Chapter 83

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

"Hoy hoy hoy at sino nagsabing makikipag-away ka aber? Hindi. Walang away na magaganap." Agad na pigil ni kuya Jack at hinila ang kwelyo ng tshirt na suot ko. Ibinuka ko ang bibig ko para magsalita ngunit agad naman niya iyong pinutol. "Ako ang kakausap sakanila. Hindi naman kailangan mauwi 'to sa gulo."

"Sa tingin mo ba mac-convince mo sila?" Bulong ni ate Jill kay kuya Jack. Nagkatinginan sila at sabay na nagkibit balikat kaya napatampal nalang ako sa noo ko.

"Tama naman, hindi naman kailangan mauwi 'to sa gulo." Pangsang-ayon ni galunggong with matching tango tango pa. Namulsa siya at tumitig saakin kaya ngumiwi ako. Mukhang manyakol amp*ta.

"Hoy lalaki huwag mo kong matingnan nang ganyan at baka matusok ko 'yang mata mo." Inis na saad ko. Ngumisi lang siya ay tumingin sa kambal.

"Give her up. It's that easy. Wala pang masasaktan." Seryosong saad niya dito. Tumawa nang sarkastiko si kuya Jack bago siya sinamaan ng tingin. 

"We already said no. You're acting out of the boss' orders, so it counts as pakikialam saamin." Kuya Jack said, eyeing everyone. Nagpabalik-balik ang tingin ko sakanila hanggang sa mapansin ko ang pasimpleng paggalaw ng isa sa tauhan kuno ni galunggong. Tsaka ko lang din naalala ang dagger na nasa gilid ng bewang ko. How did I forgot that I don't leave the house unarmed?! How stupid of me!

Dahan-dahan din ang pagkilos ko at sinigurong walang makakahalata. Nakaramdam si Ice sa pagkilos ko at hinarangan din ako. Lumingon siya saakin at pasimpleng tumango bago muing humarap sakanila. 

I clenched at the handle of my dagger as I watch the other guy's movement. I squinted my eyes and breathed heavily as I wait for the right timing. I sighed in relief when I saw it was just a handkerchief the guy was reaching for and used it to wipe his face. I was about to relax when I felt something rushing towards our direction, to kuya Jack to be exact.

I shoved Ice to the side and pulled kuya Jack to duck while I slightly kicked ate Jill to the side. Inilukot ko ang parehond tuhod ko upang kumuha ng bwelo bago tumalon nang mataas at sipain papuntang sahig ang shuriken. Tumarak iyon sa kinatatayuan ko kanina at muntik ko pang mabagsakan, mabuti na lamang at pagbagsak ng isang paa ko sa lupa ay nakahanap kaagad ako ng balance kaya naiwang nakabitin ang isa ko pang paa nang hindi ako nao-off balance.

"Are you gagoing me?!" Gigil na sigaw ko at humarap dun sa nagbato ng shuriken. Dahan-dahan din siyang nilingon ni galunggong at tiningnan nang napakasama. "Nakita mong nag-uusap tapos magbabato ka bigla ng patalim? Eh kung ikaw ang ibato ko pa-japan?!"

"Eh—"

"Ehtlog! Paano kung natapakan ko yun?! Edi nasira yung sapatos ko?! T*ng*na ka alam mo ba kung gaano kahirap hanapin 'tong sapatos na 'to?!" Ani ko at tinanggal ang sapatos bago itinaas para makita niya. "Ilang buwan kong hinanap 'to tapos masisira lang nang dahil sayo?! Tanggap ko pa sana kung si Eunwoo eh! Pero kung ikaw na mukhang pinaglihi sa sama ng loob, aba'y ano ka?! Gold?!"

"Bida-bida ka din kasi! Hindi naman para sayo pero bakit mo sinalo?!" Singhal din nito saakin kaya npahawak ako sa dibdib ko at napabuga ng hangin. How dare him?!

"Huwaw! Naninigaw! Hoy pre, makasigaw ka akala mo bingi kausap mo 'no?! Para sa kaalamang mo hindi naman kasi lahat ng hindi para saatin ay hindi dapat sinasalo. Porket sa iba nakatutok hindi mo na pwedeng saluhin?! Eh sa pinoprotektahan mo lang naman para hindi masaktan kaya kahit na hindi para sayo ay handa kang saluhin." Sagot ko dito.

"Pakialam—"

"Weh weh weh mangangatwiran ka pa eh! Di ka lang kasi mahal ng mama mo!" Putol ko ulit sakaniya. Nakita ko ang pasimpleng pagtawa ng mga kasamahan niya kaya lalo siyang nainis. Hinila na ako palayo ni kuya Jack at akmang rerebat pa si kuyang pinaglihi sa sama ng loob nang muli akong sumigaw. "Ang panget mo!"

Doon na humagalpak ng tawa ang mga kasamahan niya at wala na siyang nagawa kundi ang tumingin nalang nang masama.

"Cyan Jade." Saway saakin ni kuya Jack kaya napasimangot nalang ako. Muling tumahimik ang buong paligid nang tumikhim si galunggong. 

"Okay everyone we had our fun, now, for the main thing, hand her over. I won't repeat myself." He said and pulled a gun from his pocket. He aimed it at kuya Jack's foot and pulled the trigger. I was amazed when kuya Jack didn't flinch or had any reactions at all when the bullet almost hit his toe. Galunggong raised it and aimed at his head. "The next bullet will be in your head."

Lalong tumalim ang mga mata ni ate Jill. Nanatiling walang reaksiyon si kuya Jack, nakikipagtitigan din kay galunggong.

