Kabanata 04

Background color
Font
Font size
Line height

Jack Daryl

"Harry!"

Pilit niyang inaalis ang braso niya sa akin.

Ikaw ang nagsimula, 'di ba? Panindigan mo 'ko- Panindigan mo ang ginawa mo.

"What the hell are you doing? Let me go!" bulong niya sa akin at nagpupumilit pa rin na kumawala.

Siya 'tong nauna, e. Pero bakit parang gusto ko- Ha! No way.

"Jack, bakit...?" Agad na nagtaka si Harry sa eksenang nadatnan.

"So, Harry is your name pala," nanggagalaiting sabi ni Jade at mas nagpumilit na makaalis sa akin.

What's happening? Did I miss something?

"You freakin' asshole! Why did you-" Gustong-gusto na niyang sugurin si Harry. Pinipigilan ko lang siya dahil mukhang kaya niyang manapak, e.

"Let me g-"

Nabibingi na 'ko sa kakasigaw niya kaya nagsalita na ako agad.

"Pakilinis para makapasok na kami," utos ko kay Harry na hanggang ngayon ay nagtataka pa rin sa nakikita niya.

Lumapit naman si Michael para tulungan siya. Nakita ko ang pasimpleng irap niya kay Jade na hindi naman napansin ng isa.

"Akala ko ba ako ang gusto mo...?"

Huh? Ako? May gusto sa kaniya?! Ibang level na naman ata ang pagiging assuming niya!

"What? Ako? Gusto ka?!" gulat na tanong ko. Nagtunog defensive pa!

"Na maglinis kasi! Patapusin mo muna kasi ako!"

I looked away after that. Malay ko ba na hindi pa pala tapos 'yung sinasabi niya?

Pakiramdam ko ay napahiya ako kahit hindi wala namang nakakahiya.

"N-nagbago na ang isip ko, e," 'Yon na lang nasabi ko.

"Meron ka no'n?" inosenteng tanong niya.

Napaismid naman ako dahil doon.

"Meron," maikling sagot ko. "Let's go."

Meron ako naman no'n, hindi lang halata.

"Ayoko nga! Alisin mo na 'yang braso mo!"

Nagpupumiglas na siya kaya ginawa ko na lang ang gusto niya. Ang likot kasi!

Tiningnan niya ang braso niya pagkatapos ko siyang bitawan. Nakita kong pulang-pula na iyon. Sa higpit ba naman ng hawak ni Andrei, e. Tapos hinawakan ko pa rin.

Nanatili siyang nakatingin doon na parang may malalim na iniisip.

Hinawakan ko ang kamay niya at hindi pa rin siya gumalaw kaya ako na ang nag-adjust. Ako na ang humila sa kaniya.

Nalaman niya lang na nasa loob na kami noong narinig niya ang ingay nina Austin.

Ano ba kasing iniisip niya? Sobrang lalim naman ata?

Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kamay niya.

"Do you like me this close?" panggagaya ko sa sinabi niya kanina.

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay bigla na niyang hinila ang kamay niya at dumiretso na sa upuan niya pero syempre... inirapan niya muna ako.

Hindi ba mabubuo ang araw niya nang hindi siya umiirap?

Ang teacher namin ngayong araw ay dumating na. Marami siyang dalang gamit pero ni isa sa amin ay walang nag-abalang tumulong.

"What?" Napatingin ako sa unahan at nakita ang nakakunot na noo ni Neil. Nakatingin siya kay Jade.

Jade. Bakit parang ang sarap banggitin ng pangalang 'yon?

May binulong ang babae kay Neil. Hindi ko rinig pero alam kong may pinag-uusapan sila. Hindi ko na sila pinansin dahil saglit lang naman silang nag-usap.

Halata namang hindi nakikinig sa klase ang babaeng 'to dahil hindi siya sa unahan nakatingin. Pati tuloy ako ay nadadamay dahil napupunta sa kaniya ang atensyon ko at hindi ko alam kung bakit ganoon!

