KABANATA 13

Background color
Font
Font size
Line height

Zaiynx POV

"Thank you," sagot ko sa sinabi niya kahit pa pakiramdam ko ay kinikiliti ang tiyan ko.

Ngumiti siya at hindi na nagsalita pa ulit ngunit hindi naman inaalis ang tingin sa mga mata ko. Nakita ko pa ang pag gala ng tingin niya sa kabuuan ng mukha ko habang ako ay nagpapatay-malisya lang. Nang matapos ang sayaw namin ay bumalik na kami sa original na partners namin. Malaki ang ngiting kinuha ni gavin ang kamay ko at isinayaw ako ulit.

Kaswal lang kaming nag-usap ni gavin hanggang sa matapos ang kanta at nagsibalikan na ang iba sa upuan nila dahil hype na ulit ang kanta at masayang nagsasayawan ang mga studyante sa gitna, at isa ako sa mga studyanteng bumalik na sa upuan dahil nag sisimula na talagang sumakit ang paa ko ng dahil sa suot na takong.

Hinubad ko ang suot na heels at tiningnan ang mga paa ko at medyo namumula na ito. Napabuntong-hininga ako at kukuha na sana ng tissue para ilagay dito ngunit bigla nalang may naglahad ng napakaraming band aid.

"Alam kong hindi ka sanay mag heels kaya baka lang kailangan mo kaya nag dala na ako," boses 'yon ni krae.

Nilingon ko siya at seryoso na naman ang tingin niya sa akin, napalingon naman ako sa likuran niya ng makita si kyrie doon na nakikipag-usap kay elena. Nilingon ko pabalik si krae at tinanguan.

"Thank you," untas ko na tinanguan niya at umupo na sa upuan niya. Pinanuod niya lang ako habang nilalagyan ko ng band aid ang mga sugat sa paa ko, ngunit naputol lang iyon ng tinawag siya ni kyrie para sumayaw sa gitna. Hindi ko alam kong anong meron pero sobrang laki ng ngiti ni kyrie ngayon, tila ba mayroong magandang nangyari ngayong gabi, dahil kanina ay halos hindi naman siya nakangiti.

Kraeston POV

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang dahan-dahan kaming sumasayaw dito sa dancefloor, pakiramdam ko ay sobrang tagal ko siyang hindi nakita dahil ngayon nalang ulit kami naging ganito ka lapit at parang ayaw ko ng matapos pa 'to. Agad na nanuot sa pang-amoy ko ang pabango niya at parang ayaw ko na siyang bitawan pa.

Tahimik lang kaming dalawa ni zaiynx at paminsan-minsan ay iniiwas niya ang tingin sa akin na para siyang naiilang sa sobrang lapit namin at gusto kong ngumiti sa hindi malamang dahilan. Nang matapos ang sayaw namin ay bumalik na kami sa dating partner namin. Kyrie smiled widely at me.

"I have something to tell you krae," she said as I put my hands around her waist.

"What is it?"

Lumapit siya ng konti sa akin at hinalikan ako sa labi bago bumulong."I am now allowing you to court me,"she whispered.

Natigilan ako sandali.

Wait... Am i hearing it right?

Pero....

Napatingin ako kay kyrie na hinihintay ang magiging reaksyon ko.

Ngunit bakit parang hindi ako nakakaramdam ng saya o excitement? What the heck is happening to me? Diba hinihintay ko 'to?

"R-really?" I asked with amusement.

Ngumiti siya ng malapad at paulit-ulit na tumango."yes!"at niyakap ako kaya niyakap ko siya pabalik, ngunit ang mas nakapagpatigil sa akin ay ang sinabi niya.

"I know that you're kinda confused right now krae, because of that certain someone but I won't let her win, you're mine since day one and you're still gonna be mine until now."

"What? What do you mean, ky?"

"No one can replace me in your heart krae, always remember that."

"I don't understand you," untas ko.

"You do. But you're just acting like you're not because you're indenial, but no worries," she said."You'll forget about it."

