CHAPTER SEVEN

Background color
Font
Font size
Line height

Napatingin naman sa'kin si Yass. Hinamon ko din ng tingin.

Ang galing bumulong si Xi! Dabest!

“Gusto ata ni Lei si Garrette.” natatawang bulong naman ni Yass pero dinig ko.

“What if gumamit nalang kayo ng mic total wala namang silbi yang bulungan niyo?!” batok ko sa kanilang dalawa.

Hinimas naman ni Xi ang ulo at tumingin sa'kin ng masama.

“Hindi kami sinasaktan ni, baby Lei!” irap niya pa.

Aba, lumalaban ka 'pang bakla ka!

Binelatan ko naman siya, nakita ko 'pang tumatawa si Lei sa kanyang table!

“Come in.” sigaw ni Yass ng may kumatok sa pinto.

“Order po ni, boss.” naka-ngiting sabi ni Angeline yung cashier sa baba.

“Paki-lapag nalang dito, Angel.” naka-ngiting sabi ko.

“Sige, po.”

“Bayad na ba?” tanong ko sa kanya.

“Opo, binayaran na po ni, Boss.”

“Ah, sige salamat.”

Umalis naman na siya kaagad. Lumapit si Lei sa tabi ko at kinuha ang mainit na soup. Kumuha na'rin sina Xi ng pagkain nila.

Kukuha na sana ako kaso iniabot sa'kin ni Lei ang spoon na may soup.

Huh?

“Here, say ah.” utos niya.

“Ako na.” pagpupumilit ko naman.

“No, ako na, just ah. Magbasa ka nalang.” tinignan niya ako ng masama.

“Ah.” lumapit pa siya sa'kin at isinubo ang soup.

Hinihintay kung masarap ba ito o hindi.

“Hindi masarap.” biro ko.

“What?” takang tanong at tinikman ito gamit ang kutsarang ginamit ko.

“Masarap naman.” malalim akong tinignan.

Tsk, biro lang eh, tinotoo naman.

“Biro lang.” ngiwi ko.

Hindi na naman nakaligtas sa'kin ang bulungan ng dalawa at ang nang-iinsultong tingingan nila sa'min.

Gusto niyo subuan ko din kayo?

“A-aray, hipan mo naman!” inis na baling ko kay Lei ng hindi hinipan ang sinubo sa'kin.

Ang init.

“Sorry.” natatawang paumanhin.

Gusto pa ata ako pasuhin eh.

Narinig ko ang hagikgik ng dalawa sa gilid.

“Ang init!”

“Dsurb beh!” pang-iinsulto pa ng dalawa.

“Xi, todohan mo nga 'yung aircon.” parinig ni Yass.

“Sure, love.” nang-aasar naman na sagot ni Xi.

Baliw!

“Ah.” he asked again.

“Ahh.” i repeat.

“Boss, pa-subo din!” malungkot na sabi ni Xi.

“Xi, paabot ng tubig.” utos ko sa kanya.

Inirapan muna ako bago ini-abot. “Oh! Madam Marites!”

“Correction, Madam Garrette!” mataray na pagtatama sa kamali niya.

Biruan lang.

Lei bit his lower lip to stop smiling, I saw it.

“Btw, ano pinunta niyo dito?” nagtatakang tanong ni Lei.

Oo nga pala no, kumain lang nakalimutan na.

Nagbulungan pa ang dalawa na animo'y may pinag-uusapan.

Inilabas ni Xi ang hawak kanina na iPad at may pinindot doon.

Ano ba iyan?

Pinakita niya sa'min sa iPad ang kuha ng CCTV sa room 'kung saan kami nag-away kanina. Narinig pa ang mga sagutan namin kanina.

Hala.

“G-garrette, s-sorry akala kasi namin kanina eh, sinampal mo si Khae.” Xi apology.

“It’s okay, Xi.” irap ko sa kanya.

Kumutsara na naman si Lei ng isusubo sa'kin ng biglang bumukas ang pinto kaya naisubo kaagad ni Lei sa kanyang bibig ang dapat para sa'kin. Humagalpak naman kami ng tawa sa ginawa niyang katangahan.

Tangina, hindi manlang hinipan!

“Yung mga products, kami ng bahala na mag-ayos lahat.”

Nagulat kami ng sumeryoso si Xi, napatingin kami sa pumasok.

