Chapter 78

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

"Cyan Jade!"

"Ay ahas!" Humagalpak ng tawa ang mga kaklase ko samantalang yung nakatayo naman sa harapan ko ay halos umusok na ang ilong sa galit. Luh, problema mo vebs?

"Mag-usap tayo." Galit na sabi ni Astrid at hinila ako patayo. Pakiramdam ko ay madudurog na ang buto ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya saakin.

"Aray Astrid! Masakit! Ano ba yun?!" Inis na tanong ko. Kingina hindi ko pa nga naipipikit kahit saglit yung mata ko eh! Pagpahingahin niyo naman ako! Kaya nga bumaba na ako eh, tapos sumunod naman itong mga kumag na 'to.

"Cleo is planning to burn the whole building! What did you do?!" Galit na tanong niya saakin. Oh, bakit ako?!

"Huh? Bakit ako? Inaano ko siya?" Nagtatakang tanong ko. Wala akong ginagawa sa bruhang 'yun. Pagod na akong makipag plastikan sakaniya 'no. Lalo na wala ako sa mood ngayon.

"She kept on cursing your name! Kung mangkukulam lang siya ay malamang isa ka nang palaka! Or worse, lamok!" Napanganga ako sa sinabi niya. Ako? Lamok? Excuse me ah sa gwapo kong 'to magiging lamok lang ako? Aba no!

"Pabayaan mo siya. Hindi yun nakainom ng gamot." Baliwalang sagot ko pero halos mabasag ang eardrum ko nang makarinig ako ng tili mula sa itaas na floor. Hindi tili na takot kundi galit. Ay may clue na ako sino yun. Ang pangit ng boses eh.

"You heard that?! That's her controlling her d*mn temper." Bulong ni Astrid. Ngumiwi ako nang muling tumili si Cleopatra.

"I'm going up." Astrid said and started walking away. "I have to stop her doing that or else our eardrums will suffer." She added and went up.

"Should I—"

"No. Let her be. She's a grown-up." Rinig kong sagot ni Ice na hindi ko namalayang nasa likuran ko ang pala at nakikinig sa usapan namin ni Astrid.

"Hindi mo manlang ba aawatin yun? Maawa ka naman sa kaklase nung ex mo." Binulong ko yung huling part kasi baka ma-beastmode nanaman 'to.

"You said it yourself, ex ko. Past ko na siya. So, no." Sabi niya at nagkibit-balikat. "I'm already interested to someone else. Malaki na si Cleo. Alam na niya ang tama at mali." Dagdag niya pa.

"Dami mong sinabi. Anong paki ko kung interesado ka na sa iba." Bulong ko at umirap. Aakyat na sana ako pero nakarinig ako ng malakas na kalabog na nagmumula sa itaas na floor. Sa hindi malamang dahilan ay hindi gumanada ang pakiramdam ko. Sunod kong narinig ang malakas na sigawan na para bang may inaawat sila. Maski ang boses ni EZ ay narinig ko sa gitna ng ingay nila. Isa lang ang ibig sabihin neto. Sh*t!

"Don't." Rinig kong bulong ni yelong kumag pero alam naman niyang matigas ang ulo ko. Bago pa niya ako mahawakan ay lumusot ako kaagad sa gilid niya at patakbong umakyat.

Ang una kong nakita ay mga upuan na nagkalat, pagkatapos ay likod ng mga taong nagkukumpulan. Yung ibang ayaw madamay ay naiwan sa 2nd floor at 3rd, pinakamarami sa 4th floor at nakikichismis. Hinawi ko sila hanggang sa marating ko ang pinakaharap. Nakatanaw pala sila sa next floor. Ang 5th floor. Tch. Sinabing bawal dun eh!

"BITAWAN NINYO AKO!" Napatingin ako sa gawi ni EZ at KZ na hawak nung mga taga section 4 na parang inaawat dahil parang makakapatay ang mukha nung dalawa. Hindi napansin ng iba ang pagdating ko samantalang yung iba naman ay kusa nang tumabi.

Pag-akyat ko sa 5th floor ay nakita ko si Astrid at Cleo. Sumama ang timpla ng mukha ko nang makitang nakasalampak sa sahig si Ikay. Oh no b*tch you did not.

