CHAPTER 86

Background color
Font
Font size
Line height

Umupo ako sa pinakagilid ng building at umiyak ng umiyak.

*Bumagsak ang napakalakas na ulan*

Tumingala ako kahit wala akong makita, ramdam na ramdam ko naman ang pagpatak ng ulan.

Feel like I'm broken again.......

"Veb......."

"Sino ‘yan?"

Tumayo at lumayo layo sa lalaking nasa harapan ko ngayon.....

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin.......

"T-t-tyrone?........" Malakas ang kutob ko na siya ‘to..... ‘yong amo'y niya.

"I love you..... I really really miss you......" tinulak ko siya. Hindi ako nagkamali, siya nga ito.

"L-l-lumayo k-ka s-sa AKIN!"

"sorry...."

"Again?...... Sawang sawa na ako marinig ‘yan!

"Lahat ng kasalanan kayang kalimutan, pero hindi lahat ng nakaraan kayang ibalik ng kapatawaran."

"Miss na kita"

"Miss din naman kita eh! Namiss ko ‘yong dating TAYO! Pero wala na eh...... Wala na ‘yon....... Hindi na mababalik ang dating tayo.....

"I wanna write I MISS YOU on a rock and throw at your face so you know how much IT HURTS to miss you." Huminga muna ako ng malalim at pinahiran ang luha ko.

"Mahal mo pa ba ako?" tanong niya habang tumutulo ang mga luha.

"Oo! You hurt me but I still love you......... Weird di ba? Ang hirap kasing maging marupok, Tyrone.....

"Kahit masakit pinilit kitang kalimutan...... Pero bakit kahit anong pilit kung kalimutan ka, hindi ko magawa?"

*Bigla nalang kumidlat ng napakalakas*

"Sabi mo noon, hindi mo ako iiwan..... Sabi mo hindi mo akong hahayaan masaktan?....... Sabi mo noon sa akin na...... Sabay tayong tatanda. Pero ang lahat ng ‘yon nawala ng dahil SAYO!

"Sana nga PANAGINIP NALANG ANG LAHAT NG ITO! Sana magising na ako sa panaginip na ito. Hindi ko deserve masaktan ng ganto."

Napaluhod ako dahil sa paninikip ng dibdib ko. Balak niya sana akong hawakan pero itinaboy ko siya.

"Oo, kasalanan ko ang lahat ng nangyari sa atin........ Pero veb, mahal pa kita! MAHAL NA MAHAL!"

Hindi ako umimik at hinayaan siyang magsalita.

"I lost my life...... I lost you...... hindi ko kaya na mawala ka......"

Sinasabi niya lang ‘yan kasi wala na kami. Lahat ng pangako niya, walang natupad kahit isa!

I really really hate Promises....... Kaya ngayon hindi na ako naniniwala sa salitang, 'PROMISE'

Basang basa na ang buong katawan ko dahil sa ulan.

"Huli kana....."

"Yeah I know. You fall inlove with killua"

"ANO?!?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Why? It's true, right?"

"Hindi ah! Gago ‘yon!"

"HAHAHAHHA hindi ka pa rin nagbabago" akala niya lang ‘yon. Akala niya hindi ako nagbago pero legit HAHHAHAHA

Nanginginig na ako sa lamig. Napatingin ako sakanya, *kumidlat* nakita kung hinubad niya ang damit niya.

Veb kalma......

Nagulat nalang ako ng inilagay niya sa balikat ko ang suot niyang damit.

Tanga naman nito, basa tapos ilalagay sa balikat ko.

"Ano ‘to? Pandagdag lamig?" Pagmamaldita ko sabay tapon sa malayo ng damit niya. Napayuko siya at ngumiti ng mapait.

Napayuko na rin ako dahil sa lamig. Wala akong balak tumayo at umuwi. Gusto ko lang mapag isa kaso dumating ‘yong tukmol na ‘to. Nakakabwisit tuloy!

Nagulat nalang ako ng yakapin niya ako.

"You don't like my clothes? Then, hugged nalang kita." hindi ko alam pero gumaan ang loob ko nung niyakap niya ako. Nakaramdam ako ng antok.

Unti- unti akong humarap sakanya.

Nagkatitigan kaming dalawa.

"Thank you for making me happy kahit sinaktan mo ako ng sobra" sambit ko at ngumiti kahit masakit.

"I love you"

"I love you too....." Napatakip bibig nalang ako dahil sa sinabi ko. Yawa!

BAKIT AKO NAG ILOVE YOU TOO?!??

marahan niyang hinawakan ang bibig ko. Unti unti niyang inilapit ang bibig niya sa bibig ko. I closed my eyes.

Naramdaman ko nalang na nagdampi na ang aming mga labi. Kusa nalang gumalaw ang bibig ko para makisabay sa halik niya.

ANG RUPOK MO TALAGA VEB!

"Y-yam?" Napahiwalay ako kay tyrone ng narinig ko ang boses ng hari. Napatitig ako sakanya habang nakatayo siya at may dalang flashlight at payong. Gulat na gulat pa siyang nakatingin sa amin.

"K-kill?"

"Nakaistorbo ba ako? Sorry huh. Take your time with him." Binitawan niya ang payong at flashlight tsaka tumakbo ng mabilis.

"KILL!!!" Malakas na tawag ko sa pangalan niya.

"So you found someone better? I'm glad." Napatingin naman ako kay tyrone.

"Kasalanan mo ‘to!" tatayo na sana ako kaso niyakap niya ulit ako. Pilit kong inaalis pagkayakap niya sa akin pero wala akong lakas.

Killua.......

Pinaghahampas ko sa dibdib si tyrone.

"I'm not mistaken. you love him."

"Hindi nga sabi eh!"

"Bakit gusto mo siyang habulin?" Napayuko nalang ako.

Siguro nga.

Siguro nga mahal ko na siya.

Killua.....

Kusa nalang ulit tumulo ang mga luha ko.

Kinuha ni tyrone ang pagkakataon lambingin ako. He cried with me.

Hinampas hampas ko ulit sa dibdib si tyrone hanggang sa mapagod ako. Wala na akong makita bukod sa flashlight na umiilaw at payong na nilipad na ng hangin.

Bigla nalang akong nahilo at sobrang nanginginig na ang mga laman ko sa loob. Nanunuyo na rin ang bibig ko at sobrang sakit na ng mga mata ko. Pero pinipilit ko pa rin.

Hinubad ko sa suot kung sandals at itinapon sa kung saan. Nagpunit ako ng unting tela sa suot kung gown at inilagay sa tuhod ko. Nagkasugat pala ako ng nadapa ako kanina.

Hindi ko pa man natatapos itali ang tela sa sugat ko inagaw na ni tyrone. Hinayaan ko nalang siya.

Nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko nawala ang lahat ng yun dahil sakanya pero yung hari........

Nakita niya kami. Nakita niya kaming naghahalikan! Bakit ko ba kasi iniisp ‘yon?

Tumingala ako at pilit na iminumulat ang mata ko. Umiikot ikot na ang buong paligid at halos hindi na ako makahinga.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sakit at kirot. ' bakit ganun? Hindi ako makahinga. What's happening on me?'

Naramdaman ko nalang na bumagsak na ang katawan ko. Bago ako tuluyang pumikit ay nakita ko pa si tyrone na pilit akong pinapabangon at tinatanong. Hindi ko marinig ang boses niya. Wala akong marinig. Kundi nakikita ko lang siya.

And everything went black


You are reading the story above: TeenFic.Net