Khae?

Kaya pala, nag-seryoso kaagad.

“What is it?” blanko ang reaksyon na tanong ni Lei.

Kakainom lang ng tubig.

Sana buong mangkok nalang kinain mo, mwehehehe. Sumasayo ang katangahan :>

“Hehe, boss, 'yung investment kukuha lang sana ako ng copy.” nakangiting sabi ni Khae.

Tss. Plastic.

“Ako muna susubo sa'yo, Madam Garrette!” natatawang baling sa'kin ni Xi. Gulat naman na napatingin sa'min si Khae.

“Wag na baka may poison sa'yo.” tumatawang sagot ko.

“May nilagay din naman na poison si boss, ha!”

Tae mo, baka iba isipin ng chismosang 'to!

“Thank you, boss.”

Hindi na nag-abalang sagutin at naupo nalang siya ulit sa tabi ko.

“The fuck! It's hot!” make-face na bulong niya.

“Sino ba kasing may sabi na isubo mo, boss?”

“Gago!”

“Btw, Madam Garrette nabalitaan na'min kina Ash na p-pumanaw na daw 'yung p-papa mo kanina?” nag-aalinlangang tanong ni Xi.

Matagal bago ako sumagot.

“O-oo.” basag na naman ang tinig ko.

Hindi na kita makikita araw-araw, pa.

“Condolence.” sabay na sabi nila.

“Thank you!”

“Kaya pala ambilis ng paharurot mo kanina sa sasakyan mo, a-akala ko n-nagalit ka sa'min.” nahihiyang tugon ni Yass.

“Of course not, maliit na bagay lang 'yon.” ngiti ko sa kanila.

“Don't do it again!” sita ni Lei sa'kin.

Kumunot naman ang noo ko. “Ang alin?”

“Yung mabilis na magmaneho. What if kung napano ka?!”

Ngumisi naman ang dalawa.

“May concern, ehemm!” parinig ng dalawa.

Ugok niyo.

“Bati na tayo, ha?” sabi naman ni Xi.

Bakit? Nag-away ba tayo?

“Haha! Lol, siyempre!”

“Dadalaw kami bukas, okay lang ba?”

“Oo naman,”

“Saan pala bahay niyo?”

“Sa subdivision.”

“Ah, mayaman pala kayo, ha!” ngisi ni Xi.

Umiling ako. “Haha, hindi katamtaman lang.” nahihiyang sagot ko.

“Boss, pa'no 'yan aalis na kami!” natatawang sabi ni Yass.

“Bye, Madam Garrette enjoy kayo ni Boss, ha?” paalam ni Xi.

“Sure,” natatawang pahabol ko.

Joke again.

“Sige, Madam Garrette Louiza! Ampanget mo!” sigaw ni Xi bago isara ang pinto.

Napalingon naman ako ng tumawa ang katabi ko!

“What's funny?” mataray na tanong ko.

“Ampanget mo daw.” tumatawang sagot.

Matibay, inulit pa!

“Narinig ko!”

“Inulit ko lang.” ngisi pa niya.

Tse!

Tumayo na ako at bumalik sa table para i-handa ang gagamitin bukas.

6:30am pala dadating 'yung bisita niya.

“6:30 pala bukas pupunta dito 'yung bisita mo, boss.”

“Okay, I have more too clients to meet tommorow.” stress niyang sagot.

He's now touching his bridge of nose.

Ilang oras pa ang inubos na'min sa trabaho at nagdesisyon muna akong bumisita sa mga employee bago umuwi.

“Madam Garrette! Andito pala kayo!” ngiti ni Xi. Nagulat naman ang iba sa narinig na tawag ni Xi.

“Oh, Alipin! Nandito ka pala.” ngisi ko sa kanya. Lumapit ako kila Ash at Ally na nakakaloka ang tingin sa'kin.

“Anong mukha 'yan?” bungad ko sa kanila at tumayo sa gilid.

“Kilala mo 'yung tinawag 'mong alipin?” nagugulat na tanong ni Ally.

“Oo, kaibigan 'yan ni Lei, bakit?” takang tanong ko din.

“Crush 'yan ni, Ally.” natatawang sabat ni Ash.

Aba, may pinapantasyahan ka pala, ha!

“Haha, di nga?”

