CHAPTER 64

Background color
Font
Font size
Line height

Nakikita ko ang katawan kung nakahandusay sa sahig.

Lumapit ako kay Roxanne at siniko siya pero parang hindi niya ako nakikita.

"ROX!"

"VEB???" nakita niya ba ako? Hindi kaya impostor ‘yong nasa sahig?!? OWEMJII!! paano nangyari 'yon?!?

Ginigising nila ang impostor ko. Ipinagpalit na nila ako......

"Marites! Huwag kangang magbiro ng ganyan!"

"Kie, she's not breathing!" Patakbong lumapit ang hari sa impostor ko. Chineck niya ang heart at ang pulse ko. Bigla nalang nagbago ang reaksyon ng mukha niya.

"Ano? Kamusta si marites?? Kie!"

"she's gone."

"ANO?!?" sabay-sabay nilang sigaw at tinulak ang hari.

"VEBBBB!!! WALA NAMANG GANYANAN!!" Rox

"ATEEE NAMAN EHH!!! MAGPAPAKSAL PA KAYO NI KUYA!!" Cierra.

"PAPAKASALAN PA KITA!!" cyriena.

"Veb.... Tutulungan mo pa akong hanapin ang sister ko!"

"MARITESS!!!" malakas na sigaw ni peter sabay sampal sa impostor ko

Good peter. Ganyan nga! Saksakin mo pa!

"Veb, Pa'no na ‘yong Plano natin?" napatingin sila kay flash dahil sa sinabi niya. "Anong Plano?" takang tanong ni gian.

"She will pretend to be my girlfriend."

"ANO?!?"

"WHAT?!?"

"OMG!"

"MARITESSS!!! Kulang pa 'yong hotdog na pinakain namin sa'yo" mangiyak-ngiyak na saad ni peter. Agad akong lumapit at binatukan siya pero hindi umobra. Sinampal-sampal ko rin siya hanggang sa napagod na ako, pero bakit ganun? Walang talab!!

What's happening on me?!?

Patay na ba ako?!?

tinignan ko ang aking mga palad sabay sampal sa sarili. Wala akong naramdamang sakit.

Napahawak nalang ako sa bibig ko sabay sigaw ng, "OWEMJIIII!!!!"

tinignan ko ang mga taong nasa paligid ko ngayon. Wala silang ginawa kundi ang tignan ang impostor ko. Panay iyakan silang lahat.

"VEBBBB!!!! ANO NA?! VEBBBBB!!!! VEBBBBBB!!!!!! BAB-VEBBBB!!!" halos mapaos na sigaw ni gynner.

Kung pwede lang sana sampalin 'to kanina ko pa ginawa.

Ano nga ba ang nangyari? Bakit nakahilata ang impostor ko?

Kung impostor ko 'yon, bakit patay? Bakit nakahilata siya? Tapos ako kaluluwa nalang?!?

Hindi kaya pinatay ng impostor ang katawan ko?!? Hindi kaya-AHHHHH!!!! NO!!

AY HINDI!

I don't have an impostor. Kasi, ako lang ang pinakamaganda sa balat ng lupa! walang makakagaya sa ganda ko. Dzuh!

Pero..... bakit nakahilata ako?

Lumapit ako sa sarili ko at humiga. Naalala ko kasi ‘yong mga napapanood ko na babalik sa katawan nila pag-bumalik ka. Pero kung ayaw mo, edi 'wag!

Bumangon ako agad para yakapin si peter pero bakit ganun? Wala manlang daplis! Wala akong naramdaman! Tumayo ako at tinignan ang sarili ko

Kahit pala tulog ako, ang ganda ko pa rin.

"End na ba ang life ko?"

"Hoyy!! Mga taena niyo! Dalhin niyo na sa ospital si veb!" singit ni jethro sabay yakap sa akin at todo ang iyak.

"VEBBB!! GUMISING KA! HOYY!! ANO BA?? PATAY AKO NITO!!!! VEBBB!!! MABUHAY KA!!" halos matawa ako sa reaksyon ni jethro.

Pa easy-easy lang ako pero hindi ko talaga alam kung paano bumalik sa katawan ko. Scam 'yong mga napapanood ko.

"Hindi na siya p’wedeng dalhin, dahil wala na si veb!" sinuntok ni Matthew si jethro at pinagsasakal ito.

Pinipigilan siya nina kento pero ayaw magpapigil. Para silang mga batang nag-aagawan ng isang candy.

"Marites, dati gusto kong mamatay ka ngayon....... Mabuhay ka please!!!"

Ano daw?!? Taena batang kumag na'to!

Akma na sanang bubuhatin ng hari ang katawan ko pero hinablot ni alora ang kamay niya kaya nabitawan niya ako.

Gagooo siya!

Yong katawan ko!! Buto-buto na nga lang ‘yan, binitawan pa. Tsk! Tsk! Tsk!

Pag ako nakabalik sa katawan ko! Itutulak ko sila pareho sa bangin sabay tawa ng napakalakas.

Mga masasamang nilalang.

"Ano? Ipagpapalit mo ako sa babaeng 'yan?" mangiyak-ngiyak na sigaw ni alora.

