Kabanata 17

Background color
Font
Font size
Line height

Emerald Jade

Nang magising ako ay si Daryl na naman ang unang nakita ng mga mata ko. Hindi ba dumadalaw ang pamilya ko? Sina mommy? Sina tita?

"You're awake," he said in a sleepy voice.

"Bakit ikaw na naman?" tanong ko.

Saglit lang siyang natigilan. "Bakit? Ayaw mo bang nandito ako?"

Umiwas ako ng tingin. "Hindi ba pumupunta si mommy?"

"Pumunta siya kaya lang tulog ka no'n at nagkaro'n din kasi siya ng meeting."

Meeting na naman.

Tanging tango na lamang ang naisagot ko sa kaniya. Ramdam ko ang titig niya sa akin kaya hindi ko na inisip pang lumingon.

"H'wag ka nang malungkot, nandito naman ako at pauwi na rin naman ang kapatid mo," sabi niya.

Dumating ang kapatid ko at may dala rin itong prutas. Napatingin ako sa lamesa kung saan niya inilagay iyon at nakitang tatlong basket na ng prutas ang nandoon.

Tiningnan muna ng masama ni Jake si Daryl bago siya lumapit sa akin.

"Okay ka na?" tanong niya nang makalapit na sa akin.

Tumango naman ako. "Yes."

Tumingin siya kay Daryl para paalisin ito. "You can go now, I'll take care of my sister."

"I'll stay," kontra naman agad nung isa.

Ako na ang nag-decide bago pa sila mag-away.

"Hey, you can go. Baka kasi pagod ka na rin." I gave him an assuring smile. "You can rest muna."

Bumuntonghininga siya at halatang ayaw akong iwanan pero tumayo rin naman siya at ngumiti sa akin bago lumabas ng kwarto.

Umirap siya at kumuha ng apple para balatan. "Tsk! Kaibigan mo pala ang isang 'yon dati?"

"Y-yeah. How did you know?"

"Mom told me."

Kumain at uminom ako ng gamot at nagpahinga na ulit. Pagod na akong magpahinga nang magpahinga, e! Paulit-ulit lang naman ang ginagawa ko sa lugar na 'to.

Maaga akong nagising dahil papasok ako ngayon. Kailangan kong humabol sa klase lalo na't malapit na ang periodical exam namin.

Umuwi ako sa bahay kasama si Jake para maligo at mag-almusal. Pumayag naman ang doctor ko na paalisin ako dahil tinawagan siya ni mommy.

"Jake, sabay ako sa 'yo," sabi ko habang umiinom ng gatas.

Napatigil ako sa pag-inom nang makitang masama ang tingin niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Ayaw niya pa rin ba akong kasabay?

"Kuya nga ang itawag mo sa 'kin!" inis na sabi.

Malay ko bang 'yon pala ang gusto niya!

"Oo na po! Kuya, sasabay ako sa 'yo," nakangiting sabi ko. "Okay na ba?" tanong ko at umirap.

Tiningnan niya lang ako ng masama at nauna nang lumabas sa akin kaya tumakbo ako para mahabol siya at baka iwanan pa ako!

Agad napawi ang ngiti ko nang makarating ako sa classroom namin. Nanatili akong nakatayo sa may pinto dahil hindi makagalaw. Ni hindi ko rin maharangan ang mukha kong natatamaan ng mga ibinabato nila.

They are throwing things to me like what they did before. Akala ko ba... okay na? Akala ko ba okay na kaming lahat? Anong ibig sabihin nito?

Naramdaman ko ang pagtama ng isang matigas na bagay sa noo ko kaya agad akong napaatras dahil sa sakit nito. Napahawak ako sa noo ko nang makaramdam ng kaunting hilo.

Naramdaman ko ang pagyakap ng kung sino sa akin.

"Fuck! Stop it!" sigaw ni Daryl.

He's hugging me!

Tinigil nila ang ginagawa nila at agad na tiningnan ni Daryl ang itsura ko.

"Fuck, you're bleeding," galit na ani niya.

Hinawakan ni Daryl ang noo ko at nakita kong may dugo nga iyon.

"Who the fuck told you to do that?" galit niyang tanong sa mga gumawa no'n.

"The plan remains, Eliazar. Wala pa ring babae ang dapat na nasa section na 'to," sabi nung isang lalaki.

"Tumigil ka na," mahinahong sabi ni Kian at tumayo habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng suot na pants.

Tumayo na rin sina Austin para ipakita ang hindi pagsang-ayon sa ginawa nung lalaki.

Hindi pala silang lahat ang gumawa no'n sa akin?

Isang lalaki na naman ang nagsalita at hindi ko rin 'yon kilala! "And now you're against us? What about the rule, huh? Babalewalain niyo na lang nang dahil lang d'yan sa babae na 'yan? Jack, you're the one who made this fucking rule, don't you remember?"

Nakakaramdam ako ng hilo at hapdi dahil sa sugat ko sa noo. Ramdam ko rin ang pag-agos ng dugo roon. Tumingin ako sa baba para makita kung anong mga binabato nila sa akin kanina. Nakita kong may may kahoy roon na para bang galing sa sirang upuan. Iyon siguro ang tumama sa noo ko kaya ito nagdudugo.

"Ano bang nakita niyo d'yan sa babaeng 'yan? Nilandi niya ba kayo?" sabi nung isang lalaki na katabi nung nagsalita kanina.

