KABANATA 17

Background color
Font
Font size
Line height

Zaiynx POV

Isa palang chess player si gavin at tinanong niya ako kong saan ako pupunta kaya sinabi ko sa kanya na naghahanap ako ng sports na pwedeng salihan kaya tinanong niya ako kong alam ko ba paano maglaro ng chess kaya tumango ako.

"Dito ka nalang sumali zaiynx!" aniya habang malaki ang ngiti.

Napaisip ako sandali at okay nga ang chess dahil ang tanging gagawin lang ay uupo at maglalaro, at isa pa ay hobby na namin 'tong gawin ng mga kapatid ko kaya hindi ako mababagot.

Sumang-ayon ako sa sinabi ni gavin kaya lumapit kami sa coach ng chess at ipinalista ang pangalan ko at pina try out na ako at si gavin ang kalaban ko.

Siya ang unang gumalaw sa amin at nag simula na ang laro.

"Kamusta kayo ngayon zaiynx? I've seen the news about sa bahay ninyo and I feel guilty about it," biglang nagsalita si gavin sa gitna ng laro.

"Para saan?"

"Hindi dapat kita hinayaang bumaba doon sa kanto at dapat ay hinatid kita sa bahay ni'yo, baka siguro natulungan pa kita... But I am really glad that you're okay, and also for axelle, mabuti nalang at okay na siya."

"Ayos lang 'yon, aksidente iyon at hindi inaasahan kaya hindi ka dapat ma guilty," sagot ko habang nakatutok parin ang mga mata sa laro.

Narinig ko ang buntong-hininga ni gavin."saan na kayo nakatira ngayon ni axe?"

"Kumuha kami ng isang condo," untas ko at nilingon siya."checkmate."

Agad na sumilay sa labi ang ngiti niya dahil doon."As expected! Congratulations zaiynx!"tumayo siya at nakigpag shake hands pa sa akin.

"Thank you," sagot ko.

Pagkatapos ng try out doon ay lumabas na muna kami ni gavin at pumunta ng cafeteria para kumain at sa pag-uusap namin ay doon ko lang rin nalaman na pagmamay-ari pala ng pamilya nila ang hospital kong saan naka confined noon si axelle, ang Diaz Hospital.

Maraming business ang pamilya nila at nag-iisang anak siya kaya naman ay talagang nakatuon ang atensiyon sa kanya ng parents niya, kahit anong gusto niya ay naibibigay.

"Na e kwento narin kita kay mom and she said na gusto niyang ma meet," natawa siya at kita ko ang pamumula ng pisngi niya."but I said siguro ay in the near future na."

"Ano namang sinabi mo sa mom tungkol sa akin?" Tanong ko.

"That ikaw 'yong naging partner ko sa Acquaintance Party a-at... Iyong... Pinakaunang naging c-crush ko," awkward na sagot niya.

"A-ah, nakakahiya naman!" tumawa ako pero naging hilaw parin.

Hindi ko talaga alam paano makipag-socialize sa kanya kapag ganito ang nagiging topic namin kaya agad kong iniba ang usapan.

"Siguro pagkatapos natin dito ay pupuntahan ko na si axe gav dahil baka tapos na sila at uuwi na kami," untas ko habang inuubos ang pagkain.

Tumango naman siya."sige zaiynx, bukas pala mang s-start ang practice natin sa chess at every 3 pm until 5 pm, doon parin sa room na 'yon."

Tumango ako."thank you sa libre."

"Wala 'yon!"aniya at noong natapos kami ay sabay na kaming lumabas at doon na kami nag-iba ng daan noong naroon na kami sa hallway, dahil sa auditorium ako tutungo at babalik siya doon sa room sa chess.

At mabuti nalang at tapos na rin sina axelle at nakapasok silang tatlo, wala rin silang practice ng cheerdance ngayon dahil may babaguhin raw na steps si elena at ipapafinalize pa niya. Sabay-sabay na kaming lumabas sa Harmenson ngunit naisipan pa nila na mag kape na muna kaya pumunta na muna kami sa Starbucks.