Edi wow.

"She's not an ordinary girl, she's my treasure."

"Akala ko ba ako ang mahal mo?"

Tanga, assumera naman 'to! Ang panget naman!

Sis, hindi ka bagay sa abs cbn.

"Sino nagsabi sa'yo nun? Fake news!" Singit ni peter. "Barko! Lubog!" Dagdag pa niya.

napatingin ako sa katawan ko, pagkatingin ko ay wala na ito.

Sa'n na 'yon?

Kanina lang, parang nakahiga pa iyon tapos.........

Tumingin ako sa exit. Nakita ko si jethro na tinatakbo ang katawan ko. Agad namang napansin ni blue 'yon, kaya hinabol niya. Hindi na ako sumunod. Nanonood pa ako ng movie dito.

"Ang hindi pinili/assumerang malanding clown"

Umupo ako sa upuan at nagcrossed arms.

"Christopher, ano ba ako para sa'yo?" malungkot na tanong ni alora. Nagpoker face lang ang hari at tinalikuran siya.

Isa kang hampas lupa, alora.

"CHRISTOPHER KILLUA SIERVO!" humarap ang hari sakanya, at bumalik ulit.

"Do you want to know?"

"Yes...."

"I hate you more than my life."

Ohh, it's really hurt~

Magmahal—

"That's joke right?"

"If ayan ang pagkakaintindi mo. I never love you. Hindi ko pinangarap na maging karelasyon ka. Ni, ayaw nga kitang makita."

"Kill....."

"Don't called me. If-" hindi pa napatapos ng hari ang sasabihin niya, niyakap siya ni alora but hari ng mga tarantado pussed her.

"Don't touch me. Huwag kang lalapit sa akin."

"Christopher....."

"I said, don't call me. If you say my name again, I will cut your mouth!"
Tinalikuran siya ng hari.

"May puso rin naman ako. Nasasaktan rin naman ako. Tao rin naman ako. Bakit parang hayop ang trato niyo sa akin? Gusto ko lang naman maging masaya, pero kahit isa sainyo, wala manlang nagparamdam sa akin na mahalaga ako.

"Ako 'yung andito, pero si veb ang hinahanap mo....... that's loser girl!

Sige lang magdrama ka lang, impakta ka! Kapag ako talaga ako nakabalik. Ikaw ang una kung kakatayin ng buhay.

Marks my word!

Sa'n na ba 'yong dalawang dora?

"Huwag ka kasing masyadong assumera." Singit ni Roxanne.

"Nung una, masaya tayo eh. Pero nung dumating si lindsay, nagbago ang lahat. Tapos, pagkatapos ni Lindsay ‘yong Vebbiana naman nayon?!

"I really hate my life. Hindi ko alam kung kailan ako makakaramdam ng pagmamahal.

"Ang tanging hinihiningi ko lang naman ay ang pansinin mo ako. You think I'am a ghost, kaya siguro hindi niyo ako makita at parang wala lang. Kasi akala niyo multo lang ako."

Humarap ulit ang hari sakanya.

"That's why I hate you, masyado kang assumera at hindi ka marunong makisama. Kung naging matino ka lang, siguro may lalaking dadating sa buhay mo at mamahalin ka ng totoo." He said and back off.

Lumapit ang mga alagad niya sakanya pero pinaalis niya lang ang mga ito.

"Mas mabuting mawala nalang 'ying veb na 'yon!" nagulat kaming lahat sa bigla niyang pagtawa ng napakalakas na parang nababaliw na.

Lumayo ang lahat sakanya.

Parang taong ulol......

Lumabas na ang mga tarantado kasama sina Roxanne. Ganun din ang mga alagad niya at ang ibang mga taong nasa loob ng restaurant.

Nagpaiwan ako at pinapanood siya.

Kahit ganto ako, ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni alora. Kasi ganyan ako dati. Naranasan ko 'yan.

Everyone hate you, akala nila ay isa kalang multo. Nagsasabi sila ng masasamang salita. Pero hindi nila alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ng tao, hindi nila inisip kasi makasarili sila.

Pero for me, dapat lang kay alora 'yan. Need niya din masaktan.

Napaluhod si alora at umiyak ng umiyak

"W-wala na..... Wala na ang lahat.....

"Yong mga pangarap ko, ‘yong mga kaibigan ko. Iniwan na ako.

"I HATE MY LIFE!" I was shocked ng may kinuha siyang kutsilyo sa bulsa niya at itinapat sa mata niya

Umiyak siya ng umiyak.

Akma niya na sanang tutusukin ang mata niya pero tumakbo ako at inagaw ang kutsilyo at itinapon.

Sa hindi Malamang pagkakataon, bakit nahawakan ko 'yon?

Humiga nalang siya at humagulgul ng iyak.

Don't worry andito ako sa tabi mo. Babantayan kita.

I hate her, pero hindi ko naman gugustuhin na mamatay siya ng ganun-ganun nalang. May puso pa naman ako para magpatawad. Hindi ko lang alam kung may puso din siya gaya ko.


You are reading the story above: TeenFic.Net