Kabanata 01

Background color
Font
Font size
Line height

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit sa last section ako napunta. Like, what the hell? Matataas naman ang grade ko kahit puro kalokohan ang nasa isip ko. Never bumagsak ang grade ko kaya hindi ko maintindihan!

"How's your first day in your school?" tanong ni tita sa akin habang kumakain kami ng breakfast.

"Okay lang po," simpleng sagot ko at nakita kong biglang nag-angat ng tingin si Jake. Taka naman akong napatingin sa kaniya.

"Are you sure about that? That's impossible!" Jake exclaimed.

"Huh? Bakit? What are you trying to say, kuya?"

Kahit hindi kami close ay tinatawag ko pa rin siyang kuya kapag nasa loob kami ng bahay o kapag may kaharap kaming kamag-anak.

Umirap muna siya bago sumagot. "Nothing. Bilisan mo kumain at maliligo ka pa. Baka ma-late tayo."

Ngayong umaga lang umuwi sina Tita Bealyn. Galing sila sa Pampanga. We have business there. If you're asking about my parents... well, wala sila rito dahil nasa New Zealand sila at para sa business din. Tss.

"Hindi ka ba sinabay ni Andrei kahapon?" tanong sa akin ni kuya. Anak siya ni Tita Bealyn at Tito Anthon. Dito kami sa bahay nila nakatira ngayon kasi nga wala sina Mommy. Wala nang ibang mag-aalaga sa amin.

"Hindi, e. Paglabas ko kahapon ay wala siya roon." Nagkibit-balikat ako.

Bumuntonghininga si kuya. "Sabihin mo sa kaniya, kung hindi ka niya isasabay pauwi ay hindi na niya magagamit ang kotse niyang iyon." Tumingin siya sa akin, "Nasabi ko na sa parents niyo and they agreed so wala nang magagawa 'yang kuya mo."

Pagkatapos i-park ni Jake ang kotse niya sa parking ng school ay bigla na lang siyang umalis kaya no choice ako kundi habulin siya. Baka mamaya ay iwanan na naman niya ako! Girlfriend pala niya ang dahilan kung bakit hindi niya ako hinintay kahapon. Narinig ko siyang tinanong ni kuya kanina.

"Hey, Jake! Wait!"

Narinig niya naman ako kaya tumigil siya.

"What?" he asked. Inaantok pa ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

As expected.

Umirap naman ako at bumuntonghininga. "Sabi ni Kuya Anthony kapag hindi mo raw ako sinabay mamayang uwian ay 'di mo na magagamit ang kotse mo." Humalukipkip ako sa harap niya. "Mom and Dad agreed so you have no choice."

Agad sumama ang mukha niya. "Ano?" Unti-unti siyang humakbang palapit sa akin kaya napapaatras ako. "Bakit ba kasi hindi mo na lang gamitin ang kotse mo?" Napayuko ako nang makita ko ang galit sa mga mata niya. "Marunong ka namang mag-drive, ah? Para 'di na kita laging kasabay, nakakairita kaya 'yang pagmumukha mo," sabi niya sa mismong mukha ko.

Nothing's new. Galit na galit talaga siya sa akin! 'Di na ko nasasaktan tuwing may lumalabas sa bibig niyang hindi maganda.

Pero... hindi nga ba?

I licked my lower lip before looking back at him. "Kung ayaw mo 'kong kasabay edi sana tinanggihan mo si kuya! At isa pa, kung pwede ko lang talagang gamitin 'yong kotse ko edi sana ginamit ko na! Ayaw ko rin naman na lagi kang kasabay. Mas nakakairita kaya 'yang mukha mo!" Umirap ako at tinalikuran na siya.

Agad akong napahawak sa dibdib ko nang makalayo na ako sa kaniya.

Bakit? Bakit pa ako nasasaktan e' palagi naman siyang ganoon sa akin? Akala ko ba ay sanay na ako?

Umangat ang tingin ko sa building namin dahil naramdaman kong parang may nanonood. Naabutan kong nakadungaw ang iba kong kaklase. Pinanood ata nila ang sagutan namin ni Jake. Umirap ako dahil sa inis. Mga chismoso.

Sa fourth floor pa ang classroom namin kaya natagalan din ako bago marating doon.

Papasok na sana ako ng classroom kaya lang ay napansin ko na sobrang tahimik sa loob at medyo nakabukas ang pinto.

Tumitingin-tingin pa sa bintana ang ibang nasa loob at 'yong tatlo naman na kaklase kong nasa labas kasama 'yong bwisit na president namin ay titig na titig sa akin at para bang hinihintay na pumasok ako sa loob.