As usual ay iced coffee at cheese cake lang ang inorder ko at habang kumakain at nagkekwentuhan kami ay napalingon ako sa entrance ng Starbucks noong may bagong pumasok at kong sineswerte ka nga naman...

Si waze 'yon at nakasuot ng black tuxedo na mukhang kagagaling lang sa isang meeting, may kompanya ang pamilya nila at noon ay sinasanay na siya ng parents niya na pamahalaan ito at mukhang siya na nga ang namamahala ngayon.

Agad kong inilihis ang tingin ko bago pa mag tama ang mga mata namin. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na para bang maririnig na ito ng katabi ko. Napakagat ako sa pang-ibabang labi dahil parang gustong tumayo ng sarili ko at umalis, lalo na noong nakita ko siyang umupo pa sa isa sa mga table habang hinihintay ang order niya.

"Diba si Waze Mendez 'yan? Balita ko ay malapit na siyang ikasal!" Biglang untas ni vien kaya ang lahat ay napalingon sa kong nasaan ang mga mata niya. Para akong nanlamig sa sinabi ni vien.

Malapit na siyang ikasal? Ibig sabihin ay hindi pa siya ikinasal? Tangina.

Nagulat pa ako noong biglang may sumipa sa paa ko sa ilalim at pag lingon ko ay si krae 'yon. Tangina naman oh.

"For almost three years ring na bankrupt ang company nila, and as for his age ay talagang nakakabilib na nagawan niya 'yon ng paraan para bumalik sa dati ang sales ng company nila ngayon! It's growing bigger now again, laman siya halos ng magazines," ani naman ni shan.

Tumikhim ako noong maramdaman kong parang may bumara sa lalamunan ko ng dahil sa narinig. Anong na bankrupt?

"Uhm, cr muna ako," tumayo ako at agad na umalis, hindi ko na hinintay pa ang sagot nila. Sa lahat sa amin doon ay tanging tatlo lang ang nakakaalam tungkol sa amin ni waze at hindi ko matagalan ang marinig ang kwento tungkol sa buhay niya at lalo na't nandoon rin siya, parang ang sikip sikip ng lugar at para akong nasasakal.

Hindi naman talaga ako pumunta sa cr, doon ako sa parking lot dumiretso at nag tungo sa kotse ni axe, kinuha ko sa dashboard ang isang stick ng sigarilyo at lighter. Umupo ako sa gutter ng parking lot at sinindihan ito.

Sobrang lakas parin ng kabog ng dibdib ko at unti-unti na itong nagiging masakit. Tangina!

Malapit ko ng maubos ang sigarilyo ng bigla nalang may humablot dito ngunit hindi ko na tiningnan kong sino.

"I thought you already stop doing this," agad akong nanlamig sa boses na narinig ko."Can we talk?"mahinahong tanong niya.

Hindi ko parin itinataas ang tingin ko at hindi rin ako nakasagot.

Paano niya nakakayang makigpag-usap ng ganito sa akin?! Na sobrang kaswal lang?! At akala ko ba ay kaya mo na zaiynx?! Ano 'tong ginagawa mo ngayon? Bakit parang sobrang apektado ka parin?! Ang tanga mo!

Ngunit mas lalo akong nanigas noong umupo rin siya at pinantayan niya ang tingin ko."please, let's talk stein,"untas ulit ni waze at puno ng pag-iingat ang bawat salita niya.

Ngunit hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatayo na, hinintay ko rin siyang tumayo at noong nagpantay na ulit ang tingin namin ay agad kong pinadapo sa mukha niya ang palad ko."wala na tayong dapat pag-usapan waze, at please huwag kang umakto na parang okay tayo, huwag ka ng magpapakita sa akin,"at binuksan ang driver's seat ng kotse ni axe at pinaharurot ito paalis papunta sa condo namin.

