KABANATA 3

Background color
Font
Font size
Line height

Zaiynx POV

Maaga akong nakatulog kagabi at hindi na ako nakapag-hapunan ng dahil narin sa pagod at sa pag gising ko ngayong umaga ay agad kong naamoy ang mabangong niluluto ni axelle. Bumangon na ako at naligo.

Nang makapagbihis ako ay bumaba na ako para umagahan.

"Good morning!" Bati ni axelle noong makababa ako.

"Good morning," bati ko pabalik."anong niluluto mo? Ang bango!"umupo ako sa dining.

"Sinigang! Tadaa!" Aniya sabay lagay ng niluto niya sa lamesa, agad na nanlaki ang mga mata ko at napangiti.

"Alam kong na mi-miss mo na ang filipino foods kaya lulutuin ko ang lahat ng paborito mo!" ani axe.

"The best ka talaga!" Untas ko sabay thumbs up."thank you axe!"

Natawa siya."wala 'yon 'no, na miss lang rin talaga kitang paglutuan!"

Mas lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya at sabay na kaming kumain at nagkwentuhan. Mas maagang nagising si axelle sa akin kaya noong matapos kaming kumain ay ako na ang naghugas nang pinagkainan samantalang siya naman ay nag bihis muna.

"Totoo bang magkaibigan na talaga kayo ni krae, zaiynx?! Amazing ha! First day of school palang ay friends na kaagad kayo! Kasi ang kwento sa akin ni shan ay big time daw 'yan si kraeston e!" untas ni axe habang papasok kami sa loob ng Harmenson at hindi na ako nagtaka ng pinagtinginan kami pagpasok namin ng dahil sa nangyari kahapon.

"Siya ba 'yong girl kahapon? Omg, hindi naman pala siya maganda! Anong nakita ni Del Vestre at kinaibigan niya 'yan e ang baduy rin ng suot!"

"Paano sila naging magkaibigan?"

"Pangit."

"Anong pangalan niya?"

Napairap si axe sa mga narinig niya."mga inggit!"

"Hayaan mo na at tsaka hindi totoong magkaibigan kami no'ng kraeston na 'yon, at hinding-hindi kami magiging magkaibigan ng dahil sa ginawa niya."

"Bakit anong ginawa niya?" Takang nilingon niya ako.

Kaya naman kwenento ko sa kanya ang buong nangyari kong paanong binangga ako ng lalaking 'yon.

"Ano?! Eh bakit hindi mo sinabi sa akin?!"

"Palalampasin ko nalang ngayon."

"Tch! Akala ko pa naman mabait siya! Guwapo pa naman tapos gano'n ang ugali!"

Natawa ako sa huling sinabi ni axe. Basta gwapo talaga ay ang linaw ng mata niya.

Nagtatawanan lang kami ni axe habang ikinekwento niya ang nangyari sa klase nila kahapon habang patungo kami sa classroom namin at paakyat na sana kami sa hagdan patungong second floor ng mayroong tumawag na 'hoy' galing sa second floor kaya wala sa sariling napalingon ako doon at kasabay ng pag lingon ko ay siya ring pagkahulog ng isang timbang tubig sa ulo ko.

"Zaiynx!" napasigaw si axe, mabuti nalang at nakailag siya.

Naamoy kong amoy kanal ang tubig. Putangina.

Pangalawang araw sa umaga ay dinapuan na naman ako ng malas.

"Hoy gago ka ah! Bumalik ka dito!" Sigaw niya sa kong sino man ang naghulog no'n.

Pero may hinala na ako kong sino kahit pa hindi ko nakita ang mukha.

Biglang pinalibutan kami ng mga studyante ngunit agad akong hinablot ni axe para makalayo doon.

"Putangina! Putangina niya! Hindi ko alam na uso parin pala ang bully ngayon! Bwiset!" galit na galit na untas ni axe.

"Anong nangyari sa 'yo?" natigil kami noong nakarinig kami ng boses at pag lingon ko ay si kraeston.

"Siguro nahulog ako sa kanal dahil sa katangahan ko," sarkastikong untas ko dahil malapit na talagang maubos ang pasensiya ko!

Tumaas ang kilay niya ngunit agad na sumilay ang ngiti sa labi niya."tch, do you want to borrow a shirt again? I don't mind because we're friends anyway."

Napabuntong-hininga ako."maliligo na muna ako axe,"untas ko kay axelle at nilampasan si kraeston.

