CHAPTER 112

Background color
Font
Font size
Line height

Kinakabahan akong pumasok sa mansyon nina lorence. May patay ba talaga dito? Walang bisita eh, wala ding mga kotse.

"Ms. Benidicto, nasa kabilang mansion po." Sambit ni kuya guard.

Taena! Kapagod magbyahe ah! Tapos sa kabila pa pala!

Are you loko loko me?

Jusmeyo!

"Alam mo ba address?" tanong ni tylia kay eshang pero nagkamot ito ng ulo. Means, hindi niya alam.

Magpinsan nga ba talaga silang dalawa? Mamaya mag-asawa na pala sila.

"Bukas na nga lang. Kainis. Bakit kasi ang dami nilang bahay?" Pagrereklamo ko sabay padabug na naglakad.

Ay gagu! Hindi kami nagbayad sa jeep! Ay hindi na namin kasalanan ‘yon, di nila inabot eh. Dzuh! Pero buti hindi kami napansin ni kuyang driver.

Malakas na music ang narinig ko mula sa dumaan na tricycle.

Kaya ko namang ilaban ka pa, alam mo naman na iningatan kita~

Ano ba ‘yan, broken ba si kuya?

Ays!

Napahinto ako at nagtanong sakanila ng, "Saan tayo?"

"Hindi ko alam, sinusundan lang kita eh" Sagot ni eshang. "Mee too, saan nga ba tayo?" Ani naman nu tylia.

"Pinagloloko niyo ba ako? Sinusundan ko rin lang kayo e."

"Ay naku marimar!"

Nakarinig na naman ako ng tugtog galing sa isang bahay.

The way you looking to my eyes i know you want it~

Ang aga pa, nag pa-party na sila?

Dami ko ‘atang naririnig na music ngayon?

"So, saan tayo?" tylia. "Lakad lakad nalang tayo dito. " Eshang.

OWEMJII!! NARINIG KO ‘YONG KANTA NI ATE DONNA NA HAPPY BREAK UP!

Napahinto ako at umupo sa gitna ng kalsada.

"Hoy abbi, magpapakamatay ka ba?"

"Gusto mo na ‘atang sumunod kay kuya ah!"

‘yong 'happy break up ‘yong tugtog pero nakangiti ako. Hindi naman ako broken, namatayan lang.

Maraming may hate kay tyrone katulad ko. Ako na mismo magpapatunay na hindi talaga babaero si tyrone.

He is loyal to me. Nilandi nga lang. Nagpalandi naman. Tss!

Hindi ko namalayan na nasa kotse na pala kami.

Paano ako napasok dito? E kanina lang nasa gitna ako ng kalsada. Kaya pala biglang nawala ‘yong tugtug.

Kaasar lalo. Nag-eenjoy pa ako eh!

"Kanina pa ‘yan lutang, huwag niyo nalang pansinin."

"Baka may iniisip,"

"Namiss siguro si–" punyemas na gynner ‘to. Kaninong kotse ba itong sinakyan namin? Napatingin ako sa katabi kong lalaki. I was shocked kasi ang hari pala ito.

Luh?

"Punta tayo sa tambayan namin dati" rinig kung sambit ni kento. "Mahangin do'n, at doon rin kami nagpaparactice kumanta." Singit naman ni ivan.

Napansin ko ang rosas na nasa paahan ko. 'para kanino naman ito?' ang dami naman ‘ata?

"Strict ng parents ni Lorence, ang hirap makapasok sa mansion nila." Eraño.

"Oo nga eh, kilala naman tayo. Sadyang nakalimutan lang natin ‘yong passcard natin." Kael

"Hindi na tayo tanda ni tita, ang gwapo ko na daw kasi." Kyle

"Grabe bhie, malakas ang hangin." Eshang.

"Nabagyo na nga eh" singit ko pa.

Naalala ko tuloy ‘yong moment namin ni blue dito sa kotse. Ang daming nangyari...... kamiss lalo na siya.

Namiss ko na ang boses niya. Namiss ko na ang panghaharana niya sa akin. Namiss ko na ang pang-aasar niya. Namiss ko na ang lahat sakanya.

"Saan nga pala si victot? Ngayon ko lang napansin, bakit wala siya?"

"Kasama niya si Roxanne." Hari ng mga tarantado answered.

"Hyss forever nga naman oh. Ship ko talaga silang dalawa, VIROX!" nabigla ako sa biglaang pagprino ng hari.