Sasabihin ko nalang sa kanila na bigla nalang sumama ang pakiramdam ko. Pagdating ko sa condo ay naglublob na muna ako sa bath tub para mahimasmasan ang sarili, at noong natapos akong maligo ay iyon rin ang pagdating ni axe.

"Si brazen ang nag hatid sa akin dito, nag taka sila kong bakit hindi ka na bumalik at bakit nawala ang kotse doon sa parking lot kaya sinabi ko na ngayon lang sa group chat na sumama ang pakiramdam mo," untas niya, nandito kami ngayon sa kusina at magluluto siya ng hapunan namin."Okay ka lang? Ngayon mo nalang siya ulit nakita 'no?"tanong niya at napabuntong-hininga."Talaga naman oh."

"Nagkita kami sa parking lot kanina at gusto niyang makipag-usap sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko," untas ko at umupo sa upuan at napahilamos ng mukha.

"Ano?! Eh bakit daw?! Baka gusto niya ng closure sa pagitan ni'yo dalawa?!"

"Pero ayoko na axe, gusto ko ng kalimutan ang nangyari pero bakit unti-unti na namang bumabalik ngayon."

Napabuntong-hininga siya."walang hiya talaga ang kupal! Hayaan mo siya at baka hindi na rin kayo magkikita ulit! Umiinit talaga ang dugo ko kapag naririnig ko ang pangalan niya!"

Pati ako ay napabuntong-hininga at hindi na nakasagot dahil sobrang rami ng tumatakbo na mga tanong sa isipan ko. Kaya naman pagkatapos naming mag hapunan ni axe ay inayos namin ang balcony at nag lagay doon ng maliit na lamesa at dalawang upuan, nakalatag na rin sa lamesa ang mga beer at junkfoods.

"Tangina niya talaga! Manloloko at manggagamit!" Asik ni axelle habang nag-iinuman kaming dalawa dito sa balcony. Medyo may tama na kaming dalawa.

Napailing ako."dapat ba akong makipag-usap o hindi?"

Uminom muna si axe bago sumagot."para sa akin lang rin zaiynx, kong ako ang nasa posisyon mo at dahil sobrang sakit ng ginawa niya ay hindi na ako makikipag-usap pa! Kakalimutan ko nang nag e-exist pa siya! Pero na sa 'yo parin, baka may mga tanong ka pa na gustong masagot at ma klaro kaya pwede kayong mag-usap, wala rin naman akong masyadong alam sa naging relasyon ninyo! Pero ang tanong lang dito ay kaya mo na bang harapin siya?"

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni axelle. Oo. Totoong marami pa akong mga katanungan pero dapat pa bang ungkatin ulit 'yon? Tatlong taon narin ang nakalipas ngunit sa narinig ko kanina na sinabi ni shan na dating na bankrupt ang kompanya nila waze ay hindi ko 'yon alam, 'for almost three years' kaya ibig sabihin ay iyon rin 'yong taon na naghiwalay kami.

Marami na namang tanong ang pumapasok sa isipan ko, kasama na doon ang sinabi ni vien na malapit na siyang ikasal, ang akala ko ay agad siyang ikinasal noong umalis ako dito.

Ang gulo naman!

Hindi na masyadong humaba ang usapan namin ni axe at noong maubos namin ang natitirang beer sa lamesa ay hindi na kami nag dagdag at natulog na dahil may pasok pa kami bukas.

Sa pag lipas ng ilang araw ay bumabalik na rin sa dati ang lahat, kapag dumadating ang 1 pm ay nag p-practice na kami para sa paparating na intramurals at hindi na rin kami nagkita pa ni waze at hindi na rin siya nagparamdam at mas mainam na rin 'yon.

"Singkit! Kain tayo!" Tawag ni krae noong nadaanan ko ang gym dahil pupunta ako sa auditorium para hintayin si axe at kakalabas lang rin nila.

