π™²πš‘πšŠπš™πšπšŽπš› 𝟷𝟿

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

"Luh kulet neto sabi nang ayaw ko eh." Rinig kong saad ni EZ.

"Dali na. Maku-cute-an si Ate CassLyn dito panigurado kaya gawin mo na." Rinig ko namang sabi ni Ikay.

"Kahit pa ma-cute-an siya di ko talaga agagwin yan. Pang bakla yan eh." Angil naman netong si EZ.

"Pagbigyan mo na kase EZ para tapos na ang kulitan." Sabi ko. Sabay naman silang napatingin saakin. Ang gulo kasi nila. Sobra. Hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos tungkol dun sa naka black hoodie na Nakita ko dun sa parking lot.

"What?" I asked nang makitang nakangiti sila habang nakatingin saakin.

"CJ...may favor ako." Sabi ni Ikay. agad akong umiling.

"Ayoko. Hindi ako magti-tiktok. Bahala kayong dalawa jan." I said at tumayo para sana pumasok sa loob ng kwarto pero hinarangan nilang dalawa ang dadaanan ko.

"Isa. Pag di kayo umalis jan isusumbong ko kayo kay Kuya BZ or kay Ate HZ."b Sabi ko pero hindi talaga sila umalis.

"Dali na CJ. Pleaseeeee. Ngayon lang toh pramis." Ikay said. Umiling ako.

"Nope. I'm not doing any tiktok dance." I said. Hilig sa tiktok netong Ikay na toh.

"Ihhhhhh daliiiii naaaaa. Hobby naman natin sumayaw ah bat ayaw mo na." Paawa na sabi ni Ikay. nagpa-cute pa talaga.

"Hay nako. Fine. Isa lang ha." PAgsuko ko dahil aabutin kami dito ng isang taon dahil sa kulit neto. Pumalakpak naman siya with amtching talon talon.

"Yey!!! Oh sige dali halika dito upo ka. Tatalian kita." Sabi niya. Umupo nalang ako ng walang kibo. Sinimulan niyang talian ako. After 1 million years later, char. After 15 minutes, natapos dn siya.Pagharap ko sa salamin ay nangasim ang mukha ko.

"Jusko po Angelica Zade. Anong tali toh?!" I asked. Paano kase tinalian ba naman ako nung half pony na ang taas tapos hinati niya sa gitna. basta yung ganun. Di ko siya ma-explain fishtea.

"Bakit? bagay naman sayo ah." Sabi niya habang nakangiti.

"I'm not some kind of kawaii girl shocks. At tsaka hindi bagay noh. Look at what i'm wearing?!" I said. I'm wearing a hoodie and pants kase why not?

"Oh yeah. Hindi nga bagay. Hala punta sa kwarto at magplait ng damit!"b He said. My eyes widened.

"No. Na-uh. I'm not going to change." I said. She just stood up and dragged me in my room. She opened it since it's not locked. Pumasok kami sa closet ko at pumunta siya sa cabinet ng skirts. Tiningnan niya ang suot kong hoodie bago binuksan ang cabinet at nagsimula maghanap.

"Aha! Here wear this." She said at iniabot saakin ang isang black leather mini skirt. Mas lalong nanlaki ang mata ko.

"Hindi. no. Hindi ko susuotin yan. Itaga mo sa spinal chord mo hinding hindi ko susuotin yan." Sabi ko. She glared at me.

"Pag hindi mo toh sinuot hindi kita ililibre ng concert ticket ng BTS. VIP pa naman." She said. Nag-isip ako.

Gaga ano papayag ka nalang dahil sa ticket papasuhol ka?

Ateng pumayag ka na. Concert ticket yan oh. VIP pa. Makikita mo ng malapitan si Pareng V.

In the end, i answered her.

"No thank you. I will buy myself a ticket." Sabi ko pa. Nag-isip naman siya nang biglang lumiwanag ang mukha niya.

"Bibilhan kita nung limited edition na pikachu shirt. Limited edition ha. Inuulit ko limited edition." She said.

"Okay sige." nasabi ko bigla. Dzaii pikachu yun dzaii.

"Walang bawian ahhh." She said. Umirap nalang ako.

"Ikaw isa lang ha. Pagkatapos neto, never na ako magti-tiktok hmp." Sabi ko. At eto namang si Ikay, aba tinawanan lang ako.

Sinuot ko na yung skirt at kumuha ng facemask.

