π™²πš‘πšŠπš™πšπšŽπš› 𝟸𝟹

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

Kanina nang mag-uwian, dumiretso agad ako dito sa cafΓ©. The smell of the coffee beans and freshly baked cakes calms me. Weird? No. Not for me.

"Hey. You okay?" Tanong ni Ate Cams nang makita niyang tulala ako. Ngumiti naman ako at tumango.

Sa totoo lang, hindi. Obvious ba? Char. Eh kasi naman. Akala ko magiging okay na yung araw ko. Ang saya ko na kanina eh. Kaso totoo nga. Basta naging masaya ka, asahan mong may kapalit iyon.

"Sabi ni Madame Cat dumeretso ka na daw dun sa bar. Keri naman an daw yung resto." Sabi ni Ate Cams. Tiningnan ko yung oras. Mag- 8:00 na pala. Nakuuuuu kung kailangan lang ako sa resto baka masermunan ako neto.

Tumango nalang ako at nagpalit ng damit bago pumunta sa bar.

Pero pagdating ko, nagsasarado na si kuya Bryle.

"Oh kuya Bryle, anyare?" Tanong ko.

"Nakiusap yung jan sa tapat kung pwede wag daw muna maingay. May ganap ata sakanila." Sabi ni kuya Bryle. Tumango nalang ako.

"Sige na umuwi ka na. Gabi an baka mapaano ka diyaan sa daan. Mag-iingat ka ha." Sabi ni Kuya Bryle. Tumango ako at bumalik sa cafΓ© para magbihis.

Saktong pagsakay ko ng sasakyan ay tumawag si kuya BZ.

"Hello?"

"CJ, may bisita ka. Umuwi ka na." sabi ni kuya BZ sa kabilang linya.

"Opo kuya pauwi na po." Sabi ko at ibinaba ang tawag. Agad kong pinaandar ang kotse ko at umuwi.

Pagdating sa bahay nakita kong nakatayo sa gate si KZ na masama ang tingin saakin.

"Ikaw pag nadisgrasya ka talaga sa takbo ng sasakyan mo, tatamaan ka talaga saken." banta niya.

"Edi tamaan." sagot ko nalang at pumasok sa bahay.

"Kuya andito na ako!" Sabi ko. Nakita ko si Kuya na nakaupo sa sofa at halatang naiinip na sa paghihintay sakin. Kasunod kong pumasok sina KZ.

"May bisita ka." Sabi naman ni kuya DZ. Tumingin ako sa sofa at agad na umasim ang mukha ko.

"Anong ginagawa ng mga yan dito?" Tanong ko sabay turo kanila Astrid na maarteng nakaupo at halatang nagpapa-cute.

"May group research kami sa sci." Sabi ni KZ. Inirapan ko lang si Astrid at agad lumapit kay kuya BZ at humalik sa pisngi niya. Gawain ko yun wag kayong ano jan.

Nakita ko ang pag-irap ni Astrid na hindi ko na pinansin.

Lumapit ako sa ref upang maghanap ng makakain.

"Tch. Bagal kumilos." Rinig kong sabi ng kung sino. Sinara ko ang ref at lumingon sa mesa at naubo ako ng makitang kumpleto ang Section 5 dito sa bahay.

Teka nga anong ginagawa nila dito ng ganitong oras?! At paano nila nalaman ang bahay na toh?!

Bonak ka ba? Diba nagpunta sila Ice dito dzuhh.

"Uy CJ! Ano ba sabi ko sayo dahan dahan lang eh." Nag-aalalang sabi ni kuya BZ. Tinapik tapik niya ang likod ko.

"A-anong ginagawa niyo dito?!" Gulat na tanong ko. Nakita ko ding nakikiusiyoso yung section 1 at halata din ang gulat sa mukha nila.

"Ano bang pinagkakaguluhan niyo jan-- anong ginagawa ng mga yan dito?!" Galit na sabi ni KZ.

Bat parang dΓ©jΓ  vu ata.

"What the, di ka nakikinig kanina noh?" Saad ni Timothy.

"Ha? Saan?" Tanong ko.

"Ay wala bangag talaga si CJ."

"Huli pero di kulong!"

"Nako po si CJ natagpuang hindi nakikinig."

Kaniya kaniya silang kumento.

"Punyemas sagutin niyo nalang yung tanong ko parang mga g*go eh." Inis na saad ko. Bigla namang pinitik ni kuya BZ yung labi ko.

"Isa pang mura mo paiinumin kita ng holy water." Banta niya. Napangiwi nalang ako.

