KABANATA 9

Background color
Font
Font size
Line height

Zaiynx POV

"A-anong Ferrer?"utal kong tanong."sigurado ka ba dito?"ipinakita ko kay krae ang papel.

"Yup," tumango siya."a hundred percent, at first ay hindi rin ako naniwala syempre dahil Ramos naman ang apilyedo niya but when I did some research I immediately found the truth, I am sure about my informations but I am not a hundred percent sure if this has something about the accident but I guess it have."aniya.

"Michael Angelo Ramos, he's been using her mother's surname because he never have a father by his side but then his birth certificate says it all that he's a Ferrer and his father was the father of Heran and Vaughn Ferrer, it means that the three of them are brothers, and their father had an affair with angelo's mother. I don't know their whole story of course but I think their father don't claimed angelo to be his son because they're never been mention by Arthur Ferrer, the owner of Ferrer Cars Inc. And also the fact that he's using Ramos." At habang sinasabi 'yon ni krae at nilalaharan niya ako ng iba't-ibang papel kong saan may iba't-ibang impormasyon, mayroong birth certificate ni angelo kong saan makikita ang pangalan ni Arthur Ferrer sa Father at mayroong isang litrato kong saan lumabas si Arthur sa isang maliit na bahay at mayroon ring isang litrato na makikitang magkasama ang dalawa.

"And there's a two what if here," ani krae sabay pakita pa ng dalawang daliri niya."Does angelo was the mastermind of heran's accident? Or Does angelo didn't even know the truth that he's a Ferrer because he's mother has been hiding it after all and the one who did it was still in the run.

"Ang mama ni angelo ay matagal ng wala krae," sagot ko at nanghihinang napaupo.

Ayokong maniwala... Hindi... Alam kong hindi naman sigurado kong si angelo nga ang gumawa dahil mga impormasyon lang 'to tungkol sa kaniya! Paano kong inosente naman pala talaga siya?! At paano kong hindi niya talaga alam na isa siyang Ferrer?! Pero... Napapikit ako ng mariin.

"For now, it's all we have, we need to search more," aniya at ngayon ko lang na realize na nalaman niya ang lahat ng 'yon ng isang gabi lang!

Nilingon niya ako."Is it okay to ask?"tanong niya kaya tumango ako."Who is Heran Ferrer to you? 'Cause I think for what I have heard, your past with Black Rebellion is not good for some reason."

Natigilan ako. Sasabihin ko ba?

Napakagat ako sa pang-ibabang labi at nag-isip ng mabuti kong dapat ko ba talagang sabihin sa kanya ang nangyari noon. Pero okay lang naman siguro hindi ba? Dahil napatunayan ko na ring maasahan siya pero paano kong... Hindi? Paano kong may ibang plano talaga siya? Pero wala rin namang mawawala zaiynx diba? Ang tanong nalang dito ay kong okay ka na bang pag-usapan ang bagay na 'to, sobrang laki ng sugat ang ibinigay nila sa akin noon...

Nang nakita ni krae na matagal akong nakasagot ay itinaas niya ang isang kamay niya."It's okay kong ayaw mong sabihin,"ngumiti siya para sabihing ayos lang.

Umiling naman ako."Nangyari to tatlong taon na ang nakalipas, naging kasama nila ako ng isang taon,"panimula ko at ipinakita sa kanya ang pendant ng kwintas na suot ko."at ito, alam kong matagal mo na 'tong nakita at alam kong alam mo ang ibig sabihin ng pendant na 'to, it's their group crest or symbol, ibinigay ito sa akin ni heran dahil hindi ako pwedeng magkaroon ng tattoo, "tahimik lang siyang nakikinig." And to make it short, the Black Rebellion betrayed and used me and only heran stayed by my side, siya lang ang nag-iisang tao sa Black Rebellion ang hindi ako ginamit,"mapait kong ngiti."Para na siyang nakakatandang kapatid sa akin."

Natahimik si krae sa sinabi ko.

"I didn't thought it's that deep."

Natawa ako ng mapakla."Pero okay na 'ko, ang hindi ko nalang alam ngayon ay kong kailan ko sila mapapatawad."

