Kabanata 12

Background color
Font
Font size
Line height

Nang makabalik ako sa classroom ay nakatutok silang lahat sa mga cellphone nila.

Anong meron?

Hindi nila napansin ang pagdating ko dahil busy sila kaya dumiretso na lang ako ng upo sa upuan ko.

Kumunot ang noo ko nang masilip ko ang tinitingnan nila. Picture iyon at may video din silang pinapanood.

Napaayos ako ng upo nang makitang nandoon ako sa video. Saan naman galing 'yon? Kanina lang nangyari ang nasa video na pinapanood nila at nandoon din sina Lei Anne! Video iyon na naglalakad kami papunta sa gymnasium. May mga edit-edit pa akong nakita!

"Where did you get that?" I asked calmly but deep inside... I want to explode in anger.

"Sa Facebook," simpleng sagot sa akin ni Calyx.

"Ang cute niyo, Jade," Austin said while giggling. "Ang angas pa."

Para 'yun lang?

Napahawak na lamang ako sa ulo ko nang biglang kumirot iyon. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa mga nangyayari. Una, dahil kay Jake. Pangalawa, makakalaban ko sa volleyball ang dating school na pinapasukan ko. Ngayon naman... viral na ang video naming apat! At sa hindi ko malamang dahilan!

Sabay-sabay lang naman kaming naglakad kanina! Ano namang mayroon doon?

Binuksan ko ang cellphone ko at nakita sa kung saan-saang social media 'yung video. May kani-kaniyang edit pa! Puro positive comments naman ang nakikita ko kaya hinayaan ko na.

Napahawak akong muli sa ulo ko. Napapadalas na naman ang pagsakit nito.

Tumunog na ang bell kaya agad akong tumayo at kinuha na ang bag ko. Naghahanda na rin sa pag-alis ang mga kaklase ko. Tumaas ang kilay ko nang makitang iniiwasan ni Kian ang tingin ko.

Naramdaman kong may humila sa bag ko kaya napatigil ako sa paglabas ng classroom.

"What?" inis na tanong ko sa taong gumawa no'n.

Gusto ko nang umuwi!

"I think you're forgetting something," ani niya habang ang seryosong mukha ay mariing nakatitig sa akin.

My forehead creased. What is he talking about?

Binitawan niya ang bag ko at umirap sa akin. "My mom."

Hala, bakit ko nakalimutan?

"Give me your address."

Umalis na agad ako pagkatapos niyang sabihin ang address nila. Muntik ko pang makasalubong si Jake kaya umiba na agad ako ng daan. Nakita ako ni Mia pero hindi naman niya ako tinuro kaya hindi ako nakita ng kapatid ko.

Mabilis lang akong nakarating sa bahay nina Daryl dahil hindi naman 'yon kalayuan sa school namin. Kasunod ko lang din naman siyang dumating.

"That's yours?" he asked. Nakatingin siya sa kotse ko.

"Yeah," maikling sagot ko.

Nasa gate pa lamang kami ay kita ko na agad ang mommy ni Daryl. Mabilis na lumaki ang ngiti niya nang makita ako.

"Hello, Jade!" Nakangiting lumapit sa amin ang mommy ni Daryl. Ako naman ay ngumiti lang din dahil hindi alam ang sasabihin.

Napalingon ako sa katabi ko at inirapan niya lamang ako nang magtama ang tingin namin.

Ang hirap din intindihin ng mood ng lalaking 'to!

"Jack, anak, nasa office ang daddy mo," sabi ng mommy ni Daryl sa kaniya. Tumango naman ang isa at umalis na sa tabi ko.

Nang makarating kami sa dining area ay halos lumuwa ang mata ko sa dami ng pagkain. Punong-puno ang lamesa!

"Hala, ano pong meron? Ang daming pagkain." Hindi naman siguro nila ipauubos sa akin 'yon lahat, 'di ba?

"Para sa 'yo 'yan lahat. Hindi ba sabi ko ay ipagluluto kita?"

Napatango na lamang ako, hindi alam ang sasabihin. Ngumiti siya at pinaghila ako ng upuan kaya medyo nahiya ako.

Ang bait-bait ng nanay tapos ganoon ang ugali ng anak. Saan kaya nagmana ang lalaking 'yon? O baka ampon lang si Daryl?

