Kabanata 25

Background color
Font
Font size
Line height

Ngayon na namin pinag-uusapan ang mga ilalaban para sa School Festival. Talented naman pala ang mga kaklase kong 'to. Nagyayabangan sila ngayon sa kung anong kaya nilang gawin.

Natigil ako sa pakikinig sa kanila dahil nag-vibrate ang cellphone ko. Nang tingnan ko iyon ay nakita kong tumatawag si Kuya Anthony kaya lumabas muna ako saglit.

"Oh, bakit?" masungit kong tanong.

[Sungit, ah? Hindi nila in-approve ang paglipat mo ng section dahil may festival daw.] Humigpit ang kapit ko sa cellphone dahil sa narinig.

"Huh? Seryoso ba 'yan?" tanong ko, pinipigilan ang matuwa dahil baka niloloko lang ako ni Kuya.

[Mukha ba akong mahilig mag-joke, Emerald Jade?] Kinagat ko ang ibabang labi at pinigilan ang sariling magtatalon sa tuwa.

Tinakpan ko ang bibig ko bago tumili. "Thank you, Kuya! I love you!"

[Teka—] I didn't let him finish his word. I ended the call immediately.

When I went back inside, they were already looking at me. Kunot-noo ko naman silang tiningnan pabalik.

"Sino 'yon? Saya mo, ah," ani ni Austin habang sinusuri ang mukha ko.

"Well..." I paused. Hinila-hila ko ang dulo ng buhok ko para mainis sina Shawn dahil hindi na ako lilipat!

"Childish," rinig kong bulong ni Ezekiel at inirapan ko lang siya.

"Hindi matutuloy ang paglipat ko!" tili ko at agad na nagtatalon sa tuwa si Austin. Ako naman ay tumingin kina Shawn, nang-aasar.

"Sayang naman kung gano'n," wika ni Shawn habang nakasimangot. I smiled when I noticed how irritated he was.

"Kawawa naman kayo..." I trailed off. "Araw-araw niyo pa ring makikita ang maganda kong mukha," pang-aasar ko pa.

Lalo naman silang nainis. Muntik pa akong sugurin nung Ezekiel pero pinigilan siya ni James. Inirapan ko sila habang may mapang-asar na ngisi sa labi bago bumalik sa upuan ko.

Itinuloy na ni Daryl ang usapan na tungkol sa School Festival. Nasa unahan siya ngayon bilang President ng section namin. His face was serious.

"Solo ang first day, sinong kayang mag-perform nang mag-isa lang?" panimulang tanong ni Daryl.

Marunong akong kumanta pero hindi ko ata kayang sumali ngayon na ako lang mag-isa. Parang hindi ko kaya.

Sanay naman akong mag-perform kaya bakit hindi ko kaya ngayon?

Nahihiya ba ako? Pero kanino? Sa mga manonood ba? Pero bakit naman ako mahihiya sa kanila? Dahil ba hindi ko sila kilala?

"Ako na lang, Jack!" Napatingin ako sa nagsalita at nagtaas ng kamay.

Si Hendrix ang nagsalitang 'yon. Hindi na ako umalma dahil itsura pa lang naman niya ay halatang talented na.

Pagbalik ng tingin ko sa unahan ay naabutan kong nakatingin sa akin si Daryl. Napaiwas ako ng tingin dahil alam kong nakita niyang nakatitig ako kay Hendrix.

Teka. Bakit ako umiiwas ng tingin? Wala naman akong ginagawang masama, ah?

"Okay, ikaw na," ani ni Daryl bilang pagtugon kay Hendrix. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya dahil parang... galit?

Tumikhim siya bago muling nagsalita. "Second day, dalawa ang kailangan. Marami namang kumakanta rito, 'di ba?" tanong niya habang may isinusulat sa papel. Mga pangalan siguro ng isasali dahil ang sabi ay kailangan 'yon ipasa mamaya.