"I never even loved you zaiynx, I only used you."

Napahinga ako ng malalim ng marinig ko na naman sa isipan ko ang mga salitang 'yon... Isang pangyayari na ayaw ko ng pag-usapan.

10 pm na ako nakauwi sa bahay dahil pagkatapos ng pag-uusap namin ni krae ay naisipan niya pa ang mag labas ng Black Daniel's kaya uminom muna kami at nag kwentuhan.

"Have you ever been in love?" random na tanong niya, nandito kami ngayon sa balcony ng suite niya at sobrang presko ng hangin dito sa taas, kitang-kita ang city sa ibaba at ang mga ilaw nito.

Muntik ko ng maidura ang nilagok kong inumin."b-bakit mo naman naitanong? Ang random mo!"

Natawa siya sa naging reaksyon ko."Satingin ko oo,"siguradong sagot niya kaya inismiran ko siya.

"Ano naman ngayon, lahat naman siguro ng tao ay naging in love na."

"Anong feeling?!" Inilapit niya ang mukha niya para makinig sa kong ano man ang sasabihin ko.

"Eh ikaw, in love ka kay kyrie hindi ba? Eh kong e pursue mo na kaya siya," untas ko.

Natigilan siya sandali at bumalik sa dating pwesto niya."I am not sure, I really want to court her before but as time passes by my will to court her is not like before but I still like her."diretsahang sagot niya.

Tumango ako."No comment, buhay niyo naman 'yan."

"How about you? What do you feel to the person you're in love with? In love ka parin ba ngayon sa kanya? Or you're still in relationship right now?"

Umiling ako sa tanong niya."He's married."

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko, pati ako ay nagulat rin! Shit! Mukhang natataman na ako ng alak ah! Hindi ko inaakalang masasabi ko 'yon ng parang wala lang! Tangina!

"What?! Really?! Married with another girl?!"pagkaklaro niya at hindi na ako nakasagot.

Tumayo ako." Parang kailangan ko na yatang umuwi krae, mukhang natatamaan na ako ng alak, may pasok pa bukas."

Sana maramdaman niyang umiiwas ako sa topic na 'to! Ano ka ba naman zaiynx! Tanga mo!

At mabuti nalang at tumango siya at tumayo rin."ihatid na kita,"at iginiya ako palabas kaya wala na akong nagawa at hinayaan na siyang ihatid ako hanggang parking lot at noong makapasok ako ay nagsalita siya.

"Good night," aniya at tumago ako.

"Thank you pala sa information na ibinigay mo," nilingon ko siya."I owe you,"untas ko at umalis na.

Kinabukasan ay ako lang ang nakaramdam ng awkwardness sa amin dalawa ng dahil sa nasabi ko kagabi. Shit naman oh.

"Okay ka lang?" Takang tanong niya ng mahalatang parang iniiwasan ko ang tingin niya, hinawakan niya ang balikat ko para ipaharap sa kanya ngunit inalis ko ang kamay niya."kong tungkol 'to sa sinabi mo kagabi, don't worry I didn't mind at hindi na ako magtatanong pa tungkol doon, it's your life."

Nilingon ko siya dahil doon."Kalimutan mo nalang 'yon please. "

Tumango siya."okay."

Ang dali naman kausap nito, at mabuti na rin. Nakahinga naman ako ng maluwang.

Lumipas ang ilang araw na gano'n lang palagi ang eksena namin, papasok sa umaga at magpa-practice sila sa hapon at Hindi parin kami tumitigil ni krae sa paghahanap pa ng matibay na impormasyon, minsan ay doon na ako nakakatulog sa penthouse niya dahil nagtutulungan kami sa kaso ni heran, hanggang sa dumating ang isang araw na nakahanap kami ng mas magpapatunay kong sino ang talagang gumawa ng pagka-aksidente ni heran.

"This is the Ferrer's oldest servant, Editha Corpuz, and it is said that she knows everything about the families matter, she's the one who raised Arthur Ferrer," ani krae habang pareho kaming nakatingin sa isang litrato ng matandang babae sa screen ng laptop niya."she's retired now but the Ferrer still support her financial needs because she didn't have any children. And I think she's the one who can help us."