"Oh what's with the face mask?" She asked.

"Wala lang trip ko lang.." Sabi ko lang. Tumango nalang siya. Lumabas na kami sa kwarto at pumunta sa garden. Dun daw magvi-vid. At aba ang loka, pinaghandaan na pala dhil naka set up na ang lahat. andun yung phone stand, ringlight kasi gabi na.

"Inuulit ko Angelica Zade Montefalco. Isang video lang." Sabi ko at tumango naman siya.

30 minutes later~~~

"Tama na Ikay. Pagod na ako ih." Sabi ko.

"Isa na lang please. Promise last na toh." She said. Napanganga naman ako.

"Teka nga ang usapan isa lang. Bat naka 5 remix na tayo dito aber?!" Sabi ko.

"Dali na isa na lang tapos okay na." She said. Huminga ako ng malalim bago humarap sa camera.

" 3 2 1 and.. play." She said and hit the play button. Nagsimula na akong sumayaw nung steps na ipinakita niya saakin. The video last for 1 minute and 30 seconds.

"Ayan na. Oks na?" I asked her. Pumalakpak siya at patalon na lumapit saakin.

"Yeshhhh. Thank you Zizi!!" sabi niya. Pwede na din akong magpalit sa wakas. Iniwan ko na siya dun dahil sabi niya may aayusin pa daw siya.

Pagakyat ko ay nagpahinga muna ako saglit bago naligo. nagbihis ako ng pangtulog at humiga na sa kama. Paglapat na paglapat ng likod ko ay agad akong nakaramdam ng antok at nakatulog na.

K I N A B U K A S A N

"Kyle tingnan mo si Ate.' Rinig kong sabi ni Renz.

"Kanina pa yan. Nakakita ata ng multo eh." Sabi naman ni Kyle.

"Baka dahil Nakita ka." Sabi naman ni Renz. Suminghap si Kyle sabay duro sakaniya.

"Sinasabi mo bang mukha akong multo?" Tanong niya.

"Hindi. Mukha kang clown na pagod. Mas pagod pa kay pennywise." Sabi ni Renz kaya nagbangayan nanaman sila.

"Tumahimik nga kayong dalawa jusmiyo." Saway ko sakanila. Sabay silang nanahimik at tumingin saakin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Renz.

"Oo nga kakulet naman ng batang ito." Sabi ko at muling nag-isip.

"Mukha ka kasing nakikita ng multo." Sabi naman ni Kyle. Umiling lang ako bago humarap kay Riu. May itatanong kasi sana ako kaso...tulog. Yung totoo? Pumasok lang ata toh para matulog.

"Lagi ba tong ganito?" tanong ko kela Kyle habang tinuturo ang natutulog an si Riu.

"Oo. Bakit? Ikaw concern ka nanaman sa crush mo ah. Yiee CJ." Sabat ni Klarenz. Tiningnan ko lang siya ng masama.

Inaantok na din tuloy ako. Tulog na din kaya ako?

Dudukdok na din sana ako nang biglang pumasok si Sir Kylo. Magsasalita sana siya ng may naunang nagsalita kesa sakaniya. Nakatayo ito sa may pintuan.

"Hello po. Is this the section 5?" Someone asked. Lahat kami napatingin sa pinto. Hindi ko na sana sila paapnsinin ng mamukhaan ko ang isa sakanila.

Lance??

"Yes this is. Sinong hanap nila?" Sir asked.

"Sabi po dito daw po muna kami pansamantala habang inaayos yung records namin." Sabi naman ni....

Luke?

"Ahh ganon ba. Oh siya sige pasok kayo. Boys, magdag ng upuan." Sabi ni Sir. Agad namang kumilos sina Mykell, Klarenz at James para kumuha ng upuan. Pumasok silang 3 at tumayo sa gitna.

"Everyone, this is Lance Rock, Luke rock and Oliver Rock. They are cousins. You may sit." Sabi ni Sir. Dumapo naman agad ang paningn saakin ni Lance. siniko niya si Luke at itinuro ako. Siniko naman ni Luke si oliver pagkatapos ay tinuro din ako.

Pandak they mouthed.

tangmother niyo I mouthed them too. Lumapit sila sa pwesto ko at umupo dun. Ewan ko ba bakit ba dun nilagay nila Klarenz yung upuan huhu. Bali pa-U na ang formation ng upuan namin. Per ako parin ang tuldok nung U.

"Hi pandak este parekoy." Bulong ni Lance.

