CHAPTER 140

Background color
Font
Font size
Line height

Andito ako sa bahay nina kill. Napabisita lang ako, buti nalang at wala ang dad niya dito. Wala pa naman ako sa mood para makita ‘yon.

Hindi ko alam kung may problema ba si cierra sa akin, kasi hindi manlang ako binati. Iniiwasan ako.

"Don't mind her." Aniya ni cyriena sabay abot sa akin ng kape.

"Where's your kuya?"

"On his room, wait I will call him."

"Kahit huwag na, baka may importanteng ginagawa."

"Walang importante sakanya maliban sa'yo," sambit niya bago umakyat. Ako naman ay hinigop ko ang kape.

Bakit kaya hindi ako pinapansin ni cierra? Ngayon na nga lang kami nagkita, ganyan pa siya sa akin. Nakakasama naman ng loob, soon family na kami eh. Charrot!

"Yam!!!" sigaw ng hari at patakbong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Baliktad, dapat ako ‘yong dinalaw niya sa bahay, hindi ako ‘yong dumalaw sakanya. Tsk! Tsk! Tsk!

"I really miss you!"

Humiwalay ako sakanya, "E, bakit hindi mo ako dinalaw sa bahay?" nakangusong sambit ko.

"I was busy...."

"Busy to?"

"Secret!"

"Ewan ko sa'yo!" padabug akong umakyat sa taas, sinundan niya naman ako. Dumiretso ako sa kwarto niya at kinandado.

Katok siya ng katok sa labas.

"Ano kaya ito?" Lumapit ako sa laptop niya.

Bakit ako may picture dito?

D-don't tell me..... Busy siya kakaedit ng picture ko?!?

Sabi ko nga.

Pinagbuksan ko siya ng pintuan, "wala. Wala akong nakita. Hindi ko nga nakita ‘yong nasa laptop eh." Ngumuso siya sabay lapit sa laptop at ipinatong ito sa maliit na table.

Isinirado ko naman ang pinto at humiga sa kama niya.

Hys.... Ang lamig dito.

Tumabi siya sa akin at niyakap ako, "Yam.... Ilang anak gusto mo?" napabangon ako at binatukan ko siya. "Ays! Ewan ko sa'yo. Kala mo naman papakasalan talaga." Pagtataray ko sabay tumayo.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya nag death glare ako sakanya, "naiihi ako. Sama ka ba sa cr?" Padabug kung binitawan ang kamay niya sabay takbo palabas.

"YAM!!!" piste ‘to, naiihi na nga ako, Ayaw pa akong paalisin, hyss.

Pagkatapos kung mag cr ay napahinto ako sa kwarto ni cierra dahil narinig ko siyang umiiyak. Hindi ko nalang pinansin at dumiretso sa kwarto ng hari.

"Bts o ako?" nagcrossed arms ako. "Bts. Bakit sino ka ba para piliin ko?" Hinablot niya ang bewang ko at pinaupo sa lap niya.

Pinitik niya ang ilong ko sabay nag nose to nose kaming dalawa.

"Yam..... May susi ka ba ng kwarto ni cierra?....."

"Why? Anything problems, love?"

"Huwag mo nga akong tawaging love! Kadiri pakinggan. Mas okay na ‘yong 'yam' kaysa sa 'love'."

"Sure, yam....." he kissed me bago tumayo.

Nakakarami na ‘to sa akin. Hindi na nga ako nagmumura para makaiwas sa bibig niya. Nagsasawa na ako ah! Gusto ko ‘yong ano nya ..... Oh! Huwag green minded! Dapat red minded tayo.

Iniabot niya sa akin ang susi ng kwarto ni cierra, kinuha ko naman at nagpa 'thank you'

Lalabas na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko. I raised my right eyebrow.

Pinaayos niya ako ng upo at tumabi siya sa akin habang may hawak na guitar.

Nagsimula siyang maguitara kaya nakinig nalang ako. Mamaya nalang si cierra.

"I'm not bandang lapis but........
Nang dumating ka sa buhay ko

Binago mo'ng lahat pati ang aking mundo
Binigyan mo ng ngiti at ligaya ang buhay
Pangako ko sa 'yo na hindi kita iiwan."

I smile and hugged him.

Nagpaalam ako sakanya na pumunta sa kwarto ni cierra. Pumayag naman siya, subukan niyang hindi pumayag, ipapabomba ko ‘tong, mansyon nila.

Pagabi na pala......

Bubuksan ko na sana ang kwarto ni cierra ng tumunog ang cellphone ko.

Nagtext si kuya.

From: kuya kong unggoy.

Where are you? Ano Oras na oh!

