CHAPTER 67

Background color
Font
Font size
Line height

Sila ready na para magswimming, ako tinatamad. Ang aga nila akong ginising. ALAS NWEBE?!? ay jusko, di ko kakayanin ‘to.

"Kami na, mag-aayos ng dadalhin mo," kento.

"Let's go shopping" blue

Magshopping ka mag-isa mo! Ang aga-aga pa kasi, natutulog pa ‘yong tao tapos epal naman ang mga ‘to.

Binuhat ako ng hari at isinakay sa kotse niya. Tinatamad talaga ako ngayon, bakit kasi ngayong araw pa ang swimming? P’wede naman siguro bukas or sa another day kapag hindi na ako tinamad. Hindi ko maeenjoy ang aking life nito. Naman eh!

Hindi ko na alam kung anong ginagawa nila. Basta ako ang ganda na ng p'westo ko dito. Nakahiga ako sa backseat. Binuksan ni peter ang kotse, agad ko siyang sinipa. Ang init pumapasok, at ayaw ko ng may katabi

"Marites, sumusobra kana, ah!"

"Marites, sumusobra kana, ah" pang-gagaya ko sakanya at tinakpan ang mga mata ko, gamit ng braso ko

Narinig ko pa kung paano na padabug na isinirado ni peter ang pintuan.

"Let's go in mall, mags-shopping tayo ng mga susuotin mo."

"Kahit ‘di na, may damit naman ako do'n, daming arte sa katawan"

"Yong mga damit mong mukhang basahan?"

"Kung ihampas ko kaya sayo ‘yon? Huwag mong minamaliit ang mga damit ko, baka biglang mabuhay ‘yon at patayin ka pa. Mabuti nga."

"What did you say?"

"Ang ganda ko"

Sarap niya talaga pikonin. Kaso hindi mo alam kung napipikon ba siya or hindi, dahil lagi nalang nakangiti. Nakangiti tuwing kasama ako.

Umupo ako ng maayos at ginulo ang buhok ko dahil sa inis.

"Mags-swimming lang naman tayo. Eh, bakit kailangan pa bumili ng bagong damit? Tss.

"Hoy!" Lumipat ako sa tabi niya at sumandal sa balikat niya.

Arghhh!!!! Inaantok pa ako eh!

"have you eaten?"

"Mukha ba akong kumaen?" Ay jusko! Kita niya naman kanina na kakabangon ko lang, tapos magtatanong kung kumaen na ba ako? Hyss......

May inaabot siya sa aking burger, kaya agad ko itong kinuha at kinain.

"Gusto mo?" Iniabot ko sakanya ang burger. Tumingin siya sa mga mata ko pababa sa bibig ko.

"Ayaw mo? Edi 'wag, ikaw na nga binibigyan ang arte mo pa." Kumagat ulit ako sa burger at tumingin sakanya. Saktong pagkatingin ko ay nagdampi ang aming mga labi.

Pilit niyang inaagaw ang burger na nasa loob ng bibig ko. Pilit ko ring siyang tinutulak pero sadyang ang lakas niya.

Yuckk!

Nang tuluyan niya ng nakuha ang burger na nasa bunganga ko at linunok niya ito ng diretso. "Mmmm..."

"Are you crazy?!? Galing ‘yon sa bibig ko!"

"the burger tastes better when it comes out of your mouth," sabi niya at kumindat sa akin. "tu unica mia" dagdag niya pa, pero wala akong naintindihan. Nasa Pilipinas pero kung anong salita ang ginagamit.

tumingin nalang ako sa bintana habang kinakagat ang burger. Baka mamaya agawin niya na naman ‘yong nasa loob ng bunganga ko, delikado na.

Huminto kami sa isang mall. Sinubo ko na lahat ng burger bago lumabas mag-isa. Ayaw ko na pagbuksan niya ako ng pintuan, kaya ko naman mag-isa.

"Bulaga!!" Nakatakilid ang ulo ni peter habang nagtatakang nakatingin sa akin, "ano kinakain mo?" hindi ako makasalita dahil sa sobrang puno ng bibig ko.

"Mukha kang unggoy" tumawa siya ng malakas sabay hampas sa balikat ko.

Mukhang unggoy pala, ah?

Hinablot ko ang kamay niya at inikot ito. "A-ar-ahr-arayyy!! Masakittt!!" mas lalo ko pang diniinan ang pagkakahawak sakanya, kasabay ng pagtulak sakanya at sinakyan ko siya. Pinagsasampal ko siya sa harap ng mga tarantado.

"Maritessss!!!! Tam–arayy naman!" Pagrereklamo niya. Sinakal ko siya at sinamaan ng tingin.

"Ayan, mukhang unggoy kana talaga." mauubo-ubo niyang sabi.

*Sinampal*

Tumayo ako at sinipa siya.

Badtrip.

"Unggoy na maganda." inirapan ko siya at lumapit kay cierra at cyriena. Gusto ko sanang humawak sa mga braso ni Roxanne, pero mukhang nag-eenjoy sila ni victor.

VIROX! VIRUS!

Inalalayan nilang patayuin si peter. Puro pasa na ang panget niyang mukha! Bwisit!

I crossed my arms at binilisan ang lakad.

Kaharap ko ngayon ang guard na mukhang ewan. Nakangiting wagas ito sa akin, halatang happy pill ako eh.