"Saan?" tanong ko. Nasa likuran niya si zan, brazen at justin. Mukhang katatapos lang rin nila mag practice para sa Basketball, si krae ay mayroon pang nakasabit na towel sa leeg niya at nakapag-palit na rin ng white V-neck shirt at shorts.

"Jollibee tayo, sobrang gutom e!" sabat ni justin sabay himas pa sa tiyan.

"Pero hanggang 6 pm pa sina axelle," untas ko. Nag-iba na rin ang schedule nina axelle sa practice, 1-3 pm ay sa volleyball at 4-6 pm ay sa cheerdance.

"Antayin nalang natin sila!" suggest ni brazen na sinang-ayunan naman nila kaya sabay na kaming lahat patungo sa auditorium kong nasaan ang cheerdance ngayon.

May mga bleachers parin ang auditorium kaya umupo na muna kami doon habang hinihintay matapos sina axelle.

"What's the score between you and kyrie now krae? Sinagot ka na ba?" untas ni zan kaya napalingon ako kay krae.

"Ligawan mode parin ba pre o kayo na?" Tanong naman ni brazen.

Nililigawan na ni krae si kyrie?

Umiling si krae at napalingon rin sa akin."No, I didn't. "

"Huh?! Bakit?! Eh diba ang tagal mo nanghinihintay 'yan?!" Pasigaw na tanong ni justin at braze.

Nagulat ako sa sinabi ni krae. Kaya hindi ko napiligan ang mapatanong ng bakit. Hindi ba ay tatlong taon na nga niyang hinihintay si kyrie?

"Oo nga, bakit naman tol?" Takang tanong rin ni justin."Na fall out ka ba?"

Nagkitbit-balikat si krae."I've been thinking about this for days now and I think I already found the answer."

"Ano 'yon?"sabay pa kaming apat nag sabi no'n.

"That for almost 3 years I am only infatuated to kyrie, I was just confused from the word 'first love' that's why I thought I am really inlove, but now everything feels clear, noong sinabi niya saakin na pinapayagan na niya akong manligaw ay wala na akong ibang naramdaman, excitement and happiness didn't exist that time."

"Huh? Pero for almost 3 years din!" Ani justin.

"Parang nasanay na rin ako na nandiyan siya palagi, nasanay na ako na nandiyan si kyrie and that's it."

"Nakakatakot no? 'Yong akala mo sigurado ka na tapos katulad nalang sa nangyari ngayon kay krae na infatuated lang pala ang lahat," si brazen. Natahimik naman ako, hindi ko ma e relate ang sarili ko kay krae dahil sigurado akong hindi infatuation ang nangyari sa akin kay waze.

"Ano naman ang naging reaction ni kyrie tungkol diyan pre? Hindi ba siya nasaktan? Ngayong pinayagan ka niyang manligaw ay ngayon ka naman nagkaroon ng realization sa nararamdaman mo," tanong naman ni zan.

"Oo nga krae, siguradong nasaktan 'yon!" sabat ni justin.

"I didn't hear a thing from her when we talked about it. Iniiwasan niya ako. But we cannot push something that we both know that couldn't work anymore."

Hindi na rin sila nangulit pa tungkol doon at habang hinihintay sila axelle ay naglaro muna ng online games ang tatlo, habang si krae naman ay inilabas ang sketch book niya at iyon ang pinagka-busyhan. At noong tiningnan ko ang ginagawa niya ay tinatapos niyang e sketch ang isang malaking building.

"Alam mo pwede kang mag architect, ang detalyado ng ginagawa mo," salita ko.

Nilingon niya ako sandali bago nagpatuloy sa pag s-sketch.

"Really? If I become an architect, my designs will be costly, I bet you can't afford it, so."

Natawa ako sa sinabi niya."Yabang! Hindi rin naman ako sa 'yo magpapagawa!"

"Ang sabihin mo ay hindi mo mababayaran!" tawa niya.

Umirap naman ako."Ewan ko sa 'yo!"


You are reading the story above: TeenFic.Net