"Hi pinagpalit sa waiter este parekoy." Bawi ko sakaniya. Nag make face lang siya dahil asar talo siya. Katabi ko si Oliver na tahimik lang. Nakita kong may pasa siya sa may pisngi niya. Siniko ko siya at agad naman siyang napatingin saakin.

"Anyare jan?" I asked him. Umiling lang siya.

"Bat pala andito kayo?" I asked. Sa pagkakaalam ko kasi, ang sabi nila hindi sila taga dito. Kaya malaking palaisipan saakin anong ginagawa nila ditey?

"Lumipat. Dzuhh." Sabi ni Lance. Inirapan ko lang siya.

"Section 5, lalabas lang ako saglit." Paalam ni Sir. Paglabas niya ay kaniya kaniyang tayo naman sila at naglipatan ng upuan. Nag-ring yung phone ko. Nagpaalam lang ako sakanila saglit na sasagutin ko. On my way outside nakasalubong ko si Leo. Binati ko siya at binati niya din ako. Subukan niya lang ako i-snob hmp. Chos.

"Hello?" I said pagkasagot ko ng tawag.

"Hello Good morning. Is this Ms. Clea?" The woman on the line said.

"I think you dialed the wrong number Maam." I said.

"Oh my I'm very sorry maam. Have a great day! Bye!" She said and hung up.

Bumalik na ako sa room. At ang dinatnan ko ay hindi ko inaasahan.

Si Leo hawak sa kwelyo si Lance. Pinipigilan ng mga classmate ko si Leo samantalang si Lance naman ay nakatayo lang.

"Anong karapatan mong saktan ang kapatid ko ha?! G*go ka pinagkatiwala ko sayo!" Leo said at sinapak si Lance. Bumawi naman ng suntok si lance. Hinahayaan lang siya ng pinsan niya. Hanggang sa hindi na nila napigilan at nagpalitan na ng suntok. Wala talaga silang nagawa dahil parehong ayaw magpaawat. mabilis akong pumasok at hiawi yung mga kaklase ko. PInalibutan kasi nila yung dalawa na nagsasapakan sa gitna.

"Tumigil kayong dalawa!" Sigaw ko pero parang wala lang silang anrinig dahil patuloy parin sila sa pagsasapakan.

Lumapit ako sa kanila at pilit na pinaghiwalay sila. Muntik pa akong masapak kaya napasigaw sila.

"CJ alis jan!"

"Hoy tumigil na kayo tatamaan niyo si CJ!"

nang mahawakan ko ang braso nilang dalawa ay sabay ko itong pinilipit at inilagay sa likod nila.

"Anak ng tinola. Sinabi kong tumigil kayo diba?! Para kayong mga bata!" Galit na saad ko.

"A-aray CJ amsakit." Daing ni Lance.

"Talagang masasaktan kayong dalawa sakin! Hindi makuha sa isang aslita aba. Paalala lang, classroom toh. Hindi boxing ring." Saad ko. Dumating si Sir Kylo at inabutan kaming ganito.

"Anong nangyayari dito?" He immediately asked. Binitawan ko sila.

"Hala sige. Magsapakan ulit kayo. Sige sapakan na ulit." Sabi ko. Nagkatinginan silang dalawa. PAti si Sir napatingin saakin.

"Oh ngayon hinahayaan kayong magsapakan, ayaw niyo.S ige na magsapakan na kayo." I said. Wala talagang kumilos.

"Ano di talaga kayo kikilos? Magsasapakan kayo o ako sasapak sainyo?" Saad ko pa. Nagkatinginan lang silang lahat.

"Ikaw sasapak saamin." Sabay na sabi nila. Hindi ako makapaniwala sa isinagot nila saakin.

"Sigurado kayo jan?" Paniniguro ko. Tumango sila parehas.

"Okay." Sagot ko. Itinaas ko ang kamao ko at sasapakin na sana sila ng may kumatok sa pinto.

"Cyan Jade Luhence Zia Montefalco." Pagtawag saakin.

"Ano?!" Pa singhal na tanong ko nang lumingon ako. Mukhang natakot naman ito kaya dumiretso ako ng tayo at naging mas mahinahon.

"Ano po iyon?" I asked.

"P-pinapatawag k-ka p-po sa s-studio n-ni p-president A-AZ." Nauutal na saad nito. Napakamot ako sa ulo at nag-peace sign sakaniya.

