CHAPTER 39

Background color
Font
Font size
Line height

May nakita kaming aso na nakaharang sa gitna ng dadaanan namin. Agad akong lumapit sakanya habang nakapamewang.

Tinaasan ko siya ng kilay at nagsmirked. "Hoy! Ano haharang ka d'yan? Tapos pag-nagalaw ka magagalit ka? Tapos hahabulin mo kami at kakagatin?" I rolled my eyes at dog.

"Oh ano? Walang balak umalis? Special ka ba?"

*Tumahol*

"Sinasagot-sagot mo ba ako?"

"Uy veb huwag!" Rox.

"Baka kagatin ka niyan" lindsay.

Nagtinginan kami ng aso. Umupo ako at nagtitigan kaming dalawa. I raised my right eyebrow while staring sharply into his eyes.

"Laban ka?"

Worf! Worf! Worf!

"Tahol-tahol ka d'yan?! Gusto mo mamatay?!"

Worf! Worf!

"Pasaway ka rin eh no?"

"Veb, stop it!" pananaway sa'kin ni lindsay.

Unti-unti ng lumalabas ang ngipin niya sa galit. Ang sama na rin ng tingin niya sa'kin kaya mas sinamaan ko ang tingin ko sakanya at ginaya ko siya. Pinalabas ko rin ang ngipin ko.

Nagiging asong ulol na siya. Kasama na ako do'n.


"Ano?!?"

"V-v-veb......" Halos nanginginig na boses ni lindsay.

"Veb...... Tara na...." Aniya namam ni Roxanne.

Worff!!

Akma niya sana akong kakagatin pero hinawakan ko ang leeg niya at sinakal siya ng sobra-sobra.

"Oh? Ano?!? Laban ka?!?" Pinalaki ko ang mga mata ko habang patuloy siyang sinasakal.

"Anong akala mo sa'kin matatakot sa isang a-a-aso?" Bigla nalang akong natauhan.

"Veb....." Roxanne called my name.

Unti-unti ko siyang binibitawan. Itinaas ko ang kanang kamay ko at nagpeace sakanya. "B-bati tayo di ba?"

W....worf!

Unti-unti akong tumayo habang nakapeace pa rin sakanya. Hanggang ngayon ay ang sama pa rin ng tingin niya sa'kin. Unting galaw ko lang makakagat niya na ako.

"TAKBOOOOOO!!!!!" malakas ma sigaw ko at nagkanya-kanya kami ng takbo. Ako talaga ang hinabol ng walang hiyang ulol na asong 'to!

Saan na pala sila?!?

Nakita ko ang L3 at kotse na sinasakyan nila na lumiko sa sa kanan. So it means.... Doon ang daan papunta sa bundok not here.....

"MOMMYYYYY!!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Lindsay.

"Gagiiii ka veb!!!"

"Sorry naman! Huhuhuhu!! Lutang lang!"

"MAMA!!!!"

"HOYYY HINTAYYYYY!!!" Tawag ko sa L3 sinasakyan ng mga tarantado. Pero parang hindi nila yata ako narinig. Patuloy pa rin sa pagdadrive at parang hindi nila kami nakitang hinahabol ng asong ulol.

Lumingon ako saglit para tignan ang asong ulol pero paglingon ko malapit na siya sa'kin.

"WAHHHH!!! MAMA!!! TULONGGGG!!!!" halos mangiyak-ngiyak at napapaos na ako kakasigaw.

Mas binilisan ko pa ang takbo ko pinilit abutin ang pintuan ng L3. Hanggang sa naabot ko na nga at nakahawak dito. Huminga ako ng malalim bago nagpahinga nang bigla kong naalala sina Roxanne at lindsay.

"Vebb!!! Tulongggg!!" Sigaw nilang dalawa.

"Saglit!" Aniya ko at tumayo. Humawak ako ng mabuti sa hawakan ng pintuan ng L3 at pilit na inaabot ang kamay ni rox.

"Abutin mo kamay ko dali!" Saad ko.

Balak kong hilain siya para makasakay din. Sino ba kasi ang nagdrive sa L3 'to?!? Hindi manlang huminto!

Maabot ko na sana ang kamay ni rox ng biglang...... Bumukas ang pintuan ng L3.

"Patay....." Ang tanging nasabi ko at bigla nalang akong nilipad ng hangin. Buti nalang ay nakahawak pa rin ako sa pintuan ng L3.

