CHAPTER 92

Background color
Font
Font size
Line height

Napag-isip-isip ko ‘yong sinabi ni jethro.

Oo nga no? Lipat nalang kaya ako ng school? Nasabi ko na rin naman kay tyrone at support siya sa mga desisyon ko.

Mas mabuting umalis nalang ako sa Phoenix, baka magkaaway away pa sila ng dahil sa akin.

Pumunta lang kami ng super 8 para bumili ng inumin e pwede naman sa 7/11 na malapit lang sa school. Hay naku talaga!

"Masama ang takbo ng t’yan ko" pagrereklamo ni jethro.

"Natakbo pala ‘yong t’yan?" Bakit hindi ko knows ‘yon?

"Epal ka talaga kahit kailan"

"Talaga ba?" Lumayo layo siya sa akin. Hindi ba sila napapagod maglakad? Kasi ako pagod na......... Charr!

Namamalikmata lang ba ako? Tama ba ‘tong nakikita ko? Kung hindi ako nagkakamali. Si eshang ‘yong babaeng  nakatayo sa baba ng puno at umiinom ng slurpee.

Teka nga...... Don't tell me nag cutting ‘to? Agad akong lumapit papunta sa direksyon niya.

"Eshang?"

"Ohh ABBIII!!" itinago niya ang slurpee sa likod niya. "Hindi naman ako manghihingi, tago mo pa."

"Advance lang mag-isip"

"Why are you here?"

"Boring sa school"

"Tas, nakaabot ka dito?"

"Dito lang ‘yong pinakamalapit na 7/11. Nga pala, malapit lang din pala ‘yong school niyo dito, so p'wede kitang dalawin?"

"Aalis na ako dito"

"Huh?" Naibuga niya sa akin ang slurpee pero bigla nalang may payong na humarang. Unti-unti akong lumingon. Doon ko nakita si Ezekiel nakangisi sa akin habang hawak hawak ang payong na nasa harapan ko.

"AHHH!! PISTE KA TALAGA!" sigaw ni eshang.

Magkakilala pala sila?

"Andito ka lang pala. Alam mo bang kanina pa ako paikot-ikot kakahanap sayo?"

"Sabi ko kasi sayo, nasa loob ako ng 7/11"

"Pumasok ako do'n kanina, hindi kita nakita, pandak mo kasi...." Agad na hinawakan ni eshang ang damit ni Ezekiel at itinaas siya.

"May sinabi ka?"

"Wala master" ibinaba niya na si Ezekiel.

"Mag jowa ba kayo?" Tanong ko kaya gulat silang tumingin sa akin.

"YUCKK!! AYAW KO D’YAN! PANGET NIYAN!" sabay nilang sigaw kaya napatawa ako. Nagkasamaan sila mg tingin at nag-ibang direksyon ang tingin.

"D’yan nag-uumpisa ang love," aniya ko, sabay ngumiti ng palihim.

"Tara na nga! May panget kasi DITO!" Pagpaparinig ni eshang sabay hila sa akin

"Saan na naman tayo?"

"Kahit saan" kumapit siya sa braso ko na parang tuko. Nasa likuran lang namin ang mga buang ft. Unggoy.

"Ba't di mo kasama si tylia?"

"She said she didn't want to, maybe his older brother would see her. At tompak gurl andito, buti nalang HAHAHAHAHA"

May narinig kaming tubig kaya napalingon kami pareho. Nakita namin si Ezekiel nahulog sa kanal.

Lt.

"Mas mabuting ng nahulog ka sa kanal, h'wag lang sa taong di ka mahal" ani ni eshang at tumawa ng tumawa. "Karma is real, bitch!" Dagdag niya pa. Ngumisi si Ezekiel at hinila si eshang.

Ngayon, dalawa na silang nasa kanal. Tawa ng tawa si Ezekiel habang si eshang gustong gusto na siyang patayin.

"Gusto mo kumaen ng tae?" Pagtataray ni eshang sa kanya sabay hinawakan ang ulo at inilublob sa kanal. Pagkatapos ay padabug na umalis sa kanal.

Ang sweet nila.

"Uwi na ako! Bye! H'WAG KANG MAGPAPAKITA SA AKIN PANGET KA!" saad niya bago umalis at sumakay sa kotse niya.

