CHAPTER 91

Background color
Font
Font size
Line height

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pag-aantay na pagbuksan nila ako ng pintuan. Tumayo nalang at tinignan ang pintuan ng room bago umakyat sa rooftop.

"Galit ba sila sa akin?" I asked myself. Bakit naman sila magagalit? Ang boring tuloy...... Hindi ito ang inaasahan ko pagbalik ko.

Nagtago ako sa pinakagilid ng rooftop para walang makakita sa akin. Kinuha ko ang tela na nakasabit sa upuan at inilapag sa sahig para gawing upuan. Ayaw kung madumihan ang bago kung damit este uniform.

Isinandal ko ang ulo ko sa dingding at pinanood ang araw.

"Hahahahaha why naman ganun sila sa akin? Galit ba sila dahil nakipagcomeback ako kay Tyrone? Hindi ko naman sila kaano-ano, kaya hindi ko kailangan sabihin ang lahat ng galaw ko." Halos baliw na ako dahil kinakausap ko sarili ko.

Ang daya naman nila. Dapat pala hindi nalang ako pumasok kung ganto rin naman ang mangyayari.

Uwi nalang kaya ako?

Urghh arghh!! I want to gone. Tanginang buhay ‘to. Pagod na pagod na ako.

Ipinikit ko ang aking mga mata at natulog nalang.

No one cares of me.

Hindi rin ako makatulog dahil sa kakaisip ko sakanila. 'balik nalang kaya ako ng room?' ughh huwag nalang, wala naman akong gagawin kundi ang maghintay sa labas.

May naamoy akong sigarilyo kaya tumayo ako at hinanap ito. Nakita ko si jethro.

"Veb??" Gulat na tanong niya sa akin sabay tago ng hawak niyang sigarilyo.

"Huwag mo ng itago, nakita ko na. Gusto mo sumbong kita kay tita?"

"Ouy huwag!"

"Ikaw ah!"

"Ba't ka andito?"

"Bakit bawal?"

"Hindi naman. Curious lang. Lagi mo kasing kasama section 7, pero ngayon hindi."

"Nagkatampuhan kami." Lumapit ako sakanya at inagaw ang kaha ng sigarilyo at lighter.

"Hmm? Why?"

"Don't know. Siguro dahil comeback na kami ni tyrone"

"Kayo na ulit??? Wow!! Miracle!"

"Tanga!" Kumuha ako ng isang pirasong sigarilyo at sinindihan.

"Maninigarilyo ka?" Tanong niya sabay agaw ng kaha at lighter.

"Tatry lang naman eh!"

"Naku veb! Huwag! Mapagalitan ako"

"Eh? Tatry lang naman."

"Pagsinabi kung HUWAG, huwag mong gagawin, okay?"

"Ewan ko sa'yo." I rolled my eyes at nag-ibang direksyon ang tingin. Itatry ko lang naman eh!

May inilabas siyang nova, kaya nanlaki ang mga mata ko. "Pahingi"

"Hindi pa nabubuksan, huwag kang ‘atat." Binuksan niya ang nova kaya inilahad ko ang palad ko sakanya.

Binigyan niya ako ng apat na piraso.

"Ang konti, dagdagan mo pa para ka namang others" napangiwi nalang siya at dinagdagan ng isa.

"Ano ba! Ba't lima lang?!"

"Ikaw na nga ‘tong binibigyan, nag-iinarte ka pa" inagaw ko sakanya ang nova at ibinigay ko ang limang piraso na nasa palad ko.

"Switched"

"Sayo ba ‘yan? Aba!"

"Bakit? Angal?"

"Oo!"

"Sumbong kita kay tita, eh!"

"Sige sayo na ‘yan, busog pa ako. Baka gusto mo pa? Bilhan kita marami?"

"Sabay ganun?" Tumawa kami pareho. Umupo ako sa pinakamataas para makita ko ang ganda ng tanawin. Katabi ko si jethro na naninigarilyo pa rin. Nacu-curious talaga ako, 'anong lasa ng sigarilyo?'

"Veb, lipat ka nalang kaya ng school?"

"H-huh? Bakit?"

"Kasi kung andito ka, baka mas lalong magkaaway sina killua at madamay ka pa."

"What do you mean?"

"Sooner, malalaman mo din......"

