KABANATA 15

Background color
Font
Font size
Line height

Zaiynx POV

"Angelo sumagot ka! Totoo ba ang mga narinig namin ngayon lang?! Totoo ba ang lahat ng sinabi ni Yaya edith?! Gelo! Putangina!" umalingawngaw ang sigaw ni Vaughn sa buong mansion."kapatid ka na...min..."bumagsak ang kanyang boses."b-bakit? Ayokong maniwala gelo pero hindi ako maloloko ng boses ni yaya edith..."

"What the fuck! Ang gulo! Tangina!"

"Totoo bang mag kapatid talaga kayong tatlo?!"

Nag pumiglas si angelo kaya binitawan ko na siya. Galit niya akong hinarap at sinakal."Putangina mo zaiynx! Lahat ng paraan ay ginawa ko na para walang makalap na impormasyon tungkol sa nakaraan ko pero nakuha mo pa talagang makalusot! Mukhang mali nga ata ako ng binangga! Tangina! Sinira mo ang mga plano ko, bwiset ka!"asik niya.

There.

"Angelo! Putangina!" asik ni Vaughn at sinugod si angelo at sinuntok sa mukha, agad na umawat ang lahat.

Ngunit si angelo ay ngumisi lang pag katapos idura ang dugo galing sa bibig. Sobrang laki ang ngisi niya habang nakatingin kay Vaughn sa dilim at bigla nalang siyang tumawa ng malakas."bwiset! Ang plano ko ay kayong dalawa ni zaiynx ang magpatayan e dahil sigurado akong ikaw ang matatalo! Pero talagang matinik ang gaga at nagawa pang makakuha ng impormasyon tungkol sa akin! Patay na si heran kaya dapat ikaw na ang sumunod!"tawa niya ng malakas."Wala na rin naman akong takas e kaya sige! Oo! Ako! Ako ang pumatay sa kapatid natin!"

Napahilamos si Vaughn sa mukha niya at narinig nalang namin ang pag-iyak niya."putangina! H-hindi ko alam! Wala akong alam! May i-isa pa pala akong kapatid!"

Tumawa si Angelo."Ang lahat ng narinig ni 'yo kanina ay totoo! Oo! Ama ko ang walang silbing si Arthur! Naging kabit niya ang nanay ko at hindi kami pinanindigan kaya naman nag hirap kami hanggang sa namatay ang nanay ko ng dahil sa ka gaguhan ng ama ni 'yong dalawa ni heran!"at dinuro si Vaughn. "At kayong dalawa! Sobrang sarap ng buhay ni 'yo! Nakatira kayo sa isang mansion at masarap palagi ang kinakain, e ako?! Halos wala kaming makain! Hindi lang naman kayo ang anak ah! At mas lalong hindi ko hiniling ang maging anak ng isang putanginang ferrer!"tumawa siya ng malakas, namumula narin ang mga mata niya.

"Kaya sinabi ko sa sarili kong hindi ako magkakaroon ng maganda at malayang buhay hanggang nandito pa kayo! Kaya naman ako na mismo ang uubos sa lahi ninyo! Gusto kong patay ng dahan-dahan si Arthur!"

"Angelo! Pre! Tangina! Pinatay mo si heran?!" Lumapit si red at tinutukan ng baril si angelo at akmang pipihitin ang gatilyo ngunit hindi iyon natuloy ng ipakita ni angelo kong ano ang hawak niya.

Isa itong bomba at isang pindot lang ay agad itong sasabog.

"Subukan niyo at sabay-sabay tayong mamamatay dito lahat!" Sigaw niya.

"Angelo,"tawag ni waze sa pangalan ni angelo, napapikit ako ng mariin ng marinig ulit ang boses niya."I won't forgive you for killing heran."

"Wala na akong pakealam waze! Kong papatayin mo ako ngayon ay isasama ko na kayong lahat!"

"Ginawa mo kaming tanga gelo! Tatlong taon na ang nakalipas at nakakasama lang pala namin araw-araw ang pumatay sa kaibigan namin! Putangina!" Asik ni red.

"Tinuring kitang kapatid angelo dahil naniwala ako sa 'yo! Naniwala ako sa lahat ng sinabi mo na tutulungan mo akong mag higanti sa pagkamatay ni heran! Ang bobo ko para maniwala sa taong totoong pumatay sa kanya!" si Vaughn.

Tumawa si Angelo."Simula noong pumasok ako sa Black Rebellion ay iyon na ang plano ko Vaughn! Parte lang kayong lahat sa plano ko!"

