Kabanata 20

Background color
Font
Font size
Line height

Emerald Jade

When I woke up, I was already in my bed. Who the hell took me here? How did I end up here?

Napahawak ako sa ulo bago bumangon. Bumuntonghininga ako bago inayos ang sarili para makababa na. Naaabutan ko si Jake na kumakain sa kusina habang hawak-hawak ang cellphone niya dahil may pinapanood. Kumunot ang noo ko nang makarinig ng pamilyar na mga tawa mula sa pinapanood niya.

Napalingon siya sa likod at nakita ako. Agad niyang itinago ang cellphone kaya nagtaka naman ako.

"You're finally awake," he said not minding the look I am giving him.

Hindi ako umimik at naupo na lamang sa tabi niya. Inagaw ko ang kinakain niyang tinapay dahil walang nakahandang almusal para sa akin! Nasaan na ba ang katulong namin?

"Wala na ba 'yung matanda?" I whispered when I noticed I hadn't seen her since I woke up.

"And'yan pa siya," he whispered back.

"Bakit umuwi ka na?" tanong ko at kumuha uli' ng tinapay.

"Para bantayan ka," simpleng sagot niya sa akin at nagkibit-balikat.

"At ano namang pinag-uusapan niyong dalawa riyan?" tanong ng babaeng kanina ko pa hinahanap.

Dahan-dahan naman kaming tumingin ni Jake kung nasaan siya. Nakapameywang pa ito nang makita namin siya at nakataas pa ang isang kilay!

Nakangiwing tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. My brows automatically raised when I noticed that she's holding a bag.

"At saan naman ang punta mo?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay.

"Sa mall," simpleng sagot niya at sabay naman kami ni Jake na muntik nang matawa.

I bit my lower lip so I can stop my laugh.

"May nakakatawa ba?" tanong niya pa at pinagtaasan pa ako lalo ng kilay!

"Hindi ka bagay ro'n. Sa palengke siguro pwede pa," kibit-balikat na  sabi ko at malakas na natawa naman si Jake.

Napanguso ako nang mag-walk out siya. Bukod sa hindi pa ako tapos na asarin siya ay wala pa akong almusal!

"Tara, maligo ka na," utos ni Jake at ngayon ko lang napansin na nakaligo na pala siya at naka-uniform na. 

Malungkot na tumango ako at bumalik na sa kwarto para maligo. Nagugutom pa ako!

Habang naghuhubad ng damit sa loob ng banyo ay nakita ko ang mukha ko sa salamin. Namumutla ako ngayon at kasalanan 'to ng bwisit na Michael na 'yon! Yari talaga siya sa akin mamaya! Huwag siyang magpapakita sa 'kin dahil babasagin ko talaga ang mukha niya! Sana lang ay hindi malaman nina Mommy iyong nangyari at baka ipalipat na naman nila ako ng school!

Naglagay ako ng kaunting make-up para hindi ganoon kahalata ang pagiging maputla ko.

Tinapik ko ang balikat ni Jake habang naglalakad siya pababa ng hagdan, nag-aayos ng neck tie niya. "Pasabay, ha," sabi ko at dumiretso nang takbo pababa.

"Taas ng energy, ah. Halatang may gagawing kakaiba." Naninipat ang kaniyang tingin sa akin kaya inosente ko siyang tiningnan.

"Ha?" kunwaring hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

Umiiling-iling na tiningnan niya ako. He clicked his tongue. "Ano muna ang tawag mo sa 'kin?" tanong niya.

"Jake," confident kong sagot habang binubuksan ang pinto ng bahay.

Nang lingunin ko naman siya ngayon ay ang sama ng tingin niya sa akin! Kunot-noo ko siyang tiningnan. Ano namang problema— ay, oo nga pala! "Kuya, I mean," I said and smiled innocently after.

I bit my lower lip to stop myself from laughing before running outside. He was mad!

Narinig ko ang pang-unlock ng kotse kaya pumasok na agad ako bago pa magbago ang isip niyang isabay ako!

"Anong tingin mo sa kotse mo, ha? Display?" sarkastikong tanong niya sa akin kaya napasimangot ako.