Lihim na natawa ako. Masyadong halata na may something sa pinto.

"Seriously, Mr. President? It's too obvious."

I used to do this kind of prank in my old school.

"What do you mean? Ba't ayaw mo pang pumasok? Dadating na si Mrs. Sanchez," saad niya.

I smiled sweetly at him. "You go first." Baka may matapon na kung ano sa akin 'pag binuksan ko 'yong pinto.

Kita ko kung paano niya hinablot ang pagkaing kinakain nung katabi niya. "Foods are not allowed inside the classroom," he said while smiling.

Tss. Smiling doesn't suit him. Napairap ako.

Tumigil ang mata ko sa babaeng palapit sa amin. I closed my fist before giving her a fake smile.

"Miss? Pwedeng pakibukas ng ayos 'tong pinto? I can't open it. Hindi ko magalaw ang kamay ko," I said while showing her my hand as if it is the most fragile thing in the world.

Oh, crap! I looked away when I realized something. Ang bobo ko! Dalawa ang kamay ko at baka ang nasa isip niya ay bakit hindi 'yong isang kamay ko ang gamitin ko! Sana lang talaga ay mabait ang babaeng 'to at buksan na lang ang pinto nang hindi nagtataka.

"O...kay." Tumingin siya sa president namin na ngayon ay nakatitig sa kaniya.

She was about to open the door when our president ran and tried to stop her but it was too late. The paint that was above the door was spilled on them already.

I bit my lower lip to stop myself from laughing.

Anger was plastered on Mr. President's eyes. Tinaas ko ang isang kilay ko. Bakit naman siya magagalit e' kasalanan niya naman 'yon? Tsk.

"Oh, my... Girl, are you okay?" I acted like I am worried. Tinulak ko pa si President para kapani-paniwala. Binigyan ko na rin si girl ng panyo. Poor her, nadamay pa.

"Seriously, Jade? I'm not okay!" sigaw niya bago mag-walk out.

Binato pa niya sa akin 'yong panyo ko. What a bitch!

Oh, I almost forgot, Mr. President is in the scene nga pala. Nagtulong-tulong na 'yong ibang kaklase niya– namin pala para punasan ang pintura sa damit niya. Stupid, akala nila matatanggal 'yon?

"Why did you do that?" he asked with his gritted teeth.

Seriously? Ako pa ang tinatanong niya?

"Alam mo naman pala na may pinturang nakalagay doon sa taas ng pinto, bakit pinabuksan mo pa kay Mia?!" sigaw niya at akmang susugurin ako ngunit agad din siyang natigilan nang makarinig kami ng sigaw.

"Emerald Jade!" Tumingin ako sa galit na galit kong kapatid.

What's his problem now?

"What?" I asked, annoyed now. Kanina pa nila ako sinisigawan!

"Tell me..." Galit ang mukha nito. "Ikaw ba ang gumawa no'n kay Mia?" tanong niya habang nakahawak nang mariin sa braso ko.

Ano bang meron sa Mia na 'yon?! Big deal na big deal para sa kanila!

"That's not my fault," mariin kong sabi. "I'm not the one who put that freaking paint on the door! Why are you blaming me?! Nakita mo ba na ako ang gumawa?!"

Naiinis ako sa kaniya! Inis na inis ako. Ni hindi man lang nagtanong kung okay ako or what. Kinompronta agad ako ng dahil lang sa bwisit na Mia na 'yon! That girl is annoying!

"Ikaw lang naman ang mahilig gumawa ng mga ganoong bagay! Pati inosenteng tao dinadamay mo!"

That girl is not innocent! Bobo lang talaga 'yon!

"Let me go! Nasasaktan ako!" Sinubukan kong bawiin ang braso ko pero naging dahilan lang 'yon para higpitan niya lalo ang hawak sa akin. Bumuntonghininga ako at umirap.

Gusto ko nang maiyak dahil nasasaktan na ako. Sobrang higpit ng hawak niya sa braso ko and at the same time ay nasasaktan din ako kasi parang mas mahalaga pa sa kaniya 'yong Mia na 'yon!

Tumingin ako sa mga mata niya. "Bakit ba palaging ako?" napapagod na tanong ko. "Tuwing may nababalitaan kayong kalokohan, ako agad? Why don't you ask them first?!" sigaw ko at tinuro ang mga bwisit na mga kaklase kong walang ibang ginawa kundi ang manood.