"Ikaw na lang," sabi ni Alexis habang may laman ang bibig. Hindi lang pala si Austin ang mahilig kumain sa section na 'to.

Pero... marunong kumanta si Daryl?

Umirap siya at bumuntonghininga. "Okay pero sino ang kasama ko?" tanong niya habang nakatingin sa akin.

Umiwas ako ng tingin. Nagtatanong siya pero sa akin siya nakatingin na para bang ako ang gusto niyang kasama!

"Si Jade na!" Umawang ang labi ko at agad na binatukan ang katabi.

"Siraulo ka?" inis kong bulong sa kaniya. Umiwas na nga ako ng tingin dahil ayaw ko tapos tinuro pa rin ako ng kumag.

"Bakit? Magaling kang kumanta, ah! Napanood ko 'yung dati mong post sa Instagram," pilit niya pa.

Dahan-dahan akong tumingin kay Daryl at naabutan siyang nakangisi kaya napasimangot ako.

"Kami na ni Jade," makahulugang sabi niya kaya napairap ako at agad namang naghiyawan ang mga kaklase namin.

"Lakas!" sigaw ni Harry.

"Stay strong po," natatawang sabi naman ni Ivan.

"Landi," si Calyx.

Napairap ako at napatakip na lamang sa tainga dahil sa mga pinagsasasabi nila.

Kailan ba makakausap ng matino ang mga 'yan?

Kita ko ang ngisi ni Daryl habang nagsusulat sa papel na hawak. Nanahimik na lamang ako at hindi na umimik pa.

"Sino sa third day?" tanong niya. He bit his lower lip while looking around.

I started looking around too. May mga dancer ba rito? Hindi ko alam kung totoo ba ang mga naririnig ko sa kanila kanina dahil puro yabangan lamang iyon.

Tumigil ang mga mata ko kung nasa'n sina Shawn. I bit my lower lip to stop myself from laughing evilly. I raised my hand before speaking.

"Why? You have something in your mind?" Daryl asked me. Hindi nakatakas sa akin ang biglang paglambot ng boses niya.

"Pwedeng ako na ang mag-decide?" mahinang tanong ko.

I was confident just earlier! Bakit narinig ko lang ang malambot na boses ni Daryl ay nawala na ang tapang ko?

Tumango siya sa akin. "Go ahead."

Ilang beses ko nang napapansin na iba ang pakikitungo niya sa akin ngayon. Was it... because I was his childhood friend?

"Si Austin, Alexis, Kian, Neil, Ivan, Harry, Calyx, Ezekiel, Shawn, JM, James and... si Hendrix na lang ulit," diretso at mabilis na sabi ko. Tinuro ko pa sila isa-isa.

Great! Saulo ko na ang mga pangalan nila! I smiled at myself proudly.

"The fuck? Bakit kasama kami?" galit na tanong ni Ezekiel sa akin.

"Unfair naman kung manonood lang kayo," sabi ko at umirap.

"She's right, it's unfair if you'll just sit there and watch," pagsang-ayon agad sa akin ni Daryl. Isinulat na niya ang mga pangalan nila at ako naman ay tumitig sa kaniya.

"Pag-usapan na natin kung anong mga ipe-perform natin," pag-iiba niya sa usapan.

"Mag-suggest kayo ng kanta," utos niya habang isinusulat ang magiging schedule ng School Festival sa board.

"Marunong ka bang mag-guitar?" tanong ko kay Hendrix.

"Oo. Bakit?" Lumapit siya sa akin para mas magkaintindihan kami.

"Madalas kasi manalo sa mga ganiyan 'yung mga gumagamit ng instrument," sabi ko dahil iyon naman ang totoo lalo na kung mga contest sa school ang pinag-uusapan.

"You have something in mind?" tanong ko dahil saglit siyang natahimik.

"Bleeding Love?" hindi siguradong sabi niya.

Ako naman ay napaayos ng upo habang nakangiti sa kaniya. "Yes, that one na lang! I like that one! For sure you've watched the acoustic version! Boyce Avenue?"