"Nakakatamad kasi mag-drive!" sagot ko at hinanap ang cellphone sa bag.

"Kailan ka ba sinipag?" sarkastikong tanong na niya naman!

"Kuya, you're so mean today, ha," pagrereklamo ko.

Pagkatigil na pagkatigil ng kotse ay bumaba agad ako at tumakbo na papunta sa classroom namin.

Yari ka sa akin Michael!

Nawala ang galit na expression ng mukha ko nang makitang wala siya sa classroom ngayon. I was confused when some of them suddenly avoided my gaze!

Umirap ako at pumunta na sa upuan ko para magtanong kay Austin. Nakita kong nagdadalawang-isip pa siyang lumingon sa akin. "H'wag ka nang pupunta sa bahay kahit kailan, ha," kunwaring galit na sabi ko kaya agad siyang lumingon.

I smiled before asking, "Where's Michael?"

He smiled innocently as he shrugged his shoulders before looking away.

Weird.

Kay Kian naman ako humarap at ang lalaking ito naman ay nagkunwaring busy! Marahas ko siyang kinulbit ng ilang beses kaya napilitan siyang lumingon. "Si Michael?" tanong ko sa kaniya pero tanging kibit-balikat lang ang sinagot niya sa akin!

Si Neil naman ang sunod kong kinulit. "Jade, I'm busy! Can't you see?" His sudden rudeness made me hurt... a little bit.

Umayos na ako ng upo at mukhang napansin niya naman 'yon dahil bigla siyang lumingon sa akin. Inirapan ko naman ito. Akala ko naman ay okay na kami? Why are they giving me this kind of treatment now?!

"Hey," tawag niya sa akin. "Bakit ba kasi?" kamot-batok na tanong niya at parang natatakot sa akin. Lumampas pa ang tingin niya sa likod ko na para bang mayroon siyang hinihingian ng tulong doon kaya nilingon ko ang tinitingnan niya at nakitang nakatingin sa amin si Daryl.

I scoffed when I saw Daryl smiled innocently at me. Ibinalik ko na ang tingin kay Neil. "Si Michael?" tanong ko sa kaniya at katulad no'ng dalawang katabi ko, kibit-balikat lang din ang isinagot niya sa akin!

Wala ba talaga silang alam?

Tumingin naman ako sa tatlong tao na nakaupo sa likuran ko. "Asan si Michael?" inis kong tatlo sa kanila.

"Hindi ata papasok ngayon, e," sagot nung isa sa akin habang nakangiti. Nagkibit-balikat lang iyong dalawa.

Uwian na at hindi ko talaga nakita ang kahit anino ni Michael! Something's fishy here. May tinatago ang mga kaklase ko sa akin! Lalo na si Daryl na hindi ako kinausap ngayong araw!

Buhay pa kaya ang Michael na 'yon? Sigurado akong may dahilan kung bakit siya absent ngayon dahil alam kong masisipag pumasok ang mga lalaking 'yon! Kahit yata may sakit sila ay papasok at papasok pa rin ang mga 'yon kaya nakakapagtaka talaga na wala si Michael ngayon! Ni wala ngang excuse letter, e. Kahit nga mga teacher ay nagtataka.

Medyo okay naman ang buong araw ko ngayon, except noong break time na. Tinapon kasi nung Shawn at no'ng tatlong kasama niya ang mga pagkain ko! Hindi tuloy ako nakakain kaya ngayon ay gutom na gutom ako!

"Gem," lalo akong nawala sa mood nang tawagin ako ng lalaking 'yon. How dare him call me by that name when he literally ignored me the whole day?!

Itinatakwil ko na siya bilang kaibigan ko noon!

"May sundo ka ba?" tanong niya nang hindi ako umimik.

"Jake," malamig na sagot ko.

Umawang ang labi ko dahil sa inis nang tanguan niya lamang ako at dumiretso na sa kotse niya.

That's it?! He really won't talk to me?!

Natanaw ko na si Jake kaya pumunta na ako sa harap ng kotse niya para doon na maghintay.

"Bye, Jade!" sigaw ni Austin at ni Neil. Hindi ko naman sila pinansin at tinawanan lang nila ako!

What the fuck is going on with them?!

