Chapter 80

Background color
Font
Font size
Line height

Happy Reading!!

--------------

CJ's POV:

Kinagabihan pagbukas ko ng pintuan ay napakatahimik ng paligid. Luminga-linga pa ako upang makita kung may nagmamanman ba. Tumingin ako sa napakalaking wall clock na nasa dulo ng hallway. 6 p.m. palang. Nagpaalam na ako kay Kath na hindi ako makakapasok dahil naka house arrest ako. Nung una ay tinawanan niya pa muna ako bago pumayag.

Napakatahimik. Maganda sa pandinig, ngunit hindi maganda sa pakiramdam.

Pagsilip ko din sa ibabang floor ay nakapatay na ang mga ilaw. Dinner starts at 7 p.m. at alam kong sa mga oras na ito ay naghahanda na ang mga bakulaw kong pinsan. So himala at maagang nagpatay ng ilaw sa ibaba.

Kahit na hindi maganda ang pakiramdam ko sa paligid ay nagpatuloy ako sa pagbaba. Malapit sa main door namin ang papuntang kusina. Ang dahilan lang naman kung bakit ako lumabas ay para uminom ng tubig. At magmanman na din hehe.

Halos malaglag ang puso ko nang biglang may kung anong bagay ang gumawa ng napakalakas at tinis na tunog, kasunod ng pagbukas ng mga ilaw. Hindi ko alam kung ano ang una kong tatakpan, yung tenga ko ba dahil mabibingi na ako, o yung mata ko dahil mabubulag na ko sa pagkasilaw.

"Sabi ko na nga ba at susubukan mong tumakas. Hindi talaga kami nagkamali." Nung una ay hindi ko maintindihan ang sinasabi ng kung sinong walanghiya iyon hanggang sa naisipan nitong patayin yung tunog.

"Ha? Ano? Paku-ulit." Ani ko habang kinakamot yung tenga ko at kinukusot ang mga mata ko. OMG! Am I going to suffer from temproray blindness and deafness? No!

"Ang sabi ko hindi kami nagkami at susubukan mo nga talagang tumakas!" Bulyaw ni KZ kaya napangiwi ako. Ay hindi pala ako sa tunog mabibingi. Sa boses pala ng hudas kong pinsan.

"Ano kamo?!" Inis na tanong ko. "Huwag kang sumigaw leche. Hindi ako bingi!" Pahabol ko pa.

"Anak ng–ang sabi ko tatakas ka!" Galit na singhal nanaman niya.

"Wha–I was going to get a glass of water you d*mb*ss!" I shouted at him and I swear I want to hit him hard on his face.

"You have a fridge in your room, Cy." I looked at ate HZ with disbelief.

"Yeah. But it doesn't have water." I answered using my "it's-to-obvious" tone. She glared at me because of that.

"Don't use that tone to me young lady." She sounded like my aunt.

"Eh kasi naman eh. Para sa tubig?!" Inis na saad ko at pinagkrus ang braso ko.

"Sa kusina ka pala pupunta bakit malapit ka sa main door–"

"Alam mo KZ hindi naman sa pagiging laitera, pero uso gamitin yung utak. Andyan 'yan sa ulo mo for a reason. Huwag mong tapakan. Gamitin mo. Nakikita mong mas malapit ang daan dito dahil andito lang yung hagdan." Sagot ko at tinuro yung daan. "Huwag mong isabuhay ang pagiging b*bo ha? Hindi 'yan makakatulong sa pagtanda mo." 

"Eh–"

"Ehtlog. Manahimik ka na. Iinom lang naman ako ng tubig tapos babalik na ho ako sa kwarto ko mahal na prinsipe kung kaya't huwag ka nang tumalak diyaan dahil para kang tandang na mahilig pumutak." Pigil ko sakaniya bago pa man siya makapagsalita ulit at humaba pa ang usapan.

