CHAPTER SIX

Background color
Font
Font size
Line height

“Asan si papa?” agad na tanong ko ng makitang naka-upo sila sa waiting area sina mama at CL.

“Chine-check palang ate.” umiiyak na sagot ni CL.

“Papa...pa!” sigaw ko ng makitang kinakabitan siya ng kung ano-anong machines sa katawan!

“Miss, bawal kayo dito. Pakihintay nalang po 'don sa labas.” pigil sa'kin ng isang nurse.

“Pa!” umiiyak na sigaw ko sa glass window habang tinatanawan ang nanghihinang katawan ni papa na nakahiga sa hospital bed.

“Magiging okay naman si papa, diba, ate?” humihikbing tanong ni CL.

Ayokong makita nilang nasasaktan si papa, mahina na talaga ang puso niya... pero wag naman sana ngayon!

“Siyempre naman, bunso. Malakas si papa.” ngumiti ako sa kanya at yumakap sa kanilang dalawa.

“A-anak, hindi na n-naman makahinga si p-papa mo k-kanina sumasakit d-daw ang kanyang puso.” humikbing sabi ni mama. Yinakap ko ito at hinagod sa likod.

“Shhh, magiging okay si papa, ma,” painahon ko sa kanya.

Pagod ako ngayon, pero ayokong ipakita sa kanila na pati ako ay nang-hihina na'rin. Wala silang masasandalan.

Ilang minuto kaming naghintay at nagdasal, napatayo ako ng lumabas na si Doctora.

“Doc. kumusta po si, papa?” agad na tanong ko at lumapit ng tuluyan.

“Hindi ko maipapangako pero...” hindi niya masabi ang sasabihin. “...mahina na ang kanyang puso, Garrette.” dugtong niya.

Hindi!

Napaluhod na ako kaagad ng marinig ang sinabi ni Doctora Fe, ang doktorang napalapit na'rin sa'min dahil siya ang umaasikaso kay papa 'nong mga panahon na inaatake na naman siya sa puso.

“H-hindi...” bulong ko habang humahagulgul na!

Hindi p-pwede!

“Pwede bang makita si papa, doc?” tanong ni CL.

“Yes, pwede na kayong pumasok.” naka-ngiting sagot ng doktora.

“Anak, t-tara na sa loob.” anyaya sa'kin ni mama at tinulungan akong tumayo.

Papa naman! Wag naman sana ngayo'ng kailangan kita!

“Pa?” tawag ni CL na humihikbi na naman.

“C-CL.” nanghihinang tawag ni papa at ngumiti pa siya!

Hindi ko na naman maiwasan ang hindi maluha ng makita ang itsura ni papa!

Papa naman! Ako nalang manghina, wag lang kayo, please!

“Gla, lumaban ka, ha?” umiiyak na tanong ni mama kay papa at hinawakan ito sa kamay.

“H-hindi...ko na...m-maipapangako, Lona.” naka-ngiting sagot naman ni papa.

Lalaban ka pa, kaya mo pa 'yan.

“G-garrette a-anak.” tawag sa'kin ni papa. Inalalayan naman ni CL si mama na maupo dahil nanghihina na'rin ito sa pag-iyak. Lumapit ako kay papa at naupo sa tabi nito.

“A-ano 'yon pa?” nakangiting tanong ko at pinahidan ang luha pero hindi ito matigil.

“P-proud na p-proud ang papa sayo, anak.” nakangiting sabi ni papa na nagpaluha na naman sakin.

“Kung m-mawawala m-man ngayon ang, papa...” pigil niya sa sasabihin at pinipigilan 'din ang pagtulo ng luha.

Wag kang magsasalita ng ganyan, papa!

“...babantayan mo palagi ang k-kapatid mo at ang m-mama mo, ha? I-ipangako m-mo sa'kin, a-anak.”

“P-pa, wag nga kayong mag-isip ng g-ganyan, siyempre naman.” nakangiting sagot ko.

