Kabanata 02

Background color
Font
Font size
Line height

Panibagong araw, panibagong sakit ng katawan.

Anong klaseng prank naman kaya ang inihanda nila ngayon? I bit my lower lip while thinking. Sana man lang ay makaisip sila ng prank na talagang hindi ko makakalimutan.

Bakit ba ayaw nilang may babae sa section nila? Anong meron? May nangyari kaya?

Papunta pa lang kami ng school ngayon. Si Kuya Anthony ay maagang umalis kaya hindi na ako nagkaroon ng chance na makapag-paalam sa kaniya.

Nilagyan ko na lang din ng concealer 'yung mga mapupula at 'yung mga maliliit na gasgas sa katawan ko. Nagkagasgas ako dahil do'n sa notebook at libro na ibinato nila sa akin.

Medyo malapit na kami sa Dunkins'. Balak kong bumili muna ng doughnuts at coffee.

"Hey, Jake! Itigil mo nga saglit. Bibili lang ako."

"What? Seriously, Jade? Kumain ka na bago tayo umalis, ah?" pagtataray niya sa akin.

"Paki mo ba? Saglit lang naman, ah!" pagtataray ko rin. Hindi pwedeng siya lang, 'no!

May himalang nangyayari ngayon. Hindi na kami masyadong nagbabangayan. Hindi na lang kami nag-iimikan. Mas okay na rin naman 'yon para wala nang gulo. Nakakapagod din kasing makipag-away sa kaniya.

Pagtapos kong um-order ay dumiretso na agad ako sa kotse niya. Hindi pa ako nakakapag-seatbelt nang paandarin niya agad ang kotse. Tsk. Wala talagang malasakit!

"Oy, Jade." Nilingon ko siya ang lalaking tumawag sa akin. "Pahingi."

Binigay ko na sa kaniya 'yung tirang doughnut. Matakaw rin 'tong isang 'to, e. At isa pa, baka umiyak pa siya. Feeling ko ay kulang sa buwan ang batang 'to. Kung umasta kasi siya ay akala mo'y bata.

Nasa room na ako. Mabilis lang kami makarating sa school lalo na kapag walang traffic dahil mabilis mag-drive si Jake.

Taka naman akong napatingin sa mga kaklase namin dahil palipat-lipat ang tingin nila sa amin ni Austin na parang hindi naniniwala sa kanilang nakikita ngayon.

Ay, tama! Lahat nga pala sila ay galit sa akin at gusto akong paalisin sa section na 'to. I think hindi nila alam na kinakausap ako ni Austin.

Kay Austin ko na lang ulit binaling ang tingin ko. Mas matangkad ako sa kaniya. Pareho lang kami ng edad pero parang mas bata siya sa akin.

Umupo na lang ako sa upuan ko.

Wala pa si Daryl— second name ni Jack. Maganda pakinggan 'pag Daryl ang tawag sa kaniya kesa naman sa Jack.

Kaya siguro wala silang ginawa sa akin na prank ngayon dahil wala si Daryl. Siya kasi ang mastermind.

Dumating na si Mrs. Sanchez at kasunod niya si Daryl.

Inirapan ko lang ang lalaki nang mapatingin ito sa akin. Inirapan din naman niya ako. Umiwas ako agad ng tingin pagkatapos no'n.

The hell? He looks cute when he's rolling his eyes.

"Good morning," Mrs. Sanchez said. Siya ang adviser namin.

"Good morning, ma'am," bati rin sa kaniya ng mga kumag.

Maayos nga ang bati, inaantok naman.

I asked my old friend last night about this section and she told me that this section is good naman. Minsan lang daw sila rude. Pero, really? Minsan? I don't think so. Sabi pa niya ay ayaw lang talaga nila na may babae rito sa section nila. May mga napunta na rito kaya lang mas piniling lumipat ng section or ng school dahil binu-bully raw.

Maraming alam ang dati kong kaibigan na 'yon tungkol sa section na 'to dahil dito lang din siya napasok. Nasabi niya rin na ex-boyfriend niya kasi 'yong isa rito. Nalimutan ko na ang pangalan— Ah, I remember it. Kian 'yung name. Kian Alvarez.

Hindi ko lang alam kung sino dito 'yong Kian na 'yon dahil ang dami nila! 14 ata silang lahat! Gitnang-gitna pa ang upuan ko!

Physical Education kami ngayon kaya naman excitement ang nararamdaman ko.

Ano kayang ginagawa nila kapag P.E?

"You have ten minutes to go to your locker room and change your uniform," Sir Jayson said.

May locker nga pala itong school namin, yayamanin 'no?

Saglit akong napatitig sa P.E teacher namin. Ang gwapo ni Sir. Add to crush list na agad.

"May girlfriend na yan, 'wag ka nang umasa."

Halos mapatalon naman ako sa gulat dahil sa isang 'to. Inirapan ko siya.

Sayang, may girlfriend na raw.

"Tsk." 'Yon na lang ang nasabi ko sa kaniya. Hindi kami close, he's one of my classmates, one of the three eggnogs.