Mabuti naman at marunong makiramdam itong tukmol kong pinsan at nanahimik na. Tahimik nalang din akong nagtungo sa kusina para uminom ng tubig dahil kanina pa talaga ako nauuhaw.

"You have to understand that we're doing this for you."

"Oy fuc–ate! Bakit nanggugulat?!" Parang lalabas sa dibdib ko yung puso ko nang biglang magsalita si ate HZ sa likuran ko. Naibuga ko pa nang kaunti yung tubig na nasa bibig ko dahil sa gulat. Mabuti nalang at sa lababo ko iyon naibuga at hindi sa sahig. 

"I told you to watch your language. Isa pa, hindi ako nanggugulat. Sadyang nasosobrahan ka lang sa kape." Sagot niya at pinagkrus ang mga braso niya. Ngumiwi ako at muling uminom sa baso ko bago sumagot.

"Hindi naman kape ang iniinom ko eh." Sagot ko at inubos yung laman ng baso. Humarap ako nang maayos sa lababo at binanlawan yung baso na ginamit ko bago kinuha yung pamunas ng plato at pinunasan.

"Eh ano?" tanong niya at sinusundan ng tingin ang bawat galaw ko. Tumingin muna ako sa kaniya bago ipinasok sa lagayan yung baso at lumabas ng kusina.

"Red horse. No ice." Seryosong sagot ko. At gaya ng inaasahan ko ay may tatama nga sa ulo ko. "Aray ko!"

"Umayos ka CJ nagtatanong ako ng maayos." Sabi ni ate. Kamot ulo ko siyang hinarap.

"Totoo naman eh." Sagot ko ulit. Mabuti nalang at nakayuko ako kaagad dahil kinuha niya yung isa pa niyang tsinelas at binato sa direksyon ko.

Alis na Cy! Ang susunod diyan kutsilyo na!

"Eto na nga babalik sa kwarto." Ani ko at nagmamadaling umakyat sa hagdanan. "Dun nalang ako magwa-walwal!" Pahabol ko pa.

"Cyan Jade!" Ate HZ shouted and followed me. I immediately went up and entered my room before locking it.

"Joke lang ate!" I shouted and laughed. She stopped pounding on my door and then I heard footsteps going down the stairs. I sighed and laid back down on my bed.

So paano na ako neto? Hindi ako makakadaan sa main door, obviously. Paniguradong meron din nun sa back door at iba pang lagusan dito sa bahay. Kung sa bintana naman, pwede din. Kaso, paano ako bababa?

Yung puno.

Tama! Sa bintana nalang ako dadaan tutal mataas naman yung puno at–

Teka...

Naningkit ang mata ko at dahan-dahang naglakad palapit sa sliding door ng bintana ko. Mabagal at ma-ingat ang bawat kilos ko habang hinahawakan ang handle nito.

At gaya nga ng inaasahan ko, ginalaw din nila yung kwarto ko. I saw a little red light blinking from behind the curtains. Hinawi ko yung kurtina at pinagmasdan yung maliit na bilog na bagay. Nakadikit ito sa mismong sliding door at sa kabilang dulo. Para itong alarm na mat-trigger kapag nagkahiwalay yung dalawa. I tried to find a switch but I failed. Tiningnan ko ang isa pang sliding door na nasa left side at ganun din.

Syempre magkabilaan meron. Hindi naman b*bo mga pinsan mo.

Shush! Kung tulungan niyo kaya akong umisip ng paraan paano makalabas?

We can't hear you! Over and out!

Tch. Walang silbing bulate.

Niligid ko ang paningin ko sa kwarto ko. Pumasok ako sa banyo at tiningnan ang bintana doon. I massaged the sides of my head. It's silly of me to think that I will fit in there.

Mukhang siniguro talaga nila na hindi ako makakatakas. Pati kwarto ko nagawa nilang pasukin. So paano na talaga ako neto? Aish!

