CHAPTER 52

Background color
Font
Font size
Line height

"Iyan! 'Yan kasi! 'yan napapala ng pasaway!" Pagsesermon ko kay peter. Uuwi na sana kami ngayon kung hindi lang siya gumulong pababa at ayaw makalakad. Ayaw naman buhatin ng mga tarantado. Excited na akong umuwii!! Hindi ako makakapag-peace of mind here! Omg!

"Dapat kasi nag-iingat kang bata ka!" kinuha ko ang isang pirasong stick at hinampas sa pwet niya.

"Arg-arayyy!! Marites naman! Para kang nanay!"

"Gigil mo 'ko!"

Dapat mauuna na akong uuwi, kaso dapat daw sabay-sabay kami for our safety. Hmm, safe naman dito sa bundok. Dibale kung gabi, kung ano nalang kasi ang naririnig ko dito. May tiktik, uwak at kung ano pang ingay sa paligid. Pinangarap 'kong dagitin ako ng aswang, like. Wahh!! Ano kaya sa pakiramdam nun? ililipad ka niya tapos.... wahhh!! I can't! Owemjii!! Tapos hinulog kalang sa bangin. Woshii!

"Hey yam!" I rolled my eyes bago humarap sa hari, "what?" Pagtataray ko sakanya.

"Vebbbbbbbb!!!" tawag sa akin ni myko. Hindi ko sila pinansin at tumabi nalang sa boyfriend ni Lindsay. Pagkaalam ko nathan name nito.

"Hi?" Bati ko sakanya pero parang wala itong naririnig, "hello?" kinawag-kaway ko ang kamay ko sa harap niya. seryoso lang ang mukha nito, parang ang lalim ng iniisip. Nasa mood pa naman ako para makipagkilala sakanya. Kala niya siguro hindi ko alam na ayaw niya kay lindsay ahh, tapos ayaw niya din sa kapatid niya. Tsk! Tsk! Tsk!

"Laro kaya muna tayo?" suggest ni bella. Parang nagliwanag ang buong paligid!

"Tama!" napatayo ako habang nakangiti, "anong laro?"

"May naisip ako, *kinuha niya ang isang pirasong papel* dapat nakapabilog tayo, tapos ipapasa natin itong papel sa kasunod natin, gets niyo?" taas kilay lang akong nakatingin sakanya.

Papel? Basic!

"No, hindi dapat papel. May dala ba kayong crepe paper?" tumango-tango ako at kinuha ang crepe paper sa bulsa ko. Ginagawa ko itong liptint kaya lagi akong may dala.

"Ito gagamitin natin para may thrill"

"Owwwss gettsss!!"

pumwesto na kami sakanya-kanya naming gustong pwesto. Tumabi ako kay Roxanne at kay lindsay bali ako ‘yong nasa gitna.

"Walang thrill kung ganto pwesto natin. *Kumuha ng papel at nagsulat ng number" so ganto, bunot kayo." inaabot sa akin ni Sophia ang palad niya, kumuha ako ng isang papel. Ano kaya number nakuha ko?

Nakangiti si alora na para bang may balak itong gawin.

"I got number 1!" sigaw ni peter habang tinataas ang papel.

"2 akin!" singit ni myko.

"Yucckkkk!!! Katabi kita??" pandidiri ni peter, at tinulak si myko palayo

"3" Sophia. Owemjiii!!!

Peter, myko, Sophia. Who's next? sksksksk kakaexcite naman ‘yong larong ito.

"4" walang ganang sagot ni kyle. Wahhh!!! Myko, Sophia, kyle! Love triangle!!

Sino kaya makakatabi ko?

Mabilis lang naman ang laro, ipapasa lang ang crepe paper sa katabi. Jusko, wala pa nga siguro isang segundo nasa dulo na ang papel, tsk! Tsk! Tsk! Walang thrill!

"5!" aniya ni jethro at umupo sa tabi ni kyle.

"6" itinaas ni bella ang papel niya at tumabi kay jethro.

"7" walang ganang sagot ni rox.

Sunod-sunod na nagbigay sila ng number, hanggang sa kami nalang ang natira Nina, alora, Tyrone, blue, Lindsay at ang hari.

"24 akin" aniya ni lindsay at tumabi sa boyfriend niya. Naks naman!!

"25" sabi ni blue Ohhh!!! Katabi niya si lindsay!!

