Chapter 35

Background color
Font
Font size
Line height

Ven's Pov

"Oh anong nangyari sa pinapagawa ko sayo" bungad kong tanong ko sa kabilang telepono.

Nandito ako ngayon sa entrada ng mansion waiting for them.

"Oh wag mo nang sagutin ang tanong ko sigurado naman akong nakuha niyo siya. Hihintayin ko kayo dito" saad ko at saka pinutol ang tawag.

*Smirk*

You'll pay for this hindi man derekta sayo pero iisa isahin ko kayo at sisimulan ko sa kaibigan mo!

*Ding dong*

They're here what a beautiful scenario I imagine right now

"Where is she" saad ko na may ngiti si labi.

"Boss so... sorry po hindi po namin siya nakuha. May mga tumulong po kasi sa kanya eh" utal utal niyang sagot.

Unti unting nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan yun ng inis at galit.

"Ano!!!" Sigaw ko

"Napakadali ng pinapagawa ko sayo pero hindi niyo magawa gawa ng maayos!!" Sigaw ko at saka kinasa ang kanina ko pang hawak na baril.

"Maam sorry po dumating po kasi yung mga kaibigan niya tapos yung isa po may hawak na baril. Hindi ko nakita kung sino pero alam ko pong babae yun dahil sa boses niya" pag dedepensa niya

Babae? Imposible namang si Beatrix yun eh napakachildish ng babaeng yun. Sino naman kayang pakialamera yun bwist arghhh!!

"UMALIS KA NA SA HARAPAN KO BAGO KO PA PASABUGIN YANG BUNGO MO! MGA WALA KAYONG KWENTA!!!!"

"S..sig--"

"ALIS!"

"BWISIT!!!! ARGHHHH!!!"

Hindi pa ako tapos sa inyo!!!

_____________________________________________
________________________________

Trix' s Pov

You'll pay triple times for what you did to Lyndsey!! Ill make sure na ang isa mong paa ay nasa hukay
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Wifey you dont have to do this hayaan mo na si Venus umuwi ka na dito please"

Im on my way to Venus house but I change my plan hindi pa niya ko dapat makilala. Uunti untiin ko muna hanggang siya na mismo ang tumigil at matakot sakin...

"Okay uuwi ako but I have to call someone first okay. Ill hang it up now bye I Love You" saad ko at saka pinutol ang tawag.

Ringggg

"Hello.. alam mo na ang gagawin mo dating gawi. Siguraduhin mong pagdating ayos na diyan"

'masusunod princess'

"Good. I'll call you if I'm on my way there"

Dumeretso na ako sa hospital pag katapos nun.

Nang makarating ako sa hospital eh pumunta ako sa kwarto ni Lyndsey.

Nakita ko si Sawyer sa labas ng pinto.

"Oh kamusta si Lyndsey okay lang ba siya? Ano sabi ng doktor" nag aalalang tanong ko.

"Okay na daw siya pero hanggang ngayon hindi patin siya nagigising" nakayukong saad niya.

"Alam mo Trix kasalanan ko to eh kung sana nandun ako edi sana hindi mangyayari sa kanya toh. Napakawalang kwentang boyfriend ko naman.." basag ang boses na aniya.

"Shh.. I promise everything will be fine magiging okay din siya" saad ko habang hinahagod ang likod niya.

Tumayo ako at pumasok sa kwarto ni Lyndsey.

I saw her lying in the unconscious. Marami siyang pasa. Kagabi hindi mo makikitang marami siyang galos kasi madilim ngayon kitang kita lahat.

May pasa sa gilid ng labi niya putok rin ang labi niyo dahil siguro sa sampal. Namamaga ang mga kamay nito at maraming pasa sa braso at ang mas malala muntik na siyang maubusan ng dugo at mamatay dahil may saksak siya sa gilid.

Nanginginig ang mga kamay ko ng inabot ko ang kamay niya. Sunod sunod ring tumulo ang mga luha ko.

"Huyy.. ano ka ba matapang ka diba bat hindi ka parin gumigising diyan... Lyndsey naman wala tayo sa Fairy tales para maging si sleeping beauty ka diyan gising ka na..."

Pangako ko sayo Lyndsey igaganti kita sisiguraduhin kong triple ang sakit na ipaparamdam ko sa babaeng yun pangako

___________________________________________
_________________________________

Someone's Pov

"Bilisan niyo at malalagot tayo sa prinsesa kapag pumalpak tayo dito"

*BLAAGG!!*

"Sino kayo"

"Pwede sumama ka nalang kasi mas mahala ang buhay namin kesa sayo eh" iritadong saad ko.

"ouch! Bitawan niyo ko san niyo ba ko dadalhin!" Sigaw niya pa.

Bwisit ang ingay naman pala ng babaeng toh haystt. Nakakabwisit!!!

"Bita--"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng hampasin ko siya ayun tumba walang malay.

“Dalhin niyo na sa kotse yan may tatawagan lang ako”

"Nagawa na namin ang pinapagawa mo"

'Buti pag pumalpak ka dito malalagot ka sakin'

"Oo na nahuli na nga eh isa ka pa ang ingay mo tsk"

'Ah baka gusto mo isumbong ko yung mga-'

“Hayst!! Oo na oo na papunta na kami doon. May tanong ako ano ba talaga ang gagawin mo sa babeng yun?”

