KABANATA 12

Background color
Font
Font size
Line height

Zaiynx POV

Nag simula na ang party at ngayon ay mag katabi kami ni krae, magkasalikop ang kamay nilang dalawa ni kyrie at hanggang ngayon ay wala parin kaming imikan.

"Zaiynx," tinawag ni Gavin ang atensiyon ko at naglahad ng juice kaya tinanggap ko ito.

"Thank you."

Nagsimula na ang party at ngayon ay mayroong isang intermission na by grade level. Ang isinayaw halos ng grade levels ay hip-hop, samantalang ang sa amin naman ay modern dance at noong natapos ito ay nagpalakpakan ang lahat.

Ininom ko naman ang ibinigay ni Gavin na juice at inilapag ito sa lamesa ng hindi ito maubos ngunit sakto namang pag lagay ko dito sa lamesa ay biglang natabig ni Gavin ang kamay ko dahil mas inilapit niya ang upuan namin.

"Shit!" Agad akong napamura sa gulat ng matapon ang juice at dumiretso ito sa sleeve ng tux ni krae!

"Zaiynx! I'm sorry!" Randam ko ang sobrang takot sa boses ni Gavin at agad na kumuha ng tissue para punasan ang lamesa.

"Sorry!" Paghingi ko ng tawad kay krae at agad ring kumuha ng tissue at itinayo ang baso bago pinunasan ang nabasang sleeve niya, ngunit hindi ko pa ito nailalapat sa tux niya ay pinigilan niya na ang kamay ko sa gagawin.

Bigla akong nanlamig dahil nakakita ako ng inis sa mga mata niya."s-sorry,"at nautal pa talaga!

Napapikit ako ng mariin. Nakatingin narin ang mga kaibigan namin sa nangyari. Samantalang si krae naman ay hindi sumagot at hinablot sa akin ang hawak kong tissue, nagtaka ako noong bigla siyang humarap sa akin para punasan ang nabasang hem ng dress ko na hindi ko napansin ng dahil sa kaba na baka magalit siya sa pagkabasa ko sa suot niya.

Binawi ko ang kamay ko sa hawak niya at akmang kukunin ang tissue sa kamay niya ngunit agaran niya itong inilayo."ako na,"malamig niyang untas habang dinadampi ang tissue sa suot ko.

"I'm sorry! H-hindi ko sinasadya!" Pag-hingi ng tawad ni Gavin.

"Okay lang," ngumiti ako sa kanya dahil halata na sa boses niya ang pagkataranta bago nilingon si krae at inalayo ang damit ko."ako na, salamat, "untas ko at kumuha ng panibagong tissue, hindi naman masyadong malaki ang nabasa ngunit kapag nailawan ito ay sigurado akong kitang-kita.

Hindi parin sumagot si krae at hinayaan na ako ngunit nakita ko pang kinuha niya ang baso na mayroong juice kanina at inilayo ito na para bang kasalanan pa nito na natabig siya.

"Baka lamigin ka," mahina lang ang sinabi niya pero narinig ko.

"And now! Let us move on in the intermission number! Now! Let's proceed in our singing idols! Let us welcome the representative of the grade 12 levels! As it has been randomly selected of who'll gonna be the first presentor!"

Mas lalong dumagdag sa kaba ko ang sinabi ng emcee. Agad na naghiyawan ang lahat dahil doon at hinintay na kong sino ang representative ng grade 12 para kumanta doon sa harapan. Hindi ko alam na random lang pala ang pipiliin sa kong sino ang mauunang kumanta!

Inilagay ko naman sa lamesa ang tissue na hawak ko at tumayo na para pumunta doon sa harapan.

"Zaiynx saan ka pupunta?!" Takang tanong ni brazen ngunit hindi na ako naka sagot ng dahil sa kaba at dire-diretso na ang lakad ko patungo sa stage.

Inilahad ni Ej sa akin ang isang gitara ng makaakyat ako kaya kinuha ko ito.

"Good luck!" Bulong niya pa.

Napahinga naman ako ng malalim.

~flashback~

"Zaiynx!"tawag ni axe sa akin ng puntahan ko siya sa auditorium para sa practice nila sa badminton.

"Bakit?"

"May itatanong sana si elena sa'yo! Sana pumayag ka!" ngiti niya kaya kumunot ang noo ko at nilingon si Elena na nasa likod niya at nakasunod sa kanya.

"Ano yon?" Takang tanong ko.

"Hi zaiynx!" kaway niya."uhm... Alam kong nakakahiya 'to pero sana pumayag ka sa hihilingin ko,"panimula niya."uh, kasi... Diba bukas na ang Acquaintance Party?"tanong niya kaya tumango ako."and kasi hindi makakapunta ang representative natin bukas sa singing idol dahil nag kasakit siya! At wala na akong ibang ma pilit na student para maging sub sa kanya dahil ang nagiging dahilan nila ay hindi sila ready dahil sobrang biglaan at bukas na kaagad at sakto namang na topic namin iyon ni axe at sinabi niya sa akin na magaling ka raw kumanta!"