I want to cry but this is not the right place to do that. I will never cry in front of him— in front of them!

He let go of my arm. "We will talk later," saad niya at tumingin muna ng masama sa mga kaklase ko bago umalis.

Girlfriend ng kapatid ko si Mia. And that is for sure. Kaya gano'n siya kung makapag-react.

Pero ano namang relasyon ng president namin do'n sa Mia na 'yon? At bakit galit na galit siya nung pinabuksan ko 'yong pinto doon sa impaktang 'yon?

Hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa akin ng masama ang lalaki. Tsk. Sa tingin niya ba matatakot ako sa kaniya dahil lang sa masamang titig na 'yan? Hell no! Inirapan ko na lang siya.

Nakita kong nagkuyom ang mga kamao niya. Umirap akong muli at hindi na siya pinansin. Hindi ako aalis sa section na 'to. Mamatay siya kakahintay. Mabulok din sana ang utak niya kakaisip ng paraan kung paano ako mapapaalis dito.

Nawalan na ako ng ganang pumasok. Aalis na sana ako para mag-ditch na lang ng class kaya lang ay biglang dumating ang teacher namin.

Papasok na sana si Mrs. Sanchez pero napatigil siya dahil sa nakita niyang pinturang nakakalat sa sahig.

Nakaupo na lahat ng mga kaklase ko pwera na lang sa President namin na bumaba ata para mag-restroom.

"What happened here?" Mrs. Sanchez asked calmly, but it's obvious that she's mad.

"Nilagyan po ni Fernandez ng pintura 'yong pinto tapos pinabuksan niya kay Mia para si Mia ang matapunan kaya lang hinarang ni Jack kaya pareho silang may pintura ngayon!" sunod-sunod na sabi nung isang lalaki rito.

Sana hindi ka na makahinga.

"Sila ang naglagay at hindi ako!" mabilis kong pag-dipensa sa sarili ko.

"Ma'am, kitang-kita namin nung nilagay niya 'yon sa taas," sabi pa nung isa at tinuro pa 'yong pinto.

"Ma'am, hindi talaga ako!" Tiningnan ko silang lahat ng masama.

"Guidance Office. Now," mariin niyang sabi. Hindi ko alam kung ako ang sinasabihan niya kasi hindi naman siya sa akin nakatingin.

My heart started to ache when she started looking at me. "Ikaw, Ms. Fernandez."

Bakit pakiramdam ko ay napagtutulungan ako? Is this my karma?

Siguradong lagot ako kay kuya kapag nakarating sa kaniya na na-guidance na naman ako.

Pagkatapos akong kausapin sa Guidance Office ay pinaalis na agad ako. Nagdadalawang-isip pa 'ko kung babalik ako at baka mamaya ay may gawin na naman sila tapos sa akin na naman isisisi. Lagot na naman ako kay Kuya Anthony!

Pagbalik ko sa room ay nakakalat pa rin 'yung paint. Bakit 'di pa nila nililinis?

"Ano pang tinitingin-tingin mo d'yan? Linisin mo na 'yan," bungad sa akin ni Mr. President. Nasa likod ko pala siya, hindi siguro siya makapasok, kalat na kalat kasi 'yong pintura sa may pinto.

"Why would I?" I asked, lazily. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako sa lahat.

Hindi rin naman ako ang nagkalat kaya bakit ako ang maglilinis?

"Sino naman ang gusto mong maglinis? Ako?"

Cold ng voice niya, nilalamig ako. Tsk.

Naalala ko naman bigla ang kanina ko pang gustong malaman. "Ano bang relasyon niyo ni Mia? Bakit parang ang big deal sa 'yo na natapunan siya ng pintura?"

Natigilan siya pero agad din namang nakabawi. "Why are you asking? Nagseselos ka ba?"

Taka naman akong napatingin sa kaniya. "Ba't naman ako magseselos? Assuming ka?" Umirap ako at umiwas ng tingin.

"Ikaw?" Napalingon ulit ako sa kaniya dahil nagsalita siya ulit. "Kapatid mo ba si Andrei?"

"Ano sa tingin mo?" masungit na tanong ko at akmang aalis na.

"Where do you think you're going?" tanong niya. Napatigil ako sa akmang paglakad dahil hinawakan niya ang braso ko.

"Mas gugustuhin kong mag-cut ng class kaysa maglinis ng kalat na hindi naman ako ang gumawa. So, let me go."

Hindi ba sila titigil sa kakahawak sa braso ko? Pulang-pula na nga 'to dahil sa higpit ng hawak ni Jake kanina. Hindi ba niya alam na masakit na?