‘Wala naman... Sige bye bye’

Hayst wala ka talagang pinagbago


Sleeping beauty gising ka na pala”

"Hm!!!" Pilit niyang sigaw.

“Sisigaw ka sige subukan mo. May busal ang bibig mo hindi mo ba pansin”

“Ano ba kasing kasalanan mo sa mahal na prinsesa?” saad ko at nakita ko naman kumunot ang noo niya.

So hindi niya alam

Sinenyasan ko ang isa sa mga tauhan namin na tanggalin yung takip na nasa bibig niya kasi alam kong may gusto siyang sabihin.

"Ano ba talagang kailangan niyo sakin!! Sino ba kayo ha"

"Bakit di mo alalahin kung kanina ka may kasalanan" saad ko.

"Ang pagkaka alam ko wala akong kasalanan sa inyo kaya pakawalan niyo na ko. At teka ang prinsesa ang pinagsasabi niyo ha!!" Sigaw niya pa

Nakakairita ang bunganga ng babaeng toh!!

"Ibalik niyo nga ulit yung takip sa bibig niyan. Nakakairita!" Inis kong utos.

"Hmm!!" Palag niya pa

Pinilit niyang kumawala sa pagkakatali sa kanya.

"Tatakas ka... Alam mo wag mo ng tangkaing tumakas.. alam mo maganda ka eh sayang ka naman kun--" naputol ang sasabihin ko ng tumunog ang cellphone ko.

"Kayo na bahala rito pag makatakas yan wag niyo kong idadamay ah" utos ko bago lumabas.

"Oh ano nanaman" irita kong sagot.

'Hoy may galit ka ba sakin ah!!'

"Sabi ko nasan ka na ba hehe. Ano ba ang gusto mong gawin sa babaeng yun"

'Malapit na ko papahirapan ko siya triple pa dahil sa ginawa niya. Magbabayad siya!' aniya saka naputol na ang tawag.

Pumasok na ulit ako sa loob.

Lumapit ako sa kanya at saka hinawakan ko siya sa baba para magpantay ang tingin namin.

"Ano bang kasalanan mo sa prinsesa" nagtitimpi kong tanong.

Tinanggal ko ang takip sa bibig niya para masagot niya ang tanong ko.

"Wala akong kasalanan sa kung sino mang prinsesa ang pinagsasabi niyo!"

"Kung wala kang kasalanan bakit galit na galit siya sayo!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"Arghh! Ano ba nasasaktan ako!" Sigaw niya ng hawakan ko ng mahigpit ang mukha niya.

"Masasaktan ka talaga! Pwes ako muna ang bahala sayo habang wala pa siya dito"

"May iilang tanong lang ako sayo at pag hindi mo nasagot well alam mo na ang magyayari sayo!"

_____________________________________________
_________________________________

Ven's Pov

"Ano ang kasalanan mo sa prinsesa at bakit galit siya sayo" tanong ng lalaking may takip sa mukha.

"Hindi ko nga alam ang pinagsasabi mo" saad ko.

Napadaing ako ng idiin niya ang pagkakasabunot sa buhok ko.

"Arghhh! Tama na!"

"Tama na? Pero nag eenjoy pa ko eh" saad niya at saka sinampal nanamn niya ako.

"Kung ako sayo sabihin mo nalang sakin kung ano ba talaga ang ginawa mo para di ka na masktan pa" saad niya at saka idiin nanaman ang pagkakahawak niya sa buhok ko.

"Wala...wala akong alam sa sinasabi niyo. Please pakawalan niyo na ako" pag mamaka awa ko.

Sinenyasan niya ang isa sa mga kasama niya at saka ako kinalagan. Humanda kayo pag nakatakas ako at malaman ko kung sino kayo.

Nang matanggan na ang tali sa kamay at paa ko ay agad akong tumayo at tatakbo na sana ng hablutin niya ang buhok ko.

"Saan ka pupunta ha. Tatakas ka?!" Tanong niya.

"Arghh!!" Daing ko ng suntukin niya ako sa sikmura.

"Alam mo sayang ka eh at di ako nanakit ng babae pero alam mo kasi may atraso ka sa prinsesa eh kaya may atraso ka rin sakin" saad niya at saka sinikmuraan nanaman ako.

Napahiga ako sa sahig dahil sa sakit at hapdi.

Nakita kong may kinuhang baseball bat ang isa sa kanila at inabot sa lalaking nasa harap ko ngayon.

Pinatayo niya ako at saka inalalayan ako ng dalawang lalaking kasama niya.

"Ano ha kaya pa?" Saad niya at saka ako sinikmuraan gamit ang bat na hawak niya.

Hinataw niya sin ako ng bat sa paa napasigaw ako sa sobrang sakit.

"Arghh! Tama na" pagmamakaawa ko

Hahampasin pa sana niya ako ulit ng may sumigaw

“Primo!!!!”

At dahil na rin sa pagod at sa sakit na nararamdaman ko ay bigla akong nahilo at nawalan ng malay.























A/N: Oopss hehe hanggang dito nalang muna update ko siningit ko lang toh kasi may free time ako hihihi. And yung eto na muna yung half ng request mo thank you for reading my story I appreciate it. Sana magustuhan niyo.

~sky(. ❛ ᴗ ❛.)


You are reading the story above: TeenFic.Net