CHAPTER 56

Background color
Font
Font size
Line height

Malungkot akong bumalik sa room, halos kahating oras niya din akong niyakap. Pakiramdam ko tuloy parang isang araw na. nasa'n na kaya ang hari? hindi ko siya nakitang nakaharang sa tapat ng pinto.

"Maritessss goooddd morninggg!!!" Bati sa akin peter but I just smiled at him. Wala ako sa mood ngayon, may hinahanap akong tarantado....

"Gooddd morninggg blueeeeee!!!!" bati din ni peter kay blue na ngayon ay nasa likod ko lang, "Good morning too." sagot naman niya at bumalik sa pwesto niya. Hinila ko si peter palayo sa ibang tarantado.

"Nakita mo ba ‘yong hari?"

"Si kill?"

"Sino pa ba?"

"Ahhh!!! Nasa pavilion, oh–di ba ando'n ka rin dapat?"

"Huh? Ano naman gagawin ko do'n?"

"Ikaw ‘yong napili ni kie na maging reyna dito sa school, kahit wala ng butohan."

"Pinagsasabi mo?"

"Hindi niya ba nasabi sayo? Hinanap ka niya kanina para sabihin ‘yon....."

Iyon ba ‘yong nakita niya kami ni blue?? SHEETTTTTTT!!!!!

Ngayon ko lang napansin na kami nalang pala ang tao dito sa building dahil ang lahat ay nasa pavilion na.

"Tara na! Sunod na tayo do'n, mukhang magsisimula na ang butohan!" Magsasalita pa sana ako ng hilain ako ni peter palabas ng room. Agad kaming dumaan sa secret room palusot papuntang pavilion. Wala dapat akong balak pumunta dahil nahihiya ako, nahihiya akong magpakita sa hari.

Pagkarating namin sa Pavillion, nakita kung nakaupo sa harap sina Alora, Ysabella at ang hari. May isang bakanteng upuan, para kanino kaya iyon?

Siksikan ang tao dito sa Pavillion, wala ding mga upuan kaya tatayo lang kami.

"Mukhang wala sa mood si killua, hindi siya nagpahanda ng ma-uupuan natin" rinig kung bulong ng katabi ko.

Maya-maya pa ay nakita ko si blue na umakyat sa taas at umupo sa bakanteng upuan. Nagkatitigan pa silang dalawa bago tumingin sa harap.

"Pssstttt vebbb!!!" lumingon ako para hanapin kung sinong tumawag sa akin pero wala akong makita.

Saan kaya si Roxanne? bakit hindi ko siya makita ngayon? nawawala rin si Matthew at eraño.

Tinulak ako ng isang babaeng katabi ko. I was shocked na tumingin sakanya.

"Ayy sorry!! Di ko sinasadya, ito kasing katabi ko nanunulak, eh" maarteng saad nito. Inalalayan akong tumayo ni peter at pinagpagan ang uniform ko.

Palibhasa, may bulate sa pwet!

tumayo nalang ako ng tuwid at tumingin sa harap. 'magsisimula na ba?'

"Vebbb......" may kumalabit sa akin kaya napalingon ako.

"We need your help." bulong ni eraño. "H-huh? Need help saan?"

"Roxanne is missing." bulong niya na ikinagulat ko. Kaya pala hindi ko siya makita kasi nawawala siya!

Aalis na sana ako at susunod kay eraño ng marinig ko ang boses ng hari.

"I don't want to be king this school. Can someone replace me?" tila nagulat ang lahat sa sinabi niya.

"Ano nangyari sakanya? ayaw niyang mapalitan siya sa pwesto niya tapos ngayon binibigay niya na." saad ni ivan.

Napatingin siya sa akin saglit at naglakad pababa ng stage. Tumabi lahat ng mga estudyante para sa dadaraanan niya. Aba ang sosyal!

"Christopher!!!" tawag ni alora sakanya pero hindi siya lumingon at tuloy-tuloy lang sa paglakad hanggang sa makalabas sa Pavillion. Madaming nagb-bulong-bulongan sa paligid.

Bumaba na rin ng stage pati si blue, pero bago pa man siya makakaba sa stage ay nagsalita na siya.

"Huwag na nating ituloy ang butohan ngayon." wala sa mood na sabi niya at sumunod sa hari.

Ako lang ba ‘yong naguguluhan sakanila?

Ay... Pakkshetttt si Roxanne!