"Matanong ko lang ha." Ani ko. Lahat sila ay napatingin saakin, interesado sa kung ano ang itatanong ko. "Bakit ba kating-kati kayo na makuha ako? I mean oo alam kong basagulera ako and all, pero bakit nga? Anong meron at interesadong interesado kayo saakin?"

Sa totoo lang matagal ko na talagang ipinagtataka iyon. Bakit ba panay habol sila saakin? May atraso ba ko sakanila na hindi ko natatandaan? Or sadyang pinaglihi sila sa aso—or dati talaga silang aso?

"The thing inside you. It's what our boss wants." Galunggong answered, not breaking the eye contact. I bit the inside of my cheek to stop myself from smirking and tried to look innocent.

"Thing? What thing?" I asked, confusion written all over my face. His brows furrowed and he squinted his eyes, analyzing whether he's going to buy my act.

"I'm sure you know what we're talking about." He said. My mind cheered for I sensed hesitance his voice.

"Oh I didn't realize I have a 'thing' inside me that I don't know about." I answered sarcastically. His mouth opened, but no words came out. He was trying to form a sentence but he couldn't. He bought it.

Nagkatinginan sila ng mga kasamahan niya kaya pasimple akong ngumisi. Ramdam ko ang titig saakin nila kuya Jack na hindi ko nalang pinansin.

"Sigurado ba kayong siya yung pinapahanap ni boss?" Rinig kong bulong ng isa sa kasamahan ni galunggong. Nabatukan tuloy siya ng isa pa.

"B*bo! Hindi ba sinabi saatin na konektado dun sa kambal? Edi malamang siya nga iyon!" Inis na bulong nung kasama niya.

"Eh bakit—"

"Okay na tayo ah? Alis na kami? May curfew pa ako eh." Ani ko. Akmang ihahakbang ko na ang paa ko nang makarinig ako ng pagkasa ng baril. Napapikit ako at inis na nagbuga ng hangin. Nyemas!

"Isang galaw pa pasasabugin ko 'yang bungo mo." Seryosong saad ni galunggong. My fist automatically clenched when I heard that phrase. A memory flashed inside my mind.

"Why? Malakas ang loob mong gumanyan dahil andito ang dad mo? He won't be able to take you away from here kaya wag kang magpakampante diyan. Isang maling galaw pa, pasasabugin ko na 'yang bungo mo."

I inhaled deeply, trying to relax myself. My heart was beating fast that it will get out of my chest, if that's possible. Nanginginig na din ang kamay ko sa sobrang higpit ng pagkakasarado ko dito. Gusto kong manapak p*ta!

I closed and my eyes and inhaled deeply before opening it and glaring at galunggong. He got confused when I smirked and moved my feet. I walked towards him, slowly, intimidating all of them. And it worked. Awtomatikong napapaatras sila kapag dadaan ako sa harapan nila. Nagpatuloy ang ganun na paglakad ko hanggang sa marating ko ang pwesto niya. He stared at me, reading every movement I do, so I did the same. I stared back at him, making sure he'd feel it down to his bones. Alam kong naiilang na siya pero hindi niya lang ito ipinapahalata.

I smiled sweetly before raising my hand and hold the gun. In-adjust ko iyon at itinutok sa ulo ko, idinikit ko iyon sa mismong sentido ko at nagsalita.

"Go on then. Shoot." I said, not breaking the eye contact. Ilang segundo na kaming nagtititigan pero hindi siya gumagalaw. "Bang!"

Napaigtad siya nang bigla akong bumulong with matching gesture pa ng pagbaril kaya natawa ako. I sighed and took a step back before tilting my head.

"The next time you'll give me a threat, make sure you'll do it, okay?" I whispered and turned my back on him. "Huwag na huwag na kayong magpapakita pa sakin ulit. Kundi babangasan ko na talaga kayong lahat." Seryosong saad ko at binigyan silang lahat ng masamang tingin. My mind made a victory dance nang makitang nasindak sila.

Sinenyasan ko na sina kuya Jack na kumilos na habang hindi pa nakakarecover ang mga g*go. Malalaki ang hakbang na ginawa namin para makalayo. Pagkalikong-pagkaliko namin ay agad kaming nagtakbuhan.

"Ihatid mo si Cy hanggang sa bahay nila. Naiintindihan mo? Mag-iingat kayo." Bilin ni ate Jill habang pinapanood kaming magsuot ng helmet. Tinulungan akong umangkas ni Ice bago siya sumakay. Agad niyang binuhay ang makina ng motor.

"Thank you." I said and smiled. The twins smiled and nodded at the same time. They waved goodbye, signaling Ice to drive away.

Mabilis ang takbo ni Ice at kung saan saan sumingit para masigurong walang makakasunod saamin. Hindi ko mapigilang kumapit nang mahigpit dahil parang hihiwalay talaga ang kaluluwa ko sa katawan ko. Pero hindi iyon ang inaalala ko, kundi yung mga pinsan ko!

Paktay ako kay kuya neto!


(A/N: Goodmorning mga loves! Na-miss ko kayo so much! Being away from wattpad makes me feel incomplete talaga huhu. Kaka-stress pala mag 3rd year hs mga sis hahaha. Sabay pa yung exam and sandamakmak na schoolworks. Wala na tuloy akong time para sa mga nakshie ko gaya nila CJ. Anyways, eto na po ang pa-ayudang new chap ni otor! Enjoy reading!

votes and comments are highly appreciated by the author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)


You are reading the story above: TeenFic.Net