"Yeah, I like singing that one, actually," he said, shyly.

May tumikhim sa tabi namin kaya sabay kaming napatingin doon. Si Alexis. May inginuso siya sa unahan kaya napatingin ako roon. Si Daryl na madilim ang tingin ang nakita ko.

When I looked back at Hendrix, I saw him smirking at Daryl. "Chill, we're talking about what to perform."

"Bleeding Love, right?" tanong ni Hendrix sa akin para masiguro. Tumango naman ako.

"First day, Bleeding Love. E, sa atin?" Tumingin sa akin si Daryl. Mukhang hahayaan na ako ang mag-decide.

Kanina pa ako may naisip. Nahihiya lang ako i-suggest. Napakamot ako sa batok.

"Rewrite the Stars?" hindi siguradong sabi ko dahil baka hindi niya 'yon gusto.

"Okay," he replied with no second thoughts. Diretso niya rin iyong isinulat sa board. "Sa third day?"

Tumingin silang lahat sa akin. Umirap ako at nag-isip ng pwede nilang i-perform. Naisip ko naman na pwedeng iyong kanta ng paborito ko ngayon kaya lang medyo mahirap ang choreography nila.

"I already have something in mind... kaya lang medyo mahirap 'yon," nagdadalawang-isip na sabi ko.

Ayaw na ngang sumali nina Ezekiel tapos mahirap pa ang ipagagawa ko? Baka magwala ang mga 'yon!

"Go ahead, they might like it," si Daryl.

"I Love You..." I whispered and suddenly... everyone went silent.

Kumunot ang noo ko at saka lamang naintindihan nang bigla silang magsigawan.

"Witwew!"

"Sana all!"

"Ah, I cannot!"

I also noticed how Daryl stilled for a second. His ears turned red.

"What... What song?" he asked as if he was not sure about what he heard.

"I Love You," I said, more confident now.

Ay, tanga! Now I know why their reactions were like that!

"Gago kayo! I Love You by Treasure," I said in defense.

Nagtawanan ang mga kumag. Umirap ako ngunit agad ding natigilan nang mapansing napangiti rin si James sa nangyari.

Tumikhim si Daryl bago tapusin ang isinusulat sa board. "Okay." Kinuhanan niya iyon ng picture at sa tingin ko ay ise-send kay Ma'am Santos.

"Again, first day ay Bleeding Love. Second day, Rewrite the Stars. And last, I love you, Jade," he said as he gave me his deadly wink.

Our classmates teased us even more because of that. My face heated which made me look away from them. How can he easily joke about that in front of the class, really?

I tapped my chest secretly. Hold on, heart. Don't fall for his joke.

Maka-ilang beses akong hinampas ni Austin. "Oh my, God! My number one ship is sailing!" malanding sabi niya habang nakahawak sa magkabila niyang pisngi na halatang kinikilig.

"Ewan ko sa inyo." I rolled my eyes to cover myself. Alangan namang ipakita ko na naapektuhan ako sa sinabi ni Daryl, 'di ba? Iisipin nilang may gusto ako sa lalaking 'yon!

Pagkatapos ikalma ang sarili ay nagkusa na akong tumayo. Nagulat ako nang bigla silang tumahimik dahil sa ginawa ko. Akala siguro nila ay pikon na ako?

Tumikhim ako. Si Daryl ay nasa unahan pa rin, may ginagawa. "Mahaba pa naman ang oras natin. Medyo mahirap kasi 'yung sayaw na s-in-uggest ko kaya mas okay siguro kung ifa-familiar niyo na 'yung parts niyo para hindi gano'n kahirap sa practice?" suggest ko.

First choice ko talaga na sayaw ay ang The Eve by Exo dahil minsan ko nang nakita si Alexis na sinasayaw 'yon kaya lang mas okay talaga kung lahat sila makakasali kaya I Love You na lang ang pinili ko.

