Chapter 41

Background color
Font
Font size
Line height

Blake's Pov

Lumabas ako dahil naiinis ako sa mga pinagsasasabi niya.

"Bakit!! Bakit kailangan niyang idamay yung bata bakit kailangan niyang idamay ang anak ko!!" Sigaw ko

"Draven tama na. Alam niyo ang dapat diyan pag usapan niyo. Pag usapan niyo kapag mahinahon ka na" sulpot ni Finn.

"Alam mo kung gaano ako kasaya nung nalaman kong buntis siya! Wala pang isang araw babawiin niya na sakin yun. Anak ko yun eh anak namin yun!!" sigaw ko sakanya

"King...mag usap na muna kayo pakiusap umiiral nanaman yang galit mo e, kausapin mo muna siya alamin mo yung dahilan niya kung bakit ganon yung gusto niyang gawin sa bata naguguluhan din si Trix! Look, naiipit siya sa gitna kung pipiliin niya yung anak nyo o yung organisasyon makinig ka, kapag pinili niya yung organisasyon at kalabanin yung mga nagbabanta sainyo,kapag naayos niya lahat ng yun pwede naman uli kayong magkaanak pag tapos na ang
gulo"

*BLAGGG!

"Siraulo ka din pala e! Gusto mo ring patayin ang anak ko! Pare-pareho kayo! Umalis kana baka mapatay kita!"

"Tss bahala ka"

"Wala kayong kwenta! Magsilayas kayo!" sigaw ko 

"Bullshit!!"sigaw ko at saka frustrated na ginulo ang buhok ko.

Anong kasalanan ng anak ko ha! Anong kinalaman niya sa gulong to para basta nalang nila gawin yun!!!

"Hindi mawawala ang anak ko! Hindi ako papayag! Mga tarantado" bulong ko

Bumalik ako sa kwarto ni Trix kakausapin ko siya. Hindi ako papayag tsk! Kung ayaw niya sa bata ako! Ako nalang magaalaga.

"Hubby.." bungad niya ng makaupo ako sa tabi niya nasa gilid sina Sawyer at Lyndsey

"Hindi mo gagawin yun sa anak ko Trix. Hindi ako papayag."

"Hubby.. pero iniisip ko lang naman *sobs* ang organisasyo---"

"Organisasyon! Organisasyon nanaman! Pwede ba Trix? Kung ayaw mo sa bata dahil sa pesteng organisasyon na yan buhayin mo ang bata! Palakihin mo pag lalabas na siya ako na! Ako nalang ang magaalaga sakanya mag isa!" sigaw ko at saka ko sila tuinalikuran at padabog na lumabas.

"Blake makinig ka!" sigaw niya pa pero di ko yun pinansin

Nagkandapeste peste ang buhay ko dahil sa lintik na Organisasyon na yan tapos ngayun idadamay nila ang anak kk hindi ako papayag kung kailangan ako nalang mag isa ang magpapalaki sa kanya basta mabuhay lang siya gagawin ko.

"Blake-- nakapagusap na ba k---" usal ni Hunter pero di ko siya pinansin at tuloy tuloy parin ako sa pag lalakad hanggang sa makarating sa parking lot.

Sumakay ako sa kotse at nagmaneho pauwi. Pagkarating ko nagpalit agad ako ng damit at lumabas na muli. Kikilos nako.

( RINGG!! )

travis: yes king?

Where on earth are you bastard

travis: oh mukhang mainit yang ulo mo ah? Haha! Relax nasa hide-out kami kasama ang ibang kagrupo.

Im on my way there may paguusapan tayo.

Travis: yes king. 

*end call*

Gagawin ko ang lahat wag lang mawala ang anak ko tsk!

Beatrix Pov.

"shhh tahan na trix maiintindihan din ni Blake yun tama na huyy naiiyak nadin ako e" pagpapatahan sakin  ni Lyndsey.

"Ang hirap niya kasing kausap! Hindi man lang niya ko pinagsalita. Ni hindi niya nga alam kung anong nararamdaman ko ngayon e! Hindi ko gusto tong nasa isip ko ayokong mawala ang anak namin pero may pagpipilian bako?" sagot ko 

"Hayaan mo kakausapin ko siya. Susubukan ko Trix"singit ni Sawyer saktong pumasok naman si Hunter.

"Nag-usap na kayo?parang hindi pa eh. Dinaanan lang ako e tsk" usal niya.

"Hindi sila nag usap tsk di nga siya nakinig kay Trix e sinabi niya lang na ayaw niyang ilaglag ang bata tapos ayun umalis na tsk! Ewan koba!"- Lyndsey

"Sabi na tsk! Pagpasensyahan mo na Trix ganoun talaga yun kapag galit, hindi niya nakokontrol pagsubok to sainyong dalawa ! Ambigat nito. Ngayon palang kayo sinusubok ng tadhana kaya sana magpakatatag kayo"aniya

"Tama tsk!tsk! Kailangan magkaayos kayo para magkalinawan hays"dagdag ni Lyndsey

"Trix, sa totoo lang pwede namang hindi ipalaglag yung bata e.."singit ni Finn na kakarating lang may pasa pa siya sa ibabang labi.

"What do you mean?" tanong ko

"Ginago ko si King kaya ako may pasa kaya wag nyo nalang pansinin by the way nagtanong ako kay manang pwede ka namang mag lay-low muna pwede kang lumaban kahit nasa loob yung baby, here" sabay lapit sakin ng phone niya.

Text message ni manang.

< mahalin niya yung sanggol, sigurado akong kakaibang saya ang mararamdaman niya kapag nasilayan niya yung bata haha! Sabihin mong ligtas siya sa probinsya namin pwede siyang magstay dun hanggang sa manganak siya. Iha, kung nababasa mo man ito pakiusap wag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo sa huli. Tutulungan kita sa pagbubuntis mo isasama kita sa probinsya at dun ka magpahinga siguradong malulungkot si Blake kapag nawala ang anak niya, pakiusap pagkalabas mo umuwi ka dito at mag usap tayo iha ha? >

"si manang talaga haha!" Pagak akong natawa. Saka pinunasan ang luha ko.

"you better do what she says Trix what do you think?"aniya

"s..sige"

"Dont worry anjan naman si Blake para protektahan ka e? Andito kami para sayo habang nagbubuntis ka kami muna nina king ang aasikaso sa organisasyon payag kana?"aniya

"Sige na oo na nga"

"Yiee di na ipapalaglag inaanak namin? Yes! Hahahaha nice one!"sigaw ni Lyndsey

"Bwiset talaga kayo naiirita ko sainyo tsk hinaan nyo bunganga nyo" aniya ko

"Ay sorry haha!

"Parang kailangan nyo nang maghanda sa paglilihi ni Trix haha!"

"Bakit?" tanong ko kay Lyndsey

"Heller ngayon pa nga lang malala kana haha pano pa kaya... HAHAHAHAH basta!" tawa niya

"Haliw kana" saad ko saka inirapan ko siya.

"Parang kinakabahan ako dude!" Saad ni Finn kay Hunter at Sawyer.

Problema nilang tatlo?

"DELUBYO! BWAHAHAHAHAH" hagalpak na tumawa si Lynd

Mga siraulo na sila tsk.

You are reading the story above: TeenFic.Net