Mas lalo niya pang hinigpitan ang hawak sa braso ko. Halos mapangiwi na ako sa sakit. "Maglinis ka muna rito. Walang magtuturong teacher kapag makalat."

"Really? Mas okay kaya 'yon." I smirked. Walang teacher, walang gagawin. "Hindi ko na lilinisin, pumasok na tayo." I smiled at him sweetly.

Mas okay kaya kapag walang teacher na magtuturo, pwedeng matulog na lang buong oras sa klase.

Hihilahin ko na sana siya papasok sa loob kaya lang ay hindi siya gumagalaw. Jeez, touching him is giving me goosebumps.

Taka naman akong napatingin sa kaniya kasi ramdam ko na nakatitig siya sa akin. Bumaba ang tingin niya sa braso ko na nakakawit na ngayon sa braso niya.

"What? Do you like me this close?" mapang-asar na tanong ko sa kaniya.

"Huh? Kadiri." The smirk on my face faded.

Kadiri? Is he being serious?

Hindi ko inaalis ang pagkakawit ng braso ko sa braso niya. Umarte na lang akong walang pakialam kahit na naaapektuhan talaga ako kapag nagdidikit kami. Tsk.

"Harry!" sigaw niya at bahagya pa akong nagulat.

Pilit kong inaalis ang braso ko pero iniipit niya lalo. Fuck! Baka isipin nilang may something kaming dalawa! Ew! Iniisip ko pa lang na may something kami ay nasusuka na ako.

"What the hell are you doing? Let me go!" pabulong na sigaw ko sa kaniya.

"Jack, bakit...?" Hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin niya. Siya siguro 'yong Harry. Gulat pa siyang nakatingin sa amin at sa braso namin!

Bumalik ang inis na nararamdaman ko nang makilala ang lalaki. "So, Harry is your name pala." Siya 'yong nagsabi na kitang-kita raw nila na ako ang naglagay nung pintura.

"You freakin' asshole! Why did you—"

Gusto ko na siyang sugurin dahil sa ginawa niya kanina kaya lang ay ayaw talaga akong pakawalan nito.

"Let me g—" Hindi pa ako tapos magsalita nang magsalita agad siya!

"Pakilinis para makapasok na kami," utos niya roon sa Harry tapos ay tumingin na ulit siya sa akin. Nakangisi pa ang gago!

Seriously? Akala ko ba ako ang gusto niyang maglinis no'n?

Nagdadalawang isip pa si Harry kung susundin niya o hindi dahil hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya.

"Akala ko ba ako ang gusto mo...?" Tumigil ako saglit kasi nakita kong nakatingin sa amin si Harry at 'yong isa pa naming kaklase na nililinis ngayon ang mga kalat na pintura.

"What? Ako? Gusto ka?!" he exclaimed.

"Na maglinis kasi!" sigaw ko naman. "Patapusin mo muna kasi ako!"

"N-nagbago na ang isip ko, e," sabi niya na parang napahiya.

"Meron ka no'n?" inosenteng tanong ko.

Inismiran niya muna ako bago sumagot. "Meron. Let's go." Ngumisi siya pagkatapos.

"Ayoko nga! Alisin mo na 'yang braso mo!" Pilit kong inagaw ang braso ko sa kaniya. Naaasar na ako sa kaniya.

Nang mainis sa pagiging malikot ko ay pinakawalan niya rin ako. Hinawakan ko pa ang braso ko. Kawawa naman 'to dahil pulang-pula na. Medyo bumaon yata ang kuko ni Jake rito. Higpit niya humawak, swerte nung girlfriend niya, nagkakagano'n si Jake dahil sa kaniya. E' sa akin? Kahit yata mamatay ako sa harap niya ay wala pa rin siyang pakialam.

Pero hindi ako naiinggit. Naiinis ako.

Naririnig ko na ang ingay ng mga kaklase ko. Hinila na pala niya ako sa loob. Tsk. Napatingin naman ako sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko. I don't get it, what the hell is running in his mind? Ang hirap-hirap niyang basahin.

"Do you like me this close?" pang-aasar niya dahil katulad kanina ay magkalapit kaming dalawa.

Inirapan ko lang siya at hinila na ang kamay ko para umupo na sa upuan ko.

Bwisit! Bakit pa kasi nila nilinis 'yong pintura? May teacher tuloy na dumating para magturo. Kaasar!

Hindi ko mamukhaan itong teacher na 'to. Ngayon ko lang siya nakita.