“Totoo 'yun, jupiter!” arteng flippy hair pa niya.

“Sana all, close. Diba, Ash?” irap sa'kin ni Ally.

“Gusto mo pakilala kita?” ngisi ko.

“Next time nalang, hagard ko kaya duhh!”

“Teka nga...bakit Lei ang tawag mo kay, boss?”

“Ganon talaga 'yun!” kindat ko pa sa kanila.

“Ikaw ha, may gusto ka ba kay, boss?”

“Ulul, wala no!”

“Alam mo mars, Ally, magka-appartment ang mga iyan.”

“Oo nga no mars, baka mamaya nag-ughh ughh sila.” natatawang sabi ni Ash kay Ally.

Huh? Anong ughh-ughh?...

“Anong, ughh-ughh? tangina niyo, pa-thrill pa kayo!” inis na sabi ko.

“Mars, 'yung nag-aano kayo sa isang kwarto tapos, ughh-ughh ganon!” nag-apir pa silang dalawa bago tumawa ng malakas.

Anong, ano?!

Umirap ako sa kawalan. “Gago kaba? Mag-kaiba kami ng kwarto!”

Linobo naman ni Ash ang pisnge at tumingin sa'kin na parang give up na.

Ano 'bang alam ko sa sinasabi niyo!

“Yung ipinasok ni Boss ang trono niya sa Korona mo, gaga!” sigaw sa'kin ni Ally.

Trono? Korona? Sumasakit ulo ko sa inyo!

“Alam niyo, kayong dalawa. Mag-pacheck up kayo, ha? Mag-maintenance na'rin kayo!”

Nagkatinginan naman ang dalawa at ngumisi sa'kin.

“Baka...ikaw ang may kailangan ng maintenance.” ngisi nila sa'kin.

At, bakit ako? Duhh hindi ako special child!

“At anong maintenance?” taas kilay ko na tanong ko.

“PILLS!” sabay na sagot nila.

“Ulul! Umuwi na nga kayo! Kung ano-ano pumapasok sa kukote niyo!”

“Salamat, boss!” nagmamalaking ngiti ni Ally.

Iuntog kita sa pader!

“Ireto ko nalang si Xi sa iba.” parinig ko, naglakad na ako palayo sa kanila.

“Eto naman di mabiro!” pahabol ni Ally.

Kinindatan ko sila bago naglakad paalis.

“Bye, Alipin!”

“Bye, Madam Panget!” sigaw din ni Xi.

Panira ng moment, mabungi ka sana!

Lumayo na ako sa room na 'yon. Sa paglalakad ko unti-unti na akong nakakabuo ng plano.

“Uwi na tayo.” bungad ni Lei sa'kin.

“Okay.”

“Pinauwi ko na ang mga empleyado.”

Kapupunta ko palang 'don.

Inaantok na'rin ang itsura ni Lei, pero linalaban pa'rin niya.

Sana all, pinaglalaban. Joke.

Kinuha ko na ang gamit ko at ang iba 'pang dokumento na kakailanganin ko mamayang gabi.

Mabilis naman kaming nakarating sa baba dahil dumidilim na naman.

Nasa parking area na kami ng may maramdamang kakaiba.

“Is there anyone behind us?” kinakabahang tanong ko.

“Shh. Stay calm.”

“Yung kotse ko nasa k-kabila.” inis na bulong ko.

Mas lalong napa-higpit ang kapit ko sa braso niya ng may marinig na kumalabog sa kabilang parte.

“Wag ka nga tumawa!” inis na bulong.

Tukmol na 'to! Kinakabahan ako dito tapos, patawa-tawa ka lang! Gago kaba?

“Sumabay ka na sa'kin.” mahinang bulong ko.

Huh? Ano kasi...

“A-ano kasi kakailanganin ko 'yung kotse ko mamaya...may pupuntahan ako.” nag-aalinlangang sagot ko.

“Saan?” takang tanong niya.

“A-ano...pupunta ako sa bahay.” nahihiyang sagot ko.

“Sasamahan na kita.”

“Wag na, magpahinga ka nalang.” mabilis na pigil ko.

“Kaya ko.” pilit nito.

Pag-namatay ka ng maaga tangina mo, di'ko na kasalanan 'yan!

“Sige na!” napipilitang sagot ko. “Ako na mag-drive!” suhestiyon ko.