Hindi ako naka sagot kaagad sa sinabi niya at pinoproseso pa ito sa isipan ko.

"Kaya uhm... Is it okay to you to become our sub representative? Ma di-disqualified kasi ang level natin kapag kahit sa isang event lang ay hindi tayo makakasali! At ikaw nalang ang pag-asa natin!" dagdag niya pa.

"Zaiynx please! Sana pumayag ka! Sigurado akong sure win na tayo sa 'yo!" Sabay kindat pa ni axe.

"Pag-iisipan ko?" Hindi ako sigurado sa isinagot.

Kasi naman! Sinong hindi magugulat dito?! Napaka biglaan naman talaga! Bukas na bukas ay agad akong kakanta at hindi rin ako ready!

"I promise! This will be worth it! Hindi mo pagsisisihan na sasali ka dito zaiynx!" pilit ni Elena.

"Yakang yaka mo na 'yan zaiynx! Ikaw pa! Huwag mo ng itago ang talent mo!"

Napabuntong-hininga ako. Ano pa bang magagawa ko? Eh parang hindi ako lulubayan ng dalawa kapag humindi pa ako.

"Sige na."sagot ko.

"Yes!" Napatili ang talaga.

~end of flashback~

Umupo ako sa isang high chair habang may microphone sa harapan, inilagay ko naman ang gitara sa mga hita ko.

Napalunok ako ng tumahimik ang lahat at sa taas ng tingin ko ay biglang nag tama ang tingin namin ni krae kaya agad akong umiwas.

"Around of applause please!" Ani Ej na sinunod naman nila kaya tumikhim ako at sinimulan na ang pag strum noong matapos ang palakpakan nila.

How ironic.

Natawa ako sa isip habang patuloy parin ang pag strum. Ang kakantahin ko pa talaga ngayon ay ang kantang pinaka-ayaw ko nang marinig pa.

Pumikit ako bago inumpisahan ang kanta.

"Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa,"

Agad na nagpalakpakan at naghiyawan ang mga studyante nong kumanta ako ngunit hindi ko parin idinilat ang mga ko habang ang lahat ng mga alaala dati ay bumabalik sa akin.

Bigla nalang pumasok sa isipan ko na ito ang kantahin dahil gusto kong patunayan sa sarili ko na ayos na ako.

"Tanaw pa rin kita, sinta
Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala
Sa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata"

"I will marry you, zaiynx."

"We'll get married, maybe three years from now!"

Tangina.

"'Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay
Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang 'yong kamay"

Kraeston POV

I feel like everything paused. The world pause.

As I am watching her singing there, everything became slow, it's just her, there, singing like there's no one is watching her.

I cannot understand what I am feeling right now but I think I don't need to understand it immediately.

"Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan

Nating dalawa, nating dalawa"

Her voice is so cold that it sent shivers down my spine. I didn't even imagine that she's such a good singer!

Nakapikit siya ngayon at tila napakaraming iniisip at habang kinakanta niya ito ay parang may gusto siyang ipahiwatig.

At ngayon ay hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. God. She's fucking illegal.

"Simoy ng hangin na kay lamig sa katawan
Daig pa rin ng liyab na 'king nararamdaman
Sa tuwing tayo'y magkabilang mundo
Isang tingin ko lang sa buwan, napalapit na rin sa iyo"

"Langit ay nakangiti, nag-aabang sa sandali
Buong paligid ay nasasabik sa 'ting halik"

Matapos niyang kantahin 'yon ay dumilat siya at nag tama ang tingin naming dalawa. Bigla siyang ngumiti ng konti kaya natigilan ako.

"Bakit iyan ang napili ni zaiynx kantahin?" tanong ni brazen kay axelle at kita sa mukha niya ang pag-aalala. Bakit?

"She looks an angel! Oh my god! Ang ganda ng boses ni zaiynx sobra!" tili ni shan.

Alam na rin namin ang dahilan kong bakit siya ang kumakanta ngayon sa stage dahil nasabi na sa amin ni axelle.

"Hindi ko rin alam, hindi ko na kasi naitanong sa kanya kong ano ang kakantahin niya!" Sagot ni axe sa tanong ni brazen.

"Bakit anong meron sa kanta? Ang ganda kaya!" Sabat ni Justin.

She hates that song.

Hindi ko na kailangan ng sagot para malaman kong ano ang ibig sabihin ni braze.

"Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa"

"Halika na sa ilalim ng kalawakan
Samahan mo akong tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa"

Naghiyawan ang lahat ng matapos niya ang kanta, tumayo siya at yumuko bago bumaba ng stage.

"Wow! What an amazing voice! Parang ayaw ko ng matapos ang kanta ng dahil sa ganda ng boses ng ating first representative!" Anang emcee.

