CHAPTER 46

Background color
Font
Font size
Line height

"Gusto kong umuwi!!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni alora.

Isip bata ang buang, bakit pa siya sumama dito tapos uuwi lang pala? Tsk! Tsk! Tsk!

I opened my phone and text tita dhie.

"Veb, can you help me para sa campfire?" Wan whispered.

Tumango-tango nalang ako at sumunod kay lindsay.

Hindi ko pinansin ang mga tarantado, para kasing busy sila. Tinipon-tipon namin ni wan ang mga kahoy at pinagpatong-patong. Nilagayan ni rox ng gasulina ang kahoy at ako naman ang nagsindi. Sakto lang ‘yong apoy niya, sinigurado naming hindi kakalat, delikado na.

Tabi-tabi kaming umupo'ng tatlo at sabay na pinapanood ang apoy.

"Open forum kaya tayo mamaya?" Suggest ni rox.

"tama! sakto, andito silang lahat" sagot naman ni lindsay. Hindi ako nakikisama sa usapan nila at tulala lang. Gusto ko ngayon ng peace of mind not peace of shit.

Habang tahimik akong nanonood ng apoy, may nag-abot sa akin ng cup noodles. Kinuha ko lang ito at nag-thank you, hindi ko tinignan kung sino ang nag-abot sa akin nito.

Parang ang dami ng iniisip ko pero wala naman..... ang sakit sa ulo.

“Peace of mind, lumapit ka sa akin”

Inilapag ko ang chopsticks at ginamit ang kutsara, hindi ko kailangan ng chopsticks, pahirap lang sa buhay ko ‘yan.

Isang oras ang nakalipas, hindi ko pa rin ubos ang cup noodles. I decided na huwag nalang kumaen, gusto kong magpapayat.

Gusto kong matulog pero ayaw ng mata ko. Gusto kong kumaen pero ayaw ng bunganga ko. Ano nalang gagawin ko?

"V-veb....." blue called. I turn around pero wala naman akong nakita.

'tinawag niya ba talaga ako?' I asked myself.

"Veb..." Hinanap ko siya pero hindi ko pa rin makita.

"Ano ba ‘yan, ang lapit ko na nga sayo, sa iba ka pa nakatingin." rinig kung salita niya sa gilid ko. Doon kulang narealize na katabi ko lang pala siya. I thought, na sina rox at lindsay ‘yong katabi ko si blue pala.

"HA HA HA HA" Pilit kong pagtawa.

"I have something to say." tinitigan ko siya sa mata. mukhang hindi siya masaya.

"Veb, mah–" hindi niya na napatapos ang sasabihin niya nung sumingit si peter. "Open forum daw, sabi ni lindsay!" Sigaw nito sa harapan namin.

Tinulak ni peter palayo si blue at siyang tumabi sa akin. "Kakaexcite mag open forum." bulong niya at sumandal sa balikat ko. "Alam mo marites, nagbago si kie ng dahil sayo." dagdag niya pa kaya napakunot ang noo ko.

Tumabi sa akin si tyrone kaya napatingin ako ng masama sakanya, nang biglang sumingit ang hari sa gitna namin. Napatingin naman ako kay peter sa kabilang gilid ko pero iba na katabi ko. Si blue.

Napakamot ulo nalang ako, 'bakit ba sila tumabi sa akin? Ang init-init, ah!

"Ano gagawin?" Victor asked habang nagc-cellphone.

"Open forum." mahinang sagot ni lindsay.

"Start na." Roxanne.

Naunang magsalita si kento pero wala akong naiitindihan sa simasabi niya dahil LUTANG ako ngayon. Ibinaling ko nalang ang aking paningin sa apoy na lumiliyab.

What if maging apoy nalang ako? siguro hindi na ako masasaktan ng ganto.

Tumingala ako sa kalangitan at tinignan ang mga bituin, 'sasusunod, isa na ako sa mga bituing nagnini-ningning sa kalangitan'

What is point of life kung puro sakit lang?

