CHAPTER 61

Background color
Font
Font size
Line height

"Oy!! Na'saan ‘yong hari???" Nagmamadaling tanong ko kay Matthew habang nakamot pa ng ulo.

"Absent yata, bakit?" anak ng tinapa! May usapan kami kahapon!!!arghhh!! Punyemas?? Seryoso ngayon pa? Argh!

Padabug akong lumabas ng room at hinanap si blue. Naabutan ko siyang nakatayo sa tapat ng hagdan na parang may inaantay.

"Blue!!!!" Umakbay ako sakanya at nagsmirked.

"Uhm?"

"Alam mo ba bahay ni kill? Arat!"

"Huh? Ano naman gagawin mo do'n?"

"Huwag ng madaming tanong. Tara na!" dali-dali ko siyang hinila palabas ng gate. Nag-abang kami ng tricycle, pero mukhang wala yata

"I have a car"

"Ba't di mo sinabi agad?" Sinundan ko siya kung saan siya pupunta. Inalalayan niya akong sumakay bago isinara ang pinto. Shet! Bakit kasi ngayon pa siya umabsent? Kukutusan ko talaga ‘yong kumag na ‘yon.

"do you miss him right away?"

"Tangek, may promise lang siya kahapon."

"What promise?"

"Huwag kang chismoso." napangiti nalang siya at nagsimulang magdrive ng biglang humarang si peter sa gitna ng dadaanan namin.

"Hep! Hep!"

"Hoorayy!!" Sigaw ko sa loob.

"Sa'n kayo pupuntang dalawa? may date kayo, ano?"

"Mukha mo may date!" Agad na pumasok si peter sa loob habang nakangiti. "Sama ako, saan ba kayo pupunta?"

"Sa hari"

"Omg!! Totoo? So pupunta tayo kina ki-wait? Kina kieee??" napahawak siya sa dibdib niya at nahirapan huminga. Ngumiti si blue at agad na ipinatakbo ng mabilis ang kotse.

"Dito nalang ako, tabi!! pababa!!! Pahinto!" natatarantang saad ni peter.

"Anong nangyari sa'yo?"

"Ahhh!! Ayaw ko do'n"

"And why?"

"Basta!! Loreeeeenceeee pababaaaa"

"Sayang lang oras. Nagmamadali ako." Malungkot na umupo ng maayos si peter at nagcrossed arms, "may heart" bulong niya.

Wala pang kalahating oras ay huminto kami sa isang mansyon. Sa gate palang ay ang dami na ng guard.

This is-wahhh!!!

May ipinakitang card si blue sakanila. Ngumiti naman ang mga guard at ipinapasok kami sa loob. Hindi pa man kami nakakarating sa pintuan ay tinutukan na kami ng baril. Kumapit sa braso ko si peter habang nakangisi sakanila.

"Mga pare! Si peter 'to" aniya at kumaway-kaway. Kumaway-kaway din sakanya ang mga gwardya at ipinapasok kami.

"Marites..... Ayaw ko pumasok"

"Edi huwag, pake ko?"

"Joke lang! Ito naman hindi mabiro." I just rolled my eyes at tuloy-tuloy napumasok.

Akala ko ay makakapasok na kami pero hindi pala. Pagbukas ng guard ng pintuan ay bumungad sa akin ang napakaraming kotse, van at motor!

Mapapa omg kanalang talaga!!

Huminto si blue at may idinial sa phone.

Napalingon naman ako sa isang babaeng naka-long pantalon at t-shirt. Short hair lang siya. Mukhang tomboy.

"M-marites......"

"Shhh!! Huwag kang panira!"

Nakakita yata ako ng babae. Bigla nalang siyang pumasok sa loob habang masama ang tingin sa akin. Wala naman akong ginawang masama sakanya, dzuh!

Isang malaking fuck you para sa babaeng 'yon!

Hinawakan ni blue ang kamay ko. Habang si peter naman ay nakakapit pa rin sa braso ko. Tsk! Tsk! Tsk!

"Heyy siri, open the door" rinig kung sabi ng babae. Bumukas naman 'yong pintuan. Sumunod kaming pumasok sakanya. Kusa nalang nagsarado ang pinto.

Pinaupo kami sa sofa ng mga katulong nila at binigyan ng maiinom. wala pang isang segundo ay ubos na ang akin. Napatingin ako kay blue na iinumin palang ‘yong sakanya. Agad kung inagaw at boom! Ubos!

Lumingon naman ako kay peter, pero wala ng laman ang baso niya. Tumayo sa harap namin ang isang babaeng naka oversized t-shirt at naka short lang.

"why—" hindi niya pa napatapos ang sasabihin niya nung may tumawag sakanya na isang familiar na boses.

"Ahh!! Damn!" Pasabug siyang lumapit kay alora.

Parang nagulat pa si alora, kung bakit kami andito.

Pamodel siyang lumapit sa amin at umupo sa tabi ni blue.

"why are you here?"

"Bakit bahay mo 'to?" Pambabara ko.

"Nope, but this is my future house"

"Libre lang mangarap. Walang bayad."

"Darn it! Guar-" sisigaw pa sana siya ng buhusan siya ng tubig ng naka-oversed t shirt.

"I am not a servant to command you. Ang kapal ng mukha mo. why are you here? Huh?"

"Ows, cierra easy. I'm here, because may date kami ng kuya mo"

"What?!"

"Nakakagulat ba?"

"Hindi. I thought this beautiful girl *tinuro ako* ang kadate ni kuya and YOU are the guard." nabigla si alora dahil sa sinabi ni cierra sakanya.

"I will report you to your brother!!"

"Edi I report mo" report? Office lang?