"Ano ba! Dahan dahan naman!" Pagrereklamo ko sabay check kay tylia kung okay lang ba siya.

"What did you say? Virox?"

"Oo bakit?.... Victor and Roxanne, Virox!" nagtawanan silang lahat maliban sa aming mga babae.

Anong nakakatawa?

"Veb, hindi mo pa ‘ata alam na magkapatid sila." natatawang sambit ni jaycer.

Seryoso ba ‘yan?

"Para lang talaga silang magjowa pero magkapatid sila. Ang sweet kasi, mas sweet pa sa asukal BWHAHAHAHAHA" kael,

"You ship them without knowing na magkapatid pala sila," kento.

Ma-magkapatid sila?!? Kakaiyakkkk!!! Bakit hindi ko napansin ‘yon?! Bakit kasi ang sweet nila? Kaya pala care sila sa isa't-isa! Taena! Ayaw ko na! Lubog na!

Akala ko nasa pinsan ang true love, nasa kapatid lang pala.

"Fullname ni rox?" tanong ko pa.

"Roxanne xhy Rodeo" sagot ng hari. "Tapos si victot?"

"Victor jace Rodeo." Dagdag niya pa.

Lintik na buhay ‘to oh!

*Katahimikan*

Bakit hndi nila sinabi sa akin na magkapatid pala ‘yong dalawa? Kakahiya naman gagi!! Shiniship ko pa sila!! Kakaiyak:)

Tapos ito naman si victot hindi sinabi sa akin, mas malala si Roxanne. Lagi ko pa naman siyang kasama tapos nalaman ko nalang na magkapatid sila?!

Are you kidding me?

"Marites, ka ano ano mo pala si jethro?" Pambasag katahimikan ni peter.

"Bakit ba tayo nagsiksikan dito sa kotse?" Pag-iba ko ng topic.

"Marites?"

"Oo na!"

"Ka ano ano mo?"

"Naging kayo di ba? One day lang?" Myko.

Phutaaaaa nakalimutan ko na nga e, pinaalala pa ng tarantado!

"Pinsan ko." Sagot ko.

"PINSAN MO?!?" Sabay sabay nilang sigaw maliban sa hari. Hindi siya nashocked.

"It's obvious, tita dhei is andres. And also, mommy ni jethro is an Andres. Same apilyedo sila ng napangasawa." Loading ang utak ng mga tarantado maliban sa hari.

Magkapatid si mama ko at si tita, dapat ate itawag ko eh pero nasanay ako sa tita. Napangasawa ni mama Delos Reyes, tapos si tita dhei Andres ganun din ang mommy ni jethro. Also an Andres.

"Akala ko, kayo talaga ni jeth kasi ang sweet niyo," kyle. "Tapos lagi pa kayong makasama" kael.

Hindi naman talaga kami laging magkasama, mahilig gumala ‘yon, eh ako nagbagong buhay na.

"Naku hindi. Bantayan ko raw siya sabi ni tita," baka daw maaga makabuntis. Walang tiwala sa anak niya, AHAHAHAHAHA sabagay, may point si tita.

Kaso ngayon wala na akong babantayan, siya mismo nagsabi sa akin dati nung nasa taas kami ng puno nakatambay na, 'walang iwanan' pero iniwan ako hshshshhs

Sabi ko hindi na ako maniniwala sa mga pangako pero–bakit ganun?

Inaantok na naman ako.

Pagdating namin sa tambayan nila. Hindi ko inexpect na sa tree house din katulad nung nasa school. Kinuha ni gian at ni ivan ang mga rosas. Tapos, ibinigay sa lahat ng section 7 maliban sa aming girls.

"Ano gagawin niyo?"

"Madami kaming memories dito....." Peter. Naging sadboy bigla!

Kumuha ng tape si eraño at idinikit ang rosas sa puno kung saan nasa taas nito ang ang mini house (tree house)

Ganun din ang ginawa ng iba at ang nahuli na naglagay ay ang hari.

Ngayon ko lang din napansin na may nakaukit palang mga pangalan sa puno.

"Umukit ka d’yan, yam." Sambit ng hari at binigyan ako ng pako. Kinuha ko naman ito at umukit.

'Vebbiana maganda'

Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ang mga nakaukit.

The best pala friendship nilang lahat, nakakaproud naman.

Nagpapakahirap pa ako sa pako e meron naman pala akong cutter! Katangahan nga naman pinapairal ko oh!

Pero atleast maganda.


You are reading the story above: TeenFic.Net