CHAPTER 36

Background color
Font
Font size
Line height

"AHHHHHHH!!!!" malakas na sigaw ko dahil bigla nalang bumuhos ang napaka-lakas na ulan.

I crossed my arms at sumandal sa pintuan. "Piste! Paano kami makaka-hiking nito? Epal lang ganun?!? May sinabi ba akong umulan ka ngayon?!? May sinabi ako?!? May SINASABII AKO?!?!" Halos mapaos na ako kakasigaw dito habang si blue at tita ay nagkakape.

I rolled my eyes at pumunta sa ulanan.

"Lakasan mo pa!" I raised my two hand. "Kumidlat ka!!" I shouted ng bigla nalang kumidlat nang napakalakas. "PAPATAYIN MO BA AKO?!? HUH!?"

gusto yata nito na sambahin ko siya.

"Veb! Baka lagnatin ka d'yan. Pumasok ka rito," aniya ni tita dhie.

Hindi ko pinansin si tita at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. "Isa kang malaking piste sa buhay ko!"

Padabug akong lumapit sa kotse ni blue at pinaghahampas ko. "Kasalanan mo 'to eh! Kasalanan mo!!" Umakyat ako sa kotse ng bigla nalang ako—nadulas....... But nasalo ako ni blue.

Bilis naman, flash lang?

"be careful." he said at ibinaba ako.

Umakyat ulit ako sa kotse. Nahuhulog ako ng paulit-ulit pero nasasalo ako ni blue.

Hanggang sa mapagod ako patuloy pa rin ako sa pag-akyat.

"Binibini, ano ba itong kalokohang ginagawa mo?"

"Upakan kaya kita?!? Huwag mo 'kong Pakealam, pwede ba?" Aakyat pa sana pero hinila niya ang paa ko.

"Sisipain kita!"

"Be careful, okay?"

"Sabing—arghhh!!! Huwag mo 'kong hawakan! Impakto ka!" Sinipa ko siya sa mukha at pinilit maka-akyat kahit madulas.

Malapit na sana akong maka-akyat ng hilain niya ulit ang paa ko. "Malapit na ako sa finish line, alam mo ba ‘yon?! Huh!" Gigil kung sabi sakanya.

"Let's go, baka magkaroon ka pa ng fever."

"Eh, pake mo?!? Asawa ba kita?!" Naiirita kong sabi sakanya at pinilit umakyat.

Huminga siya ng malalim bago nag-salita. "Future wife. I think I'll die early if you're with me." he whispered.

"Edi good!"

"You heard?" Gulat na tanong niya sa'kin.

"Anong akala mo sa‘kin, binge?" I rolled my eyes.

Halos hindi na ako maka-galaw dahil sa pagod. bigla nalang nanilim ang paningin ko. Masakit ang ulo ko at nanakit ang buong katawan ko. Bago pa man tuluyang pumikit ang mga mata ko nakita ko si blue na nakatitig sa'kin at akma akong hahalikan. Hindi ko nakita ang susunod pang nangyari dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.

Goodbye earth...... hanggang sa muling pagkikita.

****

nagising ako dahil sa ingay sa paligid ko. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Bumungad sa'kin ang mga nakapalibot na mga unggoy.

"She's awake!" Unggoy 1.

"Gising na si marites!" Unggoy 2.

"Sino kayo?" taas-kilay kong tanong sakanila. Nagkatinginan silang lahat at muling tumingin sa akin.

"Kami, kami ang mga asawa mo." aniya ni unggoy 3.

A-asawa? ASAWA?!?

"Mahal, ano bang nangyari sa iyo?" Unggoy 4.

"Pinag-alala mo kami." sabi ni unggoy 5 at lumapit sa'kin.

"stay away from me!"

"Marite-"

"Ikaw! Lumayas ka dito!"

"Tita!! Si marites po nang-aaway!!"

"Sumbongero." I whispered.

T-teka ano bang nangyari sa'kin kanina? Arghh!! Ang sakit ng ulo ko!

Napahawak ako sa ulo dahil sa sobrang sakit. 'magkaka-lagnat yata ako'

"Binibini, are you okay?" tanong sa'kin ng gwapong unggoy 6.