"Mukhang may papatigil sa pagtatrabaho ah. Nako pows di nakikinig haist." Sabat naman ni EZ na papasok ng kusina. Dali dali kong hinubad ang tsinelas ko at binato siya.

"Manahimik kang payaso ka baka ipalunok ko sayo yung game console mo." Inis na saad ko. Binelatan lang niya ako.

"Ano nga?!" Tanong ko. Si Renz ang sumagot.

"May group research tayo sa Science ate." Sagot niya. Napansin ko naman na ang dumi ng mukha niya.

Kumuha ako ng malinis na bimpo sa cabinet sa baba ng lababo at binasa ito. Piniga ko ito at lumapit kay Renz.

"Saan ka ba nagsu-suot at ganiyan ka dumi yang mukha mo." Sabi ko. Nakita kong yung iba ganun din.

"Or mali yung tanong ko. Saan ba KAYO nagsu-suot at ganiyan ka dumi yang mga mukha NIYO?" Tanong ko. Kaniya kaniya naman silang iwas ng tingin.

"Inakyat kasi namin yung bakod--" Agad tinakpan ni Kyle ang bibig ni Renz.

"Ano?! Umakyat kayo ng bakod?! Anak ng tinola bakit?! May gate naman ah. Hindi naman kayo pinagbabawalang pumunta dito pero sana naman huwag niyong akyatin yung bakod! Paano kung nadisgrasya kayo? Ha?" Gulat na tanong ko habang pinupunasan ang mukha ni Renz. Itong batang toh hindi pa pwede bumukod. Jusko kailangan pa ng mag-aalaga neto.

"Eh ayaw kasi kami papasukin ng isa diyan. Di ko nalang sasabihing si KZ yun." Parinig ni Klarenz.

"Section 5 isn't welcome here." Seryosog saad ni KZ.

"Aba't--" Tumayo sina Dev at handang sumugod ng iharang ko ang braso ko dito.

"Stop it. Kuya, dun nalang kami sa computer room." Sabi ko.

"Nauna kami dun." sabi ni KZ.

"Edi dun sa garden--" Naputol ang sasabihin ko ng sumabat si KZ.

"Malapit lang yung garden sa Computer room. Maririnig niyo ang pag-uusapan namin. Baka kopyahin niyo pa." sagot nanaman niya. Pinigilan ko lang ang sarili kong batukan siya.

"Dun nalang sa Balcony--" Sumabat nanaman si KZ.

Punyemas isa pa ibabato kita.

"Andun sila AZ." Sabi niya.

"Dun sa 2nd floor--" This time, si EZ naman ang sumabat.

"Bawal dun mga pandak." Sabi niya. Hinubad ko ang isa ko pang tsinelas at ibinato iyun sakaniya. But nakailag siya. sayang. Headshot sana yun.

"Bawal sa 2nd floor. Dun magtatrabaho si Kuya DZ." Sabi ni KZ.

"Sa meeting room nalang sa 3rd floor." I said.

"May ginagawa dun si Ate FZ at HZ." sabi niya.

"Last call, dito sa sala. or dito sa dining." I said.

"Hindi pwede. Don't you get it, hindi sila pwede dito. Makakagulo lang sila." sagot ni KZ.

"Aba anak ka ng halika dito pasapak lang ng isa." aglit na saad ko at lumapit pero agad pumagitna si Kuya BZ.

"Stop." He said with authority. Tiningnan ko lang ng masama si KZ.

"Ano ba wala ng bawian?" Galit na sabi ko. Umiling lang siya. Susuko na sana akoΒ  ng may pumasok na idea sa utak ko.

"Okay fine. I'll use my last card then." I said. Taka naman silang lahat tumingin saakin.

"Dun kami sa kwarto ko." I said while smiling.

"WHAT?! NO!" Sabay na sigaw ni Kuya BZ at KZ.

"Anong no?! That's my room! I have rights to decide because that's my room. So If you'll excuse us, papanhik na kami." I said.

"Hinde. Sige na dun na kayo sa garden." Bawi ni KZ.

"Walang bawian remember. Bye." I said at inaya sila. Sumunod naman silang lahat saakin.

"And where do you think you're going?" Humarang si Kuya BZ sa dadaanan ko.

"Sa kwarto nga kakulit naman neto." Sabi ko. Tiningnan naman niya ako ng masama.

"Ano ba. Learn to respect Blake. He's older than you kaya." Maarteng pagsabat ni Astrid.

"Huwag kang sumabat sa usapan ng may usapan. Kung ako sayo, manahimik ka jan bago ko pa pasabugin yang bunganga mo." Inis na saad ko. Wala lang itong nagawa kundi irapan ako dahil hinde niya ako pwedeng sugudin. Andito kaya crush niya tch. "At isa pa, learn to respect pero ikaw hindi mo tinatawag na kuya. For your info mas matanda siya sayo." Sabi ko pa at humarap kay kuya BZ.

