Kabanata 15

Background color
Font
Font size
Line height

Emerald Jade

Nang magising ako ay ang pamilyar na amoy ng hospital na naman ang sumalubong sa akin.

Saglit akong napatitig sa puting kisame. Palagi na lang ba akong magigising sa lugar na ito?

Napatingin ako sa gilid ko nang mapansing may nakahawak pala sa kamay ko. Kumunot ang noo ko nang makilala kung sino ang taong 'yon.

"Daryl?" I tried waking him.

"Daryl," tawag ko pang muli sa pangalan niya.

Pagod ang itsura niya at mukhang kakatulog lang. Siya kaya ang nagbantay sa akin?

Unti-unting nagmulat ang kaniyang mga mata at ako agad ang unang hinanap no'n.

"Oh, you're already awake." He smiled.

"Where's mom?" agad kong tanong.

"Urgent meeting daw. Ako muna ang nagbantay sa 'yo. 'Yung kapatid mo kasi ay pumasok," sagot niya naman agad sa akin.

Yeah, right. It's Tuesday.

"You? Aren't you going to school?" kunot-noong tanong ko dahil parang wala siyang balak pumasok!

At tama nga ako dahil umiling siya.

"Wala kang kasama," mahinang sabi nito.

Humiga na lang akong muli. Napatitig ako sa kisame dahil nakakaramdam ng gutom. Kailan ba ang huling kain ko?

Biglang tumunog ang tiyan ko kaya napatingin ako kay Daryl na ngayon ay nangingiti habang nakatingin sa akin.

"Dito ka lang. Bibilhan kita ng pagkain," natatawang sabi niya kaya umirap ako.

Bwisit! Nakakahiya!

"May nakakatawa ba?" masungit na tanong ko para takpan ang kahihiyang nararamdaman.

"Okay, sorry." Maingat niyang inalis ang pagkakahawak sa kamay ko. "Mabilis lang ako."

Tumango ako at pinanood siyang lumabas ng kwarto.

Bakit parang masyado siyang mabait sa akin ngayon? May nangyari ba na hindi ko alam?

May naaalala na ako pero hindi pa lahat. Hindi pa buo. Alam kong may kulang pa rin. Pero at least, sure na akong magkaibigan nga kami noon.

Alam na kaya niya ang tungkol sa bagay na iyon? Alam niya na kaya na ako ang kaibigan niyang 'yon?

"Here..." Maingat niyang inilagay sa kama ko ang mga dala niya. "Eat this and drink your medicine after."

Napanguso ako nang makita ang mga pagkain na dala niya. Puro gulay!

"What's with the face? Hanggang ngayon ba ayaw mo pa rin sa gulay?"

Nagulat ako sa sinabi niya at hindi agad nakapag-react. Alam niya ang bagay na iyon- of course, alam niya! Alam niya iyon dahil nga close kami noon.

At dahil alam niya ang tungkol doon... ibig sabihin ay alam niyang kaibigan niya ako noon.

"Maghahanap sana ako ng ibang pagkain pero sabi ng doctor mo ay 'yan muna," nakangiwing sabi niya na parang natatakot sa akin dahil nakatitig ako sa kaniya.

Kahit napipilitan ay inubos ko ang pagkain na 'yon dahil kailangan kong uminom ng gamot para hindi na sumakit ang ulo ko dahil ako lang din naman ang nahihirapan!

"Gem?"

My heart almost stopped beating when I heard those words.

"Gem, laro tayo! Doon tayo, oh!"

"Gem, I'm always here for you. Don't worry, I always have time for you."

"Busy na naman ang parents mo, Gem? 'Di ba sabi mo ay may kapatid ka? Nasaan siya ngayon?"

"Jade!" Bigla akong natauhan nang marinig ko ang boses ni Daryl. "Okay ka lang? Namumutla ka. Tatawagin ko ang doctor mo," nagpa-panic na ani niya at akmang aalis na ngunit mabilis ko siyang pinigilan gamit ang nanginginig kong kamay.

"No... Don't... don't leave me."

"Okay." He held my trembling hands as he pulled me closer to him. He caressed my hair before kissing my temple softly. "Drink your medicine and then rest. I won't leave."

Tumango ako at ininom na ang gamot na ibinigay niya sa akin at nagpahinga na.

***

Jack Daryl

Napatitig siya sa akin nang banggitin ko ang tawag ko sa kaniya noon at bigla na lamang siyang napahawak sa ulo niya.

Did she remember something? Is it bad to call her that? If it will force her to remember something then it is bad.

Mahimbing siyang natutulog ngayon. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil parang bata pa rin siya matulog. Ang inosente tingnan, akala mo'y hindi masungit!

Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon.

"Son, okay na ba siya?" si mommy. May dala-dala siyang prutas, iyong hilig kainin ni Gem noong pumupunta siya sa amin.

Gem... I missed calling her that.

Kay mommy ako unang nagpaalam na hindi muna ako papasok dahil gusto kong bantayan si Gem. Kinuwento ko kay mommy at daddy ang lahat. Naiintindihan naman niya. Nagulat sila noong una pero naintindihan din naman nila. At syempre, masaya sila para sa akin dahil alam nila kung gaano ako nalungkot noong nawala si Gem sa tabi ko.

