Chapter 75

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

"Good you're—what happened to you?!" Ngumiwi ako nang marinig ang boses ni kuya DZ na sinalubong ako pagbukas ko ng main door namin. Nag-echo sa buong mansion ang boses niya. At nakalipas ang ilang segundo, sunod-sunod na naglabasan ang mga pinsan ko.

"Holy sh*t who did that to you?!" Patakbong lumapit sa kinaroroonan ko si kuya BZ at sinipat ang mukha ko. Pati si kuya DZ ay sinipat ang buong katawan ko at humanap ng kahit anong bali.

Grabe ka naman kuya. Baling buto agad ang hinanap.

"Kumpleto. Good." Tiningnan ko kung kumpleto kami ngayon dito. Para makasiguro ay nag head count pa ako, maalis lang ang pangambang may mapahamak, bukod saakin, sa pamilyang 'to.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan? Nabagok ka ba?" Tanong ni KZ. Inirapan ko siya at nilagpasan. Naupo ako sa sofa at ipinatong ang dalawang siko ko sa magkabilang tuhod ko.Makalipas ang ilang segundo ay sumandal ako at ipinikit ang mata ko. Kaso hindi talaga ako mapakali.

"Ayos lang ba kayo?" Tanong ko at idinilat ang mata ko. Only to find na nakatingin sila saakin na para bang nagsalita ako ng ibang lenggwahe.

"ARE YOU KIDDING US?!" I immediately covered my ears when they all started shouting at once.

My poor eardrums.

Pakiramdam ko ay naglaglagan na lahat ng tutuli ko dahil sa earth shocking—este ear shocking na sigaw nilang iyon.

"Yah! Don't shout! I'm not deaf! Aish!" Inis na singhal ko sakanila.

"You're seriously asking if we're okay when you're the one who got beaten!" Singhal ni ate HZ at naglakad palayo. Akala ko ay nag walk out siya pero ilang segundo ay bumalik din siya dala-dala ang medicine kit.

"Tss. Ito? Wala 'to! Ako pa! Baka Cyan Jade 'to." Sabi ko at tumawa. Pero napaseryoso din dahil ni isa sakanila ay wala manlang ngumiti. Kahit si EZ at ate FZ na palaging nakangiti ay sobrang seryoso din na parang makakapatay sila.

Hala, what if nagp-plot na nga sila ng murder?! Tapos ikaw yung victim?!

What if ipapurga ko din kayong mga bulate na walang dulot?! Magw-what if na nga lang, yung hindi pa nakakatulong.

"Seriously, what happened to you?" Seryosong tanong ni kuya DZ at naupo sa harapan ko. Nag-iwas ako ng tingin at hindi nagsalita.

"Is this from your school?" Sunod na tanong naman ni kuya BZ. Umiling ako at yumuko pero agad ding napaangat dahil kay ate HZ. Inangat niya kasi yung ulo ko at talagang diniinan yung pagpunas sa pasa ko.

"Aray ko ate!" Sinamaan lang niya ako ng tingin at diniinan pa lalo.

"Kapag kinakausap ka, sumagot ka." Aniya at tinanggal yung bulak dun sa pasa.

"Ay ako ba kausap. Sorry naman." Muntik na niya akong mabatukan, mabuti na lang at nakaiwas agad ako. Joke lang naman teh. Why so serious?

"Umayos ka sinasabi ko sayo dadagdagan ko talaga 'yan." Sabi ni ate HZ habang nililinisan yung sugat ko sa may bandang kilay.

"Ano ngang nangyari?" Ulit na tanong ni Ikay.

"Napaaway lang." Maikling sagot ko.

"Napaaway? At bakit?" Tanong naman ni KZ. Oh, bakit interesado kang leche flan ka?

"Kasi why not coconut." Mabilis akong lumayo kay ate HZ pagkatapos kong sabihin iyon. "Joke lang!" Mabilis na sigaw ko nang nakitang inangat ni ate ang kamao niya.

