Kabanata 14

Background color
Font
Font size
Line height

Nang makapasok kami ng classroom ay agad akong dinumog ng mga kaklase ko.

"Sino 'yon, Jade?"

"Bakit kilala ka?"

"Bakit mo kilala 'yon?"

Napapikit na lamang ako nang mariin noong sumakit na naman ang ulo ko.

"Shut up! Ang ingay niyo!" inis na sigaw ko at padabog na umupo sa upuan ko.

Unti-unting humina ang bulungan nila hanggang sa wala na akong marinig. Mukhang nagulat sila sa inasta ko dahil lumayo muna silang lahat sa akin.

I don't know what's happening to me. Sumasakit ang ulo ko kapag maingay. May bigla-biglang pumapasok sa isip ko na hindi ko naman makita ng ayos dahil blurred lahat. It was frustrating!

Dalawang bata iyon. They were running. They were laughing and eating together. Malabo man iyon sa isipan ko ngunit alam kong ako ang babaeng 'yon!

"Huy! Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Austin.

Nang lingunin ko siya ay nagsimula nang manlabo ang paningin ko.

What the hell is happening to me?

"Hey, Gem! Wait for me!" He laughed. "Saglit, hintayin mo 'ko!"

"Ayoko! Inaaway mo ako!"

"Sorry na nga— Gem!"

"Jade!"

"Okay ka lang?"

"Huy!"

Sunod-sunod silang lumapit sa akin. Muntik na akong malaglag sa upuan dahil nawalan ng balanse ang katawan. Mabuti na lang at mabilis akong nahawakan ni Kian.

Inalis ko na ang kamay ni Kian na nakahawak sa akin at tumango para hindi na sila magtanong.

Akala ko ay ayos na ako ngunit bigla na lamang akong nawalan ng malay.

***

Neil

Agad naming dinala si Jade sa school clinic. Kanina pa namin napapansin na parang hindi siya okay. Palagi niya rin kasing minamasahe ang ulo niya na para bang sumasakit ito.

"May sakit ba siya?" tanong ko kay Jack.

Hinipo ni Hendrix ang noo at leeg ni Jade bago tumingin sa amin. "Wala naman siyang lagnat."

Bumuntonghininga naman si Jack kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. Mukha siyang problemado.

"Nung pumunta siya sa bahay ay nahimatay rin siya," ani niya.

"Pumunta siya sa inyo?" takang tanong ni Alexis.

Tumango lang ang isa at nakatanggap ulit ng tanong mula naman kay Hendrix.

"Ano namang ginawa niya roon?" kunot-noong tanong ni Hendrix.

Umiling si Jack. "Binisita lang si mommy."

Mahigit isang oras na rin kaming nandito. Ang iba naming kaklase na wala namang pakialam sa nangyari ay hindi naman na sumama sa amin kaya hindi kami siksikan dito sa loob.

Tinawag namin si Andrei kanina pero sumaglit lang ito dahil may klase pa sila. Tatawagan na lang daw niya ang mommy nila.

May dumating na babae at lahat kami ay napatingin sa kaniya. Kamukha niya si Jade kaya alam ko na agad na ito ang nanay niya pero kung titingnan ay para lang magkapatid ang dalawa dahil maganda pa rin ang ginang kahit may edad na.

"Where's my daughter?" agad nitong tanong sa amin.

"Si Jade po ba?" tanong ni Jack at lumapit dito.

Tinuro ni Jack ang kama ni Jade nang tumango ang ginang. Mabilis naman itong lumapit sa anak.

"Kaklase niya ba kayo?" tanong nito sa amin habang inaayos ang kumot ng anak.

"Opo," sabay-sabay naman naming sagot.

"May sakit po ba si Jade?" tanong ni Alexis.

"Her memories are coming back," panimula nito at saglit na tumingin sa amin. "Ang sabi ng doctor ay baka may bagay raw na nag-trigger kay Jade upang biglaang bumalik ang mga alaalang iyon. Ang sabi ay masama iyon para sa anak ko dahil masyado siyang nabigla."

"May amnesia po si Jade?" tanong ni Austin at nag-aalalang tumingin kay Jade.

Malungkot na tumango naman ang ginang sa amin. "She got hit... by a car... which had a huge impact on her brain."

Pinili naming manahimik na lamang dahil mukhang sensitive ang issue ni Jade.

May ambulance na dumating para ilipat si Jade sa Hospital.

Naglalakad na kami pabalik ng classroom at ngayon lamang sila nagsalita para pag-usapan ang tungkol sa nalaman namin kanina.

"Hindi ko alam na may nangyari palang ganoon sa babaeng 'yon," ani Hendrix.

"Malamang wala namang nagsabi," agad na sagot ni Alexis kaya sinamaan siya ng tingin nung isa.

"It's a bit weird. When she passed out in our house... the last thing she saw was my picture with my childhood friend," sabi ni Jack habang nasa malayo ang tingin at halatang napapaisip.

"Old friend? You mean... that girl? Your mysterious friend?" si Alexis.

Nakatingin lamang ako sa kanila. May nakuwento nga si Jack tungkol sa kaibigan niyang 'yon at ang alam ko ay hanggang ngayon hindi pa rin nila nakikita ang babaeng 'yon.

Sigurado akong ka-edad na namin 'yon.

"Baka naman siya pala 'yon kaya siya nahimatay." Tumawa si Austin pero agad ding nawala ang tawa niya nang makitang hindi kami natawa o napangiti man lang sa sinabi niya.