Agad akong tumakbo palabas habang nakikipag-siksikan sa mga estudyante. Ang dadaya naman nila! Kapag ‘yong hari ang dumaan, tumatabi sila pero pag ako! Nevermind nalang!! Aishhh!!!

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa guidance office. Nakita kung nakaupo si Lindsay habang may binabasa, agad akong lumapit sakanya.

"Good morning,veb. tapos na ba ‘yong butohan?"

"Hindi natuloy." hingal na hingal kung sabi sakanya.

"Pa'nong hindi natuloy?"

"Mamaya na natin pag-usapan iyan. Did you see rox?"

"Hindi eh, dito lang ako nagstay simula pa kanina. Why, what happen with her?"

"Nawawala siya"

"Ano?" Napatayo si Lindsay at pabagsak na binitawan ang hawak niyang libro. "Did you call her?"

"No, wala akong load"

Kinuha niya ‘yong cellphone niya at agad na tinawagan si Roxanne. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa cellphone.

"Hindi siya makontak"

"Aishhh!!"

tumakbo kami palabas at nagkanya-kanya ng direksyon para mahanap siya. Agad akong pumunta kay victor para tanungin siya kung nakita niya ba si Roxanne.

Aakyat na naman ako sa pinakamataas na hagdan!

Huminga muna ako ng malalim bago tumakbo ng mabilis.

"Ohh!! Hinay-hinay lang, para ka namang hinahabol ng sampung aso."

"N-nakita *huminga* mo ba si rox?"

"No, why?"

"Shet!"

"Why??"

"Nawawala si rox!"

"What?!" nagulat ako sa reaksyon niya. Over naman makareat ‘yong lalaking ‘to. Siguro....... wahhhh!!! Don't tell me, sila na?!??

Nauna na siyang tumakbo sa akin pababa. Grabe, kung pwede lang tumalon pababa, ginawa ko na. Ang hirap umakyat baba sa hagdan. Ang sakit sa paa!

tumalon pababa......... aha! Agad akong pumatong sa semento at tumalon pababa.

IIIIIII FORGETTTTTTTTT NA MATAAASSSS PALA ITOOOO!!!

"AHHHHHHHHH!!!!!!" Malakas na sigaw ko. Nililipad na ‘yong buhok ko sa lakas ng hangin.

Pagkabagsak ko, agad akong gumulong-gulong para hindi ako mabilian. Okay lang magkasugat huwag lang mabalian. Agad akong tumayo at nagpagpag.

"Oh? Ang bilis mo naman?" Gulat na tanong sa akin ni victor, "magic! Tara na!" naghiwalay-hiwalay kami.

"ROXANNE!!!"

Nakarinig ako ng iyak sa loob ng library kaya agad akong pumasok sa loob at hinanap ang umiiyak.

Tanda ko nung una kaming nagkita ni Roxanne dito.

I saw Roxanne sa pinakagilid. Agad akong lumapit sakanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Saan ka ba nagpunta? pinag-alala mo kami......."

"V-veb....."

Hinawakan ko siya sa balikat. Nagulat ako sa mga nakita ko.

May mga pasa-pasa siya sa mukha at amoy kanal ang buhok niya......

"What happened to you?" I asked seriously.

niyakap niya ako ng mahigpit. "Veb, help me."

"Sino gumawa n'yan?"

"Ayaw ko na sa section ko"

"Sino gumawa sayo n'yan?" Pang-uulit ko. Huminga siya ng malalim at yumuko. "Sina alora."

Kumulo nalang bigla ang dugo ko. Napatayo ako at biglang nagbago ang mood. Tanda ko ‘yong sinabi ko sakanila dati. Huwag na huwag nilang sasaktan si Roxanne! Pero mukhang inulit na naman nila!

Inalalayan kung tumayo si Roxanne at dinala sa clinic, sakto namang nakasalubong ko si lindsay at victor.

"Omyghad rox!" Gulat na gulat na sigaw ni lindsay at lumapit kay Roxanne.

"W-what happened??"

"Dalhin muna natin siya sa loob," victor.

Inalalayan namin ni victor si Roxanne papasok sa loob ng clinic. Agad na kumuha ng pampalit si lindsay habang si victor naman ay di mapakali.

Lalabas na sana ako ng clinic ng tawagin ako ni rox, "veb, hayaan mo nalang sila."

"Hindi p'wede, binalaan ko na sila. Nakinig ba sila? Di ba hindi? Huwag kang mag-alala kaya ko sarili ko no Matter what happen."  I said and back off.


You are reading the story above: TeenFic.Net