Nang mapunta ang tingin niya sa pwesto namin ay mabilis ko siyang kinindatan para asarin siya lalo. Umirap lang naman siya sa akin.

"I saw how you held her hand." Napalingon ako sa nagsalitang si Hendrix.

"What's the meaning of that?" sunod na tanong ni Alexis.

Sa dulo kami nakaupo at nasa gitna nila akong dalawa. Hindi makikita ng teacher na nag-uusap kami dahil malayo kami.

"Nothing." I shrugged my shoulders. "Gusto ko lang siyang asarin at parte na rin siguro 'yon ng plano ko," dagdag na sabi ko pa.

"Plan? What's your plan? Wala ka namang sinabi sa 'min, ah," sabi ni Alexis na para bang isang malaking kasalanan na hindi ko sinabi sa kanila 'yon.

Kumunot ang makapal na kilay ni Hendrix, hinihintay ang sagot ko.

"Gusto kong mahulog siya sa 'kin." Hindi ko na pinahaba pa ang sagot ko.

"Tsk. I thought you want her to leave our section," malamig na sabi ni Hendrix. Hindi na bago sa akin ang pagiging malamig niya. Sanay na kaming lahat sa kaniya.

"I'll do it both. Bahala na, kung ano na lang magiging successful, doon ako- doon tayo."

"Whatever," sabay na sagot nilang dalawa.

Before our class ends, I told them to ready a lot of crumpled papers.

Lumabas na si ma'am kaya humanda na kami. Nag-aayos si Jade ng mga gamit niya at walang ka-alam-alam sa mangyayari sa kaniya.

As soon as she got up from her seat, nag-ready na kaming lahat para sa gagawin namin.

Ako ang unang bumato sa kaniya. Mabilis na sumunod ang iba kaya tumigil na ako at pinanood na lamang sila. Merong notebook ang binato. Meron ding nagbato ng book.

That... wasn't in the plan- but, who cares? Tss.

"What the-" Hindi niya matuloy ang gustong sabihin dahil sa mga gamit na lumilipad sa kaniya.

"Itigil niyo nga 'yan!"

Mukha niya ang unang-una niyang pinrotektahan. Dapat pala sinabi kong i-aim ang mukha ng bruha para siguradong magagasgasan ito.

Mabilis siyang lumabas at isinara ang pinto kaya naman nang makalabas kami ay wala na siya. Nakatakbo na.

"Sayang..." sunod-sunod na sabi ng mga kumag.

"Where's my brother?" tanong ko agad nang makauwi ako sa bahay.

"Tulog na po," sagot ng maid namin.

Tumango na lang ako.

Mabilis akong ngumiti nang makita ko si mommy.

"Hi, son. How's your day?" aniya kahit nasa malayo pa.

"Mommy..." Lumapit ako para mayakap ko siya. "Where's Dad?"

"Office," maikling sagot niya sa akin.

Napatingin ako sa pinto ng office ni dad. Doon na siya minsan nagtatrabaho dahil ayaw niyang malayo kay mommy. I smiled. Mahal pa rin talaga nila ang isa't isa kahit ang tagal-tagal na.

Love really won't fade if it is true.

"Let's eat. Nauna nang kumain ang dalawa." Kumapit si Mommy sa braso ko at naalala ko naman bigla si Jade.

What the hell?

"Your brother wants to sleep early and your dad has so much paperwork to do," kuwento ni mommy habang tinutungo namin ang kusina.

Tumango-tango ako. "I see."

Sabay kaming kumain ni mommy at tinulungan ko lang siyang magligpit bago ako pumunta sa kwarto para maligo at magpalit ng damit.

After that, kinuha ko ang cellphone ko at nag-open muna ng social media. I checked Mia's facebook. Nothing's new, puro picture niya na kasama si Andrei ang nakikita ko.

One chat head popped out.

Hendrix Villanueva:

Emerald Jade Fernandez

Go check her fb ;)

Jack Daryl:

Whatevs.

