakita ko namang ngumiwi ang mga pinsan ko samantalang yung mga kaklase ko natawa.

"Sigurado ba kayong ayos lang ulo neto?" Tanong ni kuya DZ. Tiningnan ko siya ng seryoso.

"Ayos lang ulo ko. Ulo nung mga impakto at impaktang gumawa saken nito ang kamustahin niyo sa future." Mahinang saad ko pero narinig parin nilang dalawa kaya pinitik nanaman nila ako sa noo.

"Aray! Anak ng tokwa nakaka 3 na kayo ihhhhh." Sabi ko habang hinihimas yung noo ko.

"MAdadagdagan pa 'yan pag dumating na yung isa dito." Sabi ni KZ. Nag make face lang ako sakanya at inirapan lang niya ako. Syempre di ako papatalo inirapan ko din. baka CJ toh.

"Planking pala ah." Rinig kong bulong ni Riu. Sinamaan ko siya ng tingin pero dahil malakas ang sapak ng mga kaklase ko sa utak, aba sinamaan din ako ng tingin.

"Panget niyo mukha kayong impakto." Ani ko sabay irap. At dahil ang may pinaka malakas na sapak sa utak ay si Kyle, inirapan din ako.

Tuhugin ko yang mata mo diyan eh. bakla!

"Ikay oh!!!" Parang batang sumbong ko. Tinaasan lang niya ako ng kilay. Ano baaaaa. Bat ang taray ng mga tao dito. Buti pa si sir Kylo nakangiti lang hmp. Di ko kayo bati mga panget!

"Kelan daw ako makakalabas?" I asked dahil mukhang walang planong magpatalo tong mga tao dito sa patarayan hmp.

"After 1 month." Sagot ni EZ. Nanlaki ang mata ko.

"OA niyo jusko. 1 buwan ako dito? Nabaril ba ako? Nahulog ba ako sa bangin? Grabe naman kayo sa 1 buwan." Nakangiwing sabi ko.

"For your information muntik ka ng mabalian ng buto sa ribs!" Sabay sabay na sigaw ng mga pinsan ko.

"Talaga?" Naisagot ko nalang.

"Ano ba kasing ginawa mo at humantong ka diyan?" Tanong ni Ate HZ.

"Lah Ate inosente kaya ako." Sabi ko pero tinaasan lang niya ako ng kilay. Sasagot sana ako ng makarinig kami ng pagtunog ng phone. kanya kanya kaming kuha ng phone para tingnan kung kanino yun.

"Mine." Sabi ko. It was a text message.

From: +63995*******

See you and your cousins soon! - muerte

"The game is on." I whispered.

"CJ, ayos ka lang? May masakit ba sayo?" Kuya BZ asked. Umiling lang ako.

"Mamu-murder mo na yang phone mo. Sure ka bang wala kang nararamdaman?" Sabi ni Kuya DZ. Umiling lang ulit ako.

"I'll call Tita Laura. I'll teel them what happened." Sabi ni KZ. Agad ko siyang pinigilan.

"Na-uh. No. bad idea." I said habang umiiling. "Baka mapano si Lolo pag nalaman niya toh. So no. Walang magsasabi sakanila." I said. Biglang kumirot yung gilid ng mata ko kaya napangiwi ako.

Biglang nag ring yung phone ni Ikay. Agad niya itong sinagot.

"Hello Tito? Yes po. Opo. andito po. Sige po I'll pass it to her." Ani Ikay at inabot sakin yung phone.

"It's Tito Jadeon." She said. Inabot ko yung phone.

"Hello--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang sumigaw yung nasa kabilang linya.

"God Cyan Jade Luhence Zia Montefalco! What we're you thinking?!" He shouted. Buti nalang at agad kong nilayo sa tenga ko yung phone. Makasigaw wagas jusko.

"Aishhhh appaneun soli chiji maseyo! nan gwimeogeoliga nan!" ("Aishhhh Dad don't shout! I'm not deaf ahhhh!") I said in korean.

"jug-eum-ui sowon-i issseubnikka?! neo jasin-e daehae eotteohge saeng-gaghani?! seuteonteu umeon?! dangsin-eun dangsin-ui saengmyeong-eul wiheom-e ppatteuligo issseubnida Cyan Jade!" ("Do you have any death wish?! What do you think of yourself?! A stuntwoman?! You're putting your life in danger Cyan Jade!") Sermon niya pa.

"Bat kasi tinawagan niy pa ih." I mouthed them habang nakangiwi. Halata naman sakanila ang pagpipigil ng tawa.

"ya al-a. hajiman nan jugji anh-ass-euni geuleohge hal pil-yoga eobs-eunikka, eum, hwana?" ("yah I know. But I'm not dead you know so you don't have to be so, uhm, mad?" ) Patanong na saad ko. I heard him sighed.

"geulaedo da-eum-e josimhaeyahabnida. deo isang jasin-eul dachigehaji masibsio. animyeon geogi gal geyo." ("Still, you should be careful next time. Don't get yourself hurt anymore. or else I'll go there.") He warned me.

"psh. geuleohge hal pil-yoga eobsseubnida. I have BZ hyung and DZ hyung with me." I said. I heard a voice on the other line bukod kay Dad.

"Ugh I really need money right now!" It said. I rolled my eyes because of irritation.

"And I can hear a witch's voice." Ani ko.

"What the, who's that?! How dare them call me a witch?!" Ani nito. Naka loud speak ata si Dad eh.

"Stop it. Don't say something like that. She's your--" I didn't let appa finish what's he going to say.

"Nope. Na-uh no she's not. She will never be." Mapait na saad ko.

"Anyways, I gotta go. I have things to do. Yes, don't worry I will be careful. Bye." I said at pinatay ang linya.