Kung hindi niyo kilala 'yung three eggnogs, well... sino pa nga ba? Edi sina Daryl. Laging magkakasama 'yong tatlong 'yun, e. Tapos mukha rin silang itlog.

After kong magpalit ng uniform ay dumiretso na ako sa gymnasium. May comfort room kasi sa locker area. Pwedeng maligo at magpalit ng damit doon. Pero syempre hiwalay ang boys sa aming mga girls. 10 cubicles lang ang meron dito.

May kasabay kaming ibang students ngayon dito sa gymnasium. Grade 10 ata sila. Badminton naman ang ginagawa nila ngayon.

Tuwang-tuwa naman ang mga boys na nandito sa gymnasium dahil kitang-kita ang legs ng mga girls.

Sumipol pa 'yung iba noong napatingin sila sa akin— sa legs ko!

Pervert!

Volleyball daw ang game namin ngayon kaya lalo akong natuwa.

Naka-ready na ang lahat. Buti na lang malaki at malawak 'tong gymnasium, hindi kami siksikan. Kasi kung maliit 'to ay hindi ako sasali lalo na't may kasabay kami.

Tinuturo ni Sir Jayson sa amin kung paano ang tamang pag-spike ng bola at kung ano-ano pang may kinalaman sa volleyball. Hindi ko naman na kailangan makinig dahil alam ko na ang mga 'yon. Tumingin ako sa mga kaklase ko. Nakikinig ng mabuti ang iba pero 'yung tatlong magkakaibigan ay walang ganang makinig at may sari-sarili silang mundo.

"Magkakaroon tayo ulit ng Sports Search for Player. This year, kasali na ang section niyo. Pumayag na sila na isali kayo dahil ga-graduate na kayo. Gusto nila na maranasan niyo ang maglaro at mailaban. The searching will start on Saturday, you will spend 4 Saturdays and Sundays to compete to other section and other grade levels. Kung sino ang mananalo ay 'yon ang ilalaban sa ibang school para i-represent ang pangalan ng school natin. So, ngayon ang sports natin ay volleyball and tommorow is basketball. Kung sino ang mananalong team ngayon ay sila ang ilalaban sa ibang section sa sabado," mahabang paliwanag niya at tumango-tango na lang kami bilang sagot.

Tumango ako kahit wala naman akong naintindihan.

"Kailangan ko ngayon ng sampo sa inyo para maglaro. Sinong may gusto? Taas ang kamay," tanong niya pa.

Tinaas ko ang kamay ko. Volleyball player ako sa dati kong school. Nung last sports fest itong school na 'to ang kalaban namin, and of course kami ang nanalo. Baka nga makilala ako ng ibang maglalaro sa Saturday.

May ibang nagtaas rin ng kamay, si Harry lang ang kilala ko na nagtaas.

Sa ngayon ay pwede ang babae at lalaki sa isang team pero kapag dumating na ang pilian ay hindi na pwede. Kung mananalo kami sa ibang section or ibang grades, isasama ako sa team ng mga babae at itong apat na kasapi ko naman ay syempre sa lalaki na team mapupunta. Pagdating kasi sa mismong event ay magkakaroon ng dalawang game ang volleyball, isa sa lalaki at isa sa babae.

"Team A, Alonzo, Fernandez, Anderson, Cortez and Lee."

Si Harry lang kakilala ko rito tapos 'yung isa naman ay blue ang kulay ng mata. Ang angas! Dagdag pogi points! Siya ata 'yong Anderson. Tapos 'yung Lee ang last name, mukhang korean.

Koreanong hilaw.

"Sa Team B naman ay si Martinez, Marquez, Mercado, Velecina at Lopez."

Uy, si Austin pala 'yung isa. Martinez nga pala ang last name niya.

The game starts.

Nagkagulo pa sa kung anong position namin kung hindi pa kami sinaway ni Sir ay hindi kami magkakaayos.

Pumwesto naman na kami, nasa amin ang bola.

Agad akong nawalan ng gana dahil una pa lang ay sablay na agad!

We played the game seriously kaya naman noong lumamang sila ng puntos ay naramdaman ko rin ang inis ng mga kakampi ko.

Nang paluin na ng kalaban ang bola ay sumenyas na agad sila kung sino ang kukuha. Medyo malakas ang attack nung isang 'yon at hindi napansin ni blue eyes kaya hinabol ko ang bola para hindi bumagsak sa sahig.

Shit! Buti umabot ako! Nakuha ng team ko ang point dahil doon sa Lee. Pantay na ang score. Kumindat sa akin ang lalaki pero inirapan ko lang ito dahil masama ang tingin ko kay Anderson.

Ayaw kasi mag-focus! Nakakainis, ha!

Medyo nahirapan pa 'ko tumayo dahil bumagsak ako sa sahig nung hinabol ko 'yung bola, wala pa naman akong knee pad.

Mahapdi 'yung tuhod ko. Nung tinignan ko ay may kaunting gasgas. Gasgas na naman! May mga maliliit na bato kasi dito sa gymnasium may mga gabok-gabok rin, 'di pa yata nalilinis. Tsk.

