S5's Vlog (Special Edition)

Background color
Font
Font size
Line height

Third Person's POV:

"What's up mga ka-section ito nanaman ang inyong favorite na vlogerist ng section 5, Cyan Jade!" Hawak ni CJ ang camera niya at nagsimulang mag record. 

"At para sa vlog natin ngayong araw, kasama natin si batang kumag, a.k.a. Renz at si Kyle-langot!" Hinarap ni CJ ang camera sa dalawang lalaki na kasama niya sa kaniyang kwarto. 

"Ate ano po bang ibig sabihin ng kumag?" Takang tanong ni Renz. 

"Hmm, ano nga ba? Mga viewers, mga ka-section alam niyo ba ang ibig sabihin ng kumag? Kung oo, i-comment niyo na!"

"Bakit kaya hindi nalang ikaw magsabi?" Ani Kyle.

"Heh 'wag kang epal diyan." Sabi ni CJ. "So ayun na nga mga ka-section para sa vlog natin ngayong araw, mamp-prank tayo! Ang gagawin natin ngayon ay--"

*static*

*static*

Okay, pa-singit muna, mga ka-section. It's me, your Ms.A. I just wanted to say,

HAPPY 2nd MONTHSARRY THE ONLY GIRL OF SECTION 5!  AT DAHIL MAHAL NA MAHAL KAYO NI MS. AUTHOR, BIBIGYAN KO KAYO NG SPECIAL CHAPTER!  SALAMAT SA SUPORTANG BINIBIGAY NIYO ATING SECTION 5! MARAMING SALAMAT SA 9.3k READS! 

GET THE CHANCE TO INTERACT WITH ME IN IG AND TWITTER!  IG USERNAME IS adiel_montefalco and TWITTER USERNAME is Its_Adiel11. I WANT TO INTERACT WITH MY DEAR READERS!

SO, MAY TANONG AKO SAINYO. SINO KAYA SA TINGIN NIYO ANG ENDGAME?! I-tweet na ang inyong manok! Use the hashtag #TOGS5_ENDGAME and tag me! SALAMAT! THANK YOU! ARIGATHANKS! GOMAWO! 

*static*

*static*

"--oh ayan okay na. So ayun na mga ka-section ang gagawin natin ngayon ay, 

PRANKING MY SECTION AND MY FAM THAT I'M PREGNANT!" 

"Kung hindi lang niya kami kinuntsaba, iisipin ko talagang buntis 'to. Ang taba oh!" Sabi ni Kyle at humagalpak ng tawa. 

"Gusto mong matutong lumipad?" Pananakot ni CJ. Hindi tumigil si Kyle sa pagtawa kung kaya't hinayaan na lamang niya ito. 

"At inyong natutunghayan ang pagluwag ng turnilyo sa ulo ni Kyle Cohen. Bago ang lahat, please subscribe and hit the notification bell para updated kayo sa mga ka-emehan ng Section 5! Without further ado, let the pranking begin!" Sabi ni CJ at ini-stop ang recording button. 

"Oh dali tawagan niyo na sila. Or chat niyo sa gc sabihin niyo may sasabihin ako need sila dito sa bahay. Now na." Sabi ni CJ. 

"Ang haba naman nun. Pwede namang CJ 911." Sabi ni Kyle at nagsimulang magtipa sa kaniyang cellphone. 

"Ayan na. OTW na daw sila." Sabi ni Kyle.

"Luh ang bilis naman?" Ani CJ. Ibinigay niya kay Renz yung camera. "Ikaw ang magvi-video ah. Ayusin mo para ah." Bilin niya. Tumango naman si Renz. 

Nagkatinginan silang tatlo nang sunod-sunod na mag-ring yung doorbell. 

"CJ! Andito yung mga classmates mo!" Rinig nilang sigaw ni HZ. Huuminga silang tatlo ng malalim at nag-act na parang malungkot. Sabay-sabay silang bumaba. Si Renz naman ay tinago yung camera para hindi sila mahalata. 

"Oh, bakit andito silang lahat?" Tanong ng kakapasok lang na si DZ. Kasunod niyang pumasok si BZ at Luke. 

"Uhm ano guys. Upo kayo." Sabi ni CJ. Nagkatinginan silang lahat bago naupo sa sofa. Sakto ring bumaba sina KZ, AZ, EZ at FZ. 

"Oh, what's up?" tanong ni FZ. Sinenyasan sila ni CJ na maupo din. 

"Uhm guys ano kasi..." Umarte si CJ na parang maiiyak at yumuko. 

"What?" Tanong ni DZ.

"Pinapakaba mo kami CJ." Ani Riu. 

"Just tell us what is it? Kyle said it's 911." Seryosong sabi ni Clover. 

"W-wag kayong magagalit ah." Sabi ni CJ. "Ano kasi. B-buntis ako." Pabulong na saad niya.

"Ha? hindi namin narinig Cy." Sabi ni HZ.

"B-buntis kako ako." Mas nilakasan ni CJ ang boses niya. Sandaling namutawi ang katahimikan sa pagitan ng lahat. 

Not until...

"Hmm ang bilis naman? Nakabuo agad tayo?" Nanlaki ang mata ng lahat ng magsalita si Ice na prenteng nakasandal sa may sofa. "Kapag Ashford nga naman. Walang mintis. Shoot agad." Dagdag niya at ngumisi. 

"A-anong..." Gulat at hindi makapagsalita sina BZ. Lalo na ang section 5. At mas lalo na sina CJ, Kyle at Renz. 

"H-huh?" Gulat na tanong ni CJ. Ngumisi si Ice at umayos ng pagkakatayo. 

"Paano ba yan? Pumili ka na ng magiging ninong ng anak natin." Sabi ni Ice. Namula ng todo si CJ. 

"Wait let me kill this m*therf--" Agad tumayo si Luke at handang sugudin sana si Ice pero agad tumayo si CJ.

"Teka lang! Teka lang! Walang patayan na magaganap! Guys it's a prank! Prank lang 'to!" Awat niya. 

"Ano?!" Sabay-sabay na sigaw ng lahat maliban kina Ice, Kyle at Renz. 

"Prank lang guys! Hindi ako buntis! Ayun yung camera oh! Tsaka paano ako mabubuntis eh wala nga akong boyfriend?!" Singhal ni CJ.

"Pakurot nga ng isa CJ. Isa lang promise." Sabi nina HZ, FZ at AZ. 

"Guys prank lang! Hindi kasama sa script yung ginawa ni Ice! Promise! Teka nga, paano mo nalaman?!" Tanong ni CJ at bumaling kay Ice.

"Renz told me." He said and smirked. Nagkatinginan sina Kyle at CJ tsaka sabay na tinignan ng masama si Renz. 

"Renz!" Sabay na sigaw nilang dalawa. Napatigil si CJ ng may maalala.

"Na-video-han naman to, diba?" Tanong niya sa bata. Bakas ang alinlangan at hindi kasiguraduhan sa mukha ni Renz. 

"O-oo ata?" Hindi siguradong sagot nito. Sabay-sabay silang tatlong tumakbo sa camera. At nanlaki ang mata nang makitang hindi naka-play yung record button. 

"RENZ! SUGURIN SI RENZ!" Sabay-sabay na sigaw ng lahat. 

"WAH! TULONG!!!!"

You are reading the story above: TeenFic.Net