Nahiga ako sa sahig at tumitig sa kisame. Muli akong tumayo at sinara ang kurtina tsaka pinatay ang ilaw bago bumalik sa paghiga sa sahig. The glow in the dark stars started glowing. Ito ang nagsisilbi kong ilaw sa tuwing matutulog ako. Para na din akong nags-stargazing sa tuwing papatayin ko ang ilaw at hihiga ako sa kama. I find their soft blue lights comforting.

I was about to doze off when someone knocked on my door. I opened my eyes and sat up. I looked at the door to make sure I heard it right, and then someone knocked again so I stood up and opened the lights before opening my door.

"Yes?" I asked Ikay, who's standing in front of my door, her knuckles hanging up as if she was about to knock again.

"Nothing. Just checking on you." She said and smiled. I stepped aside and opened the door a little wider. 

"Come in." I said. She nodded and went in. Dumiretso siya sa kama ko at naupo doon. Nilibot niya ang tingin niya sa kwarto ko bago muling nagsalita.

"When was the last time you cleaned your room?" She asked and looked at me.

"Last 2 weeks ago." I answered and walked towards the mini fridge I have. Binuksan ko iyon at naghanap ng pwedeng makain. Luckily I still have a leftover chip from last week.

"Mukhang may war na naganap dito ah." Kumento niya at tumawa. I shrugged my shoulders and sat down beside her.

"If only you saw how chaotic I was yesterday." I said and laughed. Natawa na lang ulit siya at muling namutawi ang katahimikan sa aming dalawa.

Tanging tunog lang ng AC at plastic ng chips na kinakain ko ang maririnig sa loob ng kwarto. Inalok ko siya pero tinanggihan niya iyon. Sanaol healthy living.

"Ikay–"

"Nope. I can't." Agad na sagot niya bago pa man ako makapagsalita. Napanguso tuloy ako. Awts. Mission failed.

"Ikay I really have to go somewhere." Ani ko at humarap sakaniya. But my brows furrowed when I saw a hint of curiosity in her eyes.

"Where are you going?" She asked as she looked at me. I squint my eyes at her a little.

"Wh–why are you asking?" Tanong ko din sakaniya. Mukha namang natauhan siya dahil bahagyang nanlaki ang mata niya tsaka siya nag-iwas ng tingin.

"N-nothing. Curious lang." Sagot niya nang hindi tumitingin saakin. Doon ko lang na-realize kung bakit siya andito.

"You're here for a purpose, aren't you? You're not here just to "check on me", you want to know if I'm going to try and go out." I said and scoffed. She then looked at me and held my hand.

"This is out of my hands. As much as I want to help you I can't. They filled the place with alarms and whatever those things are. I'm so sorry." She apologized.

"You do realize you're double crossing them, right?" I asked and chuckled.

"Yeah." She answered and winced. "I'm such a terrible liar, you know."

"Hindi naman. Nakakatakas nga ako noon na ikaw lang ang nakakaalam eh." Sabi ko at ngumiti.

"Fine. I'll help you. Sakto may pupuntahan din ako mamaya. So here's the plan..."

Nakangiti ako habang pinapakinggan ang planong gagawin namin mamaya. Ikay's smart, she can get away with everything without leaving a trace. I mean all of us can do that, but her? Grabe. Magugulat ka nalang sa mga kaya niyang gawin.

Well, it runs in the genes.

"And where do you think you two are going?" Napatigil kaming dalawa ni Ikay nang biglang magsalita sa likuran namin si kuya BZ. Sabay kaming lumingon sakaniya at nagkatinginan. Agad akong umiwas ng tingin at hindi sumagot.

"I was going to take her out, kuya." Ikay answered kuya DZ. Tumingin saakin si Kuya DZ bago muling tumingin kay Ikay.

"Where to?" He asked.

"To the school library. We both need it for an upcoming exam." She explained. Kumunot naman ang noo ni kuya.

"I thought exams are next month?" Nagtatakang tanong niya. Muli kaming nagkatinginan ni Ikay.