“W-wag mo akong alalahanin, a-anak. M-mahal na mahal ko kayong l-lahat.” nahihirapang sabi ni papa at tinignan pa kami isa-isa.

“T-tumigil ka nga, pa.” suway ko sa kanya at pinahidan ang sariling luha. Naririnig ko pa ang mga hikbi nilang dalawa sa likod.

Para 'kang nagpaalam, pa. Hindi ko matatanggap.

“B-babantayan...k-ko...kayo s-sa i-itaas.” dagdag pa niya pero hindi ko alam na iyon na pala ang huling bigkas ni papa at tumunog na ang machine!

“PA! HINDI PWEDE! WAG NGAYON! NURRRRSSSEEEE!” sigaw ko at niyog-yog pa siya.

“NURRRSSSEEE! PA!” sigaw din ni CL at lumapit kay papa.

“Gla! gumising ka!”

“NURRRSSEEE! PAPA! WAG NAMAN SANA NGAYON!” sigaw ko sa kanya.

“Check the machine!” sigaw ni Doktora Fe.

“1...2...3... CLEAR!” sigaw ng isa pang doctor.

“PAPA! WAG MO NAMAN KAMING IIWAN, PLEASE!” humihikbing sigaw ko at napaluhod na. Hinawakan naman ako kaagad ni CL ng magtangkang lumapit ako.

Papa, hindi ko kakayanin!

“CLEAR!”

“P-PAPA! H-HINDI H-HINDI PWEDE!” sigaw ko at tumakbo na papalapit sa kanya. "P-pa!! Gumising ka!! D-diba s-sabi mo d-dadalo ka pa sa k-kasal ko?!” humikbing sigaw ko sa kanya.

Sabi mo makakarga mo pa ang mga apo mo!

“Time of death, 12:09pm.” mahinang sabi ng doktora. Napatakip nalang ako sa bibig ng marinig ang kanyang sinabi!

Pinagkait ka ng mundo sa amin pa!

“H-hindi, hindi pa patay s-si papa!” naghihina nang sigaw ko!

Ang saya pa na'tin kaninang umaga, pa!

“A-ate, tama na!” pigil sa'kin ni CL.

“Uwi mo muna si mama pagod na siya, ako ng bahala kay papa, dito.” sabi ko kay CL.

Nagdadalawang isip pa ito 'kung susunod sa'kin. Tinanguan ko nalang. Inalalayan na ni CL si mama na umuwi.

“P-pa, ang d-daya mo...” umiiling na bulong ko. Linabas ko ang panyo ko at pinunasan ang mukha at ang luhang hindi matigil sa pag-patak.

“...b-bakit ngayon pa? W-wala akong masasandalan ngayon, pa. Pa'no na yan?...w-wala ng m-magpalalakas s-sakin.” humihikbing usal ko sa kanya at nakatingin sa mukhang parang natutulog lang.

Ang inosente niyo, pa.

“H-how? How c-can I s-start again my l-life without you, ha, pa? Saan na ako huhugot ng lakas, p-para magtrabaho, pa?”

Alam 'kung nahihirapan ka na. Kinakaya mo lang lumaban para makasama pa kami, pa. But I am not selfish to force you to fight, while you don't.

Nakatitig lang ako sa mukha niya at dahan-dahan na hinahawakan.

Wala na akong masabi, pa. Sana kasama mo na sina Lola at Lolo. Wag 'kang mag-alala dahil tutuparin ko ang kaisa-isang bilin mo, pa.

Now, I'm going to start my life without you.

Tumahan muna ako bago ko hinalikan sa noo si papa.

“I love you, pa.”

Iyon na ang huling oras na nakausap ko si papa. Ilang oras nalang ay nasa bahay na si papa at nakahiga na siya sa higaan niya habang buhay.

Kinuha ko ang selpon ko ng tumunog ito.

“Excuse me, ma.” sabi ko kay mama na nag-babati ng mga nakikiramay. Marami na'rin ang tao dito lalo na ang kakilala ni papa at ni mama.

“Hey.” basag ang tinig na sagot ko.

