KABANATA 14

Background color
Font
Font size
Line height

Zaiynx POV

"Axelle! Shit! Shit!" agad kong inilagay sa mga bisig ko si axe at agad akong napaiyak ng makita ang dumadaloy na dugo sa mukha niya, hindi naman masyadong malakas ang naging impact nang pagsabog dahil sa loob iyon nangyari ngunit nadale parin siya ng pintuan ng bahay at nakita kong doon tumama ang ulo niya."no, no, no, axe please gumising ka!"iyak ko at tinatapik ng mahina ang mukha niya para magising siya."I'm sorry!"

"Zaiynx! Axelle! Damn it!" hindi ko namalayang bumalik si zander at agad na kinuha si axelle sa akin."delikado dito zaiynx! Lumalakas ang apoy! We need to take axelle to the hospital right away! Tumawag na ako ng tulong! Let's go!"aniya at iginiya si axe patungo sa sasakyan niya at agad rin akong sumunod ngunit huminto ako noong makita ko ang sasakyan ni axe sa garahe at wala itong masyadong sira kaya tinawag ko si zander.

"Promise me zan, hindi mo pababayaan si axelle, p-please... Dalhin mo siya sa hospital ng ligtas, may pupuntahan ako, babalik ako kaagad." untas ko ngunit hindi siya huminto at tumango nalang kahit pa alam kong marami siyang tanong. May tiwala ako kay zander na hindi niya pababayaan si axe.

"Don't worry, I won't let something bad happen to her, take care and please come back safe, hindi ko alam kong ano ang nangyayari ngayon but axelle's safety is a must." at ipinasok na si axe sa kotse niya at mabilis itong pinaharurot.

Tiningnan ko ang umaapoy ng bahay ngayon.

As what I said. Lines and life cost. Hinding-hindi ko palalampasin 'to Black Rebellion.

Pinaharurot ko ang sasakyan ni axe at iniwan ang tinutupok ng apoy na bahay. Sigurado akong naroon sila sa lungga nila ngayon kaya doon ako dumiretso at noong makarating doon ay agad akong bumaba sa sasakyan at kinalampag ang nakasiradong pintuan.

"Vaughn! Lumabas ka dito! Putangina mo! Lumabas ka at tapusin na natin 'to!" Galit na sigaw ko at sinipa ng malakas ang pintuan dahilan para masira ito at tumambad sa akin ang buong Black Rebellion.

Iginala ko ang paningin ko para hanapin si Vaughn ngunit sa halip na siya ang makita ko ay ang mga mata ni Waze ang nahagip ko. Natigilan ako sandali ng makita siyang nakatayo sa gitna, tila mayroon silang pinag-uusapan. Nakita ko rin ang pagkabigla ni waze ng makita ako.

"Zaiynx..." untas ng lahat sa pangalan ko na halos pabulong.

Nag halo na ang narararamdaman ko, tila bumabalik ang lahat, ang sakit at galit. Ngunit agad ko munang pinutol ang tingin ko at hinanap ulit si Vaughn ngunit siya narin mismo ang nagpakita.

"Hi zaiynx!" Mas lalong umusbong ang galit sa dibdib ko ng marinig ang boses niya. Nilingon ko siya at walang pag-aalinlangang sinugod.

Agad ko siyang kwenelyuhan at hindi na hinintay pang makapagsalita at sinundan ko kaagad ng suntok ang mukha niya kaya tumilapon siya sa isa sa mga lamesa.

"Zaiynx! Anong nangyayari?!" Tanong ni miko. Isa sa mga kasama namin noon.

Natawa ako ng mapakla, kong makapag-asta akala mo ay walang kasalanan sa akin.

Hindi ko siya pinakinggan at sinugod ulit ang nakabulagtang si Vaughn. Naka paa na lang ako ngayon at gusot narin ang suot kong dress ngunit wala na akong pakialam, hinding-hindi ko na palalampasin pa ang ginawa niya, lalong-lalo na at nadamay pa si axelle! Hindi ko sila mapapatawad lahat kapag may nangyaring masama sa kanya!

"Don't you like our little surprise for you?" Aniya at tumawa pa!

