CJ's POV:
"wae geu haggyoeseo jjochgyeonanayo?" Kyle asked me for the 50th time. ("Why are you kicked out from that school?")
"igeon nega sang-gwan hal il-i aniya." sagot ko sakanya habang inaayos ang gamit ko. (It's none of your business.)
Magsasalita pa sana siya ulit pero nagmamadali akong lumabas sa room. May naka-banggaan pa nga ako kaya nag sorry na lang ako ng walang lingon lingon.
Halos takbuhin ko na ang cafeteria sa sobrang pagmamadali. Pagkarating ko dun aya napansin kong madaming tao. Siguro may kasabay kaming ibang year level.
"CJ!" Nilingon ko kung sino yun at nakita kong si Kyle iyon tumatakbo palapit saakin kaya bago pa sya makalapit saakin ay agad akong humalo sa ibang students.
Habang nakikisiksik ako ay nakita ko si EZ kaya hinila ko sya tsaka dinala sa pinaka sulok at tagong lugar dito sa cafeteria.
"Ui ano ba? Basta-basta ka nalang nanghihila. Kung sa iba mo ginawa yan malamang may black eye ka na." sabi niya.
"Manahimik ka muna. May tinataguan ako." sabi ko habang nakayuko.
"Ay ang galing. First day na first day may kaaway agad? Ibang klase ka den eh noh? Hindi ba sinabi ko sayo--" di niya natapos yung sasabihin niya ng sumabat ako.
"Shunga wala akong kaaway. Tinataguan ko lang mga classmate ko." sabi ko tsaka sumilip sa likod niya pero agad ding yumuko dahil nakita ko si Kyle.
"Andyan na sila." sabi ko at mukhang nakisama naman itong si EZ dahil hinarang niya yung dalawang braso niya sa magkabilang gilid ko.
"Asan na kaya yun?" sabi ni Kyle habang pilit akong hinahanap tsaka nagpatuloy sa paglalakad.
Nasa ganong posisyon kame ng biglang may humila kay EZ pero ang susunod na nangyari ay hindi ko inaasahan.
*PAK*
Sinampal niya si EZ.
"WALANGHIYA KANG LALAKE KA! MANLOLOKO!" Sigaw ni Ate Gurl tsaka ako binalingan at binigyan ng tingin na nakakahiwa sa sobrang talim.
"AT IKAW BABAE KA! NAPAKA LANDI MO!" Sigaw niya bago sumugod saken pero dahil mabagal siyang kumilos ay agad kong naiwasan iyon. Hinawakan ko ang braso niya ng napaka higpit tsaka hinila palayo sa canteen dahil paniguradong pagchi-chismisan kame dun. Sumunod lang saamin si EZ. Panay ang piglas niya pero hindi ko siya binibitawan.
Ng makarating kami sa likod ng cafeteria, which is katabi ng building ng section 5, ay tsaka ko lang siya binitawan.
"ANG KAPAL NG MUKHA MO BABAE KA! ALAM MO NG MAY GIRLFRIEND YUNG TAO, LALANDIIN MO PA!" Sigaw niya saakin kaya lumingon ako kay Kyle na nasa tabi na ng 'Girlfriend' daw niya.
"GF mo?" tanong ko at namula naman ang tenga niya.
Tiningnan ko si Ate Gurl. In fairness, maganda siya. Hazel brown na buhok na medyo wavy, pa-singkit na mata, matangos na ilong at pinkish lips. Natural ang ganda niya. Walang kolorete sa mukha.
Face, check!
Tiningnan ko naman ang suot niya, 1 inch above the knee navy blue na palda, long sleeve and a red necktie.
Clothes, check na check!
Tumango tango muna ako bago nagsalita. "In fairness, ang ganda mo ah. BTW, I'm Cyan Jade. Just call me CJ." Pagpapakilala ko tsaka inilahad ang kamay ko.
Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.
"W-wait CJ? You mean Cyan Jade Luhence Zia Montefalco?" sabi niya habang nanlalaki ang mata. Tiningnan ko ng masama si EZ na nag-peace sign lang saakin, bago ko muling hinarap si Ate Gurl at tumango.
"YUP! The one and only." sagot ko kaya napatili naman si Ate gurl. Luh. Problema neto?
"OMG! I'm CassLyn Cohen. Pleasure to meet you!" Sabi niya habang nakikipag shake hands sakin. Agad namang nanlaki yung mata ko dahil sa sinabi niya.
"C-Cohen? You're related to--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng marinig kong isinigaw ang pangalan ko.
"CJ!" Kumakaway na sigaw ni Kyle tsaka tumakbo palapit sa pwesto namin. At dahil magkatabi yung magjowa ay nagtago ako sa likod nila.
"Ui. Bakit ka nagtatago?" Tanong ni EZ saakin.
"Ayan yung tinataguan ko." Bulong ko sakanya kaya humagalpak naman siya ng tawa.
Ng makalapit saamin si Kyle ay agad niyang binati si EZ.
