Chapter 42

Background color
Font
Font size
Line height

Trix Pov

Nakalabas nako ng ospital nung nakaraan nagpapahinga lang ako dito sa bahay dahil alalang alala sila baka daw kung mapano ako at yung anak ko kapag gumalaw galaw ako. Eh mabuti nga yun exercise eh mga OA!!

Sa susunod na buwan ay sasama ako kay manang doon sa probinsiya nakapag usap na rin kami kung ano ang gagawin ko kapag nandun ako. Mabuti na rin para sakin at sa anak ko.

Si Blake kahapon pa walang paramdam sakin, sa aming lahat. At walang may alam kung nasaan siya. Simula nang umalis siya sa ospital hindi na siya ma-contact.

Naguumpisa nakong mairita sa hindi malamang kadahilanan ewan ko ba! Basta naiinis ako sa lahat! Naiinis ako sa mga bagay sa paligid ko ayokong nadidikitan, ayokong maingay, andami kong ayaw na pagkain tsk bwiset nababaliw na yata ako.

"Sabi ko itapon mo yan diba! sinabi kong gusto ko ng mangga na may chocolate! Ano ba! Hindi mo ba alam yon ha?" sigaw ko kay Dexter na napahawak sa batok niya.

"Trix naman kanina rambutan na orange ang pinahahanap mo sakin? Ngayon mangga na may chocolate? Saang lupalop ako makakahanap ng mga sinasabi mo jusko" aniya

"Pfftt!!! Kawawa" impit na tawa nung tatlo sa likod ng sofa.

"Hoy! Lumabas nga kayo jan! Tulungan nyo ko dito mga bwiset kayo! Ako lang pinahihirapan dito ni Beatrix oh? Ano ba!" maktol niya at binato ng tsinelas yung tatlong ungas na agad nagtakbuhan.

"Bahala ka jan! HAHAHAH kahapon nga pinakain niya sakin yung dogfood ni blackie e! Saakin ka maawa ngayon ikaw naman maghirap!" sigaw ni Tripp

"Saan ako hahanap ng kulay orange na rambutan? Ng mangga na chocolate ha? Sige nga! hooo!!! Masisiraan ako ng ulo sa bahay nato!" sigaw niya at sinabunutan ang sarili nababaliw nadin siya kagaya ko.

"Nagbago na isip ko Dexter" sabi ko at tinaas ang paa sa couch.

Nakita kong nakahinga siya ng maluwag at bumagsak ang balikat.

"Ano nanamang panibagong kabaliwan ang naisip mo hmm?" aniya

"Gusto ko ng langka yung walang tinik" ani ko.

"GUSTO KO NG MAMATAYYYY!!!! JUSKOOOO!!! KUHANIN NYO NAKO PAKIUSAP HOOO!! HINDI KO NAPO KAYAAA SI BEATRIX!" biglang sigaw niya kaya nagulat ako.

"B..bakit moko sinisigawan?" Naluluhang sambit ko.

"Inaaway mo ko Dexter wahhhh!! Manang!!" Iyak kong tawag kay manang

"Isusumbong kita kay hubby ko *sobs*" 

"WTF!?"

"Wahhhhh!!! Mananggg!!!! Ahhhh!! *sobs*"

"Oh bakit iha? Bakit ka umiiyak" bungad niya na agad akong niyakap.

"Niaaway ako ni Dexter oh! *sobs* sinisigawan niya ko huhuhuhu manang bad siya!" iyak ko. Agad naman siyang piningot ni manang at kinurot hala?

"Alam mong maselan ang buntis mang aasar kapa talagang pasaway ka ha! Halika dito isa!" saway ni manang at hinabol siya ng walis pfft!

"Wala akong ginagawa manang! Stop ouch! Arayyy wahhh wala naman talaga akong ginagawa eh!" sigaw niya at nagtatakbo. Inaaway moko ah

Bumalik na si manang at inabutan ako ng lemon juice yehey! Masarap kaya ito.

"Wag mo nalang pansinin si Dexter iha ha? Pasaway talaga yun malakas mang asar naku tsk tsk" aniya at hinagod ang likod ko. Bleh kala niya ah sisigaw pa kasi siya andali dali lang naman maghanap ng langka na walang tusok-tusok diba?

"Opo okay napo ako dito thankyou po" saad ko at ngumiti.

"Sigurado ka? papasok nako sa loob tawagin mo lang ako pag may kailangan ka ha" aniya tumango lang ako kaya umalis na siya.

Nang makaalis si manang naisip ko kung ano na ang ginagawa ni Hubby nasan na kaya siya...

Hubby nasan ka na ba...

________________________________
_____________________

Blake's Pov

Nandito kami sa bahay nina Venus at ng tatay niyang bastardo. Tatapusin ko na sila nang wala ng sagabal sa buhay namin tsk! Kung alam ko lang na isang siyang malaking balakid sa pagbubuntis ni Beatrix ako na sana ang pumatay sa kanya noon pa.