Dinakwit ko ulit ang kwelyo niya at ilang beses na sinuntok ang mukha niya."ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo na hindi ako ang dahilan ng pagkamatay ni heran! Hinding-hindi ko aakuin ang isang kasalan na hindi ko naman ginawa! Kasalanang si angelo naman ang dahilan! Ang kapatid ni 'yo!"asik ko.

Natigilan siya sandali ngunit sa huli ay tumawa."baliw ka nang babae ka! Gago!"aniya at kinuha ang baril galing sa bulsa.

"Bakit parang narinig ko na ang pangalan ko zaiynx?" untas ni angelo na nasa kabilang lamesa lang pala.

"Teka anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ni drew. Agad akong napairap.

Wala sa plano ko ang makita silang lahat ulit ngunit wala na akong pakealam pa ngayon, kong kinakailangang tapusin ko pa silang lahat ay gagawin ko.

Galit kong nilingon si angelo at siya naman ang sinugod. Ngunit bago pa ako makalapit sa kanya ay nakatuon na sa akin ang baril nilang lahat.

"One wrong move, and you'll be killed," Untas ng boses na kahit kailan ay hindi ko nakalimutan.

Kraeston POV

"Nasaan si zaiynx?!" tanong ko kay zander sa tawag naming dalawa. Naroon siya sa hospital ngayon dahil dinala niya raw si axelle dahil nawalan ito ng malay sa nangyaring pagsabog sa bahay nila.

"I don't know krae, ang sabi niya lang saakin ay may pupuntahan siya at babalik siya kaagad," kita ang sobrang pag-aalala at kaba sa boses ni zander.

Pumasok kaagad sa isipan ko ang Black Rebellion ng dahil sa sinabi ni zan, alam ko kong saan siya pumunta. Sa Black Rebellion.

"How's axe?"

"She's fine, ang sabi ng doctor ay hindi naman daw masyadong malalim ang sugat sa ulo niya at hindi rin masyadong malakas ang impact, mabuti nalang at nadala siya kaagad sa hospital bago pa siya maubusan ng dugo."

Nakahinga ako ng maluwang."alright, I'll search for zaiynx, bye."untas ko at pinutol ang tawag.

"Fuck!" Napahilamos ako sa mukha ko. Dapat hindi ko siya pinapabayaan e lalo na at alam kong hindi pa rin tumitigil ang Black Rebellion!

And for goodness sake! Black Rebellion has many hideouts at hindi ko alam kong nasaan si zaiynx ngayon!

Damn it!

Zaiynx POV

"One wrong move, and you'll be killed," Untas ni waze, naroon parin siya sa tinatayuan niya kanina.

"And you think that I am afraid with that," hindi iyon tanong. Agad kong inagaw ang baril na hawak ni angelo sa isang mabilis na kilos at agad siyang pinaputukan sa balikat at hita kaya napahiyaw siya sa sakit.

Mabilis kong inilagan ang mga bala'ng umuulan patungo sa akin, at nagtago ako sa isa sa mga lamesa at pinunterya ang chandelier sa itaas ng mansion dahilan para mahulog ito at matamaan ang iba, binaril ko rin isa-isa ang ilaw ng bahay at ngayon ay dilim nalang ang tanging nakikita ko.

Waze is weak when it comes to dark.

"What the fuck!"

"It's dangerous here, zaiynx is mad."

"Kilala natin siya waze! Itigil na natin 'to bago pa tayo maubos lahat!"

"Huwag kang mag tago sa dilim zaiynx! Hindi ka na makakaalis ng buhay dito!" Sigaw ni Vaughn."Si zaiynx ang pumatay kay heran! Bago siya umalis dito sa pilipinas ay pinasabog niya ang kotse ni heran at mayroon akong patunay na ginawa niya 'yon! Hindi siya ang zaiynx na kilala natin, nang dahil sa galit niya ay kay heran niya ito ibinuntong!"

"Ano?!"

"Bakit ngayon mo lang 'to sinasabi Vaughn?!"

"Totoo ba 'yan?! Puta!"

Putangina lang. Napapikit ako ng mariin.