"Ampon lang po ba si Daryl?" dire-diretsong tanong ko kaya napatingin siya sa akin.

"Hindi," natatawang sabi niya. "Bakit mo naman natanong?"

"Wala lang." Nagkibit-balikat ako. "Ibang-iba po kasi ang ugali ng anak niyo sa 'yo."

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko. Why? Hindi niya ba alam na marami nang na-bully ang anak niya?

"What do you mean? Is it because of what he did to you?"

Tumingin ako sa kaniya at nagkibit-balikat. "Hindi lang naman po ako ang babaeng na-bully niya. Nasabi sa akin ng kaibigan ko na marami nang umalis sa section na 'yon dahil sa kanila. Ganoon din ang sinabi sa akin ng adviser namin noong unang araw ko roon."

Kumunot ang noo niya. Ibig sabihin ba no'n ay hindi niya talaga alam?

"Gano'n ba? Thank you for telling me that."

I started eating the cake she baked. Ang sarap.

Umupo siya sa upuan na katapat ko. "You know what? Jack is not like that before." Napatingin ako sa kaniya. "He has a friend who used to call him Daryl."

Umawang ang labi ko. May nauna na pala sa akin na tawagin siya sa second name niya. Akala ko naman ay ako lang ang may gusto sa pangalan niyang 'yon.

"So... where is that friend?" I asked.

She looked at me sadly. "I don't know. No one knows."

Kumunot ang noo ko. Ano 'yon naglaho na lang bigla ang taong 'yon? O baka naman... "Is he dead?"

"I told you, we don't know." Saglit siyang natawa. "But, I hope she's not. I hope she's alive because if she's alive... my son will be the happiest man in the world."

She? So it's a girl?

E, bakit parang ayaw na ayaw ni Daryl na makitungo sa mga babae kung gano'ng may naging kaibigan din naman pala siyang girl?

I suddenly felt weird. I am having goosebumps. What the hell?

Ngumiti ako nang tumingin siyang muli sa akin. Naubusan na ako ng sasabihin!

Tahimik na kumain na lang ako. Sinabayan niya na rin akong kumain at sa tingin ko ay gusto niyang tikman ko ang lahat ng niluto niya dahil lagay siya nang lagay ng pagkain sa pinggan ko!

Sana kayanin mo 'to, tummy.

Napatigil ako sa pag-aalala sa tiyan ko nang may pumasok na tanong sa isip ko.

"Have you ever talked to her parents?"

Napatitig siya sa kawalan. "That girl is a bit mysterious..." She laughed a bit. "Hindi namin kilala ang parents niya— we don't even know her full name! That's the reason why we are clueless about where she is."

Kawawa naman pala ang Daryl.

Kung nalulungkot ang parents niya dahil sa pagkawala nung babae, paano pa kaya si Daryl na kaibigan nito, 'di ba?

"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ni Daryl na kadarating lang. Nakangiti pa ito.

"Nothing, son." Tumayo siya at kinuha ng pagkain si Daryl. "Here, eat." 

Sa tabi ko naman umupo ang lalaki! Inirapan niya ako nang mapatingin siya sa akin. Ang gulo-gulo talaga ng lalaking 'to! Akala ko pa naman ay okay na kami dahil wala silang ginagawang kalokohan ngayon sa akin pero hindi pala!

"What?" inis na tanong niya sa akin.

"Ano'ng ginagawa ko sa 'yo?" inis na tanong ko rin.

"Stop staring!"

Umirap ako at inalis na ang tingin sa kaniya. Sungit!

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa salas nila. Pagod na umupo ako. Ang dami kong nakain dahil hindi ako makatanggi sa mommy ni Daryl!

"Feel at home?" Biglang sumulpot si Daryl sa likod ko.

Ano ba 'tong lalaking 'to? Kabute?

Inirapan ko lang siya at hindi umimik. Nanood na lang ako ng K-Drama sa Netflix nila.

"Lagi ba kayong nag-aaway ng kapatid mo?" biglang tanong niya at umupo sa tabi ko kaya pasimple akong umipod palayo sa kaniya.

Pagkatapos akong sungit-sungitan magtatanong naman siya ngayon? Tsk!

"Pakialam mo naman kung palagi kaming nag-aaway?" nakataas ang kilay na sabi ko.