Labag sa loob na lumapit sa akin si Shawn ang tatlong lagi niyang kasama. "May video ka ba no'n?" tanong niya sa akin.

Choosy pa. Susunod din naman sa 'kin.

"Meron," sagot ko at nagulat ako nang bigla niyang ibato ang cellphone niya sa akin. Umawang ang labi ko dahil akala ko ay tatama iyon sa mukha ko pero wala akong naramdaman dahil nasalo iyon agad ni Alexis.

"Basic lang 'yan sa 'min," si Alexis. Hindi ko na pinansin ang ginawa ni Shawn at kinuha na lang ang cellphone niya na hawak ngayon ni Alexis. Nakabukas iyon sa YouTube kaya roon ko s-in-earch ang video.

"Yabang mong gago ka." Malakas na binatukan ni James si Alexis at hindi naman umalma ang isa. Pakiramdam ko ay normal na 'yon sa kanila.

Napapaisip tuloy ako kung tama ba na nagpumilit akong huwag umalis sa section na 'to. Noong dumating kasi ako rito ay palagi talaga silang magkakasama, nagtatawanan at madalas na magbiruan. Sabay-sabay rin silang umuuwi dati at ang alam ko ay gumagala pa ang mga 'yan pagkatapos ng klase. Ngayon ko lang nakita na may humiwalay sa kanila... at dahil pa 'yon sa akin.

Sina Alexis lang ang kumakausap sa akin habang ine-explain ko sa kanila ang gagawin. Sina Ezekiel ay nakikinig lang. Si Austin naman na nasa tabi ko ay kunwaring nakikipagsuntukan kay Harry.

"May speaker ako," si JM.

"Meron ka pala! Hindi mo agad sinabi." Akmang dadambahan ni Ivan si JM ngunit naalala ata niya na hindi sila okay kaya lumayo siya agad at nagkunwaring walang nangyari. Sinamaan din kasi agad siya ng tingin nung isa.

Sinarado nila ang pinto para hindi marinig ang ingay sa labas. Baka may klase rin kasi sa kabila. Itinabi nila ang mga upuan para malaki ang space nila sa gitna.

Nakapameywang na tiningnan ko silang lahat para makita kung kaninong part sila nababagay sa sayaw. Pagkatapos mag-isip ay isa-isa ko silang tinawag para ituro kung sinong gagayahin nila sa video. Hindi naman sila nagreklamo kaya hindi kami tumagal.

They played the video again and again, familiarizing their part so it will be easy for us to start practicing tomorrow.

Naisipan nilang sa bahay na lang nina Daryl kami mag-practice dahil malawak daw doon at marami ring pagkain. Mga patay gutom!

Nang tumunog ang bell ay isa-isa na silang nag-alisan. May mga kani-kaniyang dahilan pa.

"Mag-practice ako sa bahay. Bahala na kayo d'yan," rinig kong sabi ng isa bago lumabas, nagmamadali.

"Hinihintay ako ng girlfriend ko. Bye!" Kumunot ang naming lahat at sinundan ng tingin si Austin na tumatakbo.

"May girlfriend siya?" takang tanong ko.

"H'wag kang maniwala do'n. Walang papatol sa isip-bata na 'yon." Mabilis kong inirapan si Harry. Kahit pa joke ang sinabi niyang 'yon ay hindi iyon naging maganda sa pandinig ko.

"Sunduin kita bukas?" tanong ni Daryl.

Mabilis akong umiling. Hindi makatingin sa kaniya dahil sa nangyari kanina.

"May sariling kotse naman ako," bulong ko.

"Bagay sa 'yo maging President. Gusto mo bang pumalit sa pwesto ko?" biro niya.

"No, thanks!" mabilis kong tanggi. Baka mamatay ako ng maaga kapag ako ang naging President ng section na 'to.

"Jade, tawag tayo ni Sir Jayson," si Dianne. Ngumiti ako at tumango bago binalingan muli si Daryl.

"Una ka na," bulong ko.

"May sundo ka ba?" naninigurong tanong niya. 