Malalaki ang bawat hakbang ko papunta sakaniya. Dalawang malulutong na sampal ang ibinigay ko kay Cleo. Napasinghap ang lahat, pati na rin si Astrid dahil sa hindi inaasahang galaw ko. Napansin ko din na nagsi-sunod pala ang ibang students na nasa hallway sa ibabang floor kanina. 

"Ang kapal ng mukha mong padapuin 'yang kamay mo sa balat ng isang Montefalco! Anong karapatan mo?!" Bulyaw ko sakaniya. Agad siyang nakabawi sa gulat niya at hinablot ang buhok ko. Nahablot ko din ang buhok niya kaya pareho na kaming nagsasabunutan ngayon. Pilit kaming pinaghihiwalay pero ni-isa saamin walang may gustong bumitaw. Ano ako unang bibitaw tapos siya nakakapit ap din sa buhok ko tas ako lang masasaktan? Aba no. Ano siya? Gold?

"Bitawan mo nga ako! Nasasaktan na ako!" Bulyaw niya saakin at mas hinigpitan ang hawak sa buhok ko.

"B*bo ka pala eh! Kung bumitaw ka na kanina pa edi sana hindi ko ingungudngod 'yang mukha mo sa sahig." Sabi ko at hinawi ang paa niya. Dahil sa pagkaka-off balance niya ay nabitawan niya ang buhok ko at humawak sa magkabilang braso ko. Marahas kong tinanggal ang mga kamay niya sa braso ko at lumayo. Pinagpag ko ang uniform ko at inayos ang buhok ko bago muling tumingin sakaniya.

"How dare you hurt me?!" She shouted and was about to attack me again when Astrid stepped in front of her and gave her a soul-shocking slap. Ayan! Deserve!

"One more time you make a mess here I won't hesitate to kick you out." Astrid warned. Muli kong nakita yung unang Astrid na nakilala ko. Yung b*tchy side niya.

Napaatras kami ni Astrid nang biglang humagulgul si Cleo at napaluhod. Hawak niya ang pisngi niya at talagang bigay na bigay sa pag-iyak. Pero kahit gaano kalakas ang paghagulgul niya nakarinig pa din ako ng yabag ng paa sa likuran ko. Oh, kaya naman pala.

"I-ice!" Automatic na tumaas ang kilay ko nang magliwanag ang mata ni Cleo at nagkunwaring nahihirapan tumayo.

Hala the tuhod mo ba yung sinampal?

"What happened?" Agad na tanong ni Ice at dinaluhan siya. Napairap ako nang ipulupot ni Cleo ang braso niya sa braso ni Ice at sumubsob sa dibdib niya. Ito namang isa hinagod-hagod pa yung buhok. Interesado pala sa iba ah. Kagaleng naman mang-scam ng gag*ng 'to. Inirapan ko silang dalawa at tinulungang itayo si Ikay.

"Okay ka lang?" Tanong ko sakaniya. Tumango siya at tinapik-tapik ang balikat ko. "Bitawan niyo na yung dalawa kung ayaw niyong kayo ang mabugbog niyan." Utos ko dun sa mga nakahawak kay KZ at EZ.

Pagkabitaw na pagkabitaw nila ay mas mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo sila palapit kay Ikay at sinipat ang mukha niya. Halos mandilim ang paningin ko nang makitang may pasa siya. Teka kulang pa yung mag-asawang sampal na binigay ko. Pa-isa pa nga.

"Sh-She slapped me, Ice! Astrid and I was talking and then she came and slapped me!" Pagsusumbong niya. I mimicked her and made a face then rolled my eyes at her. Paawa effect amp.

"Cy—"

"Save it. I don't need to hear it." I said and turned my back at them. I clutched my chest when my heart started aching as if something's pinching it. Baka naipitan lang ng ugat.

Oh, come on, Cy. Don't deny it. Alam mong nasasaktan ka dahil nakita mong mas concern si Ice kay Cleo kesa saiyo.

Buhusan ko kaya ng acetone yung mukha ng bruhang 'yun? Ang kapal ng apog niyang magpa-awa effect sa ex niya samantalang kitang-kita na siya ang unang nanakit! Hindi sakin, kundi kay Ikay! I did that because she hurt my cousin! My bestfriend!

"Aren't you going to apologize at least?" Napatigil ako sa paglalakad at dahan-dahang lumingon kay Ice. Ano daw? Parang ano kasi eh, parang nabingi ako.