Sinipa ko ang upuan nung lalaki sa unahan ko kaya napatingin siya sa akin. "What?" Kunot-noong tanong niya.

Bakit nagagalit?!

"Sino siya? Hindi siya nagturo kahapon, bagong teacher ba?" tanong ko sa kaniya.

Inirapan niya muna ako bago sumagot. "Iba-iba ang nagtuturo sa atin. Depende sa schedule nila." Tinalikuran na niya ako.

Sungit.

Mabilis na lumipas ang oras. Hapon na agad ngayon. Kaninang break time, mag-isa akong pumunta sa cafeteria. Natural lang dahil wala nga pala akong friends dito. Kahit kaninang lunch ay mag-isa lang din ako. Ang dami tuloy tumitingin sa akin. Tsk. As if I care, sanay naman akong walang friends kahit may mga naging kaibigan ako dati kaya lang ay kaaway ko na ngayon.

Nakakainis pa 'tong bwisit na President namin, sa pagkakarinig ko Jack ang name niya, kada magtatagpo ang mga mata namin ay kinikindatan niya ako. Nakakailang irap na yata ako buong araw. Sakit na ng eyeballs ko.

Naging usap-usapan din nila 'yong paghawak niya sa kamay ko. Tsk. Si Harry at 'yong isang lalaki lang ang nakakita na nakakawit 'yong braso ko kanina sa braso ni Jack. Mukha namang wala silang balak ipaalam sa iba 'yon. Hay, what a relief.

Pagtapos nitong subject na 'to ay uwian na! May ire-review pa ako mamaya pag-uwi dahil may quiz sa friday. Binigyan ako ng mga teachers ng module na naglalaman ng mga lesson nila nung nakaraang linggo. Wala pa kasi ako rito noon. Kasama raw 'yon sa quiz.

"Okay, pwede na kayong umuwi. Habang maaga pa ay mag-review na kayo agad para pagdating ng quiz day ay hindi kayo nakatunganga lang."

Salamat naman at awasan na.

Inayos ko na ang mga gamit ko ngunit sa kalagitnaan ng tahimik na pag-aayos ay hindi talaga mawawalan ng epal.

"What the—" Hindi na ako makapagsalita ng ayos dahil pinagbabato nila ako ng mga crumpled papers at 'yung iba ay notebook at libro ang binabato sa akin! "Itigil niyo nga 'yan!"

Hanggang sa pagpunta ko sa tapat ng pinto ay binabato pa rin nila ako! Buti na lang at mabilis kong naisara 'yung pinto at nakatakbo na ako pababa. Bwisit! Sumosobra na sila!

Pagdating ko sa parking lot ng school ay in-expect ko na na wala si Jake pero himala dahil nandito siya. Tsk. Takot mawalan ng kotse.

"Anyare sa 'yo?" he asked, emotionless.

Napansin niya siguro na namumula ang ibang part ng katawan ko, may mga gasgas pa nga, e.

"None of your business." 'Yon lang ang sinabi ko at sumakay na sa kotse niya. Sumakay na rin naman siya at 'di na umimik.

"Where's your girlfriend? 'Di mo ata hinatid ngayon."

"Umuwi na siya kanina, tinapunan mo ng pintura, 'di ba?"

Really? Hindi talaga siya naniniwala sa akin.

"Ba't ba ayaw mong maniwala sa 'kin? Hindi nga sabi ako ang gumawa." I'm trying my best to stay calm kahit gusto ko na siyang sigawan ngayon.

"Imposible namang si Jack ang gumawa no'n. Hindi niya gagawin kay Mia 'yon. Nakita ko rin naman na may pintura si Jack kanina pagtaas ko sa room niyo tapos ide-deny mo pa."

"Tsk. Bahala ka kung anong gusto mong paniwalaan," bulong ko na lang at inalis na ang tingin sa kaniya. Nanahimik na lang ako hanggang sa makauwi kami.

Pinag-aaralan ko ngayon ang mga modules na ibinigay ng mga teachers.

"Ms. Jade? Ito na po ang juice at cookies niyo!" sigaw ni manang sa labas.

"Pasok po kayo, Nay!" Si Manang Ester ang pinakamatandang katulong dito. Sa kaniya lang ako gumagalang. "Pakilagay na lang po riyan. Salamat!"

Nagbabasa ako habang kumakain. Dalawang subject na lang at tapos na ako.

Narinig ko na tumunog ang phone ko kaya

You are reading the story above: TeenFic.Net