Tangina.

Alam ko kong ano ang pinagmumulan ng galit ni angelo ngunit hinding-hindi ko parin matatanggap ang ginawa niya. Walang kapatawaran 'yon. At mukhang tapos na ako dito, gusto ko ng umalis at puntahan si axe. Hindi ko na matagalan ang presensiya nilang lahat.

Hahakbang na sana ako paalis ng maramdaman ko nalang ang pag daan ng hangin sa gilid ko at ang kasunod na nangyari ay isang malakas na pag sabog at pag yakap ng isang katawan sa akin.

"Get down everyone!"sigaw ni red.

Agad kong nalanghap ang kanyang pamilyar na amoy."stein..."tawag niya sa pangalan ko.

Nag sitayuan ang lahat ng balahibo sa batok ko ng marinig ko ang bulong niya."I'm sorry.."

Doon ko lang narealize ang lahat ng makita ko ang nasusunog na mansion. Pinindot ni angelo ang hawak na bomba at mabilis itong inagaw ni waze at itinapon sa labas ng mansion ngunit malakas parin ang naging impact nito sa loob, nilingon ko naman si angelo na ngayon ay duguan na ang ulo at naka handcuff na.

Hindi ako nakagalaw kaagad ng ang mukha ni waze ang bumungad sa akin, nag tama ang mga mata namin at sobrang awkward ng posisyon namin ngayon dahil nasa itaas ko siya kaya naman agad ko siyang tinulak at tumayo, tinakbo ko ang pagitan ng pintuan ng mansion at agad na pumasok sa kotse ni axe at pinaharurot ito paalis.

Sobrang taas ng pag hinga ko. Hinigpitan ko ang hawak sa manibela ng bigla nalang pumasok sa isipan ko ang lahat.

-flashback~

"Nasaan si waze? Nandito ba siya?" tanong ko kina red na nakaupo sa labas Black rebellion mansion at nandoon silang lahat.

"Nasa loob zaiynx!"

"Okay, thank you!" Untas ko at agad na pumasok.

Gusto kong makausap si Waze ng maayos dahil ilang linggo narin na wala kaming maayos na komunikasyon at palagi pa siyang wala dito sa mansion, hindi ko alam kong ano ang pinagkaka-busy-han niya at gusto kong malaman kong ano 'yon. At kahit na gusto kong e deny ay napapansin kong parang lumalayo ang loob niya sa akin na para bang may ginawa akong kasalanan sa kanya. Hindi na niya ako tinatawagan kapag gabi at hindi niya na rin ako pinupunantahan e hindi naman siya ganito dati, pati mga ginagawa niya sa araw-ayaw ay sinasabi niya sa akin pero ngayon ay hindi na. Parang may mali talaga dahil pati sina red ay minsan parang iniiwasan ako.

Nang makarating ako sa harap ng opisina niya ay kumatok muna ako ng tatlong beses at baka may ginagawa siya ngunit sumagot rin naman siya pagkatapos ng tatlong katok.

"Pasok."

Pumasok ako sa loob at naglakad patungo sa kanya, nakita ko pa kong paanong nanlaki ang mga mata niya ng dahil sa sobrang gulat ng makita ako.

"Kamusta ka, waze?" tanong ko habang nakangiti.

Hindi kaagad nakabawi si waze sa sobrang pagkagulat niya kaya pinitik ko ng mahina ang noo niya."huy!"

Mukha siyang natauhan dahil doon kaya tumikhim siya at umilag ng konti."okay lang, ikaw ba?"tanong niya.

Napanguso ako ng mapansin kong parang wala siyang maayos na tulog dahil medyo halata na ang eye bags niya sa ilalim ng mata.

"Ayos ka lang ba talaga? Bakit parang may hindi ka sinasabi sa akin? Napapansin kong lumalayo ka sa akin ah, mag-iisang buwan narin, may problema ba? Eh, hindi ka naman ganyan dati," diretsahan kong tanong dahil nararamdaman kong parang ayaw niyang nandito ako.

Tumitig siya sa akin at bigla akong nakaramdam ng lamig doon. Matagal siya bago nagsalita at noong nagsalita siya ay natigilan ako.

"Stein, I'm tired."

Kumunot ang noo ko."bakit? Anong meron? Kong pagod ka ay pwede ka namang matulog muna, ano ba ang ginagawa mo? Pwede ko bang malaman?"

Pumikit siya ng mariin at napahilot sa sintido niya."stein..."parang hirap na hirap siyang sabihin.