Dahil wala naman akong ginagawa ay tiningnan ko na lang din ang account ni Jade.

Well, she's pretty famous.

I sent a friend request to her.

I also messaged all of them. Sinabi ko lang na mag-friend request sila kay Jade.

Austin Jay Martinez added Emerald Jade Fernandez to the group.

Oh, so si Austin lang ang in-accept?

Nag-usap-usap sila roon. Hindi nag-re-reply si Jade.

Maraming nagrereklamo dahil hindi sila in-accept ni Jade.

I changed her nickname to 'Attitude'. I smirked. That nickname suits her.

Pako:

Buti ako inaccept HAHAHA

Tss. Porke't nag-usap silang dalawa kanina in-accept na niya? May galit ba sa 'kin 'tong babaeng 'to? Malamang meron.

Maaga akong natulog pero na-late pa rin ako ng gising. Sanay naman akong late napasok pero ngayon ay parang naiinis ako dahil hindi ako maagang nagising.

Kumilos na ako agad at hindi na kumain. Nagpaalam na lang ako kay mommy at daddy bago umalis.

Pagpasok ko ng classroom ay si Jade agad ang unang nakita ko. Inirapan niya ako kaya ganoon din ang ginawa ko.

Nagpalit naman kami ng uniform dahil Physical Education ang subject namin ngayon.

"Asan na si Jade?" tanong ni Austin na akala mo'y may nawawalang kapatid.

Ngayon ko lang naman napansin na wala nga si Jade.

"Close na ba kayo? Nakita kita kanina nanghingi ka ng pagkain sa kaniya tapos binigyan ka naman niya," tanong sa kaniya ni JM. Inakbayan niya pa ito.

"Malamang bibigyan siya, nanghingi, e," pag-epal ni Calyx na hindi pinansin ni JM.

"Hindi naman, medyo lang," sagot ni Austin at humagikhik pa habang nakatakip ang kamay sa bibig.

"Wews. Ang puti, ah." Biglang nagsalita si Alexis kaya napatingin kami sa kaniya.

Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya at ganoon din ang ginawa ng iba. Si Jade lang pala. Psh.

Humigpit ang kapit ko sa aking cellphone nang makarinig ng mga lalaking sumisipol habang nakatingin kay Jade. The fuck? Bastos ang mga puta. Karamihan sa kanila ay bata pa!

Dati gustong-gusto ko kapag ito ang subject dahil wala akong masyadong ginagawa sa subject na ito, pero bakit parang ayaw ko na ngayon?

Naiinis ako sa hindi ko malamang dahilan. Nakakairita.

Hindi ako interesado sa sport na gagawin kaya nanahimik na lang ako sa isang tabi. Nag-cellphone na lang ako, pangpalipas-oras.

Umangat ang tingin ko nang makita kong nagtaas ng kamay si Jade.

She knows how to play volleyball?

Pagkatapos niya akong irapan kanina ay hindi na niya ako pinansin. Is she avoiding me? Tss.

Nagsimula na silang maglaro.

Inabala ko na lang sarili ko sa cellphone dahil wala akong interes sa mga ganiyan.

"Aw, sakit no'n." Napatingin ako kay Hendrix na nakatayo sa tabi ko at may tinatanaw.

"Shit. Mukhang masakit nga," sabi naman ni Alexis na nasa kanan ko ngayon.

Na-curious naman ako. Nakakunot ang noo na tiningnan ko ang pinag-uusapan nila.

Inaalalayang tumayo ni Harry si Jade.
Anong nangyari? Bakit kailangang hawakan?

Kaya niya pa maglaro. Iyon ang narinig kong sinabi niya.

Nag-cellphone na lang ulit ako.

"Yes!" narinig kong sigaw nila.

They won, huh.

"Ganda ni Jade kahit pawisan," puna ni Alexis at siniko pa ako.

Napairap ako. Kailangan niya ba talagang sabihin 'yon sa harap ko?

Naglalabasan na sila para bumalik sa locker area at magpalit na ulit ng uniform.