"Saan siya nakatira? At kong kakausapin man natin siya ay satingin ko hindi magiging madali 'yon krae dahil nasa mga ferrer parin siya."

"Not unless pumayag siyang makipag-usap sa atin."

"Paano nga? Pribado ang mga ferrer."

"Let me handle this," aniya at nilingon ako."Kain muna tayo,"untas niya at tumayo.

"Gusto ko kumain ng noodles," sagot ko dahil medyo malalim na rin ang gabi, tumango naman siya at doon na kami nag punta sa convenience store na dati kaming nagkita at nangyari iyong pag baril ni Vaughn sa akin. Naging balita rin iyon ngunit agad rin namang humupa dahil natatakot ang may-ari na ipahanap pa ang gumawa no'n dahil baka pati siya ay mapahamak, may bago ng glass wall ang convenience store ngayon at pagkatapos namin bumili ng cup noodles ni krae ay umupo kami ulit doon sa labas at kumain.

"I wonder why the Black Rebellion didn't bother you anymore or are they planning something again?" biglang tanong ni krae.

"May bago silang pinaplano," sagot ko at sigurado ako doon, ilang araw na silang walang paramdam at alam kong may plano na naman silang gagawin dahil nga kilala ko sila, hindi sila titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto nila."Hindi sila titigil hanggang hindi nila makukuha ang gusto nila, lalo na si Vaughn dahil kapatid niya si heran."

"Hmm... Let's see."

Nang matapos kaming kumain ni krae at nag-usap ay bumalik na kami sa suite niya at doon na ako nakatulog, nagpaalam narin ako kay axe kahapon na baka hindi ako makakauwi dahil may gagawin ako at hindi ko na sinabi kong saan at kong ano ang gagawin ko dahil baka kong ano pa ang isipin niya tungkol sa aming dalawa ni krae.

"Let's buy a dress tomorrow! Tatlong araw nalang ay Acquaintance Party na! I'm so excited!" excited na untas ni shan. Nandito kami ngayon sa cafeteria. At sa ilang araw rin ay walang palya ang pagbibigay ni Gavin saakin ng chocolate cake, minsan naman ay cupcake at tinatanggap ko naman iyon dahil nahihiya akong tumanggi at kagaya noong una ay tanging isa o dalawang kutsara lang ang nakakain ko at sila axelle na ang umuubos.

"Sige shan! Zaiynx sumama ka ha!" Lingon ni axe sa akin kaya tumango nalang ako."ako ang pipili ng susuotin mo!"

"Ay gusto ko 'yan!" Ani vien.

"Zaiynx, sabi ni mama ay bisita daw kayo ni axe sa linggo sa bahay kong wala kayong gagawin dahil miss niya na raw kayo! Kong hindi daw kayo busy sabi niya!" ani braze habang pabalik kami sa classroom.

Sabay kaming tumango ni axe."Sige! Omg! Miss na miss ko na rin si tita Vina!"

Napangiti rin ako."Oo naman pupunta kami."

Sobrang miss ko na rin si tita Vina, siya narin ang tumayong pangalawang magulang sa akin, itinuring niya akong tunay na anak simula noong mawala ang mga magulang ko, matagal ng magkakilala ang mga magulang namin ni brazen at axe kaya naman simula pagkabata ay magkaibigan na kaming tatlo dahil palagi ring nagkikita ang mga parents namin.

Nag simula na rin ang klase namin at pag dating ng hapon ay nag punta nga kami sa mall para mamili ng damit sa Acquaintance Party na gaganapin ngayong sabado. Noong makarating doon ay nakaupo lang ako sa waiting area at bahala na si axe ang pinapili ko ng damit at habang nakaupo ako doon ay bigla kong nakita si tori. Ex-girlfriend siya ng kapatid ko.

"Zaiynx?!" Gulat na tanong niya ng napalingon sa banda ko at nakita ako. Ngumiti ako sa kanya bilang tugon at ngumiti rin siya pabalik bago naglakad palapit sa akin."Akala ko ay hindi ka na babalik dito sa pilipinas!"

