CHAPTER 138

Background color
Font
Font size
Line height

Nagpaiwan sa labas si bella. Habang ako ay ready ng kumatok sa pintuan ng bahay namin–tita.

Narinig ko pa silang nag-uusap kaya nanatili akong nakatayo sa labas ng pinto.

"Naku abbiana! Kailan mo ba talaga sasabihin sakanila ang katotohanan?!" Galit na sigaw ni tita.

So it's true. She is my mom.

"I'm not ready–"

"Lagi naman eh! Lagi ka namang ganyan! Inilayo mo na nga si abbi sa daddy niya, tapos ipagkakait mo pa ang katotohanan?!"

"Kaya ko lang naman kas–"

"Alam ko! Alam ko Abbiana! Kaya ka namang ipagtatanggol ni Leonardo eh! Kaso nga lang–nagpadaig ka sa takot mo!"

"Ayaw kung mawala sa akin ang anak ko....."

"Hindi mawawala sa'yo ang anak mo–ugh! C'mon Abbiana..... Malaki na si veb. At maintindihan niya ang nangyari sa inyo. Sa nakaraan mo. Parati niya akong tinatanong about sa past–wala akong maisagot." Nakarinig ako ng hikbi.

"Galit sakanya ang kuya niya, matagal niyang pinapangarap na makita at mayakap ang mga kapatid niya..... Pero ano nangyari? Ayaw ng kuya niya kay veb–Nang dahil sa'yo ‘yon!

"Yes, she is not a Delos Reyes dahil isa siyang Wu. Alam naman nating lahat kung gaano kalaki ang company ng mga wu, sikat sila sa buong mundo." kaya pala ganun nalang ang galit ni lola dati kay daddy. Kaya pala sabi niya sa akin, ayaw niya na masira ang pangalan ng pamilya nila. Alam ko na ngayon......

"Ang laki ng naitulong ni Leonardo sa family natin, remember?..... Lagi siyang nagpapadala ng pera para sa'yo at sa anak niyo. Nang dahil sa perang iyon, ay nakapagpatayo kayo ng business na sumikat sa buong mundo.

"Ayan ang dahilan kung bakit nagseselos si Nathaniel kay Vebbiana. Nang dahil sa perang iyon. Ang lahat ng kayamanan ninyo ay kay veb niyo lang binigay, how about sa iba? Magkapatid sila pero magka-iba ng ama. Pero pareho mo silang anak, Abbiana....."

Hindi ko na pala namalayan na katabi ko na ang kuya ko–nakikinig rin.

Bahagya akong napatingin sakanya, nakakuyom ito. Padabug kung binuksan ang pintuan.

"So, totoo pala ‘yon?" nagulat silang dalawa.

"Mom, akala ko wala kana?" Mangiyak ngiyak na tanong ni kuya. "Where's dad?" Dagdag niya pa. Humagulgul ng iyak si mama.

"He didn't survive."

"Bakit hindi niyo sinabi sa amin? Bakit ka nagtago ma?"

"Sorry mga anak ko....." Imbes na magalit ako ay niyakap ko nalang siya.

I understand what happened.

I know na rin kung bakit nagseselos si kuya sa akin, dahil sa akin pala lahat ng kayamanan ng pamilya namin.

Napayakap na rin si kuya. Bahagya akong tumingin sakanya, "kuya–" hindi ko napapatapos ang sasabihin ko ng yakapin niya ako ng mahigpit.

"Sorry bunso....." B-b-bunso?......

"Kuya, hindi ko naman kailangan ng pera eh. Hindi ko kailangan ng business, gusto ko ikaw....... Gusto kitang makasama–kayo.... Kayo na pamilya ko." Humagulgul ako ng iyak na halos hindi na ako makahinga.

"I understand na ngayon kung bakit sa'yo lang ibinigay lahat ng ari-arian ng pamilya natin. I'm sorry to hate you..... Sorry bunso...."

Pinahiran ko ang mga luha ko at marahan na tumingin sakanila. "We found Zebbiana......" Gulat na gulat silang lahat na tumingin sa akin.

"S-saan?" Nauutal na tanong ni mama.

Napatingin ako kay kuya, "si Sophia..... siya si Zebbiana....." Nabigla si kuya sa sinabi ko.