"I got 26!" tuwang-tuwang, umupo si alora sa tabi ni blue. Hindi pa nakuntento, sumiksik pa ito.

"27" sagot ni tyrone at umupo sa tabi ni alora.

Nagkatinginan kami ng hari, tinaasan niya ako ng kilay kaya napatingin ako sa papel na hawak-hawak ko!

"Oh-28 ako!" pakshet! Katabi ko ‘yong hinayupak na ito. Umupo ako sa tabi niya at sumimangot, umupo naman sa tabi ko ang hari.

29 kaming lahat. Damii!!

"Bibig ang gagamitin natin, kailangan ipasa mo ito sa kasunod mo gamit ang bibig." Natulala ako sa sinabi ni alora. Mukhang pinaghandaan niya yata ito. HA HA HA HA atleast-punyeta! Bakit si blue pa nakatabi niya?? Yuckks!!

Ayy gagiii! No the hell! Nasa gitna ako ng dalawang dragon. Jusmeyo marimar! Hindi na kaya ako sasama sakanila?

Tatayo na sana ako ng hawakan ng hari ang kamay ko.

"Start na." saad ni Lindsay. Inilagay ni peter ang crepe paper sa bibig niya at ipinasa kay myko. Medyo nandidiri si myko naiabot ito kay Sophia, hindi pa man nakaabot sa amin ang crepe paper at may nagsalpukan na. Boom!

Si Roxanne at Matthew, mukhang sinadya ng dalawa na paliitin ang crepe paper para magkiss ang dalawa. Kahit na ganun ang nangyari ay parang wala lang sakanila iyon.

Tumayo si peter at sumingit sa pagitan nina blue at alora. Nakangisi lang si peter na nakaharap kay alora habang si alora ay naasar na!

Good job peter! Hindi pwedeng magdampi ang kanilang mga labi!

Lumipat ng pwesto si gynner at tumabi kay myko.

Game na!

"Start tayo kay myko papunta kay gynner " aniya ni Roxanne.

Nice one!!

Myko, gynner, hari at ako! WHAHAHAHA hinding-hindi magdadampi ang bibig namin kahit kailan! WHAHAHAHAHAHS

ngumisi si myko at ipinasa kay gynner ang crepe paper, nagulat nalang ako ng maliit lang ang kinuha ni gynner at ipinasa sa hari. Kilig na kilig silang dalawa. Ako na!

Halos 1 inch nalang ‘yong crepe paper, tapos parang kinakain pa ng hari, edi mas lalong lumiit. Luh! Hindi p’wede!

"Ayaw ko na" aniya at akmang tatayo pero nagsalita si lindsay

"hysss, tuloy na natin!" aniya, wala akong magawa kundi ang umupo at humarap sa hari habang nakangiwi.

"Gago, ayusin mo." I whispered.

"Profanity" rinig kung sabi niya kahit nasa bibig niya pa ang crepe paper. Inilapit niya sa akin ang bibig bibig niya at unti-unting pinapasa ang crepe paper. Wahh! Ayaw ko!

Tatayo na sana ako ng hawakan niya ako sa mukha at ipinasan ng diretso ang crepe paper. Akala ko ay nasalo ko ang crepe paper pero sinadya niya itong ihulog kaya nagdampi ang aming mga labi.

Tila tumigil ang tibok ng puso ko. Itong ayaw ko sa lahat, tumitigil ang tibok ng puso ko.

Naghahabol hininga akong kumawala sakanya, akala ko ay okay na iyon pero hinalikan niya ako ulit sa harap ng mga tarantadong ito.

Nagtilian si myko, gynner at peter.

"SUCCESSS!!!!!" sigaw nilang tatlo.

Yawa, so sinadya talaga nila iyon?? Mga baliw ba sila????

Humiwalay ako sa hari at tinignan siya ng masama pero nakangiti lang ito sa akin. Binasa niya ang ibabang labi niya habang nakatingin sa labi ko.

"That's so sweet." aniya at umayos ng upo.

Napatingin naman ako sa katabi kong mas nashocked pa sa akin. Buti nalang talaga hindi umabot sakanya, kung umabot ‘yon. Durog buhay ko!

"Finish na! May nanalo na!" Saad ni Lindsay at tuwang-tuwa na lumapit kay Roxanne at niyakap ito.

Kung sino man ang nagpauso ng larong ito, mamatay na siya!


You are reading the story above: TeenFic.Net