"Aahitin ko 'yang kilay mo! Nakakainis. Ang taray-taray, akala mo naman napakaganda niya," inis na sabi niya at humalukipkip.

"Excuse me?! Maganda naman talaga ako!" Inis na humarap ako sa kaniya.

"Talaga?! Saan banda?! Ba't hindi ko makita?!"

"H'wag ka ngang sumigaw! Magkatabi lang tayo, oh!"

"Sumisigaw ka rin naman, ah!"

"You two! Stop shouting!" maotoridad na sigaw ng isang lalaki. 

Teka, nasa'n 'yon? Tumingin ako sa magkabilang gilid ko pero wala ito. Kumunot ang noo ko at tumingin sa likod ko.

"Puta!" I immediately covered my mouth. Shocks! It's his father! Namura ko pa! "S-sorry po. Nagulat lang."

Nahagip naman ng mata ko si Daryl. Nagpipigil ng tawa ang gago! Kasalanan niya 'to! Bwisit!

"Who are you?" tanong ng daddy ni Daryl sa akin.

Napaiwas ako ng tingin. Para akong batang nahuling gumagawa ng kasalanan!

"I'm his new classmate po."

God! Why do I feel scared? Geez! I can't even look into his eyes.

"The new girl who punched him?" nakataas ang isang kilay na tanong niya sa akin.

Dahan-dahan akong tumango. Katapusan ko na ba?

"Hey! Don't scare her!" sigaw ng mommy ni Daryl.

Nakahinga ako nang maluwag. Lifesaver!

Ibinalik ko ang tingin sa daddy ni Daryl. Hindi naman siya mukhang galit. Baka naman nagtatanong lang talaga siya.

"Maybe you can help us discipline our son?"

Eh?

"Dad!" Daryl exclaimed. 

Ay, baka hindi ko po mapatino 'yan! Hirap no'n. Baka mag-away lang kami nang mag-away!

I bit my lips. Kusa na lang akong napapakagat sa labi ko kapag nag-iisip ako. Nakasanayan na, e.

Natawa siya bago nagsalita. "I have to go, I still have a meeting. Don't worry, son, I was just joking." Tumingin ito sa akin. "Don't take it seriously." 

He kissed his wife before he started walking but he stopped when he reached the door. He said something that stunned me for a second. "You're somehow familiar."

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang makaalis na ito. Grabe! Akala ko naman katapusan ko na!

"Punta na ako sa kwarto ko," paalam ni Daryl sa mommy niya pero sa akin nakatingin.

Umalis na siya nang hindi sumagot ang mommy niya.

Lumapit naman sa akin ang babae. "Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong nito.

Tumango naman ako. Pumunta na ulit kami sa kusina dahil ikinuha niya ako ng tubig. Buti na lang talaga at mabait 'tong mommy ni Daryl.

Bigla akong may naalala habang umiinom ng tubig.

"Do you have any pictures of his friend?"

"Oh? His old friend? Yeah, wait." Ibinaba niya ang hawak sa lamesa. "Kuhanin ko lang."

Maganda kaya ang babaeng 'yon? Mabait? Masungit? 

Pero bakit naman ako nacu-curious? Tss.

Medyo matagal bago siya nakabalik. May dala na siyang photo album. Inabot niya naman agad sa akin 'yon. Napangiwi ako dahil sa gabok.

"Puro picture nila 'yan. Matagal nang nakatago kaya medyo magabok na."

Tumango na lamang ako at umupo muna para matingnan iyon. Nakangiti pa ako habang binubuksan ko ang album pero agad ding napawi ang ngiti ko nang makita ang laman ng unang pahina no'n.

"Hi!"

"I don't talk to strangers."

Unang buklat ko pa lamang pero parang ayaw ko nang tumuloy.

"My name is Jack Daryl Eliazar. You can call me Jack!"

Hindi ako makagalaw. My head is hurting so bad that I couldn't say a thing.

"I am not interested, mister."

Patuloy na may pumapasok na imahe sa isip ko pero hindi malinaw ang lahat.

"Ang kalat mong kumain, babae."

That girl.

"Hi, hija! What's your name?"

The mysterious girl.

"Just call me Gem po."

His old friend.

"Do you want ice cream?"

The girl who used to call him Daryl. 

"Daryl, let's play!"

It was me... That girl is me.


You are reading the story above: TeenFic.Net