"You think we're joking right now?" Napatigil ako nang marinig ang seryosong boses na iyon ni kuya DZ.

"CJ, you look like a boxing fighter. Pangarap mo bang maging punching bag? Look at your face! The last time na napaaway ka you ended up in a d*mn hospital with broken bones!" Segunda naman ni kuya BZ.

"ALMOST broken ribs. At tsaka hindi kaya iyon yung huling away ko." Pagtatama ko.

"Ah so gusto mong matuluyan? Halika dito ako mismo babala diyan." Inis na saad ni KZ at akmang lalapit saakin.

"Ay sa pagkakaalam ko bawal makisali yung may pangalan na Kaiden Zen." Sarcastic na saad ko. Mabuti nalang at inilayo siya agad ni ate FZ dahil baka mag-sabong kaming dalawa neto kapag humakbang pa ulit siya palapit saakin.

Ay ano ka? Manok?

Hindi lang naman manok ang pwedeng magsabong ah?!

"CJ anong nangyari diyan sa pagmumukha mo at bakit umuwi kang ganyan ang itsura?" Muling tanong ni kuya DZ.

"Napaaway nga paulit-ulit." Sagot ko na lalong ikina-usok ng ilong niya. Ayan na dragon na siya.

"ANONG KLASENG SAGOT ANG NAPAAWAY?! OBVIOUS NAMANG NAPAAWAY KA! ANG TANONG KO AY KUNG BAKIT KA NAPAAWAY?!" Kumuyom ang kamao ko nang mag-higher do siya. Unti-unti na ding bumibigat ang dibdib ko.

"Tinuruan ko lang ng leksyon yung mga taong walang magawa kundi manira ng buhay." Bulong ko at nag-iba ng tingin. Nag-iinit na din ang gilid ng mata ko.

"DAHIL BA 'TO SA SECTION 5?! CYAN JADE—"

"THIS ISN'T JUST ABOUT SECTION 5! THIS IS ABOUT THEIR LIVES AND YOUR LIVES TOO! YES! I GOT INVOVLED IN A FIGHT TRYING TO PROTECT YOU FROM THOSE SH*THEADS WHO KEPT ON BOTHERING EVERYONE AROUND ME BECAUSE OF WHO?! ME! BECAUSE OF ME!" I couldn't help but shout at him too. His looks softened when he realized that his shout didn't help.

"What?" Gulat na tanong nila. Pinahid ko ang tumulong luha mula sa mata ko at binuo ang boses ko.

"Tinarget nila yung section 5, kuya. Napaaway ako dahil prinotektahan ko yung pangalawang pamilya ko. So, I'm sorry, for going home looking like a d*mn mess. Masama na ang loob ko sakanila, please, huwag na kayong dumagdag." Saad ko at dere-deretsong naglakad paakayat ng langit—este ng kwarto ko.

Pabalibag kong isinara ang pintuan at hindi napasandal doon. Nagpadausdos ako paupo at hinawakan ang ulo ko. Hindi ko napigilang maiyak habang inaalala yung mga pangyayari kanina. Napatingin din ako sa mga kamay ko at lalong napaiyak. Humawak ako ng baril. Ako mismo. At hindi lang iyon. Muntik pa akong makapatay kanina. Leche!

"Ngayon ko lang na-realize, ang panget mo palang umiyak."

"P*TANG*NA!" Agad akong napatayo at hindi napansin yung doorknob kaya malakas yung pagkakauntog ng bumbunan ko.

"BWAHAHAHA! B*BO AMP*TA! HAHAHA!" Sinamaan ko ng tingin ang nagtatawanang sina Klarenz at Riu na tuwang-tuwa.