"It's more like a practice exam. Parang quiz lang." Sagot ko. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa na para bang pinag-iisipan kung papayag ba siya at maniniwala.

"Be home by 8 pm. Saan kayo? School library? Siguraduhin niyo lang dalawa. Mag-ingat kayo sa daan. Gabi na." Aniya at tumalikod. Nagkatinginan kami ni Ikay.

Nauna akong lumabas at sumunod naman siya. Pagkalabas namin ng gate ay parang doon lang kami nakahinga nang maluwag.

"You think he bought that?" Ikay asked. I looked back at out mansion and shook my head.

"No. Kilala natin siya. Alam nating dalawa na hindi siya ganon kabilis maniwala. I'm sure he's up to something." Sagot ko sakaniya. Nagkatinginan kami ulit bag tumango.

Sakaniya ako sasakay ngayon dahil kinuha nila kuya ang mga susi ko kanina. As in lahat. Pati yung sa motor.

"Ikaw na mag-drive." Utos niya saakin at inabot yung susi. Sumimangot ako at umiling pero pinandilatan na niya ako ng mata kaya wala akong choice kundi sumunod. After all, mas matanda siya saakin ng ISANG araw.

Tumingin pa muna ulit ako sa bahay bago tuluyang pinaandar yung kotse.

"Are you sure about this? What if you get into trouble?" Tanong ko at tumingin sakaniya. Umiling lang siya at ngumiti kaya tumahimik na ako.

Hindi naman ganon katagal ang naging byahe namin dahil gabi na at walang masyadong dumadaan na sasakyan.

"Tara na." Aniya at naunang lumabas. Pasimple kaming luminga sa paligid bago pumasok sa library.

I inhaled deeply and smiled at the smell of old books. The atmosphere in here is so calming. It's like reading your favorite story or watching your favorite movie while being covered in a blanket, sipping hot cocoa combined with the cold air from the rain.

"Dito na ako. Doon ka sa back door dumaan. I'm sure walang tao doon. You can climb, right? Mag-ingat ka." She said and kissed my cheeks. I smiled at her and hugged her before waving my hand.

Lumusot-lusot ako sa mga bookshelves at gaya ng inaasahan ko may nararamdaman akong matang nakatingin saakin. Nagpatuloy lang ako sa pag-liko liko sa kung saan-saan hanggang sa mawala na yung pakiramdam na iyon. Nang masiguradong wala na talagang nagmamanman saakin ay tsaka ako nagtungo sa back door.

Walang lingon-lingon na binuksan ko ang pintuan at lumabas. 

Napatigil ako sa pagkilos nang maramdamang may tao sa likuran ko. Dahan-dahan kong binitawan ang door knob at humawak sa sling bag na dala ko. Huminga ako ng mallim at handa na sanang dukutin yung box cutter ko nang magsalita siya.

"CJ?" Pagtawag nito saakin. Napahinga ako ng malalim at lumingon kay Ice. Ngumiwi ako nang makitang naninigarilyo ito habang nakasandal sa pader.

"Seriously? Smoking at the back of the library? Aren't you worried someone might catch you? You're a minor, and inside the school premises." Pagpuna ko. Ngumisi lang siya at parang proud pa.

"Kaya nga andito ako. Para may thrill." Aniya. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pupuntahan ko. Tiningnan ko ang mataas na pader na nasa harapan ko. Niligid ko din ang paningin ko upang maghanap ng pwedeng tuntungan.

Umatras ako at muling niligid ang paningin ko.

"You look stupid. What do you need?" I heard Ice ask. I didn't look at him and kept looking around.

"Nunya–"

"Nunya business blah blah. Speak woman. You look stupid looking for something that isn't here." He said. Huminga ako nang malalim bago lumingon sakaniya. Bahagya pa akong napanganga sa sinabi niya. "And the woman is too stunned to speak."

Pinaningkitan ko siya ng mata bago muling tumingin sa pader na nasa harapan ko.