"Wife, next time huwag kang mag-paulan. Para hindi kana ulit manakawan ng halik." sabi ng unggoy 7 habang nakatingin sa gwapong unggoy.

Tinaasan ko lang sila ng kilay.

"Lumayas kayo sa papamahay ko!" Malakas na sigaw ko.

Lumapit sa'kin si unggoy 8. "Veb, ano nakain mo?"

"Wala akong kinain, ba't ba?!"

"Kaya naman pala."

"Marites, gusto mo hotdog?" Sabi ni unggoy 2. Bigla nalang may nag-flashback sa utak ko.

Akma na sanang iaabot sa'kin ni peter hotdog pero sinipa ko ito.

"Okay na ako, tara hiking!" Pang-yaya ko sakanila at akma akong tatayo pero nagsilapitan sila sa'kin at inalalayan akong umupo.

"Gabi na" victor.

"Anong gabi na?"

"It's evening" Matthew.

"Di ba dalawang oras lang akong tulog?" tanong ko sakanila pero tinaasan lang nila ako ng kilay.

"2 days kanang tulog not 2 hour" pag-tatama ni ivan.

"T-two days?!? Owemjii! Namatay ba ako?"

"Nahimatay" jaycer

"Luh! Anong nangyari sakin?!?"

"Nagpa-ulan ka at pilit na umaakyat sa kotse ko." sabi ni blue habang nakacrossed arms.

Kyahhhh!!!!

Tumayo ako at kinuha ang kapeng iniinom ni victor.

"Kung ganun, two days nga akong nakatulog dahil sa kamalasan ko."

"Hindi kamalasan ‘yon, katangahan" singit ni eraño.

Ibinalik ko kay victor ang basong walang laman at inagaw ko naman ang kapeng iniinom ni gynner. "Akin ya—" hindi niya na pinatapos pa ang sasabihin niya dahil tinakpan ni myko ang bibig niya.

"Baka, namatay ako dahil sa kagandahn ko?" Naibuga sa'kin ni peter ang shake na iniinom niya.

"Yuckkkk!!!! Germsss!!! Kadiriiiii!!" Kinuha ni kyle ang kapeng hawak ko baka raw mahulog.

Lumapit sa'kin si ivan at flash na nagmamadaling punasan ang mukha ko.

"Next time be careful, peter." singit ng hari at tumayo at humakbang palapit sa'kin.

"Wife, tomorrow we have a hiking kaya dapat magpagaling ka ngayon." aniya niya at tinalian ang buhok ko.

"Magaling naman ako, ah?"

"Hindi pa gaano, may sapi ka pa." dash.

"Arghh!!!"

Nagulat ako sa biglang pagyakap nila sa'king lahat. "Akala namin, patay kana." mangiyak-ngiyak na sabi ni myko.

"Aish, hindi pa ako pwedeng mamatay. Kapag patay na ako wala ng maganda sa mundo." bumitaw sila sa'kin at nagsilayuan.

"Bakit may masama ba sa sinabi ko?"

"Ang hanginnnn!!!" Dash.

"Lakas ng Aircon dito!!" Myko.

"Sarado niyo ‘yong bintana, binabagyo tayo." peter.

"Nalutang!" Eraño.

"Sobrang lakas ng hangin!! Para na akong liliparin!" Gynner.

Tinignan ko sila ng masama at tumawa ng nakakabaliw.

"Dalhin na sa mental ‘yan!!" Sigaw ni kento.

Pinagtulungan nila akong buhatin.

"Alam niyo ba ‘yong coffin dance?" Tanong ng hari sakanila.

"Yes sir!" Sabay-sabay nilang sigaw.

"Dre, patugtug mo ‘yong astronomia" utos ng hari kay blue.

"Ready na kayo?" Tanong ng hari sakanila. Tumango-tango lang sila at inilapag ulit ako sa kama.

Nagulat ako sa susunod nilang ginawa. Binuhat nila ang KAMA!

At panghuli pinatugtug ni blue ang astronomia. Habang ako nakaupo lang sa kama habang dala-dala nila.


Goodbye earth, nababaliw na naman nila. Kasalanan ito ng hari!


You are reading the story above: TeenFic.Net