Hanggang ngayon hindi ko pa'rin matanggap, masakit pa'rin sa damdamin na iniwan na kami ng taong nakasanayan na'min sa araw-araw.

Kanina ka pa nila hinahanap dito, saan ka ba nagpunta?” tanong niya kaagad at stress na stress.

“A-ash.” umiiyak na tawag ko.

Are you okay, Ga?nag-aalalang tanong niya agad!

*Sniff*

“S-si papa,” humihikbing panimula ko.

Why? What happened to, tito Gla? kinakabahang tanong niya.

“W-wala na siya, Ash. K-kinuha na sa'min ng mundo!” umiiyak na sagot ko.

Wala akong narinig sa kabilang linya kahit na anong tinig.

W-what?”

“Si papa, wala na.”

Oh my God, Garrette!sigaw niya sa kabilang linya. “Wait for us, pupunta na kami ni, Ally! sigaw niya at binaba na ang linya!

“Condolence, anak.” nakikiramay na yakap sa'kin ni tita!

“Thank you, tita.”

“Lakasan mo lang ang loob mo, ha? Kaya mo 'yan.” ngiti sa'kin ni Tita Mav, at tinapik pa ang braso ko.

“I will, tita.”

“Puntahan ko muna ang mama mo.” paalam niya. Kasama naman ni Mama si CL na nagbabantay sa mga bisita!

Wala pang isang oras ay andito na ang mga kaibigan ko!

“Garrette!” sigaw ni Ally kaagad!

“Condolence, Ga.” yakap nila sa'kin. Yumakap naman ako pabalik at humagulgul na sa kanilang balikat!

“We will always here, okay?” pagpapatahan ni Ash sa'kin.

“P-pasok muna k-kayo.” humihikbing anyaya ko sa kanila at pinunasan ang luha.

“Ampanget mo na.” tumatawang sabi ni Ally kaya tumawa ako.

“Bwiset!”

Nagpapasalamat ako kahit papano, may nagpapagaan pa'rin ng loob ko sa oras na mahina ako.

“Condolence, tita.” naiiyak na sabi ni Ash kay mama.

“Thank you, iha.” tipid na ngiti ni mama at yumakap sa kaniya.

Ilang oras pa ay nagpaalam na kami dahil kailangan pa naming mag-trabaho.

“Tita, pa'no po yan, kailangan na naming umalis. Condolence po ulit.” nakangiting paalam ni Ally.

“Mag-iingat kayo, iha ha? Balik kayo.” beso ni mama.

“Opo, tita. Bye CL.” kaway ni Ash.

“Bye, ate Ash.”

“Sasabay na'po ako sa kanila, ma. Pupunta ako mamayang gabi dito.”

“Magpahinga ka na muna, anak. Bukas ng maaga ka nalang dadalaw, hindi kapa kumain.” nag-aalalang paalala ni mama.

“Ma, I'm okay. Aalis na po ako, CL bantayan mo si mama.” paalam ko sa kanila bago yumakap.

Nauna na sila Ally at Ash sa'kin dahil tig-iisa kaming sasakyan ang dala. Pina-harurot ko na ang sasakyan ko hanggang sa parking area ng kumpanya. Hindi muna ako bumaba at nag-retouch pa sa mukha.

Bumuntong hininga ako bago sinara ang pinto ng sasakyan ko.

“Ganda ba ng acting ko kanina?” tanong ng isang demonyong babae sa likuran ko.

Umirap muna ako sa kawalan bago liningon.

“Maganda nga, hindi mo naman bagay.” plastic na ngiti ko at lumakad paalis.

“Wag 'kang mag-alala, marami 'pang nakapila magugulat ka nalang tanggal ka na sa trabaho.” pahanol nito. Tumigil muna ako sa pag-lalakad pero hindi na ako nag-abalang lingunin siya.

May problema ako ngayon, kaya magpasalamat ka hindi kita matutuunan ng pansin.

“Dream well, it's free anyway.” sagot ko at sumakay na sa elevator.

Ash - Nandito na kami, ingat ka. text niya sa'kin.