"Hi Kuya Edward. Hi Ate. Mukhang kilala niyo na po agad si CJ ahh. Hiramin ko muna sana classmate ko hehe." sabi niya. at dahil mukhang may plano si EZ na ibigay ako kay Kyle ay dali-dali akong kumapit sa braso ni Ate Cass. Cass gusto ko eh bat ba.
"Ate oh. Ipinapamigay na ako netong bf mo. Huwag niyo kong ilapit sa impaktong 'yan." sabi ko na parang naiiyak na.
"Huh?" Naguguluhang tanong ni Ate Cass.
"You know Ate, It's very nice to meet you pero kailangan ko ng umalis. Btw, Ate, wala sanang makaka-alam na related ako kela EZ ha. Bye Ate see you next time!" sabi ko bago tumakbo ulit ng mabilis. Tumunog na yung bell palatandaang tapos na ang breaktime.
WTH?! 'Di man lang ako nakapag lunch huhuness.
Nagmamadali akong pumasok sa room namen at umupo agad sa upuan ko tsaka dumukdok.
Nakarinig naman ako ng yabag ng paa palapit sa pwesto ko na hinayaan ko lang sa pag-aakalang si Kyle iyon but I was wrong. Dahil nang tumigil yung yabag ng paa which is nasa harap ko na, ay hinila ako nito patayo. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
"ARAY! MASAKET SHUTA KA!" sigaw ko dahil halos bumaon na ang kuko niya sa braso ko.
"Huh. So, you really are a girl. How come nakapasok ka dito?" sabi nito.
Ay hindi. Lalaki talaga ako. In disguise lang pota ka.
"Ha? Baka ginamit ko yung pinto. Dun ako dumaan." sabi ko. Akala ko may absent?
"Don't play deaf and stupid." sabi ni kuyang nakahawak sa braso ko.
jusko ansaet!!!
"I'm not playing deaf. I just don't understand what you are talking about." saad ko habang nakangiwi. Feeling ko maya maya lang dudugo na braso ko. "Sinagot ko naman yung tanong mo ah. Diba ang tanong mo paano ako nakapasok dito> Syempre dumaan ako sa pintuan dzuhh. You're stupid." I said and rolled my eyes.
"Ang sabi ko, paano ka nakapasok sa section 5 kung babae ka. Hindi pwede and babae dito." sabi niya habang nakangisi.
Ay hala sige ang galing. Ni-translate pa ampostpa.
"Oh I'm sorry." saad ko at nagkunwaring nalulungkot. "Hindi naman ako aware na bawal pala kaming mga babae dito." sabi ko tsaka hinablot pabalik ang braso ko.
"Hmm. I like you." sabi niya habang nakangiti.
"Hmm. I hate you." sabi ko at inirapan siya tsaka muling umupo at dumukdok sa mesa ko.
---
Papasok ba ako?
Huwag! Paniguradong may sermon ka!
Sa iba nalang kaya muna ako maki-tuloy?
Tanga! Wala kang ka-close dito. Bobo mo shunga.
Ay wow ha. Sumosobra na kayo. Bulate lang kayo kung maka-bobo kayo wagas.
Alam ko na!! Aalis ako tas mamaya na ako uuwi para kunwari pagod ako. Tama yun nalang ang gagawin ko. talino mo talaga selp.
Dahan-dahan kong hinila ang motor ko palayo ng biglang may nagsalita.
"At saan mo balak pumunta?" Omaghad!
CJ play dead!
Wala talagang magandang tulong 'tong mga bulateng toh.
Dahan dahan kong nilingon si Kuya DZ habang nakangiti o dapat bang sabihin kong nakangiwi.
"Uy Kuya DZ andyan ka pala hehe. Ano.... ilalagay ko sa garahe 'tong motor ko. Hehe." Sabi ko
Ngumiti siya kaya napangiti din ako. Lumapit sya sakin sabay sabing, "Your garage is that way."
Boom pahiya ka CJ.
Kumikinangina talaga 'tong mga bulate na 'to walang ambag fishtea.
"Ahh hehe. Sabi ko nga." sagot ko tsaka pumunta sa totoong direksyon ng garahe ko.
Kala ko pa naman makakalusot ako TvT
Pagpasok ko sa garahe ay agad kong ipinark ang motor ko tsaka lumabas. Siniguro ko munang naka-lock ang pinaka pinto nito bago lumapit sa pwesto ni Kuya DZ
"Ahmm ano kase Kuya..." Bilis selp! Isip ng dahilan!!
Tinaasan lang ako ng kilay ni Kuya. Parang ang sarap tuloy ahitin nung kilay nya. Oi quiet lang kayo ha? Satin satin lang yun hehe.
"Uhhh Kuya, m-masakit yung..." shet hoi mga bulate magsikilos kayo!!
sabihin mo masakit likod mo!
Tanga wag likod. dapat utak
Mas tanga ka walang maniniwala sa masakit na utak!
Amfufu nagtalo pa jumiyo.
"MASAKIT YUNG KUKO KO!" Bigla akong napatakip sa bibig ko after kong ma-realize na yun ang isinigaw ko.