Pumito si sir na ang ibig-sabihin ay time out muna.

Napatingin na rin 'yung iba sa akin.

'Yung kalaban naman, ngumisi pa. Tsk.

Mga pangit!

Inalalayan na lang ako ni Harry. Siya kasi ang pinakamalapit sa akin.

"Okay ka lang? Mukhang 'di maganda 'yung bagsak mo, ah," may kaunting pag-aalala sa boses niya.

"Ayos lang," simpleng sagot ko.

"Kaya mo pa ba maglaro?" tanong ni Sir Jayson sa akin. Napatitig pa ako sa kaniya.

Ang gwapo talaga. Grabe.

Tangina, nasaktan nako't lahat puro kalandian pa rin ang pumapasok sa utak ko. Grabe, self, umayos ka.

"Kaya pa po," nakangiting sagot ko.

Tumango naman siya sa akin bilang sagot.

"You have 30 seconds left."

That fast?

Pumito na siya. Sa amin ang bola dahil kami ang huling nakapuntos.

I calmed myself by doing inhale and exhale.

Malayang hinagis ko ang bola sa ere bago ito paluin.

Nasalo naman nung isa sa kalaban.

Bakit parang masyado naman silang seryoso?

Na-block naman nung isang kakampi ko.

Kaya lang na-save ulit. Hindi ko kilala 'yung pumalo sa bola pero parang expert siya sa volleyball.

Fucking shit! 5 seconds na lang.

I moved two steps forward before hitting the ball. At dahil walang nakasalo sa kanila ay mabilis na lumapit sa akin ang mga kakampi ko, may mga ngiting wagi. Nang ma-realize nila ang ginagawa nila ay mabilis nila akong nilayuan.

Okay lang. Panalo kami! Thanks to me. Tss.

Si sir lang ang nag-iisang pumalakpak. May isinulat siya sa hawak niyang notebook.

"Congrats, team."

"Kayong lima." Itinuro niya kami. "Magpahinga muna kayo. Don't forget to attend on Saturday. Okay?" paalala niya.

"Yes, Sir!"

Lumapit naman sa akin si Austin, "Galing mo naman." Napatawa na lang ako sa kaniya.

Ni hindi man lang siya naka-score kahit isa kanina. Hindi raw kasi volleyball ang sports niya. Badminton daw.

Bakit pa siya sumali kung hindi naman pala volleyball ang sports niya?

"Kaya mo bang maglakad? Parang hindi yata maganda 'yung bagsak mo kanina. Ramdam ko 'yung sakit!" nakangiwing saad naman niya at hinawakan ang tuhod niya na parang siya iyong nasaktan kanina.

Napairap naman ako habang nakangiti.

"Kaya ko, 'no!" Natawa na lang kaming dalawa.

Si Austin lang ata ang mabait sa kanila. Medyo isip-bata nga lang. Siya lang ang kumakausap sa akin sa room.

Nung sinubukan ko nang maglakad, doon ko naramdaman na masakit pala. Iika-ika tuloy akong maglakad.

Nauuna na 'yong iba. Magpapalit na kasi ulit kami ng uniform. Kami namang mga naglaro, maliligo naman.

'Yong tatlong itlog naman ay hindi pa rin umaalis, nakaupo pa rin. Feeling ko tuloy ay may balak na naman 'tong mga 'to.

At hindi nga ako nagkamali.

"Jade!"

"Hala, okay lang kaya siya?!"

"Lagapak, pre!"

"Jack naman!"

"Tangina! Ramdam ko 'yung sakit."

"Gago! Tulungan niyo!"

"Dalhin niyo sa clinic!

"What's happening?!"

Rinig kong sigaw ni sir at ng mga kaklase kong bwisit na katulad lang noong nakaraan. Nanonood lang!

Tangina! Parang gusto kong pumatay ng tao ngayon dahil sa inis at sakit na nararamdaman ko.

May hayop na bumato lang naman ng bola ng volleyball sa akin! Take note, sa ulo ko pa tumama! Sa sobrang lakas, nahalikan ko na 'yung sahig!

Fuck!

Nakaramdam ako ng kung ano sa ilong ko. Inilapit ko ang kamay ko rito upang malaman kung ano 'yon.

God... my nose is bleeding!

Nang makita ko ang dugo sa aking kamay ay doon na nawala ang pasensya ko. Parang may biglang pumitik na ugat sa ulo ko at sinugod ko siya nang hindi man lang iniisip na maaari akong malagot kay kuya kapag nakarating ito sa kaniya.

"Aray! Ang sakit no'n, gagi!"

"Hala, Jack!"

"Patay ka, Jade."

Sabay-sabay na sabi nila. Hindi ko na alam kung sino-sino ang nagsalitang 'yon.

Masama naman ang tingin sa akin nung dalawang katabi niya.

Habang siya naman ay nakahawak sa ilong niya.

Nasuntok ko kasi 'yung mukha ni Daryl.

Kaya ngayon... parehas kaming dumudugo ang ilong.


You are reading the story above: TeenFic.Net