I closed my eyes and took a deep breath. I opened my eyes and took 2 steps backward before running towards the wall.

Itinukod ko doon ang kaliwang paa ko at nilagay doon lahat ng lakas ko para makaangat ako at makalipat sa katabing pader. Kagaya ng ginawa ko sa kaliwaang paa ko at muli kong nilagay ang lakas ko sa kanang paa ko at muling itinaas ang sarili ko. Kumapit ako sa bakal na nasa itaas. I swung myself upwards and landed on one foot while my other leg was folded. I looked down, only to see Ice looking up at me, his mouth slightly open. I smirked and copid his line.

"And the man is too stunned to speak." I said with a smirk. Bumuntong hininga siya at naglakad palapit dun sa pwesto niya kanina. Kumunot ang noo ko nang may hawakan siya doon at hilahin. Napanganga ako nang makitang maliit na gate pala iyon na magkakasya ang tao.

"You can go down there." Aniya bago lumabas. Napabuga ako ng hangin at hindi makapaniwalang sinundan siya ng tingin. Sa inis ay patakbo akong pumunta sa kabiang dulo ng rooftop at tumalon pababa. Nag-landing ako sa mismong harap niya kaya napatigil siya sa paglalakad.

"You knew I had to get out and didn't tell me there was a gate?" Mahinahon na tanong ko. Nagkibit balikat lang siya kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at nabatukan siya.

"Aray! What was that for?!" He asked and scratched his head.

"I went through all that trouble tapos pwede naman pala akong makalabas sa mas madaling paraan?! How could you?!" Inis na tanong ko sakaniya at inambaan ulit siya ng batok.

"That's why I was asking you what you need. Ayaw mo naman akong sagutin kaya hinayaan lang kitang mag mala-stunt woman." Kamot-ulong sagot niya. Inirapan ko lang siya bago binalik ang tingin sa library. "Anyway, what are you dong here? Gabi na."

"I should be asking you that. Bakit andito ka? Gabi na. Impossible namang nagpunta ka dito para lang manigarilyo sa likod ng library." Ani ko at pinaningkitan siya ng mata.

"What if iyun talaga ang dahilan?" Tanong niya. I smiled at him sarcastically before rolling my eyes. "I went in to return some books I borrowed. Happy? Oh, ikaw naman. Anong ginagawa mo dito? Alam ba ng mga pinsan mo na andito ka?" Tanong niya. Bumuntong hininga ako bago tumango.

"Oo, alam nila. Nasa loob si Ikay." Sabi ko. Tumango-tango siya bago pinasadahan ng tingin ang buong pagkatao–este buong katawan ko.

"Then why are you wearing formal attire?" He asked and pointed to my outfit. Umiwas ako ng tingin.

"I have to meet someone." I answered honestly.

"And your cousins don't know, right?" He asked again. I only nodded, making him sigh. "Saan ka ba pupunta? Ihahatid na kita." Aniya.

Awtomatikong tumaas ang kilay ko nang sumakay siya sa motor niya.

"Wala akong helmet–" Napatigil din ako sa pagsasalita nang abutan niya ako. Pinaningkitan ko siya ng mata bago tinanggap yung helmet. "Do you always carry this helmet?" I asked.

"Yes. In case of emergencies." He answered and chuckled. I nodded slowly before wearing the helmet. Sinabi ko din sakaniya yung address ng pupuntahan ko bago umangkas sa likuran niya.

"Hold tight." He said and started his engine. 

(A/N: Hello andito ulit ang inyong cute na owtor--charot. Anyways may announcement ulit ako mga vebs. 

So may gc na tayo! Yes po opo may gc na tayo kung saan pwede tayong mag bardagulan, makipag-kaibigan, and many more! 

For more info's please contact Ms. Corinne Manalo in FB. Ayun lang!

Tungkol pala sa live, we can talk about it sa gc nalang. Thank you so much! 

votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)


You are reading the story above: TeenFic.Net