"Ano?" Tanong ko. Tinulungan niyang tumayo si Cleo bago muling tumingin saakin.

"You can say sorry, you know. You hurt her badly." He said. Napansin ko ngang namumula yung kabilang pisngi ni Cleo at mukhang mamamaga pa ata. I saw Astrid smirking, proud of her masterpiece.

"She deserves that. By the way, that's my work." Proud na sabi ni Astrid pero hindi siya pinansin ni Ice dahil sa muling pagdaing ni Cleo at kuwaring nanlambot pa.

"No." Natigil silang lahat nang magsalita ako.

"Ano?" This time mukhang siya naman ang nabingi.

"You heard me. No. I won't apologize to someone na pa-victim." Seryosong sagot ko. Kinuyom ko ang aking kamao upang pigilin ang sarili kong magsalita pa.

"You attacked me! I deserve an apology! At hindi ako pa-victim!" Singhal niya saakin. I squinted my eyes at her.

"Ikaw? Victim? Aba'y g*go!" Bulyaw ko at akmang lalapitan ulit siya pero mabilis akong nahawakan ni Astrid.

"CJ!" Sigaw saakin ni Ice.

"Ginag*go mo ba ako?! Deserve mo ng apology? Alam ng lahat, narinig ng lahat 'yang matinis at nakakairita mong boses! Narinig ng lahat kung gaano kalakas 'yang tili mo! Umakyat si Astrid para awatin ka dahil mukha kang kinakatay! Tapos makakarinig ako ng kalabog at madadatnan ko yung pinsan kong nakasalampak sa sahig!" Sigaw ko sakaniya.

"You don't have any proof that I hurt her y—"

"SHE HAS BRUISE! There's a d*mn proof! And you think I owe you an apology? You think you don't deserve to be slapped after hurting my cousin? Well, congratu-f*cking-lations you have attained another stupidity, Ssi-Bal-Nyeon!" I shouted at her. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko sakaniya dahil agad siyang bumitaw kay Ice at sinugod ako. Nagulat pa si Ice nung una pero agad siyang natauhan. Pero nakabitaw na ako kay Astrid at sinalubong ang kamay niya. Mahigpit ang hawak ko sa pala-pulsuhan niya.

Hinawakan nung dalawang section 1 ang braso ni Cleo samantalang sila Kyle at Riu naman ang pilit na humihila saakin. Napaghiwalay nila kami pero mukhang hindi talaga susuko etong Cleopatra na 'to dahil nakakawala din siya mula dun sa dalawang nakahawak sakaniya.

Mukhang may gera dito sa building namin dahil bukod sa ingay, madami na ding nagkalat na kung ano-ano. Idagdag mo pa ang naririnig ko ding pagtatalo sa likuran ko.

"How dare you?!" She shouted and pounced at me. Napabitaw saakin sina Kyle kaya nakailag ako kaagad. Lumusot ako sa gilid niya at hinawakan ang magkabilang braso niya. Ibinaba ko iyon sa likuran niya. Bigyan niyo ako ng posas! Ipo-posas ko 'to sa railing!

Biglang lumakas ang ingay at ganun nalan ang gulat ko nang makitang may nagsasapakan na. First time kong makitang nagsapakan ang section 4 sa sarili nilang kaklase.

Hindi na malaman ni Ikay kung sino ang aawatin niya. Muntik nang madamay si Ikay pero agad ko siyang hinila at nilagay sa isang tabi kung saan hindi siya madadamay.

"Walang makikialam!" Sabay na sigaw namin ni Ice. Pareho kaming lumapit dun sa dalawang section 4 at pilit na pinaghihiwalay.

"CJ!" Sabay-sabay na sigaw nila nang may humila saakin at tinulak ako. Halos malagutan ako ng hininga nang muling tumama yung likod ko sa bakal na rehas ng building namin.

"I will make you pay! B*tch!" Sigaw ni Cleo. Natatakpan kami ng mga ibang students na busy sa kakanood nung nagsasapakan kaya hindi nila nakitang pagtutulungan na ako ng ibang section 4. Kingina set-up lang pala! Scripted yung sapakan!

"I hope you'll learn your lesson and stay away from my man!" Cleo whispered and slapped me.

"PUNYETA MAGSI-TIGIL KAYO!" Galit na sigaw ko. Biglang tumahimik ang lahat at napatingin saakin. Hindi na din naituloy nung mga lalaking nasa harapan ko ang tangkang pagsapak niya saakin.