Susuotin ko nalang ulit ang t-shirt na ipinahiram niya dahil wala naman akong choice. At kahapon parin talaga ako naiirita kong bakit ba ipinagpipilitan niyang maging mag kaibigan kami.

Mabilis lang akong naligo sa shower room dito sa Harmenson at agad na nag bihis at baka ma late pa kami, nanalamin muna ako at inayos ang sarili ng bigla akong mapatingin sa suot kong kwintas. Napatitig ako ng matagal dito.

It's been three years...

Hinawakan ko ng mahigpit ang pendant nito at huminga ng malalim bago itinago sa suot kong T-shirt at lumabas na.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni axe patungkol sa nangyari sa akin.

"Okay lang, palalampasin ko na lang," untas ko habang nag lalakad kami patungo sa classroom.

"Sure kang palalampasin mo parin? Sa liit ng pasensiya mo?"

Napabuntong-hininga ako."bahala na."

Wala ng naging kasunod ang pag-uusap na 'yon dahil kilalang-kilala na ako ni axelle, kong kailan ako malungkot, masaya at nagtitimpi ay alam na alam niya.

"Kitakits mamaya zaiynx!" Kumaway si axe bago pumasok sa classroom nila, tumango ako at pumasok narin sa 'min.

"Good morning zaiynx!" Bati ni justin."Oh? Bakit naman same par—"

"Zaiynx!" Hindi natapos ang sasabihin ni justin ng biglang dumating ang humahangos na si brazen."Narinig ko ang ginawa ni hendric sa 'yo! Okay ka lang ba?! Abangan na ba namin 'yon?! Tangina niya ah, akala ko titigil na siya sa ginawa ni krae sa kanya!"

Na e kwento na ni kraeston sa kanila ang nangyari kaya alam na nila.

"Okay lang," untas ko kahit na taliwas naman ang nararamdaman ko."ako na ang bahala do'n."

Hindi 'yon okay! Hinding-hindi 'yon magiging okay! Buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaranas ng ganito at nakakapikon!

Bakit ba kasi ako pa ang nakita ng lalaking 'yon!

"Bakit?! Anong ginawa na naman ni hendric?!" Tanong ni justin.

"Sinabuyan niya si zaiynx ng isang timba ng maruming tubig ngayon lang! Tanginang 'yon!"

"Ay gago! Nag taka pa ako kong bakit gano'n parin ang suot ni zaiynx!"nilingon ako ni justin."mamaya 'yon sa 'kin!"

"Huwag na, hahayaan ko nalang, ayokong may iba pang masali," untas ko at umupo na, wala pa pala dito ang isa.

"Kapag hinayaan mo ay hindi 'yon titigil zaiynx!" sinundan ako ni justin at brazen.

"Isang beses lang sa 'yo 'yon zaiynx e! Suntukin mo!" Gatong ng isa.

"Kaya lang gano'n 'yon e ay dahil sa daddy niya! Sobrang yabang! Eh lampa naman 'yon!"

"Yo! Are you okay?" Napalingon kami sa dumating.

Mukha ba akong okay?!

Tumango lang ako ng pilit at hindi siya sinagot, sumubsob ako sa lamesa at pumikit hanggang sa dumating na ang professor namin para sa first subject kaya umayos na ako ng upo.

Noong matapos ang klase ay nagpaalam na muna ako sa kanila na pupunta muna sa sarili kong locker para ilagay doon ang ibang mga gamit at ang nabasang damit ko, susunod nalang ako sa kanila pagkatapos.

Akmang isisirado ko na sana ang pintuan ng locker ng bigla itong malakas na tumama sa ulo ko kaya malakas akong napamura.

Narinig kong may tumawa, siguro mga tatlo sila."sorry! Hindi ko napansing may basura pala!"

"Kamusta? Masarap bang maligo ng mabahong tubig?!" sarkastikong untas niya."you know what? Mas nag mukha kang basahan kanina kaysa kahapon!"tawa niya."Hayaan mo at ipapakilala ko ang sarili ko sa 'yo para naman malaman mo kong kanino ka dapat matakot babae!"binuksan niya ng mas mawalak ang locker ko at nakangisi akong pinagmasdan.

Tangina ang sakit ng leeg ko!