"Ang ganda niya talaga," narinig kong wala sa sariling untas ni gavin habang nakatitig kay zaiynx na naglalakad na ngayon pabalik dito.

Nang makabalik siya sa table namin ay agad siyang pinuri ng mga kaibigan namin at matagal pa bago siya nakaupo pabalik dahil hindi na siya binitawan nina vien sa sobrang hindi makapaniwala sa nangyari kanina.

Sinulyapan ko naman si kyrie dahil kanina ko pa napapansing sobrang tahimik niya, and it's unusual. Ngunit sa pag lingon ko sa kanya ay nakatitig na pala siya sa akin. Nagkatinginan kami ngunit walang gumalaw o nagsalita ni isa sa amin.

"Is there something wrong?" I asked ngunit umiling siya.

"Nothing."

Hanggang sa matapos ang pag kanta ng bawat year level ay nag announce na si Ej sa pinaka-hihintay ng lahat. Ang sayawan.

Agad na nagpuntahan ang lahat sa gitna at nakisabay sa musika. Rock ang music kaya nagtatalunan at nagtatawanan ang lahat. Nagsitayuan na rin kami at nag tungo sa gitna.

Zaiynx POV

Hindi ko inakalang makakaya kong tapusin ang kanta kanina. Akala ko ay gano'ng sakit parin noon ang mararamdaman ko pero hindi, hindi na. Sinabi ko na noon sa sarili ko na kapag kaya ko ng balikan ang lahat ng walang nararamdamang sakit ay ibig sabihin lang no'n ay okay na ako. At ngayon ay nagawa ko.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang sumasayaw sa gitna ng dance floor ngayon, rock ang kanta kaya napapa-head bang kami. Dim narin ang lights kaya para kaming nasa bar.

"Sana hindi na matapos 'to!" sigaw ni axe habang sobrang laki ng ngiti. Medyo pinagpapawisan na siya ng dahil sa pagiging magalaw niya. At kanina pa sila nag pi-picture nina shan at vien.

Nang matapos ang dalawang kanta ay bumalik na muna kami sa table namin dahil sa pagod at medyo sumasakit na rin ang mga paa ko sa heels dahil hindi ako sanay na mag suot ng ganito.

Nag dala si Justin ng inumin sa table namin kaya ininom namin iyon. Walang alcoholic drinks ngayon dahil hindi ni allowed ng dean kaya sa juice nalang muna kami. At dalawang kanta pa ang natapos bago ito naging slow dance. Ang lahat ng mag partner ngayon ay nasa dance floor na. Si zander at axe, si vien at brazen, si justin at shan at si krae at kyrie.

Naglahad naman si Gavin ng kamay sa akin kaya tinanggap ko ito at pumunta na kami sa gitna.

Inilagay niya ang mga kamay niya sa bewang ko habang naka pulupot naman ang kamay ko sa leeg niya.

"Ang galing mo kanina, z-zaiynx.." pagsisimula niya ng topic sa pagitan ng dahan-dahan naming pagsasayaw.

"Salamat," ngumiti ako.

"A-at sorry nga pala sa nangyari sa dress mo kanina, hindi ko talaga sinasadya," pag hingi niya ng tawad ulit.

"Hindi naman kita at malaki kaya ayos lang," sagot ko.

Ngumiti siya ng konti at hindi na sumagot pa, nakatitig lang siya sa akin at hindi mawala ang ngiti sa labi. Hanggang sa dumating ang kanta kong saan kailangang magpalitan ng kaparehas hanggang sa bumalik ka sa original na partner mo.

Si brazen ang una kong naging partner kaya halos asaran lang kami, kasunod naman ay si zan at pareho lang kaming tahimik, marami pang ibang mga studyante akong naisayaw ngunit hindi ko na napagtuonan pa ng pansin dahil medyo napapagod na ang mga paa ko sa suot na heels, lalo na at hindi ako sanay dito.

Ngunit parang nawala ang sakit ng mga paa ko noong si krae na ang naging partner ko. Bigla akong kinabahan at hindi ko alam kong ano ang dapat na gawin! Naguluhan pa ako kong saan ko dapat ilagay ang mga kamay ko kaya kinuha niya ito at siya na mismo ang naglagay sa leeg niya.

Bigla akong nakaramdam ng hiya sa nangyari at hindi makatingin sa kanya.

Dahan-dahan lang ang sayaw naming dalawa at wala ring nagsasalita ni isa at gusto ko ng matapos kaagad ang sayaw!

"How are you these days?" bigla siyang nagtanong kaya medyo napaigtad ako.

"Is there something unusual happening again?" dagdag niya noong hindi ako nakasagot.

"Wala naman," sagot ko. Dahil matapos nga pangyayari noon sa pagitan namin ng Black Rebellion ay wala na silang naging paramdam pa ulit at sigurado akong hindi pa natatapos 'yon doon, ang hindi lang ako sigurado ay kong kailan at kong saan.

"You're so pretty, by the way."


You are reading the story above: TeenFic.Net