Puro kamalasan

Puro panloloko.

Pero kahit ganun, masaya pa rin mabuhay.

Okay lang ba ako? HA HA HA HA siguro.....

Pakiramdam ko ay parang may mainit sa kamay ko. Parang nangangamoy yata sunog?? Bakit parang ang sakit ng mga daliri ko?

Unti-unti akong napatingin sa kanang kamay ko, "ahhh!!!!! Ang sakitt!!!!!" Malakas na sigaw ko habang patuloy na iniihipan ang daliri ko. Hindi ko alam kung paano napunta sa may apoy ang daliri pero punyeta–ang sakittt sobra!!! Huhuness!

Napatalon-talon ako sa sobrang sakit, isinubo ko pa ito pero ma warm pero wala ding effect.

Kinuha ni tyrone ang kamay ko at inihipan, napatitig nalang ako sa ginawa niya. "Masakit pa ba?" He asked but I didn't respond.

"Kaya ko na." pagtataray ko at iniaalis ang aking kamay sa pagkakahawak niya.

Malungkot siyang bumalik sa pwesto niya.

Lumapit sa akin ang hari dala-dala ang colgate, at nilagyan ng colgate ang sugat na napaso.

Anong konek ng Colgate do'n?

Papatayin yata ako nito sa sakit, eh!

Inagaw ni blue ang daliri ko at itinanggal ang nakalagay na Colgate bago dahang-dahang nilalagyan ng alcohol.

Nagkatinginan ng masama ang dalawa, pakiramdam ko ay isang minuto nalang mag-aaway na sila.

Pinag-agawan nila ang daliri ko habang masama ang tingin sa isa't-isa.

"I can do this." aniya ng hari habang gigil na gigil na hawak ang may sugat kung daliri.

"No, go and rest. I can do this." blue

"Damn, lorence!" Nagulat ako dahil sa sinabi ng hari. "Christopher—" blue not done talking yet ng sumingit si Roxanne dala-dala ang first aid kit.

"Umupo na kayo roon, kaya ko na ito. At pwede ba? Huwag kayong mag-away dahil lang sa pag-aagawan kung sino ang gagamot dito kay veb. Mukha kayong temang tignan." aniya ni Roxanne habang dahan-dahan na ginagamot ang sakit ng daliri ko, maya-maya pa ay nilagyan niya na ito ng band aid.

Pagkatapos niya akong gamutin ay umupo ako sa tabi niya. Hindi na ako bumalik pa sa pwesto ko, baka maging lutang ulit ako.

"Marites, bakit mo ginawa ‘yong kanina?"

"Anong kanina?"

"Ginawa mong marshmallow daliri mo."

"Ay tan—bakit hindi mo ako sinaway?!?"

"Sinaway ka kaya namin, kaso hindi mo yata narinig. Madami kang iniisip, noh?"

Sinaway daw nila ako??? Bakit hindi ko narinig? Sobrang lutang na ba ako ngayon??

"Stop na nga lang!" Iritado kung sabi sakanya.

"Sino na next??" I asked, nagtinginan sila ng masama sa akin kaya tumaas ang balahibo ko. "B-bakit ganyan kayo makatingin sa akin?" Natatakot kung tanong sakanila, pero agad namang lumakas ang loob ko ng biglang humangin ng malakas.

Owshii!! Hangin pa!!

"Ikaw na!" Nagulat ako kay peter, "bakit mo ako sinigawan? Kutusan kita d'yan, eh!"

"Sa susunod kasi huwag lutang." pagpaparinig ni myko.

Kasalanan ko ba kung ipinanganak ako para maging lutang?

Magsama-sama na silang lahat

"Yong tapos na kamitapos ‘yong isa naming kasama lutang pa rin" pagpaparinig din ni Matthew.

"Hey stop." pananaway ni zedrick.

"Kantahan nalang kaya tayo?" Jethro suggest, napatango-tango nalang ako bilang pag-sang-ayon.


You are reading the story above: TeenFic.Net