Kabanata 23

Background color
Font
Font size
Line height

Nakakunot ang noo ko, wala sa mood habang naglalakad ako sa hallway. Napapatingin na sa akin ang ibang mga estudyanteng nakakalat sa tabi dahil nakikita nila na wala ako sa mood. Kusa silang tumatabi para hindi na madamay pa at baka sa kanila ko mabuntong ang inis ko.

Pinilit kong pumasok kahit late na dahil naiinis talaga ako! Hindi ko kayang pakisamahan ngayon si Jake dahil kasalanan niya 'to! Kasalanan niya kung bakit ako ililipat sa section nila.

Inaasikaso pa lang naman ni Kuya Anthony ang paglipat ko sa section nina Jake at hindi naman siguro magiging mabilis ang pag-asikaso no'n kaya may oras pa akong natitira para inisin 'yong mga kumag na gusto akong paalisin sa section namin. Siguradong sila ang unang matutuwa kapag nalaman nilang lilipat na ako!

"Miss Fernandez? Bakit pumasok ka pa? Anong oras na, ah?" mataray na salubong sa akin ng bakla naming teacher. Pinagtaasan pa ako ng kilay.

"Sorry po, Sir," iyon lang ang sinagot ko at dumiretso na agad sa upuan.

Ngumiti si Austin nang tumingin ako sa kaniya. Hindi ko pinansin ang nag-aalala niyang tingin sa akin.

Nang ibalik ko naman ang tingin ko sa unahan ay inirapan ako ni Sir. Umirap ako pabalik.

Tapos naman na ang oras niya kaya naiinip na rin ang mga kaklase ko. Wala na nga atang nakikinig sa kaniya, e.

"Anong oras na? Ayaw niya pa ring umalis," bulong ni Austin habang nagsusulat ng kung ano-ano sa likod ng notebook niya.

"Baklang 'to, oh. Overtime na," inip na bulong din ni Kian

Ang atensyon ko ay naiwan sa isinulat ni Austin. Kumunot ang noo ko nang ma-realize na pangalan ng babae ang isinulat niyang 'yon. Hindi ko masyadong makita dahil natatakpan ng kamay niya. Miky ba 'yon o Mika?

Nang hindi na ako makatiis dahil sa bulungan ng mga kaklase ko ay nagtaas na ako ng kamay.

"Ano 'yon, Fernandez?" mataray na tanong sa akin ni Sir Ocampo.

Gusto kong sabihin na hindi pantay ang kilay niya dahil nabo-bother na ako roon pero hinayaan ko na muna.

"Overtime ka na po, Sir," seryosong sabi ko para matapos na ang pagbulong-bulong ng mga kaklase kong 'to.

Nakakarindi.

Lalo namang tumaas ang kilay ni Sir na hindi pantay. Tiningnan niya ang relong suot niya bago padabog na inayos ang mga gamit at lumabas.

"Nice one, Emerald," natutuwang sabi ni Neil at pumalakpak pa kaya napairap ako.

"Bakit late ka?" tanong agad sa akin ni Austin. Lumapit na rin sa akin ang iba.

"Umuwi parents ko," mahinang sagot ko at sumubsob na lang sa desk ko dahil ayaw ko ng question and answer portion ngayon.

Bigla na namang pumasok sa isip ko si Michael. Ang tagal ko nang walang balita sa kaniya. Buhay pa ba 'yon?

Halos mahulog ako sa upuan nang may biglang sumipa rito. Nagulat ako at inis na tiningnan ang gumawa no'n.

Napairap na lang ako nang makitang si Shawn ang nasa harap ko. Galit siyang nakatingin sa akin.

"Ano na naman ba?" mahinahong tanong ko sa kaniya.

Isa 'to sa dahilan kung bakit ako gustong ilipat, e.

Pilit siyang hinaharangan ni Austin pero dahil maliit ang lalaki ay wala itong nagawa nang hawakan na ni Shawn ang kuwelyo ng uniform ko at marahas na hinila ako patayo.

Agad namang naalarma ang mga nasa paligid ko at dali-dali nilang hinawakan si Shawn at pilit na inilayo ito sa akin ngunit ang loko ay ayaw talaga bumitaw!

"Ano bang problema mo?" inis na tanong ko.

"Ikaw!" sigaw niya kaya napaiwas ako ng tingin dahil sa inis.