Hindi ako nakapagsalita dahil parang nasapul ako sa sinabi ni kyrie. Indenial. Is this really the reason? May mga tanong na nabubuo sa isipan ko ngunit hindi ko magawang sabihin dahil indenial ako.

I am out of words.

Kaya naman hanggang sa matapos ang kanta ay tahimik lang kaming dalawa ni kyrie. Bumalik kami sandali sa table namin dahil nauuhaw raw siya, nakita ko naman si zaiynx na nakaupo na doon at tinitingnan ang mga paa niya na ngayon ay namumula na.

Agad kong kinuha sa bulsa ang dala kong band aid kanina at inilahad ito sa harapan niya.

I know that she's not used in high heels kaya naisipan kong mag dala nito. Bigla nalang rin 'tong pumasok sa isipan ko kanina. Para na akong nasisiraan ng bait.

"Alam kong hindi ka sanay mag heels kaya baka lang kailangan mo kaya nag dala na ako," I said when she gave me a questioning look.

"Thank you," tipid na sagot niya at kinuha ito para ilagay sa parte ng paa niya kong saan nagsisimula ng magkaroon ng sugat.

Zaiynx POV

Pagkatapos ng sayawan ay kainan na at ngayon ay masaya silang nagkekwentuhan sa table namin ng kong ano-ano habang ako naman ay tahimik lang na kumakain. Maya-maya pa ay nagsalita na si Ej sa harapan na e a-announce na kong sino ang magiging King and Queen of the night sa taon na ito at ito ay pagbobotohan ng mga studyante, ang bawat isa ay bibigyan ng papel at ballpen at doon isusulat ang pangalan ng satingin nila ay karapat dapat.

Ang isinulat ko sa papel ay si Axelle at Zander at noong natapos ako ay inilagay ko ito sa isang hindi naman kalakihan na box, at ng matapos ang lahat ay nagpatuloy na kami sa pagkain dahil bibilangin pa ang mga naging boto.

Noong natapos kaming kumain ay umalis na muna ako sa table namin para pumunta ng cr. Pagkapasok ko ay walang ibang tao kong 'di ako lang, pumasok ako sa isa sa mga cubicle at no'ng natapos ako ay tiningnan ko muna ang sarili sa salamin at hinugasan ang kamay, habang inaayos ko ang buhok ko ay biglang bumukas ang pintuan ng cr at kahit pa hindi ko na lingunin ay si kyrie 'yon dahil nakikita ko siya sa salamin.

Agad akong nakaramdam ng inis ng mag tama ang mga tingin namin dahil hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niyang pag sampal sa akin! Bwiset!

Kaya naman ay nagpatay malisya na lang ako at baka may masabi pa akong hindi tama. Nang matapos ako ay humakbang na ako palabas ng cr at noong lalagpasan ko na sana siya ay bigla siyang nagsalita ngunit hindi parin ako tumigil sa paglalakad.

"I apologized about what happen between us last time," aniya.

Doon lang ako huminto noong naro'n na ako sa pinto at nilingon siya."uh-huh."at lumabas na. Wala akong panahon para makipag-plastikan pa sa kanya. Basta ba ay hindi niya na ako guguluhin pa, wala naman akong pakealam sa kanilang dalawa.

Nang makabalik ako sa table namin ay ilang minuto lang ay nakabalik narin si kyrie, inanunsiyo na rin ni Ej kong sino ang King and Queen of the night at sina Kyrie at Krae ito. As usual daw, kahit noon pa ay wala ng palya'ng sila ang nanalo, at ika nga ng iba, sila raw ay isang "powerful couple" e wala namang sila.

Umakyat sa stage ang dalawa para kunin ang korona at sash, at pagkatapos ay nag picture pa sila sandali bago sila bumaba. Malakas na hiyawan ang ibinigay ng lahat ng dahil sa sobrang pagkakilig sa nakikita nila pero ako ay gusto kong umirap.

Picture taking at sayawan ulit ang nangyari, at ngayon ay nagkakaroon kami ng group photo, individual at partner shots, nag picture kami ni gavin dahil request niya at nakahawak siya sa bewang ko, ngumiti naman ako sa camera. At pagkatapos ng event ay kanya-kanya ng uwi ang lahat.