"Sensya ka na Ateng. SIge susunod ako may aayusin lang muna ako ditey. Ingats!" I said habang nakangiti. Tumango ito at tumakbo. Nang mawala siya ay tinanggal ko ang ngiti sa mukha ko at tiningnan ulit sila ng masama.

"Pagtabihin niyo yang dalawang 'yan." Ani ko. Nanlaki naman ang mata nilang lahat. Pati na rin si Sir Kylo. Samu't sari ang kumento ko.

"CJ nahihibang ka na ba?!"

"Halos magpatayan na yang dalawang yan kanina tas pagtatabihin mo pa?"

"CJ, gusto mo ba magka world war III?"

"Magkakaroon talaga ng world war III pag hindi niyo sinunod ang sinabi ko!" Singhal ko saknaila. Napa-atras naman sila dun.

"Pagtabihin niyo yan.Ayaw magsapakan kanina diba? Aalis ako. Pag nabalitaan kong nagsapakan o nagsakitan nanaman kayong dalawa, ibibitin ko kayo ng patiwarik. Pati an rin kayo! Naintindihan niyo?!" Singhal ko pa. Napatayo naman sila ng diretso.

"Yes Maam." Sabay sabay na saad nila. Pati ni Sir Kylo. Tumalikod na ako at naglakad palabas. Lumingon pa ulit ako sakanila at binigyan sila ng matalim na tingin bago lumayo. Nang masigurong malayo na ako ay tumwa ako.

Wengya LT mga reaction nila HAHAHAHAHA

I composed myself at bumaba na. First time akong pupunta sa studio share ko lang 'cuz y not?

I knocked before opening the door. Una kong nakita si Ikay na nakaupo sa sahig. Mabilis siyang lumapit saakin at hinatak ako palayo sa studio.

"Magkita tayo dito mamaya ha." She said.

"Uh okay?" I said. Bumalik siya sa loob at ako naman ay bumalik sa room. Pagpasok ko ay parang may dumaang anghel sa sobrang tahimik nila. Agad na hinanap ng mata ko sina Leo at Lance. Okay good magkatabi. Maglalakad na sana ako patungo sa upuan ko ng may mapansin ako.

Something's wrong.

I looked around hanggang sa mpadpad ang tingin ko kay Ice. He's still in his serious cold face. But the difference is may tinitingnan siya. Pasimple kong tiningnan kung kanino siya nakatingin. Kay Oliver. Bumalik ako sa gitna dun sa may teacher's table kung saan nakaupo si Sir Kylo. Sumandal ako sa desk niya. Dun lang sa gilid syempre.

"Spill." I said. Lahat sila nagkatinginan. Walang kumikibo.

"Spill." Pag-uulit ko. Wala talagang kumibo.

"Hindi kayo magsasalita?" I asked. Bumuntong hininga ako bago tumayo ng diretso.

"Tumayo kayong dalawa. Dito sa gitna. Dalian niyo dahil mabilis maubos ang pasensya ko." Ani ko.

"CJ, walang nangyari--" Pinutol ko ang sasabihin ni Riu.

"Kaya pala may nakikita akong pasa? Sugat? Kung manloloko man kayo ng tao, siguraduhin niyong maloloko niyo talaga." Sabi ko. Napayuko nalang sila. Si Sir walang kakibo kibo halatang disappointed din sakanila.

"Oliver. Ice. tayo. Dito sagitna." Ani ko. Hindi sila kumilos.

Tigas talaga nyemas.

"Huwag niyong hintaying kaladkarin ko kayong dalawa." Sabi ko ba. Dun lang sila tumayo at pumunta sa gitna.

"Sige. Magsapakan kayo. Demo niyo sakin paano niyo nabangasan ang isa't isa." Sabi ko. Oliver is wearing his poker face while Ice is still emotionless.

"Ano? Sige magsapakan kayo? Yan ang hirap sainyo eh. Pag pinagbabawalan kayo, gagawin niyo. Pag hinahayaan, ayaw niyo. Magsasapakan na nga lang kayo, hindi pa kayo magtatawag. Sana sinabihan niyo ako at nang 3 tayong nagsapakan." Sabi ko pa. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Sir Kylo sa likod ko.

"Simple lang naman yung hiniling ko. Sabi ko bantayan niyo yung dalawa para wala nang magsapakan. Anong ginawa niyo? Kayo naman ang nagsakitan. Bumalik kayong dalawa sa upuan niyo." Inis na saad ko.