Napaatras ako dahil sa gulat nang bigla na lang lumipad ang kamao ni Neil sa mukha niya. Nang-aasar na tumawa lamang ang lalaking sinuntok ni Neil.

"I have a friend on her former school, and guess what?" Saglit na natawa ang lalaki. "Halos lahat ng gwapong lalaki roon ay naging boyfriend niya. What's worst is... pinaglaruan at pinaiyak niya lang ang mga 'yon." Nagkibit-balikat ito. "See? You're defending a heart breaker. Kaya kung ako sa inyo... lalayuan ko na 'yan dahil lalandiin at iiwanan lang din kayo ng babaeng 'yan."

Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam ang sasabihin. I can't even do a single move!

"If you want to protect that bitch then go on. But we will not stop bullying her until she leaves this section," pinal na sabi nung isa at naupo na.

Bumuntonghininga ako at naglakas-loob nang magsalita. "Do whatever you wanna do. But me? I will never leave this section. If you don't want to see my fucking face, then you leave." Inalis ko ang kamay ni Daryl na nakahawak sa akin at umupo na sa upuan ko.

Mabilis akong kumuha ng panyo at inilagay iyon sa noo ko. Ramdam ko pa rin ang hapdi no'n pero hinayaan ko na lang muna dahil hindi pa ako makakapuntang clinic dahil nandito na si ma'am.

"Sit down!" utos ni ma'am at umupo naman silang lahat agad.

Nilingon pa ako nung isang lalaki, masama ang tingin nito sa akin pero hindi ko siya pinansin. Bahala silang mainis sa mukha ko!

"Fernandez and Eliazar," tawag sa amin ni ma'am kaya pareho kaming lumapit dito. "Kindly answer these quizzes. 'Yan 'yung mga quiz na hindi niyo nasagutan dahil wala kayo."

Tumango ako at kumuha ng ballpen at sabay na kaming lumabas ni Daryl. Hindi raw kami pwedeng magsagot sa loob ng classroom at baka turuan pa raw kami ng mga katabi namin.

Nagpaalam na lang kami kay ma'am na sa cafeteria na lang kami pupunta para siguradong walang tao dahil class hours naman.

Iyong table na malapit sa glass wall ang pinili ko para kitang-kita ko ang labas. Si Daryl naman ay um-order muna ng pagkain namin.

"Here." Inabot niya sa akin ang isang tubig at burger.

"Thanks," mahinang sabi ko.

Tahimik na sinimulan namin ang pagsasagot. Ito 'yung quiz na sinagutan nila noong nasa hospital ako at binabantayan ako ni Daryl. Napatigil naman ako sa pagsusulat nang bigla siyang magtanong.

"Alam mo na ba?"

Kunot-noong tiningnan ko siya. "Alin?"

Alam ko na ba ang alin?

"Na... kaibigan mo ako dati."

Natigilan ako at hindi agad nakapagsalita.

"Y-yeah." Umiwas ako ng tingin at ibinalik nang muli ang tingin ko sa papel.

"I can help you..." bulong nito. Nang tingnan ko siya ay hindi naman ito nakatingin sa akin.

"Help... me?" naguguluhang tanong ko.

Help me saan? Sa quiz ba?

"Pwede kitang tulungang makaalala," paglilinaw niya sa sinabi.

Bigla namang pumasok sa isip ko ang sinabi ni mommy sa akin.

"You know what? It's kinda weird. Sabi ni mommy ay I can remember them naman. But, why can't I remember you? Is that even... possible?" I asked. I'm really curious about it!

Nagkibit-balikat siya. "It's possible. Nangyari nga sa 'yo e."

Bumagsak ang balikat ko. Akala ko naman ay matino ang isasagot niya sa akin!

Nakakainis talaga siya kausap!

Inirapan ko siya at itinuloy nang muli ang pagsasagot. Baka mamaya ay hindi pa ako matapos dahil sa kaniya!

"I'm sorry," muling bulong ni Daryl.

Problema niya? Baliw na ata.

"Huh? For what?" kunot-noong tanong ko nang hindi pa rin siya tinitingnan.

"Dahil sa ginawa nila sa 'yo ngayon. Sorry na rin dahil sa mga nagawa ko sa 'yo. Kung alam ko lang edi sana"

I cut him off. "I don't want to talk about it. Just... help me."

"Help you?" takang tanong niya kaya napairap ako. May pagka-tanga pala ang isang 'to!

"You said you'll help me remember, 'di ba? Stupid!" mataray na sabi ko.

I want to remember my past. I want to... remember him. Gusto kong maalala ang mga ginawa namin noon. Gusto kong maalala kung paano kami naging magkaibigan at... kung bakit kami nagkahiwalay.

"Are you happy?" I asked out of nowhere while staring at my paper.

"What do you mean?" he asked not taking his eyes off me.

Pinantayan ko ang kaniyang tingin. "Masaya ka ba noong nalaman mong ako ang kaibigan mong 'yon?"

He stilled for a second. I think he was not ready for that kind of question.

"I'm happy, Gem." My heart doubled in beat when he called me with that name again. That familiar feeling... was there. "Sobrang saya ko noong nalaman ko... pero may parte pa rin sa akin ang natatakot dahil hindi mo naaalala ang nangyari noon." He let out a sad smile.

"What are you afraid of?" takang tanong ko.

He shook his head. "I'll keep it to myself for now." He gave me a small smile. "Gusto kong malaman ang nangyari sa 'yo noong mga panahon na wala na ako sa tabi mo, puwede mo bang ikuwento?"


You are reading the story above: TeenFic.Net