"Ano?" Lumapit ako sa kanya at sakto naman no'n ay ang bigla niyang pagmulat.

"I think we should end this," Diretso niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko.

Para akong nabingi sa sinabi niya. Hindi ko agad ma sink-in sa utak ko ang narinig ko.

"H-huh? Anong ibig mong sabihin?"

Huminga siya ng malalim at tumayo kaya napatingala ako sa kanya."let's break up, pagod na ako, pagod na akong mag pakitang tao sa 'yo."

Napalunok ako."a-ano? Waze, hindi k-kita maintindihan. Anong sinasabi mo? Okay naman tayo ah! Bakit ka napapagod sa akin?"nabasag ang boses ko.

"Zaiynx Stein," seryoso niyang tinawag ang pangalan ko. Natigilan ako ulit. Kapag sinasabi niya 'yan ay ibig sabihin galit siya.

"I'm getting married," aniya at ipinakita sa akin ang daliri niyang mayroong singsing. Na ngayon ko lang napansin."let me tell you the truth, because I'm already tired of pretending, stein,"

Hindi ako makapagsalita ng dahil sa mga binitawan niyang salita. Parang hindi totoo, pakiramdam ko panaginip lang ang lahat ng 'to dahil kahit kailan ay hindi 'to masasabi ni Waze sa akin!

"N-no..." untas ko.

"All this time all I want from you is your money, I just used you." Sobrang konti lang ng salitang sinabi niya ngunit parang may tumarak na kutsilyo sa dibdib ko.

Sana bangungot lang 'to! Sana hindi 'to totoo! Hindi! Ayoko! Gusto ko ng magising!

"For almost one year din kitang nagamit," walang awa niyang sinabi."The first time I knew what is your surname, that's the deal, I immediately wanted you to be mine... For your money,"sinabi niya yon habang nakatitig sa akin, at habang tinitingnan ko ang mga mata niya ay wala akong makita ni konting pagsisisi.

Napahawak ako sa bibig ko, hindi makapaniwala, ni hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko.

"The Black Rebellion only used you because of your wealth, didn't you realize it? Ikaw ang nagbabayad kapag mayroong party hindi ba? Pati dito sa mansion, halos ang buong lugar ay ikaw ang nagpagawa noong ni renovate ito, binigyan mo ng sariling bahay si Aaron, binilhan mo ng sariling sasakyan si drew, pera mo ang lahat ng 'yon hindi ba?"

Umiling ako."h-hindi, ginusto ko 'yon Waze! Ang sabi mo pa nga ay dapat hindi ko ginagawa 'yon hindi ba?! Pero gusto ko yong gawin kaya hindi 'yon panggagamit! Please, ano bang p-problema waze? Sabihin mo saakin! Hindi 'to totoo 'di ba? Please sabihin mo sa akin hindi 'to totoo!"pag iyak ko, nakita kong iniwas niya ang tingin sa akin."a-anong problema Waze? Tutulungan kita, huwag namang 'yong ganito..."nanghina ang boses ko."Hindi ikaw 'to e. H-hindi ikaw 'to, hindi mo 'to magagawa sa akin, Hindi...."

"Then ask them, ask them para maniwala kang hindi ako nag bibiro."

"Bakit ang biglaan naman waze? Okay na okay naman tayo dati ah! Sa loob ng isang taon ay wala tayong naging problema! Paano na ang mga ipinangako mo sa akin?! Ano lahat ng 'yon ay puro kasinungalingan lang?!" Sigaw ko habang umiiyak.

Ang sakit. Ang sakit sakit. Parang winawarak ang puso ko sa mga sinasabi niya, mag-iisang buwan kaming hindi nag kausap ng maayos at ganito pa talaga ang sasabihin niya sa muling pag-uusap namin? Bakit? Ayokong maniwala...

"Yes! All of my promises are lies zaiynx! It's all an act!" Sigaw niya at galit na galit."I never even loved you, zaiynx. I just used you, all I want from you is your money and now, I don't need you anymore and I'm getting married so get lost."

Umiling ako."Waze....bakit?"tanong ko sa kanya na halos pagmamakaawa na, hindi ko na rin siya makita ng maayos dahil puno na ng luha ang mga mata ko."k-kanino ka magpapakasal? Bakit? Bakit moko ginanito?"basag na basag na ang boses ko."Please sabihin mo hindi 'to totoo!"