Ramdam ko ang panonood sa amin ni Dianne.

Umiling ako. "May kotse akong dala."

"Okay, take care. Drive safely." He waved his hand while walking backward.

Tumango ako at maliit na ngumiti bago siya tumalikod. Mabilis na lumapit sa akin si Dianne at parang kinikilig na kumapit sa braso ko.

"Kayo na?" malaki ang ngiting tanong niya kaya napairap ako.

"Hindi, 'no!" Inunahan ko na siyang maglakad at tumakbo naman agad siya sa akin.

"That's not what I saw," she teased more. "He rarely smiles at a girl, Jade. After his breakup with Mia, I rarely saw him smile."

Natigilan naman ako dahil sa sinabi niyang 'yon. Masyado ba siyang naapektuhan sa breakup nila ni Mia?

"Pero sabi ni Kian sa akin noon ay ganoon na raw talaga si Jack noong nakilala nila. Masyadong cold sa ibang tao at hindi pala-ngiti," dagdag niya sa sinabi.

Sa Faculty kami pumunta dahil nandoon ang mga teachers. Nandito na rin naman na sina Mia at mukhang kami na lang ang hinihintay.

"Pag-usapan na natin ang ipe-perform niyo," ani ni Sir Jayson habang nagche-check ng mga papel. "Pwede raw na gumaya online kaya kung may gusto kayo ay pwede niyong gayahin."

Napatingin ako kay Dianne nang magtaas ito ng kamay. Ngumiti siya sa akin nang makitang tumingin ako.

"Yes, Dianne?" Ibinaba ni Sir ang hawak na ballpen at tumingin na sa amin.

"May alam po ako, Blackpink po!" excited niyang sabi. Gosh, she's still a fangirl. So consistent.

"Blackpink? Ano 'yon?" takang tanong ni Sir Jayson.

Kumunot naman ang noo ko nang matantong hindi niya kilala 'yon. He's not that old to not know about K-Pop, right?

"A Korean girl group with four members, Sir," bored na sabi ni Lei Anne. Umirap ako. Gusto na niyang umuwi kaya ganiyan siya.

"Sing and dance na lang po kami para medyo iba naman," suggest ni Mia kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

Sayaw pa nga lang ay mahirap na tapos gusto niya pa na sasabayan pa ng kanta? Pangarap niya bang mag-collapse sa stage? Pasikat.

Saglit na nag-usap pa patungkol doon bago kami pauwiin ni Sir. Humikab ako habang naglalakad. Ang dami kong kailangang practice-in. Kapag hindi 'to idadagdag sa grades namin, susunugin ko ang school na 'to.

"Makakapag-practice ba kayo bukas?" tanong ni Dianne.

Mabilis akong umiling. "Hindi ako pwede bukas, may gagawin ako, e."

Umiling din naman sina Lei Anne kaya hindi kami nagkaro'n ng problema. Pinag-usapan na lang namin kung anong kanta ang ipe-perform namin habang naglalakad kami.

Naabutan ko si Kuya Anthony na may dalang maleta.

"Aalis ka na naman, Kuya? Saan ang punta?" takang tanong ko.

"Singapore," maikling sagot niya.

"H'wag kung saan-saan pupunta, Jade," paalala niya. "Saglit lang naman ako roon."

"Kuya... may School Festival nga, di ba?" sabi ko at agad niya naman akong sinamaan ng tingin. "May practice po kami ngayong weekend baka gabihin ako ng uwi."

"Saan naman?" kunot-noong tanong niya.

"Sa bahay nina Daryl—" Mabilis siyang nag-react sa sinabi ko.

"Siguraduhin mo lang na uuwi kang buo, Emerald Jade. Sinasabi ko sa 'yo..." he warned.

Tumango ako. Wala ba siyang tiwala sa maganda niyang pinsan? Grabe kung magpaalala, e. Para namang napakapasaway kong bata e' nagbago na ako!


You are reading the story above: TeenFic.Net