"MGA LECHE! PAANO KAYO NAKAPASOK?!" Bulyaw ko sakanila at hinimas yung nauntog saakin. Inis kong binato sa direksyon nila yung makapal na notebook na nasa ibabaw ng study table ko. Hindi nila iyon napansin kaya hindi agad sila nakaiwas. Unang tinamaan si Klarenz kaya nahulog siya sa kinauupuan niya. Sumunod na tinamaan nung pangalawang notebook na ibinato ko ay si Riu. Dasurv!

"Aray! Bakit namamato?!" Angil nilang dalawa. Tinaasan ko sila ng kilay at akmang ibabato din yung sapatos ko pero yumuko agad sila.

"Tch. Kung nagkataon na yung mga pinsan ko ang andito sa kwarto ko baka nakakulong na kayo ngayon." Sabi ko at tumayo. Tsaka ko lang napansin,

Ay walangya! Umuwi akong wala yung bag ko!

"Yung pinsan mo nga mismo yung nagpapasok samin dito eh." Sagot ni Klarenz.

"Oo nga." Segunda naman ni Riu. Kumunot ang noo ko at nagtatakang tumingin sakanila.

"Huh? Sino dun?" Takang tanong ko.

"Yung masungit." Sinamaan ko sila ng tingin at inambaan.

"Grabe. Laking tulong ng sagot niyo." Sarkastikong saad ko. "Lahat sila masungit. Sino doon?" Muling tanong ko.

"Yung si kuya DZ ba 'yun." Ani Riu at nagkibit balikat.

"Oh. Buti hindi kayo nasapak nun." Sabi ko at tumalikod. Binuksan ko yung drawer ng study table ko at may hinanap.

"Oh, anong hinahanap mo?" rinig kong tanong ni Riu. Hindi ko siya sinagot at may hinanap sa drawer. Sana andito...

"Grabe. Ang sabi kapag walang mahanap na trash bin, sa bag o bulsa muna ilagay, pero bakit ginawa mong basurahan 'tong bag mo?" Napatigil ako sa paghahalungkat nang marinig ang sinabi ni Klarenz. Paglingon ko ay kasalukuyan nilang tinatanggal yung mga basura sa bag ko at tinatapon sa trash bin na nasa gilid ng pintuan ng walk-in closet.

"Bitawan niyo na 'yan." Utos ko at hindi sila pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paghahalungkat sa drawer. Shuta nasaan yung usb?!

Bigla akong napatigil sa paghahanap dahil biglang tumahimik ang paligid. Wala akong naririnig na tunog ng papel, ng plastic, o nang kahit anong paggalaw!

Dahan-dahan ko silang nilingon. Nakatulala sila habang hawak ang itim na may halong silver na bagay. Naningkit ang mga ko at pinakatitigan iyon. Dahan-dahan silang lumingon saakin at tumitig.

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko kung ano iyon. A-anak ng tupa!

"Cy..." tawag ni Riu. Mabilis akong umiling.

"Hindi. Hindi sakin 'yan." Agad na sagot ko.

"Bakit may ganto ka?" Tanong naman ni Klarenz. Mabilis kong inagaw sakanila yung balisong.

"Hindi akin 'to. Never akong humawak ng balisong. At bakit ako magdadala ng balisong sa school? Trip lang?" Saad ko. Napaupo ako at pinakatitigan ang hawak kong patalim.

"May plano ka bang tapusin kami?" Tanong naman ni Riu. Agad akong umiling at napatingin sakaniya. May hawak siyang parang folder. Inabot niya iyon saakin at nag-iwas ng tingin. Napailing agad ako at natutop ang aking bibig nang makita kung anong nilalaman ng folder.

Puro mukha iyon ng section 5, yung mga picture nila na stolen shots, tapos...

Tapos may malaking exis yung mga mukha nila!

"No. No. No!" Napasigaw ako dahil sa nakita ko. Hindi ko kayang tingnan yung mga litrato dahil binaboy nila! Nakalagay doon ang mga impormasyon nila, at kung kelan nila t-target-in ang mga kaklase ko!