"Umalis ka na! Umalis ka na dito at baka makita ka pa ng fiancée ko, wala na tayo!" hindi niya sinagot ang tanong ko.

Parang halos ipagtabuyan niya na ako paalis na para bang sobrang ayaw niya sa akin. Napapikit ako ng mariin, pakiramdam ko ay parang sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit ng mga salitang sinabi niya, pakiramdam ko ay nanghina ang buong sistema ko at wala na akong lakas pa para mag salita, gusto ko nalang umalis dito.

"Kong ayaw mong maniwala na ikakasal na ako ay pwede pa kitang bigyan ng imbitasyon!"

Kahit kailan ay hindi niya ako minahal...

Ginamit niya lang ako ng dahil sa pera ko...
At ang pinakamasakit ay... Ako ang pinangakuan niya ng kasal e... Pero ngayon ay sinabi niya na sa mukha kong ikakasal na siya sa iba... Ang sakit! Akala ko hindi ko na mararamdaman ang ganitong sakit sa buong buhay ko dahil kay waze pero siya rin pala mismo ang magbibigay sa akin ng ganitong klase ng sakit!

Inayos ko ang sarili ko dahil konti nalang ay parang matutumba na ako sa kinatatayuan ko. Tiningnan ko si waze na luhaan.

"Hindi ako ang talo dito waze, tumaya ako pero hindi ako talo... sa lahat ng mga sinabi mo ay sana sa loob naman ng pag sasama natin ay hindi lang isang gamit ang tingin mo sa akin, sana kahit minsan ay... naramdaman mo rin na mahal mo ako at naisip mo rin ako bilang girlfriend mo," matapang na sabi ko. Kahit na sobrang gulat pa ako sa mga sinabi niya at kahit nang hihina na ang mga tuhod ko ay kailangan matapang parin ako, uuwi man akong luhaan ngunit hindi ako uuwing talo.

Hindi ako talo dahil ang tanging ginawa ko lang naman ay ang mahalin ka waze, at hindi 'yon pagkatalo.

Lumabas ako sa opisina niya at inayos ang sarili ko kahit pa gustong-gusto ko ng mag wala dito, gusto kong sirain ang lahat ng bagay na makikita ko.

Nang makalabas ako ng mansion ay napatingin silang lahat sa akin.

"Zaiynx, anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Vaughn.

"Totoo ba? Totoo ba ang s-sinabi ni waze?" Pinilit ko ang sarili kong maitanong ang gusto kong malaman kahit na masakit.

"Ang ano?"

"Totoo ba ang s-sinabi niyang ginamit niyo lang ako dahil sa pera ko?" naiiyak na tanong ko.

Please... Sana kabaliktaran ang sasabihin nila... Ayoko ng makarinig pa ng mga salitang wawasak sa akin.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang pag-iyak at hinintay silang mag salita ngunit umabot nalang ang ilang minuto ay wala akong narinig kahit na konting tugon man lang at isa lang ang ibig sabihin no'n.

Oo. Oo ang sagot nila. Ibig sabihin ay totoong ginamit lang nila ako.

Ngunit napalingon ako sa biglaang pag tayo ni kuya heran."zaiynx! Anong sinasabi mo?! Kahit kailan ay hindi namin magagawa 'yon sa'yo! Nag away ba kayo ni Waze?! Anong nangyari?! Anong sinabi niya?"nilapitan niya ako.

Umiling ako at hindi pa nga ako nakakapagsalita ay sumabat na si drew."heran tama na! Hayaan mo na si zaiynx! Ginamit lang naman talaga natin siya diba?!"

Galit na lumingon si kuya heran sa kanya."tangina mo drew! Anong pinagsasabi mo?! Kahit kailan ay hindi ko ginamit si zaiynx!"

"Pwes heran kong ikaw wala, kami oo! Pera lang naman talaga ang gusto namin sa kanya e! Sa yaman ba naman ng pamilya niya!" Ani Angelo.

Huminga ako ng malalim at agad na pumasok sa kotse ko at mabilis na pinaandar ito kasabay ng pag-agos ng luha ko. Ayoko ko ng marinig pa ang mga sinasabi nila dahil sobrang sakit na talaga. Parang gusto ko nalang mawala bigla.

Narinig ko pa ang tawag sa akin ni kuya heran ngunit hindi ko na pinansin pa.

Niloko nila ako, ginamit at ginawang tanga!

Hinding-hindi ko sila mapapatawad! Lalo ka na waze!

~end of flashback~


You are reading the story above: TeenFic.Net