"Don't need to report." Singit ng hari. Nakapulong itim na ito.

Grabe, ready na talaga

"Kuya!"

"Cierra, let's talk."

"Argh!" Nagulat nalang ako ng bigla akong hilain ni cierra.

Nagulat ang hari ng makita niya akong nasa harapan niya kasama si cierra.

Ngumiwi nalang ako at nagwinked sakanya.

"Kuya, never kung pinangarap na idate mo ‘yong babaeng malanding ‘yon. C'mon, mommy hates her for you."

"For my future, I need to date her. Ang please, makisabay ka nalang"

Sila lang pala mag-uusap tapos dinala pa nila ako dito. Tsk! Tsk! Tsk! Multo ba ako?

Nagulat nalang ako ng bigla akong yakapin ng hari. Niyakap ko na rin siya pabalik. Napatingin naman ako kay cierra na gulat na gulat.

"Owemjiii!!! Kuya girlfriend mo?" Gulat na tanong niya.

"N-no, hindi. HAHAHAHA I'm not her girlfriend. Classmate lang–"

"Future wife. For our future, need kung idate si alora."

"Huh? So what is the konek?"

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palayo sa hari. "Uhm, cierra kasi, nanghingi ako ng favor sa kuya mo. Idate niya si alora kahit one day lang. Today kasi birthday niya. Kahit ngayon lang pwede ba?"

"Pwede! Basta magpapakasal kayo"

"Huwag nalang pala, sige alis na kami"

"Just kidding." Akala ko pa naman maldita siya. Mukhang mabait naman.

"Anyway what's your name?"

"Vebbiana Monique Delos Reyes" she was shocked nung narinig niya ang pangalan ko.

"Owemji! You!"

"Uhm?"

Niyakap niya akong mahigpit, "lagi kang kinukwento sa amin ni kuya. Ksksksksksks. Akala ko talaga katulad ka rin ng alora'ng malanding ‘yon."

"No, I'm not. Hindi kasi ako lalakero katulad niya. At lalong hindi rin ako mang-aagaw, syempre ‘di rin ako malandi, like her."

"OMG SIS!!! Mukhang magkasundo tayo!" Niyakap niya ulit ako at bumalik na kami sa kuya niya.

"Okay fine. But, sasama kami!"

"Ano??!"

"It's okay."

Halos naistatwa ako sa sinabi ni cierra. Bakit kasama kami? No way!

hinila ako ni cierra paakyat ng hagdan, "hoyyy kambing!" tawag niya sa isang babaeng mataray kanina. Umakyat rin siya pero masama ang tingin sa akin.

Mukhang hindi kami magkakasundo nito. Ano ba pake ko? HSHSHSHHS

Dumiretso kami sa kwarto niya. Laki nalang ng gulat ko nung makita ko ang kwarto niya na punong puno ng kpop album, stickers and other. She is also a wattpader like me. Agad akong dumiretso sa mga wattpad books, tinignan ko lang sila hindi ko hinawakan baka mapalayas pa ako dito.

"Siri, prepare my shoes" sambit ni cierra.

Kusa nalang bumukas ang isang pader at bumungad sa akin ang napakaraming sandals, rubber shoes at iba pa.

Nakaboyish outfit lang si cierra.

Medyo matangkad siya sa akin ng kunti, at ang puti niya rin.

Hinila niya ako at binigyan ng dress, "cierra, hindi kasi ako nasuot ng dress. Okay lang ganto suot ko"

"No, hindi pwede. Hindi tayo magpapatalo sa alora'ng ‘yon. Dapat mas maganda ka sakanya"

"Ba't ako?"

"Kasi you"

"HAHAHAHAHHAHAAHAHHA" malakas na tawa naming dalawa.

(Suot ni cierra)

(Veb outfit)

Hinila ako palabas ni cierra. Nagsuklay lang kami at nagbaon ng pangtali. Sunod kaming pumunta sa kapatid niyang maldita na ready na din pala.

(Cyriena outfit)

‘yong suot niya ngayon, ‘yan lagi sinusuot ko kapag namamasyal kami ni tita sa labas.

"Kambing, okay lang ba outfit namin ni ate veb?"

"V-veb?" tumango-tango si cierra.

"So–"

"Yes, siya nga!"

Lumapit siya sa akin at nagpakilala, "Cyriena klein" yumuko siya bago iniabot sa akin ang mga palad niya.

"Vebbiana Monique Delos Reyes" nagkangitian kaming tatlo at nag take ng picture.

"I thought you were lorence's girlfriend." napangiwi nalang ako dahil sa sinabi niya.

"Kambing, sama tayo sakanila. Hindi ako papayag na, sila lang dalawa ni kuya ang aalis."

"that's really my planned."

"No offense, pero akala ko ayaw at galit ka sa akin kanina?"

"No, I'm not. I'am just mad because alora's here. But okay na ako ngayon, Because you are here." Sabay-sabay kaming bumaba ng hagdan. Nasa kanan ko si cyriena, habang nasa kaliwa ko naman si cierra

"Hii peter!!" bati ni cierra sakanya pero hindi siya lumingon at nagkwa-kwaring walang narinig.

"Let's go!" Aniya ni cyriena at binangga si alora.

"So, balik na kami sa school. Cyriena, cierra kayo na bahala kay veb. Ingatan niyo ‘yan papakasalan ko pa ‘yan" aniya ni blue at umalis kasama si peter.

"I will marry you." bulong ni cyriena sa akin. Nauna na kaming tatlong lumabas sakanila. Magkaiba daw kami ng sasakyan, kahit papano ay nirerespeto pa nila ang kuya nila. Kaya hahayaan nilang sabay silang sumakay sa kotse.


You are reading the story above: TeenFic.Net