"Pagmamay-ari ng pamilya ko ang lugar na 'to! Kasama na ang skwelahan na 'to kaya wa—"

"Kilala ko kong sino ka at hindi ako interesado," untas ko at minasahe ang leeg ko, padabog kong sinarado ang pintuan ng locker ko kaya medyo napaatras siya nagulat nalang ako ng bigla niyang idiin ang ulo ko sa locker kaya napapikit ako ng mariin.

"Alamin mo ang lugar mo babae! Kahit anong oras ay pwede kitang ipa expelled dito sa Harmenson! Ang yabang mo ah!" at inulit pa ang ginawa niya kaya ikinuyom ko ang kamao ko."hawakan ni 'yo!"tawag niya sa dalawang kasama niya at agad nila akong hinawakan sa magkabilang balikat.

Ngumisi si hendric at inilapit ang mukha niya sa 'kin."tingnan natin kong hanggang saan ang tapang mo,"at bigla akong sinampal, napalingon ako sa kabilang bahagi sa lakas no'n."at kahit kanino ka pa humingi ng tulong ay walang tutulong sa 'yo!"at sinampal ulit ang kabilang pisngi ko.

Ngumisi ako kahit pa nararamdaman ko na ang hapdi."Hindi ko naman kailangan ng tulong."

Sumusobra na siya! Kanina pa ako nag titimpi at talagang inubos na niya ang pasensiya ko! Kahit kailan ay hindi ko hinahayaan ang sarili kong mag mukhang kawawa! Parang na blanko ang utak ko ng dahil sa inis, ni hindi ko na inalala ang naging pangako ko sa kapatid kong lalayo ako sa kahit ano mang gulo.

Natawa siya sa sinabi ko at hinablot ang buhok ko kaya napatingala ako sa kanya."tingnan natin,"aniya at akmang susuntukin na ang pisngi ko kaya agad kong sinipa ang dibdib niya dahilan para mapalayo siya sa 'kin, siniko ko naman ang mukha ng lalaking nasa kanan ko kaya nabitawan niya ako kaya nakawala ang kanang kamay ko at ginamit ko iyon upang suntukin ang nakahawak sa kabilang balikat ko. Mabuti nalang at walang studyanteng dumadaan dahil mukhang lahat ay nasa cafeteria o library.

Agad akong naglakad patungo kay hendric at agad na sinuntok ang mukha niya kaya natumba siya sa sahig, nilingon ko naman ang dalawang kasama niya sa likuran ko ng maramdamang susugod sila at sinipa at isa sa mukha habang dinakwit ko naman ang kwelyo ng isa at sinuntok ang panga nito.

Nilingon ko pabalik si hendric at hinablot ang buhok niya, malakas siyang napamura ngunit wala akong pakealam kong sumigaw man siya at kinaladkad siya patungo sa mga locker at malakas na hinampas ang ulo niya doon katulad ng ginawa niya sa akin kanina, inulit ko iyon ng tatlong beses at binitawan siya ng halos mamilipit na siya sa sakit.

"Huwag mo akong subukan," at umalis doon habang sila ay nakahandusay sa sahig.

"You will pay for this bitch! Ipapa expelled kita dito! Fuck!" sigaw niya pa ngunit hindi na ako lumingon pa.

Tsk. Immature.

Hindi na ako pumunta sa cafeteria dahil alam kong agad na kakalat ang nangyari kanina sa halip ay pumunta nalang ako sa library para magpalipas sandali ng oras. Namangha naman ako pag karating ko ng makitang sobrang laki ng library nila, tatlong palapag ito kaya nag tungo ako sa third floor at kumuha lang ako ng isang libro at nag basa ng biglang may tumabi sa akin.

"Hey!"nakilala ko kaagad kong sino, may dala rin siyang libro at nakita kong tungkol ito sa law.

"Anong ginagawa mo dito?"

"I was waiting for you and nabagot ako doon so pumunta ako dito!"

"Bakit mo naman ako hinihintay? Baliw ka ba?"

"Because I want you around!" Aniya pa.

"Tsk."nilingon ko siya."alam kong nakita mo ang nangyari kanina," seryoso kong untas. Hindi niya ako maloloko, alangan namang coincidence lang na dito rin siya napunta diba?

Ngumiti naman siya ng malapad dahil doon."want me to back you up?"

Kumunot ang noo ko."para saan?"

"Hmm... I think almost of the students must know by now what happened already and your image will be ruined and you know that right? Everyone will hate you and will be afraid of you because of what happened and I know that they will immediately agreed to expelled you here, do you want that?" Tanong niya at agad akong natigilan dahil tama siya."and because of that incident there's no university who will allowed someone like you who's beating up a co-students!"