"Pinapasakit mo lang ulo ko."

"Okay nga ‘yon eh."

"Sira ka talaga!"

"Sirang sira dahil sayo"

*Binatukan*

*Nagpeace sign*

"Alam mo–"

"Hindi ko pa alam."

"Veb....."

"Ano?"

"If ever na mawala man ako dito sa mundo–"

"Bakit saan ka ba pupunta? Sa Impyerno?"

"Please be serious."

"Sige...."

Inapakan niya ang sigarilyo niya at tumingin sa akin. "Ikaw na bahala kay mommy, ah?"

"Pinagsasabi mo d’yan?"

"Be brave. No matter what they say to you...... Just be yourself. Hindi ikaw sila, huwag kang sumunod sakanila. If may nalaman ka sa nakaraan, kung p'wede huwag mong sabihin sa iba lalo na kay killua.

"Isa pa, kung ako sa6yo lumipat ka nalang ng ibang school. Sama mo si tyrone, para tahimik ang pag-iibigan niyo. Baka magkasiraan pa kayo dahil sa section 7"

"Huwag ka ngang ganyan sa section ko!"

"I'm just saying the truth"

"Truth?"

"Nevermind." Ano kaya nangyari sa buang na ito? Bakit ang daming sinasabi?

Namamaalam ba ‘to? Edi good!

"Takas tayo?"

"Anong tatakas?"

"Cutting!"

"Wala naman kaming teachers, kaya okay lang. Let's go!" Nagkangitian kaming dalawa sabay nagpauhang bumaba sa rooftop. Pagdating namin sa hagdan ay hinay-hinay kami at baka may makakita sa amin. Bago kami umalis at dumaan muna siya sa room nila para ipagpaalam ako kay tyrone. Baka mamaya hanapin ako nun.

Nagulat nalang ako na pagkalabas niya ay kasama niya na si tyrone.

"I'm going with you"

"May pasok kayo"

"Just nevermind let's go!" Hinawakan niya ang kamay ko.

"SANAOLL MAY KAHOLDING HANDS!" Sigaw ni jethro kaya napaharap kami ni Tyrone sakanya.

"shhhh!!! Ang ingay mong bangus ka!" Ikinunot ko ang noo ko.

Hinay-hinay kaming bumaba sa hagdan at pagdating sa guard house ay nagsitakbuhan kami.

"Saan tayo?"

"Super 8?" Jethro.

"Saan ‘yon?"

"Let's ask stranger" Tyrone. Tumango-tango ako tsaka naglakad na kami para maghanap ng pwedeng pagtanungan.

Ano ba ‘yong super 8? Tindahan? Palaruan? Mall? Later na nga, malalaman ko rin.

Lumapit ako si jethro sa isang lalaking nakatalikod, nakapambahay lang siya at anggulo ng buhok. Maputi at matangkad.

Teka nga...... It's seems like he is familiar at me....

"Hello Ginoo, Can I ask?" Unti-unti siyang humarap at laking gulat ko na si Ezekiel pala ito. Ba't sabog ‘to? Pero inferness ang gwapo niya ah!!

"Nagtatanong kana" pamimilosopo niya sabay gulat na tumingin sa akin. "Veb?"

"Oo, ako nga. Bakit?"

"Wala lang." Muli siyang tumingin kay jethro. "Ano tatanong mo?"

"Akala ko iba na kausap mo, eh"

"Ang arte mo!" Para silang mga bata.

"Saan ba dito ang papuntang Super 8?" Tanong ni Jethro.

Huminga ng malalim si Ezekiel at ngumiti. "Punta ka sa kanan tas ikot ka sa kaliwa tapos pagkaharap mo, may mahal na siyang iba." aniya at nagpaalam.

"Tarantado ba ‘yon?" Ani ni jethro sabay pulot ng isang pirasong bato at ibinato sakanya. Pero nakailag si Ezekiel.

"HAHAHAHAHA huwag kanang magtaka. Buang talaga ‘yon."

"Sa iba na nga tayo magtanong" padabug siyang naglakad. Nagkangitian lang kami ni Tyrone at sumunod sakanya.

Hay naku, lahat ‘ata ng tao na nasa paligid ko mga TARANTADO.


You are reading the story above: TeenFic.Net