Shunga mo selp huhu
Nakarinig ako ng malakas na tawa kaya kaya nilingon ko iyon. Nakita ko si EZ na nakatatayo sa tabi ng gate habang humahagalpak ng tawa. Tiningan ko siya ng masama pero wa-epek dahil tawa parin siya ng tawa.
"ARAY KUYA!!" Nagulat ako dahil hinila ni Kuya DZ yung patilya ko at kinaladkad papasok ng bahay.
"KUYA MASAKET taena!" ibinulong ko lang yung huli dahil paniguradong lalong magagalit si Kuya DZ pag narinig niya yun.
Nang nasa sala na kami ay tsaka lang niya ako binitawan.
"ARAY KO ATE HZ." Napatingin ako kay EZ na hila hila ni Ate HZ sa patilya.
Ng maka lapit sila puwesto namin ay tsaka lang niya binitawan si EZ at pinaupo sa sofa.
"Si Ate FZ hindi ako ginaganto tapos..." Bubulong bulong na sabi ni EZ habang hinihimas yung patilya niya.
"May sinasabi ka Edward Zamiel?!" Mataray na saad ni Ate HZ.
"Wala po Ate Harmony Zandra." Sagot ni EZ habang nakangiti.
"Explain." Sabi ni kuya in a calm tone. DYK? Na mas nakakatakot si Kuya DZ pag kalmado?
Tiningnan ko si EZ pero ang loko nakatingin din sakin at nagpapacute.
Mukha aso amp.
Tiningnan ko siya ng masama pero mas lalo siyang nagpacute kaya ngumiwi ako at tumango nalang. Napangiti naman siya don. Humarap muna ako kay Kuya DZ at Ate HZ na magkatabi bago nagsalita, "Si EZ daw mage-explain." Nakangiting saad ko bago nilingon si EZ na gulat na gulat at nanlalaki pa ang mata.
Binalingan naman nila Kuya DZ at Ate HZ si EZ at tinaasan ng kilay hinihintay siyang magsalita. Tiningnan ako ng masama ni EZ kaya tinaasan ko lang siya ng kilay. Mas mataas pa sa kilay nila kuya at ate. Yung tipong aabot sa kisame namin.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Ganito kase 'yun kuya at ate. Nananahimik ako nun sa kwarto tas pumasok si CJ at nagyaya--" Agad ko siyang binatukan bago niya pa ituloy ang gusto niyang sabihin.
"Sige tangina ka subukan mong baliktarin." Banta ko sakaniya pero nakatikim ako ng pitik sa noo galing kay Ate HZ.
"Bibig mo Cyan Jade sinasabi ko sa'yo." Nagbabanta rin na saad ni Ate.
"Eh kasi naman.." Bumulong bulong nalang ako habang nakatingin ng masama kay EZ na nakangiti ng malapad na para bang nanalo siya sa lotto.
"Ituloy mo fishtea." Masama ang tingin na saad ko sakaniya. Magsasalita na sana siya pero binalaan ko siya. "Ayusin mo isusumbong kita kay Ate Cass." Pagkasabi ko nun ay sumaludo pa ang loko. Inambaan ko siya kaya naman agad siyang napayuko.
"So eto na nga yung nangyari. Nabo-bored ako nun tas nag-chat si Mendoza na may car race daw tas kung gusto ko daw bang pumunta. Um-oo ako tas paalis na ako nung naalala ko si CJ kaya ayun sinama ko nalang. Tas yun alam niyo na and we lived happily ever after." Nabatukan siya ni kuya DZ dahil sa huling sinabi niya.
"Do you even know--" Hindi ko na pinatapos si Kuya DZ at ako an ang tumapos sa linya niyang halos linggo linggo ko ng naririnig. Hoi hindi saakin ah. Kay EZ lang dahil halos linggo linggo 'yan kung makipag karera.
"--how dangerous it is. Both of you could've been arrested. Or the worse you could've been killed. If you're bored racing is not the answer you can do blah blah this and that." I said in a bored tone. Tiningnan ako ng masama ni Kuya DZ bago nagsalita ulit.
"Both of you are--" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng putulin iyon ni EZ.
"--grounded. No cars. No motorcycles. Ipapahatid ko kayo sa driver. That's a punishment for the both of you. Yeah yeah we get it. Okay na? Finish na? Sige babush may assignment pa ako." Sabi niya at tumayo. "Alanm niyo naman. Kaming mga gwapo masipag mag-aral kaya babye!" And with that, umalis na siya at iniwan ako.
Napangiwi naman ako dahil sa kahanginan niya.
"Ano kuya hehe. May assignment pa ako hehe. babye!" Nagmamdaling saad ko at tumakbo papuntang hagdan.
"Cyan Jade sinasabi ko sayo magtino ka!" Sigaw ni Ate HZ.
"Opo Ate!" Sigaw ko pabalik tsaka pumasok sa kwarto ko.
wews. makakapagpahinga na din sa wakas.Β
(votes and comments are highly appreciated by the Author
and always remember,
PLAGIARISM IS A CRIME)
You are reading the story above: TeenFic.Net