Jusmiyo marimar mga lalaki nga naman.

"Maulit pa toh ako na sasapak sainyo. Kahit sino man sainyo mabalitaan ko lang an nakikipag sapakan. Ako talaga ang sasapak sainyo. Nagkakaintindihan tayo?" I said. Tumango lang sila. Kinuha ko yung bag ko at lumipat ng upuan. Bahala sila jan nag-iinit ulo ko sakanila.

Sino ba naman ang hindi? Pinagbawalan mo na, pinagsabihan mo na, ginawa pa din. tas ngayon na hinahayaan, ayaw. Ang gulo nila jusko.

"Ateeee. Galit ka?" Rinig kong saad ni Renz bago ako kalabitin. Umiling lang ako at dumukdok.

"Ehhhh. Galit ka eh." Sabi pa niya at kinalabit ulit ako.

"Hindi nga sabi." Saad ko habang nakayuko.

"Ateeee. Sorry na." Sabi niya. Napangiti naman ako. Itong batang toh talaga di ko matiis haist.

"Oo na oo na." Sabi ko at iniangat ang ulo ko. Nakita kong nakangiti siya ng malapad. Yung ngiti niya halatang may binabalak eh. Kinuha niya yung bag niya at tumabi din saakin dito sa bakanteng upuan.

"Ate ate laro tayo." Sabi niya.

"Anong laro?" I asked.

"Truth or drink." Sabi niya. Napa-taas naman ako ng kilay.

"Truth or drink? Walang inumin dito bukod sa tubig." Sabi ko. Ngumiti naman siya at may ipinakitang bote saakin.

"Meron! Ayan oh toyo, chilli powder, suka, patis, ketchup, paminta, at syempre di mawawala ang gatas." Sabi niya at nakangiti na parang proud na proud pa siya sa ginawa niya.

"At saan mo naman nakuha yan ha?!" Tanong ko sakaniya. Nagkamot ulo lang siya bago sumagot.

"Sa cafeteria." Ani niya. Tahimik ang buong room at alma kong nakikinig sila saamin. Pero bahala sila jan hindi ko sila papansinin.

"Ganito. bato bato pick muna. tapos kung sino yung matatalo, siya yung uanng gagawa nung truth or dare. may twist toh. dapat 5 sunod sunod. Halimbawa, natalo kita at napili mo truth, tatanungin kita ng 5 tanong or di kaya pag dare naman ang napili mo, bibigyan kita ng 5 dare. gets?" He asked. I just nodded. Nag bato bato pick kami. At etong batang toh expert na sa larong toh dahil antalo agad niya ako.

"Truth or dare?" nag-isip ako. Gutso ko sana dare kaso mukhang may kalokohang ipapagawa tong batang toh. Truth sana kaso baka kung ano itanong neto. In the end, no choice.

"Truth." I said. Ngumisi siya ng malawak.

"Okay first question, full name?" He asked.

"Cyan Jade Luhence Zia Leones Montefalco."

"Second, nagka boyfriend ka na ba?"

"Nope. Manliligaw oo."

"Third, Favorite quote?"

"I'd rather rather be hated for being true than be loved for who I'm not. by Jonaxx."

"Fourth and fifth, favorite teacher and crush." Mabilis na salita niya.

"Sir Kylo." I asnwered.

"Wala ka nang idudugtong?" TAnong niya. Umiling lang ako. Ngumisi siya ng malapad na ipinagtaka ko. Dun ko lang na-realize na 2 sabay na tanong pala ang tinatanong niya saakin.

"Teka may idudugtong pa pala ako." Sabi ko.

"Wala Ate walang bawian. Sir!!! Narinig niyo yun?" Sabi ni Renz. Tumawa naman si Sir.

"Yeah." SAgot niya. Namula naman ako dahil sa hiya.

"Woi ang daya mo! Wala kang sinabing pwedeng sabay! Ang tanong mo kase favorite teacher kaya sagot ko si Sir. Favorite teacher lang jusko." Paliwanag ko. Umingay ang room dahil sa pang-aasar nila.

"Heh tigil tigilan niyo akong lahat. Kala niyo uubra saakin yang mga galawan niyo? Nako 'wag ako ginamit niyo pa yung bata." Sabi ko pero tinawanan lang nila ako.

Hay nako mga tao nga naman

(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember

PLAGIARISM IS A CRIME)

You are reading the story above: TeenFic.Net