"Magre-research lang naman. Ayaw niyo ipagamit tong bahay, edi dun sa kwarto para iwas gulo." Sabi ko.

"Eh malilintikan--" Pinutol ko ang sasabihin ni Kuya BZ.

"Ako na nga kasi bahala dun. Sige na aakyat na kame para makapagsimula na agad." Sabi ko. Niyakap naman ako ni Kuya BZ.

Taena ano ba nakakahiya TvT

"Umayos ka ha. Kami ang mayayari sa ginagawa mo." Bilin niya before he kissed my forehead. Namula naman ako dahil sa kahihiyan.

"Oo na oo na." Sabi ko while rubbing my forehead kung saan niya iyon hinalikan. Kitang kita ko naman ang masamang tingin saakin ni Astrid at ang simpleng pagtawa ng mga classmates ko.

Nauna na akong lumabas ng kusina. Sumunod naman saakin ang mga kaklase ko.

"Hoi pandak." Pagtawag ni EZ sakin.

'Isa pang pagtawag mo saken ng andak ipapalunok ko talaga sayo yung game console mo." Banta ko. Tinawanan lang niya ako.

"Sure ka walang kababalaghang magaganap? Baka magulat nalang ako makarinig ako ng--" Hindi ko na siya pinatapos at dali-daling ibinato sakaniya yung makapal na magazine na nadampot ko. And this time hindi siya nakailag.

"Boom Headshot!" Rinig kong sabi ni Ikay na pababa ng hagdan.

Kita ko naman ang panakaw nakaw na sulyap ni Kyle kay Ikay.

"Nako panakaw nakaw pa ng sulyap. Tingnan mo na nahiya ka pa eh." Parinig ko. Sinanggi naman ako ni Kyle.

"San punta niyo?" Tanong ni Ikay sakin.

"Sa kwarto. Research." Sabi ko. Taka naman niya akong tiningnan.

"Ha? Bakit dun pa maluwag naman tong bahay? Pwede naman sa garden ah?" Tanong niya.

"Bawal daw eh sabi nung isa jan." Saad ko. Na-gets naman ni Ikay kung sino ang tinutukoy ko.

And the bangayan starts in 3, 2

"Anong bawal?! Ikaw may-ari ng bahay?" Inis na saad ni Ikay.

1

"Eh sa bawal nga sila dito?!" Sagot naman ni KZ.

Sinenyasan ko silang sumunod na saakin. Tahimik lang kaming umakyat. Ini-scan ko ang fingerprint ko at binuksan ang pinto. Nauna akong pumasok at binuksan ang ilaw. Alangan namang sila ang maunang pumasok kwarto ba nila?

"Pasok kayo." I said at binuksan ng malaki yung pinto. Buti nalang pala nag-linis ako ng kwarto kahapon. Wews.

"Kwarto mo ba talaga toh?" Kyle asked. Tumango lang ako habang inaayos yung study table ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ang dagger na nasa ibabaw ng study table ko.

Takte kelan ko toh nilabas?!

Dali dali ko itong pinasok sa loob ng drawer at ni-lock.

"Mas papasa tong kwarto ng lalake." Komento naman ni Klarenz.

"Yeah yeah whatever. Andyan yung computer paki open nalang. I'll just get my laptops." I said. Lahat naman sila napatingin sakin.

"When you say laptopS, you mean you have a more than one?" Tanong ni Uno. Oo may classmate akong Uno ang pangalan. Cool nga eh.

"Uhhhh yeah?" Patanong din na sagot ko. They gave me an amazed looked.

"Yung totoo? Gaano ba kayo kayaman?" Tanong ni Riu.

"Correction, sila. Bigay lang naman yan sakin. Sila ang mayaman. Not me." I said. "And please, don't touch that." I said nang makitang hahawakan sana ni Timothy yung box kung saan nakatago yung mga shuriken. Pumasok ako sa walk-in closet ko at kinuha yung 4 laptop na nasa ibabaw ng bar.

Paglabas ko ay kaniya kaniya silang upo. Nagtaka naman ako sa inasta nila.

"May problema ba?" I asked. Sabay sabay silang umiling maliban dun sa kumag na yelong pinuno nila.

Feeling ko meron talaga eh. Feeling ko may nalaman o nakita sila.

"Sigurado kayo?" I again asked. They just nodded.

Something's definitely wrong.

(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

You are reading the story above: TeenFic.Net