"Malay niyo nag-flashback sa utak niya ang mga alaala niyong dalawa noong nakita niya 'yung picture, 'di ba? Ganoon kaya ang mga napapanood ko sa t.v!" biro niya pa.

Napapaisip tuloy ako dahil sa sinabi ng lalaking 'to.

"Nagjo-joke lang ako..." bulong niya nang makita ang reaksyon namin at tumakbo na palayo sa amin.

***

Jack Daryl

What if Austin's joke was right? Paano kung si Jade nga ang babaeng matagal ko nang hinahanap? Baka kaya bawat galaw niya ay pamilyar sa akin dahil siya iyon! Kung paano siya magsalita. Kung paano siya ngumiti. Lahat ng 'yon ay si Gem ang naaalala ko.

"What are you thinking?" tanong ni Hendrix sa akin.

"Stop overthinking," sabi naman ni Ezekiel at nauna nang maglakad sa amin.

Kung siya nga ang kaibigan ko... hindi naman niya ako naaalala.

At isa pa, paano ko naman maco-confirm kung ang tungkol doon e' wala nga siyang maalala? Hindi ko naman siya pwedeng pilitin na makaalala dahil masama iyon para sa kaniya.

Nasa classroom na ang lahat. Si Jade pa rin ang topic nila.

As far as I remember, ayaw naming may babae sa section namin e' bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin si Jade?

Nang matapos ang klase namin ay agad na nag-uwian ang iba naming kaklase. Iilan na lamang kaming nandito sa classroom.

"Saan kaya dinala si Jade?" tanong ni Neil kay Austin.

"Aba, malay ko," sagot naman ni Austin sa kaniya.

"Dalawin nga natin," si Kian naman.

"Hindi nga natin alam kung saan siya dinala tapos mag-aaya kang dumalaw?" sarcastic na tanong ni Ivan.

Inilabas ni Kian ang cellphone niya. "Edi magtatanong!"

Hindi ako umalis sa upuan ko. Pwede naman sigurong dumalaw sa kaniya kahit alam kong may galit sa akin ang babaeng 'yon dahil sa mga ginawa ng section namin sa kaniya.

"Hello?" si Kian. "Magtatanong lang sana tungkol kay Jade," he paused. "Alam mo kung saang ospital?" Tumango-tango ito. "Salamat!"

Nag-ayos na kami ng mga gamit at naghanda nang lumabas.

Sinabi sa amin ni Kian kung saang hospital at kaniya-kaniya na kaming pumunta roon.

Si Andrei agad ang una naming nakita at mukhang kadarating lang din niya. Nagsalubong agad ang kilay nito nang makita kami.

"Anong ginagawa niyo rito?" iritadong tanong nito sa amin.

Si Austin ang sumagot, "Dadalaw lang."

"Hey, son! Don't stop them," ang mommy nila.

Buti ang nanay mabait, ang anak hindi.

Ilan lang kaming unang nakapasok sa kwarto. Bawal kasi ang marami lalo na't kailangan daw ni Jade ng pahinga.

Her mom caressed her hair. "She keeps on murmuring that one name. We don't know who it was but the doctor said it might be part of her memories," sabi sa amin nito.

Kusa na lamang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa narinig.

"What..." I breathed heavily. "What name?"

Tumingin siya sa akin na para bang nagtataka kung bakit ko tinatanong ang tungkol doon.

"Daryl..."

My heart beat faster. Nakaawang lang ang labi ko dahil hindi mahagilap ang gustong sabihin. Nag-iinit ang gilid ng mga mata ko na para bang anumang oras ay luluha na ito.

Siya nga 'yon. Siya nga ang kaibigan ko. Siya nga ang babaeng matagal ko nang hinahanap.

Hindi ko mawari ang nararamdaman. Masaya ako na nakita ko na siya pero nalulungkot dahil hindi niya naman ako naaalala.

Nakilala naman niya siguro ako noong nakita niya ang picture naming dalawa pero bakit hindi siya nagsabi? Bakit hindi niya ako kinausap tungkol doon?

Sa mga ginawa ko sa kaniya ngayon, tatanggapin niya pa kaya ako bilang kaibigan niya?

At kapag naalala niya na nang tuluyan ang nangyari noong nabangga siya, magagawa niya pa rin kaya akong tingnan sa mata nang walang galit na nararamdaman?

"Okay ka lang ba?" Lumapit sa akin si Hendrix at Alexis.

Tumango ako at inutusan muna silang umalis.

"What is it?" tanong ng Mommy ni Jade.

"My name is Jack Daryl Eliazar."

Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya ngunit agad ding nawala iyon nang makuha niya ang gusto kong sabihin.

"A-And?"

"I... I am her friend. I am sure of that. The last thing she saw before losing consciousness in our house was my childhood picture... with her."

Nagulat siya sa sinabi ko.

"It was you?"

Dahan-dahan akong tumango.

"H-how? Bakit hindi ka namin kilala?"

"Sa tuwing sinusubukan niyang ipakilala ako sa inyo ay palagi kayong wala." Malinaw pa sa isipan ko iyon lalo na't isa 'yon sa dahilan kung bakit palaging malungkot si Gem noon.

Naaalala ko pa rin lahat. Kung paano ko siya unang nakita. Kung gaano siya kahirap kausapin noon. Kung paano niya ako sungit-sungitan bago pa niya ako tanggapin bilang kaibigan niya.

Bumuntonghininga ang ginang bago tumingin sa anak. "Maybe you can help her regain her forgotten memories?"

Mabilis akong tumango.

I want to help her.

I'll help her remember everything.

I'll help her remember me.


You are reading the story above: TeenFic.Net