Garrette - “Thank you, actually nandito na'rin ako.sagot ko sa text niya pero hindi na siya sumagot baka abala na sa trabaho.

Lumabas na ako sa elevator at dumiretso sa office, nagugulat ang mga madadaanan ko ng makitang ganito ang aking itsura.

Pumasok na ako sa office at hindi na ako nagtaka ng nandoon si boss naka-upo sa swivel chair niya, kunot na kunot ang noo. Napalingon siya sa'kin ng pumasok ako pero hindi na ako nag-abalang lingunin pa.

Wala namang kagwapuhan.

Nadi-disappoint lang ako sa ginawa niya kanina. Sana nagtanong man lang bago ako sigawan.

“Where did you go?” tanong niya ng makaupo na ako sa swivel ko.

“Nothing, boss.” malamig na sagot ko.

“Nothing? Ng ganyan ang itsura mo pagkarating?”

“Don't pretend that you care for everything!” sigaw ko sa kanya.

Tinignan ko ito sa mata, nagbabadya na namang tumulo ang luha ko.

“I care because you are my secretary.” mainahon niyang sagot.

Tumawa ako ng peke. “Care for your fucking secretary? Eh, kung sigawan mo ako kanina parang nakita mo lahat ng nangyari!” sigaw ko sa kanya at pinunasan ang tumulong luha.

“Kung magsalita ka kanina parang a-ako na ang pinaka-masama.” humihikbing dagdag ko. “B-bakit? Pinaniwalaan mo ba ang nakita mo? Ha?”

Natigilan naman siya kaagad. “I'm sorry.” sincere niyang sagot at dahan-dahan na lumapit sa'kin!

“N-naniniwala ka sa k-kanya?”

“Fuck!” narinig ko pa ang mahinang mura niya at yumakap sa'kin. “I’m so sorry. Shh.”

Hinaplos-haplos pa niya ang buhok ko. Isinandal ko muna ang ulo ko sa dibdib niya.

“W-wala na'rin si, papa.” wala sa sariling bulong ko.

“What do you mean?” mahinang tanong niya.

“Pumanaw na siya kanina.”

“Kaya nag-madali ka kanina?”

Tango nalang ang sagot ko.

“Shhh, condolence, baby.”

Napagitla ako ng marinig ang kanyang huling sinabi!

Totoo ba ang narinig ko?

Tinawag akong, baby?

Siguro, baka nabingi lang ako.

“Thank you.” mahinang sagot ko.

Matagal na pala kaming nakayakap sa isa't-isa at napatigil lang kami ng bumukas ang pinto.

“Ah...I pretend again that I didn't saw you.” natatawang sabi ni Xi-A. Bumulong naman si Yass sa kaibigan.

Nakita ko 'pang tumango si Xi-A at ngumiti ng nakakaloka.

Ano kayang binulong ni tanda? Tss.

Inirapan ko silang dalawa. Pina-upo muna ako ni Lei sa sofa, naupo naman sa kabilang sofa 'yong dalawa at nakatitig sa'kin.

“Ano?!” mataray na tanong ko sa kanila.

“Duhh...may ipapakita lang kami kay, boss.” irap ni Xi sa'kin.

May kasalanan pa kayo sa'kin ha!

Nag-makeface lang ako.

Hi, pa, sana nakikita mo ako ngayon, bantayan mo kami, ha? I'll miss you.

Bukas ko na pala isagawa ang plano, pero pa'no? Gagawa palang ako mamaya, pa'no ko maisabay-sabay lahat? God.

Tumayo muna ako.

“Where are you going?”

“Kakain sa baba.” sagot ko ng tinanong ako ni Lei.

“Stay, magpapadeliver nalang ako.” pigil naman niya sa'kin.

Kinuha ko nalang ang dokumento at nireview ito kahit na wala naman pumapasok sa ulo ko.

“Yass, you heard that? Hindi na tinatawag ni Garrette si Lei ng boss." dinig 'kong bulong ni Xi.

Chismoso!


You are reading the story above: TeenFic.Net