"SINONG POTANGINANG NAGBUKAS NITO?!?" Malakas na sigaw habang pilit na humahawak para hindi liparin at mahulog.

Makakaraos na sana ako ng bigla namang isinirado ang pintuan ng L3 kaya naipit ako at napabitaw.

Gumulong-gulong ako sa halamanan.

"TARANTADO KAYO!! HUHUHUHU!! YAWA!! ANG SAKIT NG KAMAY KO!!"

"MARITES NAKATATLO KANA!!" sigaw ni peter.

So si peter pala ang may kagagawan ng lahat ng ito. Tapos wala pa ring silang balak huminto?!?

Susuko na sana ako pero narinig ko ang tahol ng aso kaya dali-dali akong tumayo at at hinabol ang L3

"TANGINA NIYO!! HUMINTO NAMAN KAYO!! TARANTADO TALAGA KAYO KAHIT KAILAN!!"

"SABI MO MAGLALAKAD KAYO?? HINDI NA KASYA TAKBO NALANG KAYO PARA MABILIS KAYONG MAKARATING!" malakas na sigaw ni kento.

"TARANTADO!!!"

Buti nalang flat ako kaya walang pahirap sa buhay ko. Kawawa naman si Lindsay. Ang bigat ng dala niya. Gusto ko ng huminto pero hindi pwede dahil nakasunod pa rin sa amin ang asong ulol.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko hanggang sa kaya ko at pilit na iniaabot ang pintuan ng L3. Swerte ko nga naman naabot ko ulit. Ngayon ay safe na ako. Buti nalang may hawakan malapit sa pintuan ng L3 doon ako humawak. Baka mamaya bigla na naman 'tong magbukas tapos gumulong ulit ako!

Nagpahinga mo na ako ilang saglit at isa-isang hinila sina rox at lindsay. Sa kagandahang palad, okay na kaming tatlo. Nakasabit sa likod ng L3.

Dapat pala nagjeep nalang kami!

Tumingala ako at naalala kung marunong pala akong umakyat sa pwede ako sa taas ng L3.

"Hoy veb saan kana naman pupunta?" Hingal na hingal na saad ni rox.

"Aakyat sa taas ng L3. Doon ako, parang mas safe do'n" aniya ko at pilit na umakyat.

"Gaga! Eh, mas lalo kang mapapahamak do'n!" Saad naman ni lindsay na ikinagulat ko.

"Paki-ulit nga! Nagmumura? Amazing!" Halos di mapakapaniwalang sabi ko.

Nagtawanan mo na kaming tatlo bago ko ipinagpatuloy ang pag-akyat.

And thanks god! Naka-akyat ako ng safe.

"Sama ako!" Sabi ni rox. At sumunod sa'kin, inalalayan ko ang kamay niyang umakyat baka mahulog siya. Buti nalang ay hindi lubak-lubak ang daanan kaya hindi kami nahirapan. Ganun din ang ginawa ni lindsay, sumama na rin siya sa'min.

Nang okay na kaming tatlo ay napahiga nalang kami sa pagod.

"Grabe, kahit na nakakatakot at nakakaba 'yong nangyari na-enjoy ko naman at ang saya, thank you veb" *tumingin sa'kin*

"Okay lang 'yon, wan. First time rin 'tong nangyari sa'kin. Dati hindi naman kasi ako ganto."

"Yong lutang?" Rox.

"Oum." ang tanging nasagot ko at nilasap ang simo'y ng hangin

"Madami ka sigurong iniisip kaya ganyan ka" Lindsay.

"I have a lot of questions inside my head but I chose to be silent."

"P'wede ka namang magtanong sa'min. Pero 'yong alam lang namin, ang maisasagot namin sa'yo." Sabi ni rox at tumingin sa kalangitan.

"Soon nalang siguro...."

"Hingal na hingal ako do'n grabe!" Lindsay.

Naghawak hawak kamay kaming tatlo at sabay na tumingin sa kalangitan at sumigaw ng..... "ANG SAYAAAA!!!" sabay nagtawanan.

Ngayon lang ako sumaya ng ganto simula nung nakilala ko sila. Thanks god, dahil kahit papano ay sumasaya ako at hindi ko naiisip ang mga problema ko.














You are reading the story above: TeenFic.Net