"Not unless..."

"Ano?"

"You want me to help you?" Ngisi niya."aakuin ko ang nangyari na ako ang bumugbog sa tatlo, everyone will believe me you know and with that you can saved yourself for having a bad image here in Harmenson!"

"Just always remember to avoid getting into trouble."

Bigla kong narinig sa isipan ko ang boses ng kapatid ko. Napapikit ako ng mariin dahil alam kong magagalit siya sa akin kapag nalaman niya ang ginawa ko! Ang tanging hiling niya lang sa akin ay huwag na huwag masasangkot sa gulo dito sa loob ng Harmenson ngunit pangawalang araw pa lang ay hindi ko na nagawa! Tanga mo zaiynx!

"Anong kapalit?" Tanong ko kaagad kay kraeston at nakita ko kong paanong mas lumawak ang ngiti niya na kulang nalang ay papalakpak siya.

"What do you mean? Walang kapalit! Magkaibigan tayo diba?!" ngiti niya pa at biglang naglahad ng kamay."deal?!"

Napabuntong-hininga ako. Wala naman sigurong mawawala sa akin kapag nakipag-plastikan ako dito e.

Kaya tinanggap ko ang kamay niya.

"Okay."

Brazen POV

"Nasaan si kraeston at zaiynx?!"tanong ni axelle na kararating lang.

Lahat kami ay nandito na maliban sa dalawa. Si zaiynx ay nag paalam na pupunta muna sa locker niya para ilagay ang basang damit niya habang si krae naman ay bigla nalang nag paalam na may gagawin lang.

"Nasa locker si zaiynx, babalik din 'yon! Si krae naman ay ewan kong saan nag punta!" Sagot ko sa kanya, umupo naman siya sa tabi ko.

"Bakit ang baho?!" Tanong niya ng makaupo.

"Huh? Hindi naman ah!" singhot ni Justin sa paligid.

"Hindi e... Mabaho talaga!"

Agad ko namang inamoy ang sarili ko at ako ang katabi ng babae na 'to! Baka ako ang pinaparinggan ng tangek!

"Tangina mo braze! Hindi ka ba naliligo?!" amoy niya sa akin.

Agad kong inilayo ang mukha niya."kaka perfume ko lang men! Grabe ka na talaga! Sira na nga ang lovelife mo! Sira pa ang ilong mo!"asar ko.

Pinandilatan niya ako."ay perfume pala 'yon?! Akala ko hininga mo sa sobrang baho!"sabay takip pa kunyare sa ilong niya.

Itong babae na 'to kong ano-ano na lang talaga ang napupuna sa akin! Ganyan na ba talaga siya ka trying hard para mapansin ko?! Hays. Pasalamat siya at kaibigan ko siya!

"Bakit ba palagi mo nalang pina-kekealaman ang pabango ko Jaelendrea?!"

"Mag palit ka kasi ng pabango dahil hindi ko gusto ang amoy! Masyadong matapang! Parang pabango pa 'yan sa kapanahunan ng lolo mo e!"

"Edi huwag mong amuyin!"

"Bobo ka talaga Vincent! Masyado tayong mag kapalit palagi kaya palagi ko ring maaamoy ang baho mo!"

"Mabaho ka pala pre e!" sabat ni justin kaya asar kong tiningnan ang dalawa.

"Tumahimik kayo! Hindi ko kailangan ang opinyon niyo!" Asik ko na tinawanan lang naman ako.

"Wala pa rin si krae? Hindi niya sinabi sainyo kong saan siya pupunta?" Biglang nagsalita si kyrie kaya natigil kami.

Umiling naman kami."hindi ky e!"sagot ni Justin.

"Maybe it's important," si zander at napatango naman ako. Minsan kasi kapag importante ang gagawin niya ay hindi niya sinasabi.

"Narinig niyo na ba ang issue ngayon?! Si Hendric Lopez at ang mga barkada niya ay nasa clinic ng dahil daw doon sa babaeng transferee! Omygod! Nakakatakot! Hindi ko alam na gano'n pala siya!"

"Bakit anong nangyari?"

"Binugbog niya daw ang tatlo! Nakakatakot tuloy lumapit sa kanya!"

"She's really a squatter girl! Pang kanto ang ugali!"

