Kabanata 16

Background color
Font
Font size
Line height

Ezekiel

Bakit ba sila nalulungkot? Bakit sila parang lumbay na lumbay dahil sa nangyari kay Jade? Hindi naman nila ka-close ang taong 'yon! Dapat nga ay wala silang pakialam!

"Absent si Jack," bulong sa akin ni Shawn kaya napatingin ako sa kaniya habang nakakunot ang noo.

Tumingin ako sa upuan sa likod kung saan nakaupo si Jack at wala nga siya roon. Lalo namang kumunot ang noo ko. Hindi naman na-absent ang gagong 'yon kaya bakit wala siya ngayon?

"Oo nga, 'no. Bakit naman kaya?" tanong ni JM na nakaupo sa katabing upuan ko. Nagkibit-balikat lang si Shawn.

Tahimik akong tumayo at lumipat sa upuan ni Jade na katabi ni Austin at Kian. Nagtatakang tumingin sa akin ang dalawa. Napatigil pa sa pagkain si Austin dahil ngayon ko lang naman siya nilapitan. Takot sa akin ang isang 'to, hindi ko naman alam kung bakit.

"Bakit daw absent si Jack? First time, ah," pabirong sabi ko kahit na may kutob na ako kung saan siya pumunta. Nasa hospital pa rin kasi si Jade.

"Binabantayan daw si Jade," sagot sa akin ni Austin at agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Neil.

"Huh? Bakit? Ano namang meron? kunot-noong tanong ko. "Mayroon bang relasyon ang dalawang 'yon?"

Nagkibit-balikat si Kian. "Hindi rin namin alam."

Nakakunot ang noo na tumitig ako sa unahan. Noong unang araw pa lang nung Jade na 'yon dito ay napapansin ko na ang mga tingin sa kaniya ni Jack. Hindi ko maintindihan kung ano bang ipinapakita niya. Ang hirap kasi basahin ng lalaking 'yon kaya hindi ko malaman kung may gusto ba siya sa babaeng 'yon o wala.

Pero akala ko ba ay hindi pwedeng may babae rito sa section namin? Ayaw niya sa babae, 'di ba? Kaya bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin ang Jade na 'yon? Bakit wala siyang ginagawa para mapaalis dito ang babaeng 'yon? Bakit parang wala lang sa kaniya na nandito pa rin ang Jade na 'yon?!

Alam kong may nag-iba. Kung noon ay araw-araw kaming may ginagawang kalokohan sa mga babaeng nalipat dito sa section namin, ngayon ay parang wala nang nangyayari. Parang sinasadya niyang hayaan!

Tumayo ako at tumingin sa kanilang lahat. "Nag-aalala ba kayo sa babaeng 'yon?"

Maraming napaiwas ng tingin. Si Austin naman ay napayuko. Si Alexis at Hendrix ay nakatingin lamang.

"Bakit?" tanong ko pa.

May ginawa ba ang babaeng 'yon para tigilan nila ang planong pagpapaalis sa kaniya sa section na 'to?

"Wala naman siyang ginagawa sa atin," mahinang sabi ni Austin.

"Wala rin namang ginagawa si Rio sa atin noon, ah? Pero tuloy-tuloy pa rin ang plano noon! Kahit labag sa loob ko ang mga ginawa natin sa kaniya!" galit na sigaw ko.

"Pre, matagal na 'yon—"

"Matagal na? Pero sinaktan pa rin natin 'yung tao!" Kahit pa matagal na 'yon 'yung guilt na nararamdaman ko ay nandito pa rin!

Because of that fucking rule my relationship with Rionica was fucking ruined! Dahil sa rule na ginawa ni Jack! Tapos ngayong kay Jade ay parang mababalewala na iyon?

Tumayo si Hendrix at pinantayan ang tingin ko. "Jade is his friend. His childhood friend." Napatingin ang lahat sa kaniya.

"Really? Dahil sa joke ni Austin ay nasabi mo 'yan?" puno ng sarkasmo na tanong ko.

"It was confirmed." Tumayo na rin si Alexis para tingnan ako ng diretso.

"E' ano ngayon kung kaibigan niya nga si Jade? Sa girlfriend ko nga kung ano-anong ginawa natin para mapaalis siya tapos kay Jade ay wala?"

"Katulong ka naman namin sa pangbu-bully sa ex girlfriend mo, ah?" Akmang lalapit sa akin si Alexis pero agad siyang pinigilan ni Hendrix.

"That's because Jack threatened me, asshole!" Ako na ang lumapit sa kaniya para suntukin siya sa mukha.

Agad na umawat ang mga kaklase namin kaya hindi na siya nakaganti.

Dumating na si ma'am kaya bumalik na ako sa upuan ko habang masama pa rin ang tingin kay Alexis na ngayon ay hawak-hawak ni Hendrix para hindi makalapit sa akin.

Napatingin ako kay Shawn na ang upuan ay sa tabi ko.

"If they won't continue the plan then we will," matigas niyang sabi na halatang hindi rin nagugustuhan ang bigla nilang pagbalewala sa plano.

Pagkatapos ng klase ay nag-usap-usap na agad kaming tatlo sa kung anong gagawin namin sa babaeng 'yon.

***

Hendrix

Hanggang ngayon ay bwisit pa rin si Alexis dahil hindi siya nakaganti kay Ezekiel. Nandito na kami ngayon sa bahay namin at nagpapalamig siya ng ulo.