"H'wag mo nga akong sigawan! Tumatalsik ang laway mo sa mukha ko!" nandidiring sigaw ko.

Umirap ako. Mukhang kailangan kong maligo agad pag-uwi.

"Alam mo, Mister?" Tumigil ako dahil nagkukunwaring hindi alam ang pangalan niya para lalo pang mainis.

"Shawn! Shawn ang pangalan niya!" rinig kong sigaw ni Hendrix.

Nang lumingon naman ako sa likod para tingnan si Hendrix ay nahuli kong binatukan siya ni Daryl.

Binalingan ko nang muli si Shawn dahil sa sobrang higpit ng hawak niya sa kuwelyo ko ay malapit-lapit na ring lumabas ang dibdib ko.

"Alam mo, Shawn? Hindi ko talaga alam kung anong problema mo sa akin, e. Una... wala naman akong ginagawa sa 'yo. Pangalawa, wala pa rin akong ginagawa sa 'yo at pangatlo, gano'n pa rin. Wala akong ginagawa sa 'yo kaya pwede ba? Tigilan mo akong bwisit ka!" inis na sabi ko at inalis ang kamay niyang nakakapit sa kuwelyo ko. Idiniin ko pa ang kuko ko sa kaniya.

Nang bumitaw na siya sa akin ay agad na siyang nilayo nina Austin kaya hindi na siya nakapagsalita pa.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Daryl at lumapit sa akin.

Hindi niya nga ako tinulungan tapos magtatanong siya kung okay lang ako? Ano 'to? Gaguhan?

Inirapan ko siya. "Wala kang kwenta, alam mo ba 'yon?" inis kong sabi habang inaayos ang uniform.

Napansin ko ang pasimple pagharang ng katawan niya sa akin para hindi ako makita ng mga kaklase namin habang nag-aayos.

"Anong ibig mong sabihin?" inosenteng tanong niya pa.

Napairap ako ulit. "Wala ka kayang ginawa! Ni hindi ka man lang umawat!"

Bwisit siya! Siya pa naman iyong taong inaasahan kong unang tutulong sa akin!

"Inunahan na ako nina Austin," simpleng sagot niya sa akin kaya lalo akong nainis.

Dumating na ang sunod naming teacher kaya napilitan kaming bumalik na sa kani-kaniyang upuan.

Habang nag-aayos si Ma'am ng laptop ay tumingin ako sa unahan kung nasaan sina Shawn. Lumingon siya sa akin at agad ako nitong inirapan.

Pangit niya. Tss.

Nag-e-explain na si Ma'am sa unahan pero nakatulala lang ako sa isang tabi. Iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Austin na maaari akong lumipat ng section anumang araw ngayon. Iniisip ko rin kung anong magiging reaksyon niya o nila.

Matutuwa sila? Ayos lang ba sa kanila na umalis ako? O baka... kahit papaano ay malulungkot sila?

Nanatili akong tahimik habang nagsusulat ng notes kahit na hindi ko naman maintindihan ang mga isinusulat ko.

Nagulat ako nang magpaalam na si Ma'am. Grabe, kapag talaga hindi mo pansin ang oras ay ang bilis lumipas nito.

Lumabas na si Ma'am ng classroom at bumaling agad ako sa katabi para sana kausapin tungkol sa paglipat ko sa section ng kapatid ko pero naunahan ako nitong magsalita.

"Hoy! Magsulat daw. 'Di ka na nga nakinig, hindi ka pa magsusulat," sabi sa akin ni Austin kaya napairap ako.

"Tanga, tapos na 'ko." Hinampas ko sa ulo niya ang nakabukas kong notebook at tiningnan niya naman agad iyon.

"Aray, ha!" reklamo niya pero hindi naman gumanti.

Inikot ko muna ang tingin sa buong classroom habang busy silang lahat sa isinusulat. Hindi nila mapapansin na malalim ang iniisip ko dahil naka-focus sila sa ginagawa.

Sa first row nakaupo si Shawn at ang katabi niyang upuan ay iyong kay Michael. Speaking of which, hindi pa rin siya napasok at wala man lang akong naririnig na kahit anong balita tungkol sa kaniya. Nasa likod ni Shawn 'yung isa pang lalaki na galit sa akin. Katabi naman nung lalaking blue ang mata iyong isa. Ang iba ay nasa likod. In short, napapaligiran nila ako. Napairap ako dahil sigurado akong iisipin nilang nanalo sila sa akin dahil lilipat ako ng section!