"Zaiynx pwede bang ako ang mag hatid sa 'yo ngayon?" Tanong ni gavin noong palabas na kami.

Tumango ako."sure,"dahil si zan ang mag hahatid kay axe pauwi at alangan namang maging third wheel pa ako ng dalawa e moment na nila 'yon.

Agad na ngumiti ng malapad si gavin at iginiya ako patungo sa kotse niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger's seat at nang makapasok ako ay naglakad na siya patungo sa driver's seat.

"Saan pala banda ang bahay ni 'yo, zaiynx?" inosenting tanong niya kaya agad kong sinabi kong saan.

"Uhm... Zaiynx, may gusto sana akong sabihin," putol ni gavin sa mataas na katahimikan habang bumabyahe kami."actually... Matagal ko na 'tong gustong sabihin sa 'yo."aniya habang nakatitig lang sa daan.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

At this time ay lumingon na siya sa akin."Zaiynx gusto kita,"untas niya ng walang pag-aalinlangan.

Hindi ako kaagad nakasagot kahit pa parang expected ko na ang sasabihin niya.

"Matagal na... Noong una palang kitang makita noon ay gusto na kita... Akala ko ay wala lang p-pero habang tumatagal na nakikita kita sa campus ay parang gusto kitang lapitan palagi.." ibinalik niya ang tingin sa daan at nahahalata ko sa boses niya ang kaba.

"Hindi kita tatanungin kong may pag-asa ba ako sa 'yo o wala, gusto ko lang sabihin para malaman mo... At s-sana zaiynx ay hindi mo ako layuan ng dahil sa nalaman mo."

Napatanga ako sa sinabi niya.

"Pero... Bakit ako?" hindi ko alam kong saan nanggaling ang tanong na 'yon.

"Dahil ikaw si zaiynx."

Naging tahimik na kami pagkatapos ng pag-uusap na 'yon. Dahil hindi ko rin naman alam kong ano ang sasabihin ko! Ang awkward ng pakiramdam ko, lalo na at dahil kaming dalawa lang ang nandito sa sasakyan niya.

"Dito lang, gav," untas ko noong naroon na kami sa kanto patungo sa bahay at agad niya rin naman itong inihinto.

"Saan banda dito ang bahay ni 'yo?" Aniya at iginiya ang tingin sa labas.

"Lalakarin ko nalang, malapit nalang naman," sagot ko at binuksan na ang pinto.

"Sigurado ka zaiynx? Ihatid na kita sa harapan ng bahay ni 'yo." Awat niya ngunit lumabas na ako.

"Hindi na," ngumiti ako sa kanya para sabihing okay lang."Thank you sa paghahatid sa 'kin."

Ngumiti siya pabalik at hindi na ako pinilit pa."You're welcome."

"Una na ako."

Tumango siya."sige zaiynx, goodnight, sobrang nag enjoy ako sa gabing 'to kahit na may konti akong kasalanan,"sabay kamot sa batok ng dahil sa hiya.

"Ayos lang 'yon," natawa ako ng konti at kinawayan na siya at hinintay siyang umalis. Hindi ako komportable na malaman niya kong saan talaga ang bahay namin dahil baka kong ano nalang ang masabi ni gavin.

Pinaandar na niya ulit ang sasakyan niya at umalis na kaya naglakad na rin ako patungo sa bahay at ng makarating ako doon nakita ko pang paalis na ang sasakyan ni zander at bumosena pa sa akin kaya kumaway ako kahit na hindi ko siya makita sa loob.

Nakita ko si axe sa hindi kalayuan na binubuksan na ang pintuan ng bahay ngunit bigla akong natigilan ng meron akong naamoy.

Shit!

"Axelle! Lumabas ka ng bahay!" agad kong sigaw at tinakbo ang pagitan namin ngunit huli na ang lahat, naroon palang ako sa gate namin ay bigla nalang sumabog ang loob ng bahay namin at nadali noon si axe.


You are reading the story above: TeenFic.Net