Amo'y kanal na tuloy siya. Hay naku talaga! Mga bata talaga ngayon....

"Jethro, samahan mo nga ‘yan"

"Ba't ako lang?"

"Balik na kami sa school. I need to ready na din. Magpapaalam ako sakanila"

"Sige. Ingat kayo. Ouy, dude! Pakitanong kay alexander kung nakita niya bubble gum ko," tumango-tango lang si tyrone at hinawakan ako sa kamay. Nang makalayo kami muli akong napatingin sakanila dahil narinig kung tinawag ako ni Ezekiel.

"VEBB!!"

"OHHHH BAKIT?"

"PAKISABI KAY PETER NA ANG GWAPO KO!!!" napangiwi nalang ako at tinalikuran na siya. Sus, akala ko naman importante. Bwisit talaga!

Pagkarating namin sa school ay saktong break time na. Nagpaalam sa akin si tyrone matapos niya akong ihatid sa room. Walang katao-tao sa loob ng room. Lahat siguro sila nasa cafeteria. Kinuha ko ang bag ko at umupo muna.

"Mamiss ko ‘yong mga kalokohan namin dito, mga kulitan at asaran...... Friendship over. Hyss....." Kinuha ko ang shalk at nagsulat sa blackboard ng "sorry"

Lumabas na ako ng room. Bago ako tuluyang makalayo ay muli akong BUMALIK para yakapin ang pintuan.

Aalis ako ng galit sila sa akin.

Pagkaharap ko gulat na gulat ako kay Roxanne.

"Saan ka pupunta? Di pa uwian ah?"

"Wala."

"May problema ka ba?"

"Aalis na ako dito"

"What do you mean?"

"Lilipat ako ng school"

"Huh! Why? Huwag!"

"Wala eh, desisyon ko ‘to..... Tama si jethro, magta-transfer ako."

"Gusto mo ba?"

"Oo. They hate me."

"No, hindi ka nila hate. Nabigla lang sila"

"Nabigla? Nakakaoffend kaya sila."

Niyakap niya akong mahigpit. "Sana magbago ang desisyon mo"

"Hindi na magbabago desisyon ko..... Gusto ko talagang lumayo sakanila"

"It's your decision kaya hindi na kita pipigilan. Basta lagi mo akong tawagan o e-text ah?"

"Oum...."

"Ingat ka."

Ngumiti ako at niyakap siya ulit.

"Be brave. Lumaban ka sa mga clown."

"O-oo" sagot niya. Tinapik tapik ko siya sa likod at naglakad na.

Nakasalubong ko si peter pero paran wala lang siyang nakita.

"Peter...." Tawag ko sa pangalan niya pero hindi siya lumingon at dumiretso lang sa paglalakad. Napayuko nalang ako at ipinagpatuloy ang pababa sa hagdan.

Maybe, tama nga ang desisyon ko g umalis. Para matahimik na sila.

From now on, I'm not section 7 na.

Dumaan muna ako sa fountain at umupo.

Mami-miss ko rin ‘ito. Lalo na tuwing gabi, may mga ilaw. Ang sarap sa feelings. Sana sa susunod kung papasukan, may fountain din like this.

I closed my eyes and smiled.

Sa bawat pagpikit ko ang section 7 ang nakikita ko. Moment naming lahat.

Naghagis ako ng limang peso bago pumunta sa principal office. Kakatok na sana ako pero nakita ko sa bintana ang hari at si Lindsay masayang nag-uusap. Napalingon ang hari kaya dali dali akong tumakbo.

Mukhang, masaya naman sila na wala ako.

Bakit ba ako nag-aalala? Eh, wala nga silang pake sa akin. Mga plastik sila!

I want to cry pero pilit kung pinipigilan. Hindi na ako nagpaalam sa iba. Hinarang ako ng guard.

"At saan ka pupunta?"

"Malaya na kayo....." Ani ko at dumiretso.

"Nyari do'n?" Rinig kung bulong ni kuya guard. Nakayuko pa rin ako habang naglalakad.

Arghh!! This is so insane! I want to gone!













You are reading the story above: TeenFic.Net