"Tch. I still hate that witch's voice." I whispered.

"So?" Ani Ikay. Taka naman akong tumingin sakanila.

"so what?" I asked.

"How is it with your appa?" She said while snapping her finger.

"Not good. I heard a witch's voice." Sabi ko at umiling iling pa. Natahimik ang lahat sagit. Wala ulit gustong magsalita. Hanggang sa nagpaalam na si Dev na kailangan na daw niayng umuwi.

"CJ, uwi na kami ah. Hinahanap na kasi ni Tita etong si insan. Una na kami." He said.

"Sabay na kami." They all said. Tumango lang ako. Tumayo na sila at naglakad palapit sa pinto ng mapansing hindi tumatayo si Renz sa kinauupuan niya.

"Renz? Huy tara na. Baka hinahanap ka na ng nanay mo." Kyle said. Umiling lang siya.

"Hindi. Dito lang ako. Babantayan ko si Ate. Baka mapano ulit siya." He said. Napangiti nalang ako. Kahit ba minsan eh loko-loko itong batang toh, grabe mag-aalala.

"Sige na Renz. Ayos lang ako. Ako lang toh oh si CJ. Uwi na baka imbis na gumaling ay lalong madagdagan ang mga sugat ko pag nagalit ang nanay mo." Biro ko pa. Bumuntong hininga siya bago tumayo. Dere-deretso lang siya palabas. Nagkatinginan kaming lahat.

"Lagot ka CJ. Pag umiyak yun lagot ka." Pananakot pa ni Kyle. Kinuha ko ang unan na nasa tabi ko at iniamba sakaniya.

"Lumayas ka na nga dito naiirita ako sa pagmumukha mo. Panget!" Ani ko habang nakatingin ng masama sakaniya. Umarte naman siya na parang nasaktan sa sinabi ko dahil may pahawak hawak pa sa dibdib niya.

"Grabe ka naman mars. Trash talk lang? Jusko kalerki. Sa ganda kong toh sasabihan mo ko ng panget? Mars, tao ako. Hindi salamin." Sabi niya sabay flip ng imaginary hair niya. Inirapan ko lang siya.

"Hindi masamang mangarap. Ang masama, pilit mong ginagawa kahit imposible." Ani ko. nag act ulit na nag flip hair si Kyle bago tumalikod.

"Hmp. basta, maganda ako. Let's go boys." Sabi niya at rumampa pa talaga palabas.

"Sige rampa at nang wala nang magka gusto sayo!" Sigaw ko. Nagtawanan naman ang lahat dahil bumalik si Kyle at binigyan ako ng isang malutong na pakyu. Sasagutin ko sana kaso nasa magkabilang gilid ko si Kuya BZ at Kuya DZ. Baka mapektusan pa ako ng wala sa oras.

"Sige CJ. Mauna na din ako. Pagaling ka ha." Sabi din ni Sir Kylo. Tumango ako at nagpaalam.

"Kelan daw uuwi?" Tanong ko sakanila.

"Next week." Sagot ni kuya DZ. Bumuntong hininga ako at sumandal.

"Seryoso ba kayo sa 1 buwan? Hindi ko kayang magtagal dito alam niyo yan." Sabi ko. Nagkatinginan sila.

"Alam namin. Kung nag-ingat ka lang sana, edi wala ka dito ngayon." Sabi ni Ate HZ. Nagring ang cellphone ng lahat maliban saakin. Isa isa nila itong tiningnan bago nagkatinginan.

"What?" I asked kasi kakaiba ang tingin nila sa isa't isa.

"It's nothing." Sabi ni Kuya BZ at ibinulsa ang phone niya. Ganun din ang ginawa ng iba. Tinaasan ko sila ng kilay.

Nilahad ko ang palad ko. Pero wala ni isa sakanila ang kumilos. Tumangoa ko.

"Okay. Matutulog an ako. Pwede niyo na akong iwan." Humiga na ako at nagtalukbong.

"It's from Muerte." Sabi ni KZ. Dahan dahan akong bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Iniabot din niya ang phone niya sakin.

"Wala na sila Mom and Dad punta ka na dito? What the hell KZ niloloko mo ba ako?" Basa ko at takang tumingin kay KZ. Nanlaki naman ang mata niya at mabilis na hinablot ang phone niya.

"Hoy ano yan..." Asar ni EZ sakaniya. Sinamaan lang niya ito ng tingin at ibinalik saakin ang phone niya.

"A skull? Wow. Creative." I said. It's from an unknown number. Skull sticker lang naman ang sinend niya. And I'm 100% sure it's from the same number I received last night.

"Don't make any move. I'll find this person as soon as I can." I said.

"Nilalapit mo ang sarili mo sa kapahamakan. Let your dad handle this." Sabi ni kuya DZ. Agad akong umiling.

"No. He have suffered enough because of me. And because of that b*tch. So, no. I will handle this since I'm the one who this person needs. I said. Wala namang nagawa si kuya kundi ang bumuntong hininga lang.

"Oh. He said na-move ang flight niya. We'll be expecting him this week." Sabi ni kuya BZ habang nakatingin sa phone niya. Napahilamos nalang ako ng mukha.

"Bakit ang aga?" Tanong ko.

"Yung tanong mo parang ayaw mo nang pauwiin dito ah." Nang-aasar na sabi ni EZ. Nag make face lang ako sakaniya.

"Magpahinga ka na. Baka bukas o sa susunod na araw dumating yun, paniguradong sermon all day long ang matatanggap mo dun." Sabi naman ni Ate FZ.

"Yeah. Thanks for reminding me." Nakangiwing sagot ko at muling humiga.

"You're welcome." Sabi ni Ate FZ at umupo na sa sofa.

(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

You are reading the story above: TeenFic.Net