"Hindi siya totoong Estrella, dahil Delos Reyes siya."

"Magkapatid sila ni–"

"Nang girlfriend mo!"

"No, she's not my girlfriend......"

"Huh?"

"Hindi ko siya mahal. Dahil ang mahal ko ay si–"

"Lindsay? Bakit ayaw mong sabihin sakanya?–" pinutol na ni mama ang sasabihin ko.

"Mamaya na kayo mag-usap. Let's go to the Estrella mansion!" Seryosong saad ni mama

"Tatawag ako ng pulis." Sambit naman ni tita.

Nagulat ako ng kinuha ni mama ang motor niya. Sakanya pala ‘yon? Dati ko pa ‘yon nakikita do'n sa gilid akala ko kay tita.

Mas nashocked pa ako ng hinubad niya ang damit niya–damn! I'm inlove with my mom! Ang sexy niya yawa! Napapamura talaga ako sa kasexyhan at kagandahan niya.

Mommy ko ba talaga ‘to?

"Sumunod nalang kayo!" Aniya sabay suot ng helmet at nagpatakbo ng mabilis.

"Uy! Veb! Ano na?" tulala na pala ako. Grabe, ang ganda ng mama ko! Kaya pala ang ganda ko– WHAHAHA ang gaganda at ang gwagwapo talaga ng mga lahi namin. Tss. Isang tingin inlove agad.

Love at first sight! Bruh!

***

"M-m-mrs.... D-delos R-re-reyes?" Nagulat ang parents ni ysabella ng dumating kami–lalo na si mama.

Naabutan naming sinasaktan pa rin nila si sophia.

"What's going on?" Natatarantang tanong ni Sophia. Hawak na ng kapulisan ang mga magulang ni ysabella kasama siya.

Lumuhod ang mommy and daddy ni ysabella kay mommy.

"Mrs. Delos Reyes.... I'm begging you..... Please huwag po."

"Mom!" Naiiritang sigaw ni ysabella. "Nathaniel....." tawag niya kay kuya pero hindi siya nito pinansin.

Lumapit ako at hinila palayo si Sophia sakanila. "What's happening???"

"Bhie, magkapatid kayong tatlo." Singit ni eshang.

Sinenyasan kami ni mama na dalhin si sophia sa loob ng kotse, agad naman naming sinunod.

Hanggang ngayon ay parang wala pa rin sa sarili si Sophia, natataranta siya at hindi alam kung anong gagawin niya.

"Ano ba nangyayari? Bella....."

"I'm happy for you, Sophia. You're not Estrella. Delos Reyes ka, kapatid mo si nathan and veb." Pagpapaliwanag ni bella.

Nabigla siyang napatingin sa amin habang gulat na gulat.

Napatingin siya kay mommy na kinakakausap ang parents ni ysabella. "She's our mom?" She asked. Tumango-tango naman ako. "Ganda noh? Pero mas maganda ako....." Bigla nalang nila akong nilayuan.

"Edi kayo na maganda! Kala niyo naman ang gaganda niyo e mga mukhang tae lang naman kayo!" Mas lalo pa nila akong nilayuan.

Aba't..... Hindi ko yata mga kapatid at mga kaibigan ‘to eh!

Hindi nila tanggap na mas maganda ako kesa sa kanila.

I rolled my eyes. "Hindi nga talaga ako DELOS REYES!" Nagulat ako ng yakapin ako ni Sophia.

"Sorryy.... Dahil sinaktan kita..... Sorry...."

Hinawakan ko siya sa balikat, "ano ba pere nemeng tenge ‘to. Joke lang! Okay lang uy! Sanay na akong masaktan." aniya ko sabay hawak sa dibdib.

"Friendship over na kami nina alora. She choose herself kaysa sa amin."

"Selfish talaga ‘yon." Mataray na sambit ni bella sabay flipped ng hair.

Papalapit sa amin si mama kaya lumabas kami ng kotse at sinalubong siya ng yakap.

"Sorry mga anak ko....."

"It's okay mom....." Sambit ni kuya.

"Babawi si mama sainyo...." I just smiled.

Nasagot na lahat ng katanungan.... Isa nalang talaga, sino ang binalak na patayin sina mama at ang tatay-tatayan ko?


You are reading the story above: TeenFic.Net