"Akala ko nga rin hindi na ako makakabalik," tumawa ako.

"Kamusta ka na?!" Tanong niya at tumabi sa akin bago ako niyakap kaya niyakap ko siya pabalik. Naging close rin kami ni tori dahil matagal rin silang naging mag jowa ng kapatid ko.

"Okay lang, ikaw ba? Kamusta na?"

Ngumiti siya."I'm okay too! In fact, I am getting married,"aniya at ipinakita ang engagement ring niya pero ang ngiti niya sa huling sinabi ay bumaba.

Nanlaki naman ang mga mata ko."congrats!"

Akala ko magkakabalikan pa sila ng kapatid ko, hindi na pala talaga.

"Thank you! Siya nga pala at mauuna na muna ako, may kailangan pa kasi akong gawin e! Just send my regards to Zaize! I hope he's doing well! By the way, It's nice to meet you again zaiynx!" Aniya at niyakap ako ulit bago kumaway paalis, halatang nagmamadali nga kaya tinanguan ko nalang siya at tinanaw paalis.

"Zaiynx ito oh! Bagay sa 'yo 'to!" Lahad ni axe sa isang baby blue strap dress.

"I think mas bagay sa kanya ang red na kulay girl! Maputi si zaiynx e at tsaka fit lang sa kanya para mag mukhang maldita!" ani naman ni vien.

"Sige pwede rin," at kinuha ang kulay pulang dress na same lang ang design sa nauna."isukat mo muna zaiynx!"lahad niya sa akin kaya tinanggap ko na at sinukat.

"Perfect!" thumbs up ng tatlo ng makita ako. Tiningnan ko naman ang sarili ko at hapit na hapit lang iyon sa katawan ko kaya maganda siyang tingnan at simple lang rin kaya iyon na ang kinuha namin.

Kumain muna kami sa fast food chain bago umuwi at ng makarating sa bahay ay nag taka kaming pareho ni axe ng may makitang isang malaking box sa labas ng gate. Agad kong tiningnan kong kanino galing at ang tanging nakalagay lang ay initials na ZKM at kilala ko na kaagad kong sino 'yon. Agad kong ipinasok sa bahay ang box at binuksan ito, at ang bumungad sa amin ni axelle ay isang black deep V-neck backless satin dress na above the knee at may slit, mayroon rin itong dalawang pares ng black high heels.

"Ang ganda!" Puna ni axe, napansin ko namang may letter palang nakasulat galing sa loob.

"I bought this for you, wear this in saturday, enjoy the party sweetheart."

Napangiti ako sa nabasa.

"Hindi mo rin pala magagamit ang binili natin zaiynx! Ang sweet naman ni kuya Zaize!"

Ngumiti ako at noong binanggit ni axe ang pangalan ng kapatid ko ay bigla kong naalala si tori."oo nga pala, nakita ko si tori kanina, ikakasal na rin siya."

Nanlaki ang mga mata ni axe."talaga?! Kanino?! Akala ko pa naman ay mag kakabalikan pa sila ni kuya Zaize!"

"Hindi niya nasabi kanina kong kanino siya ikakasal kasi nagmamadali siya."

Bigla nalang kasi silang naghiwalay noon sa hindi ko alam na dahilan.

Binitbit ko na patungo sa kwarto ko ang damit na ibinigay ng kapatid ko at habang nagluluto pa si axe ay nag pahangin muna ako sa balkonahe ng kwarto ko ng bigla akong makatanggap ng tawag galing kay krae.

"Hi,"bati niya pag sagot ko at bigla nalang tumaas ang mga balahibo ko sa batok ng marinig ang medyo paos niyang boses.

"H-hi, bakit?"

"Let's meet tomorrow morning, na contact ko si Editha at pumayag siyang makipag-usap sa atin bukas na bukas rin."

Nanlaki ang mga mata ko."talaga?!"

"Yes,"Bakas rin sa boses niya ang saya."I just hope that talking to her tomorrow will be the key to the truth."


You are reading the story above: TeenFic.Net