"Ganda mo naman."

"I know right!" I flipped my hair at nagcrossed arms again.

"Do you have a boyfrien–"

"Yes, she have. I'm her husband." singit ng hari at umakbay sa akin.

"No, I'm her husband." singit din ni blue sabay hawak sa kamay ko.

"No, I'm her real husband." aniya ni flash sabay kindat sa akin.

"I'am her, boyfriend and husband. So please, will my wife and I come in?" Singit din ni cyriena. Halatang gulat na gulat si kuyang guard sakanya.

"Mga bali–"

"We are her husband." Nakapoker face na sabi ni victor.

Halos naguguluhan na din si kuyang guard dahil sa pinag-gagawa nila. 'mga tarantado talaga' sarap ipatapon sa mars.

"No kuya, I'm single. And free niyo po akong jow–" hindi ko pa napatapos ang sasabihin ko nung tinakpan ng hari ang bibig ko at hinila papasok.

Dumiretso agad kami sa 'ladies shop'

Napairap nalang ako, ladies shop? Seriously? Don't tell, magsusuot ako ng dress? Yuck!!

Tumigil ako at hindi pumasok sa loob ng Ladies shop. Napatingin ako sa, Men shop. Napangiti nalang ako at akmang tatakbo pero hinawakan ni flash ang likod ng damit ko at hinila palapit sakanya.

"Aking sinta, pumasok kana kung gusto mo pang mabuhay."

"Eh?"

Hinila ako ni cierra papasok sa loob. Agad siyang namili ng bagay sa akin.

inilibot ko ang mga mata ko, ganun nalang ang ikinanlumo ko nung makita ko ang mga nakapalibot sa akin.

Hindi pala dress, kundi swim suit!!!

Ayaw ko ng labas p’wet at dibdib!!

Kasi wala ako nun.

P’wede naman kasi hindi magswim suit, ang daming arte!

Lumapit ako sa isang damit na kumuha ng atensyon ko. Hindi siya labas p’wet, at lalong hindi din siya labas dibdib. Sakto lang ang haba niya para sa akin. Kinuha ko at humarap ako sa salamin.

Mukhang bagay naman...... Pero ayaw ko ng kulay.

Umupo ako sa bakanteng upuan at tinignan nalang si cierra na namimili. Malungkot ako na tumingin sa Men shop, hyss..... Bakit kasi naging babae pa ako?

Gusto kong maging lalaki.

Tapos ‘yong lalaki gustong maging babae.

Hinila ako ni cierra at pumasok kami sa isang room, kung saan p’wede mong isukat ang napili mong damit or dress.

Akala ko swim suit kinuha niya, hindi pala. Formal lang na pang swimming. Katulad ng gusto kong klase ng damit.

"Try that, ayan ang napili ko. Alam ko naman na ayaw na ayaw ni kuya na pagsusuotin ka ng labas dibdib na damit either swim suit." lumabas siya at isinirado ang pinto.

Nakatingin ako ngayon sa swimsuit na nasa harap ko. Swimsuit ba talaga ‘to? Parang hindi naman eh, pero mukhang swim suit din. Ay ano ba! Ano ba talaga tawag sa damit na'to? Ahh basta! Itatry ko nalang. Dami ko pang arte. Eh, parehas lang naman na sinusuot ‘to.

Pagkatapos kung isuot ay kinuha ko ang black hat na kinuha din ni cierra at inialagay sa ulo ko.

‘yon oh! Mukha akong model na pinagkaitan ng katangkaran.

Owshii!!! Bagay pala sa akin ang mga ganto? .........argh!! Pero hindi ako comfortable.

Lumabas ako, nagulat nalang ako ng pagbukas ko ay bumungad silang lahat sa akin.

"Ohh damn Gorgeous!!" Gynner

"P’wedeng ka nang ikasal, marites!"

"Ganda mo naman, p’wede ka bang mapasa-akin?" Flash

"You look pretty." nangiting sabi ni blue. Napangiti na din ako.

Nagsinungaling pa sila sa akin, alam ko naman na hindi bagay. Charrot!! Bagay kaya sa akin, sa gandang ko'to? Sus!! Ako pa?

"Bagay sa‘yo, pero mas bagay ka sa'kin" aniya naman ng hari. hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa counter.

So it means bibilhin niya ‘to?!?

Tinignan ko ang presyo, at ayon nalang ang ikinagulat ko.

55000?!?? Owemjii! Pwede na pang-gawa ng bahay ‘yon.

"Huwag na, ang mahal eh."

"Walang mahal-mahal Pag-ikaw. Kahit umabot pa ‘yan ng trillion, I will buy for you. Ganun kalaki ang pagmamahal ko sayo."

"Ganun lang?" Tsk ang hina!

"I love you more than my life"

"Huwag panay landi! Tara na! Gusto ko ng magswimming!!" Pang-eepal ni eraño.

Palibahasa kasi walang kalandian, charrot.

"Parang nakalimutan niyo na may tao sa likod niyo, ah?" Singit naman ni peter.

So, ganto na talaga ang suot ko papunta do'n?

Well, okay lang. Medyo nasanay na rin ako.

‘yong ang ganda ng suot kung damit pero nakatsinelas lang. Wahhh!!! Bet!!


You are reading the story above: TeenFic.Net