Kinuha ko ang switchblade sa kaliwang hita ko na palagi kong dala at itinutok ito sa isa sa mga kasama nila.

"Waz—" hindi natuloy si drew sa sasabihin ng patulugin ko siya.

"Huwag na huwag niyong hahayaang makalabas pa siya dito! Dapat na siyang mamatay!" Asik ni Vaughn.

Kong hindi ko sila makaka-usap ng maayos. Pwes.

Sa isang mabilis na kilos ay isa-isa kong pinatulog ang lahat.

"Don't let your guard down everyone!" sigaw ni miko at pinaputukan ang banda ko ngunit agad akong nakaiwas. Mukhang nasasanay na ang paningin nila sa dilim.

Sinugod ko si miko at sinuntok ang panga niya pagkatapos ay binaril ang kanyang hita ngunit ginawa niya ang pagkakataong iyon upang sipain ako sa likuran gamit ang isang paa niya kaya muntikan na akong mawalan ng balanse, ipinutok niya ang baril niya ngunit madali ko lang itong nailagan at gamit ang hawak na baril ay hinampas ko ito sa ulo niya para makatulog siya.

"Hindi ako ang pumatay kay heran kong 'di si angelo!" Sigaw ko sa lahat ngunit tinawanan lang ako ni Vaughn.

"Ipapasa mo pa talaga ang kasalanan mo kay angelo! At sino satingin mo ang maniniwala sa 'yo zaiynx!" Asik niya.

"May ebidensiya ako." Seryosong untas ko.

"At saan mo naman nakuha ang ebidensiya mo?! Gawa-gawa mo lang?!" Sabay tawa ng sarkastiko.

"Diba isa ka ring ferrer angelo?" Tanong ko kay angelo at naging tahimik ang lahat.

"At galit ka sa mga ferrer ng dahil sa ginawa nila sa buhay mo," walang preno kong untas. Kailangang ma trigger ko ang galit niya para ilabas niya kong ano man ang totoong na raramdaman niya.

"Ano?! Baliw ka na zaiynx!" galit na sigaw red at pinaputukan ako ngunit agad ko iyong inilagan. Pinaulanan niya pa ako ng bala kaya itinapon ko ang hawak na switchblade patungo sa gamay niya para mabitawan niya ang hawak na baril.

"Nakilala ko ang isa sa mga katulong ng mga ferrer noon na tumulong sainyo noon at sinabi niya sa akin ang lahat. Uubusin mo ang mga ferrer hindi ba? At nagsisimula ka na." Patuloy ko dahil hindi pa rin siya sumasagot.

Hanggang sa naramdaman ko nalang ang paglapit niya at pagsugod sa akin. Akmang sisipain niya ako kaya kinuha ko ang paa niya at tinapon siya sa isang poste na malapit sa amin kaya agad siyang napainda sa sakit.

"Hindi ako isang ferrer at hindi ko alam ang sinasabi mo zaiynx! Baliw ka! Gago ka! Putangina mo!" sigaw niya at sumugod ulit.

Umikot ako sa ere at sinipa ng malakas ang mukha niya at dahil doon ay nawalan siya ng balanse, nilapitan ko siya at sinakal siya. Kinuha ko naman ang cellphone ko para iparinig sa kanilang lahat ang voice record na ginawa ko noong nakausap namin si Editha Corpuz.

"Si Angelo... Ang batang iyon..."ito ang unang salitang sinabi ng matanda."Alam ko ang dahilan kong bakit gusto ninyong malaman ang nakaraan ng batang iyon... At h-hindi ko na maatim na ilihim ito habang buhay! Lalo na ngayon na hindi na magtatagal ang buhay ko dahil matanda na ako."

"Matagal na akong nagtatrabaho sa mga Ferrer biglang katulong, ang buong buhay ko ay halos umikot na lamang sa pagsisilbi sa kanilang pamilya, ako na rin ang nag palaki at tumayo bilang ikalawang ina ni Arthur..."

Naramdaman kong natigilan si angelo ng marinig ang pag-iyak ng kanyang tinuring na lola.