Nilukot ko iyon at ibinato sa kung saan. Saktong bumukas yung pintuan at niluwa niyon sina kuya BZ at kuya DZ.

"What's happening?" Agad na tanong ni kuya DZ saakin at nilapitan ako.

"Hala bakit niyo pinaiyak? Wala sa usapan 'yan!" Napatingin ako kay Kyle na nagsalita. Luh, andito siya? Shuta bakit di ko napansin?!

"Lagot kayo." Pananakot naman ni Renz. Syempre di pwedeng andito si Kyle tas wala 'tong batang 'to.

Aksidenteng nadiinan yung kanang braso ko. Pare-pareho kaming napatigil nang makarinig ng mahinang click. Oh f*ck!

"K-kuya..." Tawag ko sakaniya. Bumibigat na yung paghinga ko at unti-unti na ring nag-iinit ang mga braso at binti ko.

"Walang gagalaw." Sabi niya. "Blake, tawagin mo si Kaiden. Tell him to get the syringe." Utos niya kay kuya BZ. Dahan-dahang naglakad palabas si kuya BZ. At nung nasa labas na siya ng pintuan ay agad siyang tumakbo.

"Kuya, help me." Naiiyak na bulong ko. Napapikit ako nang biglang sumakit ang ulo ko. F*ck these episodes! They're starting to play in my mind!

"Huwag mong isipin." Dinig kong bulong niya. Nakagat ko ang labi ko at pilit na nilalabanan yung mga gustong gawin ng katawan ko. I could feel the anger starting to bubble up.

I punched the wall beside me as I faced it. I looked away cause I don't want them seeing me like this. This side of me.

"Umalis na kayo. Bilis." Utos ko sakanila pero ni isa wala man lang gumalaw. The anger bubbling is starting to crawl towards my mind.

I punched the wall again, harder than the first one. Dust from the cement flew. Tch.

"I told you get the f*ck out!" I shouted and faced them. They all stepped backwards when they saw how I glared at them. My eyes shut closed as my head started aching again. Memories from my past is waving at me again.

"Cy, kumalma ka." I looked at the guy beside me and glared at him.

"Don't f*cking tell me what to do." I said and grinned. "I said get out, but you didn't listen. Don't regret this."

I tried to punch the one who told me to calm down, but he dodged it effortlessly, making me eager to throw punches at him.

"H-hoy CJ ayokong saktan ka baka mapagalitan ako ni Ice!" The guy said and dodged it again.

"Then you should've listened to me when I told you to get out. And who the f*ck is Ice?" I asked, confused. Suddenly, I froze. I couldn't move a single muscle in my body. What the hell is happening?!

"Cyan Jade? Yuhoo? You there?" Napatingin ako kay Riu na kumaway-kaway pa sa harapan ko. Samantalang si Klarenz naman ay nagtatago sa likuran niya.

"A-anong nangyayari?" Tanong ko. "B-bakit hindi ako makagalaw?"

"Kumalma ka muna—"

"Argh! NO! STOP!" I shouted at the top of my lungs. Scenes kept on flashing in my mind like I'm reminiscing. What the hell?! I don't want to reminisce my sh*tty past!

I tried hitting my head, hoping it would stop. And then something clicked in my brain and stopped me from hitting it.

"CJ?" I slowly raised my head and looked at them, smirking.

"CJ? She's asleep." I said with a smirk. I know they sensed the danger in my voice, and before they could do anything, I immediately attacked them.

But before I could punch them, someone hit my head. I looked at the guy who hit me using a baseball bat. He's shorter than me, I think he's 15 years old or something. But I don't give a d*mn. He hit me!

Before I could take another step, suddenly, darkness fell around me, and then my consciousness slowly faded away.

(Any ideas kung ano yung nasa loob ni CJ at kung bakit nag-iiba siya because of that? I-comment na 'yan!

votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember, 

PLAGIARISM IS A CRIME) 


You are reading the story above: TeenFic.Net