Ang gagong 'to gusto pang gumanti e' alam niyang lalo lang magkakagulo kapag ginawa niya iyon!

"Bwisit ang gagong 'yon. Ang sakit!" reklamo niya habang hawak-hawak ang pisngi na namumula.

Natawa na lamang ako dahil halatang nasaktan talaga siya roon sa suntok ni Ezekiel. May halong galit pa naman ang suntok na 'yon.

Bumuntonghininga ako at kumuha ng pagkain sa ref bago bumalik sa harap niya.

"Totoo naman ang sinabi niya," sabi ko habang nagsasalin ng malamig na tubig sa baso at ibinigay iyon sa kaniya. Imbis na inumin ay idinikit niya iyon sa pisngi niyang namumula. "Parang nababalewala na ang plano ngayon."

"E' ano bang magagawa natin kung walang ginagawa si Jack?" inis niyang sagot sa akin.

"Hindi natin masisisi. Wala siyang nagawa noon para pigilan ang plano kaya naghiwalay sila ni Rio. Jack threatened him kaya pati siya ay kailangang gumalaw para mapaalis ang girlfriend niya sa section natin noon."

Nasisilip ni Ezekiel ang mga kilos ni Jack ngayon kaya siya nagagalit. Pati siguro siya ay napansin na ang pagbabago ni Jack noong napunta sa amin si Jade. Hindi na puro katarantaduhan ang lalaking 'yon ngayon. At wala siyang ginagawa para mapaalis si Jade sa section namin!

Meron man kaming ginawa noon ay kakaunti lang 'yon at hindi pa 'yon araw-araw! Dati ay kada araw may naiisip siyang prank na gawin! Dati ay araw-araw siyang may ginagawa para lang mapaalis ang mga babaeng napalipat sa amin! Inis na inis talaga dati ang isang 'yon makakita lang ng babaeng pumasok sa section namin!

Woman hater, amp.

"Bwisit siya!" Padabog na sumandal siya sa upuan kaya ang ending ay nalaglag siya.

I bit my lower lip to stop myself from laughing. Baka ako ang suntukin niya kapag tumawa ako!

"Gago, 'wag kang tatawa!" inis na sabi niya at tumayo habang nakahawak sa likod.

Malapit lang ang bahay ni Alexis sa bahay namin kaya tumatambay siya rito kapag wala sina mommy at kapag pumayag ako! Ayaw ko kasing may tao rito sa bahay dahil gusto kong natutulog lang nang natutulog kapag nandito ako.

My phone vibrated.

From: Jackstone

wala ka bang chismis dyan? wala akong makausap dito!

To: Jackstone

wala, wala namang nangyari ngayon

Kailangang magsinungaling dahil alam kong magagalit iyon kapag nalaman niyang nag-aaway-away ngayon ang mga kaklase namin dahil kay Jade at sa mga ikinikilos niya.

From: Jackstone

hospital pa rin ako

Tiningnan ko muna si Alexis bago bigyan ng reply si Jack.

To: Jackstone

pre, hindi mo ako gf para bigyan ng update! magbantay ka na lang nang mabuti dyan, alipin

From: Jackstone

FUCK YOU!

Natawa ako at pinatay na ang cellphone.

"Hoy, uwi na!" Pagtataboy ko kay Alexis na kumakain ng cake ngayon.

"Grabe kung mangtaboy, ah!" Umirap siya at umalis dala-dala ang platitong may cake. Pati tinidor namin ay dala!

Pumunta na ako sa kwarto ko para i-stalk ang social media accounts ni Jade. I don't know... but I like stalking her accounts to see her picture where she looks happy. Ang ganda niya kasing tingnan when she's genuinely happy.

I saw her tagged pictures. Mayroon silang picture nung lalaking boyfriend ni Lei Anne. Nakahawak ang lalaki sa baywang niya at nakangiti silang pareho sa camera.

Kumunot naman ang noo ko habang nakatingin sa picture na 'yon. May relasyon ba ang dalawa noon? Hindi naman sila mukhang magkaibigan lang sa picture na 'to.

"Tsk." Isinara ko na ang laptop ko at nahiga na sa kama.

Hindi naman ako naaapektuhan, 'di ba?

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Imposible namang may gusto ako sa babaeng 'yon. Hindi naman kami nag-uusap at ang taray-taray tumingin no'n!

At isa pa, hindi ko rin siya pwedeng magustuhan dahil base sa mga kwento sa akin noon ni Jack tungkol sa childhood friend niya ay alam kong hindi lang kaibigan ang tingin niya roon!

Iniisip ko tuloy kung ano kayang naramdaman ni Jack noong nalaman niyang si Jade nga ang kaibigan na hinahanap niya.

Alam kong sinisisi niya ang sarili niya kung bakit nabangga noon ang kaibigan niya. Alam namin ni Alexis ang buong pangyayari dahil nasabi niya sa amin iyon noong nalasing siya.

Napailing na lamang ako. Small world. Si Jade pala ang kaibigan niya na matagal na niyang hinahanap. Si Jade na ginawan niya rin ng kalokohan. Si Jade na noon ay gusto niyang mapaalis sa section namin. Si Jade na kapatid ni Andrei na kagalit ni Jack dahil kay Mia.

Grabe... Anong revelations pa kaya ang maririnig namin tungkol sa kanila?


You are reading the story above: TeenFic.Net