Nagpaiwan kaming tatlo. Kinuha ko ang bola at nilaro-laro iyon sa kamay ko.

Iika-ika siyang maglakad. Mukha ngang hindi maganda ang bagsak niya kanina pero wala akong pakialam.

I simply dribbled the ball before aiming. Bumwelo ako bago malakas na binato ang bola sa kaniya habang siya ay naglalakad.

Wow. Headshot.

"Jade!"

"Hala, okay lang kaya siya?!"

"Lagapak, pre!"

"Jack naman!"

"Tangina! Ramdam ko 'yung sakit."

"Gago! Tulungan niyo!"

"Dalhin niyo sa clinic!

"What's happening?!"

Rinig kong sabay-sabay na sabi nila. Humalukipkip lang ako habang pinapanood siyang halikan ang sahig. Ang dalawang katabi ko ay nanonood lang din sa kaniya.

Pinanood ko lamang ang mga galaw niya at tiningnan kung anong gagawin niya ngayon.

I smirked when she saw the blood on her hands.

Damn. For sure, that hurts.

Kumunot ang noo ko nang dahan-dahan siyang tumayo.

Akala ko ay aalis na siya kaya naman hindi ako naging handa sa pagsugod niya sa akin! Naramdaman ko na lang ang kamao niya sa mukha ko.

"Aray! Ang sakit no'n, gagi!"

"Hala, Jack."

"Patay ka, Jade."

Sobrang lakas ng naging impact ng suntok niya sa akin. Nahilo ako at muntik pang mawalan ng balanse!

Babae ba talaga 'to? Bwisit!

Nang mawala na ang pagkahilo ko ay wala na rin siya. Natakasan ako ng bruha!

"Where the fuck is she?!" I asked, angrily.

"Baka pumuntang clinic, dumudugo 'yung ilong, e," nakangiwing sagot ni Hendrix habang nakatingin sa ilong kong dumudugo rin.

Si Alexis naman ay tuloy-tuloy na tumatawa habang nakatingin sa akin- sa ilong ko!

"Kapag hindi ka pa tumigil d'yan, paduduguin ko rin 'yang ilong mo!"

Bwisit na 'to, gusto rin yata masaktan.

"Wala na daw tayong pasok! May emergency meeting!" sigaw ni Kian.

Kapag hindi half day, may emergency meeting, anong klaseng school ba 'to?

Inis na umuwi na lang din ako habang hawak-hawak ang ilong. Tinamad na rin naman ako pumasok. Bwisit na babaeng 'yon!

"Hi, son-" Mom stopped walking when she saw my nose. "What the hell happened to you? Who did that to you?" sunod-sunod na tanong niya sa akin habang sinusuri niya ang ilong ko.

"Kaklase ko lang, mom."

"Kaklase mo?" gulat na tanong niya. "Sino doon at bakit?"

She's really worried. Para namang sobrang lala ng nangyari sa 'kin. Sanay naman akong masuntok, hindi lang ako sanay na sa babae galing ang suntok.

"'Yung bago po," simpleng sagot ko at maingat na hinawakan ang ilong ko.

"Aba! Hindi ka siguro niya kilala kaya ka sinapak." Nameywang siya sa harap ko. Nag-aalala pa rin ang tingin niya sa ilong ko at parang gusto na yata akong dalhin sa Hospital.

Tsk! Kahit naman kilala na ako ng babaeng 'yon ay hindi pa rin siya natatakot. Wala siyang pakialam sa kung sino ako.

"Bago? Ang alam ko ay babae ang bagong lipat sa inyo," Dad said.

H-how did he know?

"Babae?" Biglang nawala ang galit at pag-aalala sa mukha ni mommy. "Wow... Mukhang nakahanap ka na ng katapat mo, ah. I want to meet her," natutuwang sabi niya. Kulang na lang ay pumalakpak siya sa harap ko!

Seriously? Nasaktan na 'yung anak niya tapos tuwang-tuwa pa siya?!


You are reading the story above: TeenFic.Net