"Close na kayo?" sarkastikong tanong ni Jake sa akin dahil nakita niya pala ang ginawa nina Austin.

Umirap ako. "Kuya, kanina ka pa," inis kong sabi at nauna nang pumasok ng kotse.

He laughed. "Someone's grumpy, huh?"

Kanina pa sila, ha! Said na said na ang pasensya ko! Sinusubok ba ako ni Lord ngayong araw?

"Nasa bahay na kaya 'yung matanda?" inaantok na tanong ko habang nakapikit ang mga mata at nakasandal ang ulo sa headrest.

Nagmulat ako ng mata para makita ang sagot niya ngunit nagkibit-balikat lang ito. Araw ba ng kibit-balikat ngayon? Halos lahat ng nakakausap ko ngayong araw ay iyon lang ang sinasagot sa akin!

Umirap ako at nagtanong na lang ng bago. "Kayo ba ang ilalaban sa basketball?"

"Oo, kami raw kasi ang stable roon," sagot niya. Tinapunan niya lang ako saglit ng tingin dahil nagmamaneho siya.

Tumango na lamang ako. Antok at gutom ang nararamdaman ko ngayon kaya ang mga mata ko ay pumipikit-pikit na.

I closed my eyes while remembering something.

Kahit noong bata pa si Jake ay hilig na talaga niya ang basketball. May sarili pa nga siyang court sa bahay namin sa Pampanga. Ako naman ay may doll house na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin doon.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko kaya nagising ang diwa ko. Patuloy iyon sa pag-vibrate kaya alam kong may tumatawag. Hinanap ko 'yon sa bag ko.

"Hi, Mommy!" Tumingin sa akin si Jake kaya tumango ako.

[Uuwi kami riyan. I don't exactly know when, but just wait for us, kailangan ka naming kausapin.] Akmang sasagot na ako ngunit napaisip ako sa sinabi niya.

"Kayo po? Uuwi na rin sina Kuya Anthony?" takang tanong ko.

I heard her chuckle before ending the call. Kumunot naman ang noo ko habang kinakabahan dahil hindi niya sinagot ang tanong ko at hindi ko alam kung bakit kailangan nila akong kausapin!

"Anong sabi?" tanong ni Jake nang makita ang itsura ko.

Umiling ako. "Kakausapin daw nila ako pag-uwi nila," iyon lang ang sinabi ko at nanahimik na ulit.

Sa lahat ng plano namin nina Mommy ay ni isa walang natuloy! Medyo nasaktan din ako ako roon, ah. Umasa pa naman ako na makaka-bonding ko siya ngayong umuwi siya sa amin tapos hindi pala.

Bumuntonghininga ako. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? Nalaman ba nila iyong nangyari sa school? 'Yung ginawa ni Michael?

Pagdating namin sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto. Iniisip ko pa rin si Mommy at ang tawa niya kanina. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit!

Gosh! Mababaliw na ata ako dahil sa mga nangyayari ngayong araw!

Sinubukan ko pang tawagan si Mom para magtanong pero hindi talaga siya sumasagot! I also tried calling Kuya Anthony but he's also ignoring my calls!

Kumunot ang noo ko nang makitang may tumatawag sa akin. At mas lalong kumunot ito nang makita kung sino iyon.

Bakit ba tumatawag pa rin sa akin ang lalaking 'to?!

I sighed before answering his call. I think I need to clear things out. Again. "Bakit ba? I told you to stop calling me!" inis kong sabi.

[I just want to talk to you. I want to make it up... to you.] He let out an exhausted sigh. [Can't we... at least, meet?]

"Ayaw ko nga sabi! Tigilan mo na ako, pwede?" sabi ko at ibinaba na ang tawag.

Naibato ko na rin ang phone ko dahil sa inis.

Alam naman niya na may girlfriend siya tapos sasabihin niyang 'I want to make it up to you.' Gago ba siya? Ano 'yon? Hindi pa siya nakaka-move on sa akin?

I massaged my temple. Kung hindi siguro namin siya nakilala ay baka hanggang ngayon ay okay pa ang samahan naming magkakaibigan. Hindi na sana namin kinailangang maghiwa-hiwalay.


You are reading the story above: TeenFic.Net