"She's okay now but her head still aches sometimes."

Tumango si mommy at nilapitan si Gem na mahimbing na natutulog ngayon.

"Naaalala na raw ba niya ang... nangyari noon?" tanong ni mommy habang nag-aalalang nakatingin sa akin. "It's not your fault, anak. Always remember that."

Pilit akong ngumiti at napatitig na lamang sa kawalan.

Kung hindi ko siya inasar noon ay hindi siya tatakbo. Hindi sana mangyayari sa kaniya 'yon. Hindi sana siya mababangga noon. Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat nang nangyari kaya tatanggapin ko naman kung magagalit siya sa akin kapag naalala na niya ang nangyari.

Nang umalis si mommy ay ang mommy naman ni Gem ang dumating. May mga prutas din itong dala.

"Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin at lumapit sa anak.

Tumango ako at ngumiti kahit hindi pa talaga ako kumakain.

"I'm really sorry, hindi kasi talaga maiiwasan ang urgent meeting lalo na kapag medyo mataas ang client," paliwanag niya sa akin kahit na hindi ko naman kailangan.

Hanggang ngayon ay busy pa rin sila. Marami kasing business ang pamilya nila lalo na't mayaman both sides. May mga beach resorts din silang pagmamay-ari in and out of the country.

"Okay lang naman po." Binigyan ko siya ng upuan dahil naka-heels siya ngayon at mukhang kanina pa siya naglalakad dahil namumula na ang paa nito.

Sa kaniya siguro namana ni Gem ang pagiging matangkad at kutis modelo nito. Maging ang tindig at postura nito ay parehong-pareho nung kay Gem.

"Nagising na ba siya?" tanong nito at tumango naman ako.

"Nakakain at nakainom na rin siya ng gamot."

Kumunot ang noo ko nang marinig na tumunog ang cellphone niya. Mabilis niya naman itong kinuha sa bag niya at sinagot ang tawag.

"Hello?" She smiled. "Yes, I'm with her." Tumingin ito sa akin. "Really?When?" Tumayo siya at naglakad palabas. "She'll be happy to hear that."

Tahimik lang akong nakaupo sa sofa. Inilabas ko ang cellphone ko at puro texts at chats ng mga kaklase ko ang nakita ko.

Bumalik na sa loob ang mommy ni Gem kaya itinago ko nang muli ang cellphone ko.

"It's her dad," nakangiting sabi niya.

Wow. She'll be happy, for sure.

"Anyway, gusto mo bang umuwi muna? Magpahinga ka na. Ako muna rito," sabi nito habang inaayos ang higaan ng anak.

Umuwi muna ako para maligo at kumain.

"Is your friend okay?" tanong agad sa akin ni daddy nang makita ako sa kusina.

"Yes, dad. Nagpapahinga na lang siya ngayon."

"Babalik ka pa ba roon?" tanong niya habang nagsasalin ng tubig sa baso.

"Opo. Don't worry, papasok na ako bukas," agad kong sabi dahil baka isipin niya ay a-absent naman ako.

Dad is really strict! Hindi niya ako pinapayagan na mag-skip ng klase nang walang maayos na dahilan! Pero dahil nakuwento ko nga sa kaniya ang nangyari at 'yung tungkol sa amin ni Gem ay pumayag siya agad.

Pinuntahan ko muna si mommy sa garden para magpaalam bago umalis.

"Oh, you're back." Gem's mother is still here.

Ngumiti ako sa kaniya at umupo na lang muna. Tulog pa rin si Jade at mukhang hindi pa siya nagigising. Mabuti na rin 'yon para naman makapagpahinga siya.

Nakarinig akong muli ng tumutunog na cellphone.

"Hello? I'm with my daughter..." She sighed. "No, schedule it tomorrow, my daughter needs me." Tumingin siya sa anak. "I'll talk to Bealyn, maybe I can ask her to be my substitute for a while."

Nag-dial siya ng number.

"Bealyn, where are you?" Muli siyang napabuntonghininga "Oh, I'm sorry..." She bit her lower lip. Halatang may problema. "No, it's nothing."

Ibang number naman ang tinawagan niya.

"Hello, Anthony?" Tumayo na siya ngayon. "Oh, you're busy, too." She frustratedly brushed her hair. "Sorry for the disturb."

Halata sa mukha niya na may problema.

"You can go. Don't worry, I'm here." Tumayo ako at lumapit kay Gem.

"Really? But, you still have to go to school tomorrow."

"I'll take care of it. Si Jade naman ang mas importante sa akin ngayon." Ngumiti ako at tumagal ang titig niya sa akin dahil siguro sa sinabi ko.

"Yeah..." She smiled. "She's the most important." Tumingin siya sa anak. "I'm sorry." Ibinalik niya ang tingin sa akin. "Thank you."

I just gave her a smile. Mabilis siyang umalis na halatang nagmamadali.

I can fully understand her now. Her family is too busy for her to have the attention that she's longing to have for so long. Wala silang oras sa anak nila. That explains why her behavior is like that before.


You are reading the story above: TeenFic.Net