"Putangina mo zaiynx! Itigil mo 'yan! Putangina!" asik niya at inagaw ang cellphone sa akin ngunit agad ko itong inilayo at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kanya. Ginawa ko ang pagkakataong iyon upang e head lock siya.

"Ang lahat ng mga sekreto niya ay alam ko... Kasama naroon ang pagkakaroon niya ng kerida at pagkakabuo ng kanilang nagawang kasalanan..."

"At ang batang iyon! Hindi niya ginampanan ang kasalanang siya naman ang gumawa! Naging duwag siya sa pagharap sa isang responsibilidad at sa takot na malaman ito ng kaniyang mga magulang kaya hindi niya inako ang anak niya sa kanyang kerida at pinalayas pa ito. Nagalit ako... Galit na galit ako noong sinabi niya ang lahat sa akin kaya naman pinuntahan ko ang mag-ina at tinulungan si Angelina hanggang siya ay manganak. Pinalaki niya si Angelo ng siya lamang mag-isa ngunit ng dahil sa sobrang pagtatrabaho ay nabugbog ang katawan niya hanggang sa tumuntong si angelo ng walong taon ay nawala ang kanyang ina. Kinuha ko ang kawawang bata at pinalaki ngunit habang lumalaki siya at nalalaman ang katotohanan ay unti-unti siyang nagrerebelde at puro galit na lamang ang nasa puso para sa mga Ferrer."

"Umalis siya sa poder ko sampung taon na ang nakalipas at sumali sa isang grupo para maisagawa ang plano niyang paghihiganti sa mga Ferrer na pinaniniwalaan niyang sumira sa buong buhay nilang mag-ina!"

"S-si angelo.... S-siya po ba ang gumawa noon kay heran?"

"mama! Anong nangyayari?! Bakit ka umiiyak?!" At noong marinig niya ang boses ni mitch ay mas lalo siyang nagpumiglas sa hawak ko.

"Patayin mo 'yan! Vaughn! Tulungan mo ako! Huwag kayong maniniwala sa babaeng 'to! Plano niya 'to! Hindi sila 'yan! Kahit kailan ay hinding-hindi 'yan sasabihin ni nanay!" Asik niya.

"Si Editha? Angelo, akala namin ay wala kang pamilya..." hindi makapaniwalang untas ni Vaughn."yon ang sabi mo!"

"please huwag niyong pilitin si mama magsalita, may sakit siya at matanda na, hindi siya pwedeng ma stress!" Patuloy parin ang voice record.

"Anak, gusto kong sabihin ang lahat sa kanila... Hindi ko na kaya ang ginagawa ni angelo! Kahit ikaw ay hindi siya mapigilan hindi ba?! Kaya baka itong mga batang ito ay mapipigilan pa siya sa kanyang mga plano! Napakalaki na ng kasalanang nagawa ni Angelo, Mitch! Pinatay niya ang kapatid niya! Si Heran! Uubusin niya ang mga Ferrer Mitch! Wala siyang ititira!"

Parang isang dagundong ang mga huling salitang sinabi ni Editha na dahilan upang sugurin ni Vaughn si angelo at kwelyuhan.

"Angelo, kilalang-kilala ko ang boses ni Yaya!" Sigaw niya.

"Huwag mong sabihing naniniwala ka na kaagad diyan ng dahil lang sa boses Vaughn?! May ebidensiya tayo! Nakita mo naman hindi ba na naroon ang sasakyan ni zaiynx bago sumabog ang kotse ni heran!"sigaw niya pabalik."nakuha ng cctv na nakita nating dumaan ang sasakyan ni zaiynx ilang minuto lang bago dumaan ang sasakyan ni heran at sumabog! At isa lang ang ibig sabihin no'n! Minan-manan niya si heran!"nagpumiglas si angelo at galit akong nilingon." You two-faced bitch!"

"Pero bakit hindi namin alam gelo? Matagal na pala kayong may ebidensiya? Bakit? Dahil ayaw mong baka malaman ni waze? Sa narinig namin ngayon ay pati ako ay naguguluhan kong bakit... Bakit hindi mo rin sinabi sa amin, si heran ang pinag-uusapan dito pre e!"


You are reading the story above: TeenFic.Net