Kumunot ang noo ko sa mga narinig. Si hendric nabugbog? Nabugbog ni... Zaiynx?! Dahil si zaiynx at axe lang naman ang transferee ngayong year e!

Napatayo ako sa narinig pero deep inside ay gusto kong tumawa. Hanep ka talaga zaiynx! Kaya bilib talaga ako sa 'yo e!

"Wait lang! Alis muna ako!" tumayo ako at naglakad paalis.

"Ako rin!"sumunod naman sa akin ang dalawa, mukhang narinig din nila.

"Nasaan na ba si zaiynx?!" hindi makapag-hintay na tanong ko.

"How can she do that? I think it's a misunderstanding, hindi magagawa ni zaiynx 'yon because I think she's kind," ani zander.

"Feeling ko totoo! Medyo may pagka-astig rin kasi si zaiynx e! Ano braze totoo ba 'yon?! Friends kayo diba?!" ngisi ni justin.

"Guys!" Hindi ako nakasagot ng marinig namin ang boses ni krae kaya lumapit kami dahil kasama niya si zaiynx.

"Saan kayo nanggaling?! Magkasama kayo no?!" tanong ko at pag lingon ko kay zaiynx at medyo mapula ang pisngi niya.

"I just save her ass,"turo ni krae kay zaiynx." Muntik na siyang mabugbog ni hendric sa locker mabuti nalang at naunahan ko,"ani krae.

"So hindi totoo ang kumakalat ngayon na si zaiynx ang bumugbog sa tatlo?!" Tanong ni justin.

Umiling si krae."nope, I did it, siguro gawa-gawa lang 'yon ni hendric para ipa kick-out si zaiynx!"sabay akbay kay zaiynx na agad niya namang itinanggal.

"Your cheeks are red zaiynx," puna ni zander at kita ko ang pag-aalala doon at doon ko lang rin napansin na namamaga pala ang pisngi ni zaiynx!

"Putangina! Gago!" Napamura ako at agad na hinawakan ang pisngi ni zaiynx.

"Okay lang hindi naman masakit," untas niya sa lahat.

"Sure ka?! Bubugbugin ko 'yon ngayon!"

"Tumahimik ka nga, sira!" agad niya akong binatukan."Tara sa cafeteria!"aniya sabay akbay sa akin, hinawakan ko naman ang bewang niya bago bumulong.

"Alam kong ikaw ang gumawa no'n," bulong ko.

"Huwag kang maingay!"

Natawa ako. Kilalang-kilala ko na talaga 'to, sobrang liit ng pasensiya.

At hindi ko rin maiwasan ang mag taka kong bakit ba parang interesado si krae kay zaiynx, dahil ito lang ang unang beses na nakipag-kaibigan siya, dahil kahit kailan ay hindi naman siya ganito.

But well. Zaiynx is zaiynx. Ang lahat sa kanya ay interesante, she's like a fire, you'll gonna be mesmerised by it's warmth and untamed elegance but then who knows, that fire can be able to turn into a wildfire.

Zaiynx POV

"Oh my god! Sumosobra na talaga ang hendric na 'yon! Sobrang hindi na tama ang ginagawa niya!"si shan na kitang-kita ang pag-aalala sa mukha.

"Kailangan nang ma expelled ang gagong 'yon!" Asik naman ni vien.

"Your face is very swollen zaiynx, you should go to the clinic," untas naman ni kyrie ngunit umiling ako.

"Hindi na okay lang, mawawala rin naman 'to."

"Tangina lang! Ang sarap niyang kalbuhin! Namumuro na talaga 'yong hendric na 'yon ah! Parang walang pinag-aralan ang gago!" namumula na ang mukha ni axe sa galit.

"Guys! Ipinapatawag si krae at iyong kaklase nila na si zaiynx doon sa Dean's office dahil nag report si Hendric!" Biglang dumating ang isang babae.

"Elena!"

Sabay pa kaming tumayo ni krae noong narinig 'yon at umalis doon sa cafeteria at noong makarating sa Dean's office ay nandoon na ang tatlo at nakaupo, may mga benda narin ang mga mukha nila.

"There you are bitch!" asik niya kaagad ng makita ako ngunit agad siyang inawat ng mga kasama.

"Good morning dean," bati ni kraeston.

"Have a seat,"ani dean at agad kong narinig ang buntong-hininga niya."so now, tell

You are reading the story above: TeenFic.Net