"ANG KAKAPAL NG MUKHA NINYONG GUMAWA NG GULO! SA BUILDING PA MISMO NG SECTION 5!" Mukhang natauhan naman yung iba at nagkanya-kanyang alisan. Maski yung grupo ng lalaking nasa harapan ko kanina ay patakbong bumalik sa room nila. "I TOLD YOU! 5TH FLOOR IS F*CKING RESTRICTED!"

"What is happening here?!" Dumagundong ang malakas na boses ni Ms. Fuhla, kasunod ng ilang mga yabag ng paa. Kasunod niya si sir Kylo at iba pang adviser ng ibang section. 

"M-maam—"

"What were you doing, Angelica Zade? You are supposed to be keeping the peace here!" Nag-init ang ulo ko nang singhalan ni Ms. Fuhla si Ikay. Hinablot ko ang braso ni Cleo at naglakad sa harapan ng teachers bago siya pabatong binigay sakanila.

"Bago niyo singhalan ang pinsan ko, tanungin niyo muna kung gaano kalaking gulo ang sinimulan niyang babaeng 'yan." Seryosong saad ko. Nagsimula nanamang umiyak si Cleo at umakto pang hindi na makahinga. And the best actress awards goes to, Cleo the plastic b*tch.

Napaigtad ako nang may humawak sa braso ko. Nakita ko nalang na panay na ang tulo ng dugo sa braso ko. Yung kaninang gasgas lang ay naging malaking sugat na. Mukha akong kinalmot ng tigre.

"Hindi mo tinitingnan. Paano kung magka-infection 'to?" Bulong ni Ice habang tinatali yung panyo niya dun sa sugat. Nang mabuhol niya ay binawi ko kaagad ang braso ko at lumayo sakaniya. Umiwas ako ng tingin at kinagat ang loob ng bibig ko para pigilan ang pag-ngiti.

Shush galit ka dapat sakaniya diba. Galit ka. Grr.

"Pabayaan mo 'ko. Kaya ko ang sarili ko." Ani ko at naglakad palayo. Akmang magsasalita pa si Ms. Fuhla pero pinigilan na siya ni Sir. Si Cleo naman ayun dinala na sa clinic kasi masakit daw yung pisngi niya at namamaga. Tch. Sana natanggal din yung ngipin niya.

I stopped walking as I felt the pain at my back worsened. My knees automatically weakened that I have to hold at the wall beside me for support.

"Hey, you okay?" Riu asked. As much I want to lie, I can't cause it's pretty obvious I'm not, so I shook my head.

"No. My back hurts." I whispered. Nagsalubong ang kilay niya at tumingin sa likuran ko bago lumingon kela Ikay. Mukhang nakuha naman iyon ni Ikay dahil mabilis ang paglalakad niya palapit saakin. Naramdaman ko ang pag-angat nila sa blouse ko bago ako nakarinig ng mahinang pag-singhap.

"What?" Nanghihinang tanong ko. 

"What the f*ck is this?" Narinig kong bulong ni EZ.

"Hey! Can anyone tell me whatever sh*t you're seeing right now? It's my d*mn back." I said and looked at them. I can see confusion resting at their faces.

"You...have a tattoo." Yow what?!

"Come again? Mali ata ang pagkakarinig ko sa sinabi ni Ikay." Sabi ko at pinagmasdan ang mga ekspresyon nila. Ako? May tattoo? Bakit hindi ko napapansin?!

Stupid! Do you stare at yourself in front of the mirror naked?

No! Why the hell would I do that?! Absolutely not!

"Your tattoo. It's swelling. We have to get you to a doctor. Now!" KZ shouted.

"I don't need a doctor—" Oh for goodness sake not again!

Biglang umikot ang paligid ko at lalong naramdaman ang pagkirot ng likuran ko. Napahawak ako ng mahigpit kay Riu. May mga sinasabi siya pero kagaya ng paningin ko ay blur nalang din ang naririnig ko.

"Ow f*ck." I whispered when I started some ringing sound.

"Welcome to your new home, Twelve."

"We show no mercy."

"She was made to kill."

"Her abilities can slaughter a whole village."






"YOU CAN NEVER ESCAPE YOUR PAST!"

(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)


You are reading the story above: TeenFic.Net