Reply:

Andito ako kina kie. Punta ka nalang dito.

Itinago ko na ang cellphone ko at dumiretsong pumasok sa kwarto ni cierra ng hindi kumakatok.

Naabutan ko siyang nanonood habang umiiyak, tatawagin ko na sana siya ng marinig ko ang pangalan ni mama sa screen ng laptop niya.

Dali dali akong tumabi sakanya, "a-a-ate abbi?......" gulat na gulat siya sa akin. Balak niya pa sanang itago ‘yong video pero pinigilan ko siya.

ON THE LAPTOP:

*CRYING*

Sino ang babaeng nasa screen? Bakit siya umiiyak?

"This is klarein Siervo. I'am the wife of Richard Siervo........." Pinahiran niya ang luha niya.

"Abbiana soneta...... sorry.... Sorry....." Bakit siya nagsorry kay mama?

"your husband saw me......" Anong ibig niyang sabihin?

"Ako ang bumalak na pumatay sainyo...... Yes, I'am. Sorry..... I'm so sorry......"

W-what..... Ang mama ng hari ang balak pumatay sa mga magulang ko.... Pero bakit?

"Hindi naman dapat kasama ‘yong husband mo pero..... He saw me. That's why, napasama siya. Takot na takot ako ng mga araw na ‘yon..... kung nasa'n ka man ngayon, nawa'y mapatawad mo ako...... I'm sorry....." P-pero bakit?

"Ikaw ang target ko at hindi ang asawa mo. I hate you, I hate you very much Abbiana......." bakit ayaw niya kay mama?

"you took everything from me ....." Anong ibig niya'ng sabihin na kinuha ni mama lahat sakanya?

"my husband still loves you. that's why i hate you. I know he's your friend but–ako ‘yong asawa niya pero ikaw laging nasa isip niya....." Pinause ko na ang video dahil ayaw ko na marinig ang kasunod pa niyang sasabihin.....

"Ate abbi....."

"Stop talking to me cierra!" Humagulgul siya ng iyak kaya napayakap nalang ako sakanya, "sorry.... Sorry......"

Nagselos siya kay mama kaya ginawa niya ‘yon?

"Sorry ate abbi.... Sorry.... Baka masira ko relationship niyo ni kuya kaya hindi ko agad ipinakita sa'yo...."

"Kaya ba nilayuan mo ako?" tumango-tango siya at umiyak ng umiyak. Wala akong magawa kundi ang yakapin siya.

Pinindot niya ang next ng video kaya napatingin ulit ako sa laptop.

It's a cctv.

Teka..... Ang sakit ng ulo ko–ugh!

Napahawak ako sa ulo ko.

"Ate..... what's going on? Are you okay?"

"I'm okay..... Thank you...."

Nakatitig lang ako sa screen habang nakahawak sa ulo ko.

Nakita ko ang sarili ko sa cctv. Kasama ko sina mama at papa, also my brother and little sister.

Pumasok ako ng cr ganun din si kuya, habang si zeb ay nakatayo lang sa labas ng cr tapos sina mama nakatayo sa tabi ni zeb.

Napansin ko ang babaeng nakamask sa gilid at may dalang baril.

Nagpaputok siya at tumama kay mama ang bala, lumingon si papa. Pero saktong paglingon ng tatay-tatayan ko ay binaril din siya.

T-tapos...... Si Zebbiana kinuha ng kung sinong babae.........

Doon ko lang napansin ang sarili kong nakatayo habang gulat na gulat sa lahat ng nakita ko. Bata palang ako......

Lumabas si kuya sa cr.....

Napabaling ang tingin ko sa babaeng bumaril kina mama at tatay-tatayan ko.

Nabitawan niya ang baril niya at tinanggal niya ang facemask niya. It's.... I-it's really..... Klarein.... ang mommy nila cierra.

Para din siyang nagulat sa ginawa niya, tumakbo siya paalis.

Napatingin naman ako sa sarili ko na niyuyogyog na ako ni kuya.

Pinatay ni cierra ang laptop ng nakita niya akong nahihirapan.

At doon na nga nagpop up sa akin ang lahat ng nangyari sa nakaraan......

I saw Everything........ Lahat lahat......

Bumilis ang tibok ng puso ko......

"ATE ABBI!!" napatingin ako kay cyriena na hingal na hingal habang nakahawak sa pintuan.

"Bakit?"

"Si kuya and kuya Nathan nasa rooftop!"

"What happened?"

"Napanood lahat ni kuya Nathan ‘yong nasa video! Ate abbi.... I'm begging you.... Please help kuya...." Tumulo ang mga luha niya.


You are reading the story above: TeenFic.Net