"King una naba kami? Tapusin na natin to para makapagpapicture nako kay Queen (beatrix)" bulong ni Knoxx sa gilid ko.

"Queen mo yang mukha mo hindi ka makakalapit sa asawa ko bugok!" Sagot ko saka naunang pumasok.

Sa bubong sila dumaan samantalang ako sa main door tsk mga duwag. Gumilid ako sa pader at binunot ang baril ko. Nakita kong bumaba si Venus at naupo sa couch kaya lumapit ako kaagad sakanya.

"Venus!" sigaw ko at tinutukan siya ng baril sa gulat napatakbo siya sa hagdan kaya nabaril ko siya sa binti.

*BANG!*

"Arghh!... Blake bakit mo ginawa yun!" aniya
na bumagsak sa hagdan hawak ang binti niya.

"Kulang pa yan! Sa lahat ng kamalasang dinala mo sa buhay namin simula ng bumalik ka! Bakit ba kasi bumalik ka pa?" aniya ko at lumapit sakanya.

*BANG!*

"Ano yun?" aniya at tumingin sa itaas tsk! Siguradong tatay niya na yun

"Sasama kana sa tatay mo" saad ko at kinasa ang baril. 

"A..ano! Anong ginawa nyo kay daddy!" sigaw niya ng makitang pababa na sina Travis kasama ang dalawa pa.

"Wala na hahah! awe so sad"  asar sakanya ni Zeke

"Mga hayop kayo! Anong ginawa nyo kay daddy! *sobs* demon! Paano mo nagagawa sakin lahat ng to!" iyak niya

"King babae lang to ah? Bakit hindi mo pa tinuluyan haha ako na nga lang!" aniya at tangkang babarilin ng pigilan ko siya.

"Umalis kana dito. Wag ka ng babalik. Bumalik ka sa Thailand! Wag ka ng magpapakita sakin dahil sa oras na makita ko ni anino mo tutuluyan na kita Ven." Saad ko

"Hayop ka! Wala kang kwenta!" sigaw niya pa.

"King bakit di mo pa tinuluyan?" Tanong ni travis (Knoxx ) .( Siya yung nagcomment sa ig acc ni Trix kaya nalaman naming mafia queen si Trix)

"Basta walang makakaalam nito!" Saad ko at naunang maglakad.

Sumakay nako sa kotse sumunod naman sila. Si Zeke ang nagmaneho kaya mabilis kaming nakauwi. Inopen ko ang phone ko at bumungad sakin ang sandamakmak na message galing kina Lyndsey, Hunter at Sawyer

< nasaan kana king?>
<nakalabas na si Trix ng ospital>
<pinaiyak mo nanaman yung asawa mo hindi mo man lang pinagsalita kung ano ang nararamdaman niya> -shawn

"Tsk bilisan mo magpark!" bulyaw ko kay Zeke

*3 hours ago*
<king ano ba tulungan mo kami dito sa asawa mong may saltek! Hirap na hirap na kami jusko!>
<pinakain ako ng dogfood kaninang umaga! Hindi ata makatao yun ah! Umuwi kana ng maranasan mo ang paghihinagpis namin! (crying emoji)>

Siraulo ba sila naghihinagpis daw ang gago! Ganon ba kasama ang asawa ko tsk! Mayayari talaga sila sakin.

< Jusko king umuwi kana hindi ko na talaga kaya yang asawa mo! Malala! Promise sobrang lala niya maglihi!>

< pahanapin ba naman ako ng langkang walang tinik at rambutan na orange?>

"Pffttt? HAHAHAHAH!" bigla akong napahagalpak ng tawa ng mabasa ko yun seryoso? Dalawang araw lang akong nawala haha!

< napaka moody niya! Iiyak sabay tatawa ng sobrang lakas! Kinakabahan na talaga ko sa asawa mo baka may sapi na siya e>

"Aba siraulo to ah!" malakas kong sigaw

"King! Nandito na tayo sigaw ka ng sigaw jan e nagugulat kami sayo!" sigaw din ni zeke kanina pa sila nakatingin sakin tsk.

"Bakit kayo nakatingin? Dukutin ko yang mata nyo ehn" inis kong sigaw sakanila.

"Bigla ka kasing tumatawa jan tapos sinabihan mo pa kaming siraulo? Ansama naman" maktol ni Knoxx

"Wala kayong pake! Wag nyo kong tignan lumabas na kayo!" sigaw ko kaya nagsilabasan sila kaagad.

Mga hayop nayun kanina pa pala ako tinitingnan tarantado talaga. Mukhang pati ako nasisiraan na rin yata ng ulo.....

Napailing nalang ako sa naisip ko... Thank god salamat po at hindi tinuloy ni Trix ang balak niya.. ngayon palang nangangako akong aalagan ko sila. Hindi na ko papayag na mawala pa sila sa buhay ko... I love you Trix, mahal ko kayong dalawa ng anak natin.......

You are reading the story above: TeenFic.Net