“Alam mo?”

Tangina, malamang!

“Ay hinde.” sarkastiko na sagot ko.

“Wag na ako na.”

“Ako na, baka matulugan mo mabangga pa tayo.” taas kilay na bulong ko.

Duhh, ayoko pa mamatay. Wala pa 'kong first kiss.

“It's up to you.”

“Akin na.”

“What?”

Slow mo, punyeta!

“Anong gagamitin 'kong pang-start? Ipapasok ko daliri ko?” inis na saad ko.

Tanga'ng 'to.

Napalingon ako sa kanya ng marinig ang mahinang tawa na naman.

Happiness ata ako neto!

“Ano na namang nakakatawa?!” mataray na tanong ko.

“Anong ipapasok mo?” natatawang tanong niya.

“Daliri.” irap ko.

“Saan?”

“Tangina, akin na nga 'yang susi!” naiinis ng sigaw ko.

Kinapa ko ang bulsa niya hanggang maramdaman ang matigas na bagay.

Puta? Iba yata nakapa ko, bullshit!

Joke.

Ipinasok ko na ang kamay ko sa bulsa niya at kinuha ang susi. Sasakay na sana ako sa driver seat ng may marinig na kumalabog na naman kaya tumakbo ulit ako pabalik sa kanya.

“The hell, m-may tao talaga dito?” nanginginig na tanong ko.

“I don't know, let's go.” tumawa ito ng malakas.

“Don't move.” biglang nagseryoso ito. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa braso niya ng makitang nakatingin siya sa salamin ng sasakyan niya.

Ito na 'yung pinaka-ayoko sa lahat.

Lalong kinabahan ako at nanginginig na naka-kapit sa polo niya.

“Whos that?” kinakabahang tanong ko ng makita sa salamin na may taong nagtago sa isang poste.

“I don't know.” blankong reaksyon na sagot.

Putangina dalawa sila!

“Tayo na.” mabilis na aya ko.

Papasok na sana kami sa sasakyan ng may pumalakpak ng magkakasunod.

Nakatitig lang ako sa mukha ni Lei ng naging malalim na ang tingin.

Dahan-dahan akong humarap sa parte 'kung saan pumalakpak ang sumusunod sa'min.

Mas lalong tumaas ang mga balahibo ko ng makita ang tatlong lalaki na naka-suot ng maskara at ang nagpatibok sa puso ko ay may hawak silang tig-iisang dospordos.

Ito na ba sinasabi ko!

God, help us please. I don't want to die yet. Gusto ko pa ma-enjoy buhay ko, God!

Naglakad sila sa gita papalapit sa'min. Mahigpit ang hawak ko sa susi ng tumigil sila sa gitna at nakatingin sa'min.

“D-do you k-know who are t-they?” nanginginig na sa takot na tanong ko.

“I don't know. Go inside.” blanko pa'rin ang reaksyon niya.

Walang bakas ng takot ang nakikita ko sa mga mata niya.

Hep! Wag muna kayo, aalis. natatawang sigaw ng nasa gitna sa akmang pag-pasok ko.

Mag-usap muna tayo! sigaw naman ng nasa kanan niya.

Tangina, puro lalaki! Pa'no 'yan lamang kami.

Meron 'pang lumabas sa gilid, ang isang babae na nakahawak ng...b-baril?

Sige lumabas na kayong lahat, pa-thrill pa kayo amputa!

Boss Lei.”tawag ng babae at pumwesto sa pinaka-una. “Kahit kailan pogi ka pa'rin, ah!”

“Who are you?” nagtatakang tanong ko.

Tapang ko no? Mamaya ne'to bagsak na ako.

"Hulaan mo!" insulto niyang sagot.

Aba, sige maglaro tayo.

“Ulul.” bulong ko. Tumawa naman ang hunghang 'kong kasama.

“Wag ka tumawa diyan mamamatay na tayo!” inis na bulong ko sa kanya.

May oras 'pang tumawa, mamatay na tayo dito tanga!

“What do you need?” tanong ni Lei na naka-tingin na sa kanila habang nasa likuran niya ako na parang bata na nakahawak sa kanyang polo.

Tapang-tapangan ka diyan, pag-ginulpi ka nilang lahat bahala ka.


You are reading the story above: TeenFic.Net