Sa second row ako nakaupo, sa gitna mismo nilang lahat. Sa kanan ko ay si Austin at sa kaliwa naman si Kian. Ang nasa unahan ko ay si Neil at katabi ni Neil iyong lalaking kulay asul ang mga mata.

At first, lima silang galit na galit sa akin pero ngayong wala si Michael, apat na lang sila. Well, galit silang lahat sa akin noong una kaya nga gusto nila akong paalisin sa section na nila, 'di ba? Ang pinagkaiba lang ngayon ay ayos na kina Daryl na nandito ako. Hindi ko lang alam kung bakit ayaw pa rin nung iba sa akin. Wala naman akong ginagawa!

Ang tapang namana nila? Apat laban sa sampo. Hanggang saan sila aabot?

"Cafeteria?" tanong agad ni Kian nang tumunog na ang bell.

"Sa'n pa ba?" sarkastikong tanong ko na lang.

"Sungit talaga. Magkaibigan nga kayo," rinig kong bulong niya kaya agad na kumunot ang noo ko.

Nagtungo na kami sa Cafeteria kasunod namin 'yung iba. Nagulat ako nang makita ko si Jake. He tried to approach me but I chose to ignore him.

"Hindi ulit kayo okay?" nagtatakang tanong ni Daryl. Hindi ko napansin na nasa tabi ko pala siya dahil si Kian ang nakita kong huling katabi ko.

Nagkibit-balikat na lamang ako dahil hindi alam ang isasagot sa kaniya. Kapag sinabi ko kasing hindi ulit kami okay ni Jake ay magtatanong siya kung bakit.

Nakasalubong namin sina Lawrence. Nagtagal ang tingin niya sa akin na hindi ko naman pinansin dahil katabi niya ang girlfriend niya.

"May tama pa rin ata sa 'yo ang lalaking 'yon." Natigilan ako nang marinig ang inis sa boses ni Alexis.

Ba't siya naiinis?

Sila na lang ang nag-order ng pagkain. Ako na lang ang nagbantay ng table namin.

Napairap ako nang makitang bumalik si Jake. Lumapit siya sa akin. Seryoso ang mukha niya pero halata mong naiinis.

"Can't say goodbye to them?" puno ng sarkasmong tanong niya.

"Bakit mo kasi sinabi mo pa 'yon kay Daddy, ha?" Tiningnan ko kung nasaan sina Austin at naabutang nakatingin si Daryl sa akin kaya agad akong napaiwas ng tingin. Nakakunot ang noo ni Daryl at pakiramdam ko ay alam niyang may mali.

Why does it feel like he knows me too well?

"Nagtitiwala ka sa mga 'yon? Baka mamaya ay kung anong gawin ng mga 'yon sa 'yo, Jade. Mga lalaki pa rin 'yon!" Pinantayan niya ang inis ko.

"Pa'no mo naman nasabi? Kilala mo ba sila?" hamon ko.

"Oo, Jade. Kilalang-kilala. Matagal na ako sa school na 'to baka nakakalimutan mo," sarkastikong sabi niya.

He has a point. But, who cares? Gusto ko ay ang gusto ko pa rin ang masusunod.

"Ano naman kung matagal ka na rito? Sapat na rason ba 'yon para sabihin mo kina Daddy na ilipat ako sa section mo?" Napaayos ako ng upo nang mapansing wala na sa pila sina Austin.

"H'wag ka ngang makulit! Sabihin mo na lang sa kanila!" sigaw niya at nagulat ako nang mapansing tumahimik bigla ang paligid namin.

"Anong sasabihin?" Napapikit ako nang mariin nang marinig ang boses ni Austin.

Pagmulat ng mga mata ko ay saka ko lang napansin na nakapalibot na sila sa amin.

"What the... Kanina pa ba kayo d'yan?" gulat kong tanong dahil lahat sila ay nasa tabi na namin.

Nanonood nang mabuti sa amin si Shawn at para bang may alam na siya sa mangyayari.

"Anong sasabihin mo sa amin?" tanong ni Daryl, hindi pinansin ang tanong ko.

"H-huh? Wala naman-" I was about to explain more when Jake interfered.

"Aalis na siya sa section niyo at lilipat na sa amin. That's what you want, right? Happy now?" he said, his arms crossed.


You are reading the story above: TeenFic.Net