CHAPTER FOUR

Background color
Font
Font size
Line height

Nagising ako bago pa mag-alarm ang phone ko. Pumasok na ako sa banyo at nagsipilyo. Mga 3am na ng magsimula akong magluto ng umagahan. Tinakpan ko nalang sa lamesa, wala akong gana'ng kumain. Pumasok na ako sa kwarto ko at linigpit na ang kaka-ilanganin ko mamaya, buti nalang nag-basa ako kagabi nag- jotdown 'din ako ng importang details. Naligo na ako kaagad dahil bibisita pa ako sa bahay. Nag-suot lang ako ng maroon sleeveless fitted dress hanggang sa taas ng tuhod at pinatungang ng kulay white na blazer.

Sinuot ko na'rin 'yong white heels. Pi-nonytail ko ang mahaba at bagsak na buhok ko paikot at ginawa itong messy bun. Linagyan ko rin ng maliliit na hibla-hiblang buhok sa harap ng mukha ko. Naglagay ako ng konting make-up sa mukha.

Para kahit puyat, magmukha pa'rin akong tao :>

Kinuha ko na ang bag ko at ang mga documents bago lumabas. Hindi na ako nag-abalang mag-paalam.

Bahala ka diyan!

Binilisan ko pa ang pag-maneho para maka-abot ako sa saktong oras. Dumaan na'rin ako sa fast food at umorder ng breakfast nila. Mas lalo akong nabuhayan ng makitang bukas na ang ilaw sa bahay, madilim palang kasi papaliwanag palang.

Dali-dali na akong pumasok sa gate, may duplicate naman ako. Kumatok na'rin ako bago ako pinapasok.

"Aga mo ate, ha?" bungad ni CL (Charles Lian).

"Siyempre. Good morning!" sigaw ko sa sala ng makapasok ako.

"Goodmorning din, anak. Ganda naman sa suot mo!" natatawang bati sa'kin ni mama. Bumeso muna ako sa kanilang tatlo.

"Upo ka, anak. Kain na tayo." sabi 'din ni papa.

"Hindi na pa, bumisita lang ako dito para ibigay ito, breakfast niyo. Hahaha!" tumatawang sagot ko at linapag na sa lamesa ang binili.

"Kumain ka na ba, ate?" tanong ni CL na nagpatigil sa'kin.

"O-oo!" I lied.

Sorry bunso, late na kasi ako.

"Sige po, aalis na ako!" masayang paalam ko. "Late na kasi, me. Alam niyo na sexytary, hahaha!" dagdag ko pa.

"Sige, anak, mag-ingat ka. I love you!" paalam ni papa.

Lumapit ako sa kanila at yumakap ulit.

"Ba-bye, I love you all!" nag-flying kiss pa ako at lumabas na.

"Bye ate, I love us!" tumatawang paalam ni CL.

"Bye! I love me!" sagot ko 'din na ikinatawa nilang lahat.

Lumabas na ako at nagmadaling magmaneho. 4:30am na! Malapit na akong malate.

Tangina, bakit ngayon pa na-traffic! Bumibilis na ang tibok ng puso ko dahil malapit na mag-start ang meeting.

Lagot ako ne'to!

"Sec. Garrette! Nagsimula na ang meeting!" sigaw ni Khae.

Lahat ng employee ay wala na sila dahil paniguradong nasa meeting room na.

Sumakay na ako sa elevator at sumunod naman si Khae na nakahawak sa tray ng coffee.

"Kanina pa ba?" kinakabahang tanong ko.

"After 15 minutes pa silang nagsimula, Sec. Garrette," sarkastiko niyang sagot!

Mapapatay ako ne'to! Ano ba yan! Kung ano-ano kasi sinasabi ni Xi-A kaya mas lalo akong kinakabahan!

Baka ma-kick agad ako nito! Putangina ayoko mag-overthink!

"Galit na galit si, boss." wala sa sariling usal ni Khae.

"A-ano?" hindi makapaniwalang tanong ko at lumingon pa sa kanya.

Ngumisi pa siya. "Maghanda kana." sabi pa at nauna ng lumabas.

Lumabas na'rin ako at dumiretso sa office namin para ilagay ang gamit ko. Totoo nga pati si Boss wala na 'din dito. Andito na'rin ang mga gamit.

Garrette, ang tanga mo!

Kinuha ko na kaagad ang mga dokumento at mabilis na tumakbo sa meeting room. Hindi na ako nag-abalang kumatok at binuksan nalang bigla ang pinto.

Gulat sila ng makita akong pawis na pawis. Nakita ko si Ally at Ash na parang sila pa ang kinakabahan para sa'kin. Nakita ko rin si Xi-A na kinakabahan pero si Yass wala itong reaksyon.

Mas lalong nagbaba sila ng tingin sa takot lalo na ang mga hindi ko pa kilalang empleyado. Hindi rin nakaligtas ang ngisi ni Khae.

"I'm s-sorry for being l-late, boss." tango ko at sinalubong ang masamang tingin at salubong na kilay ni Lei.

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng hindi siya sumagot.

Pa'no na yan! Kay bago-bago mo Garrette!

Maiiyak na ako sa kaba.

"Let's continue." hindi ako pinansin at pinagpatuloy lang nila ang ginagawa. Hindi manlang ako sinagot!

Epal.

Dali-dali akong lumapit sa tabi niya at ipinakita lahat ng detalye sa isang company na gustong labanan ang company na'min. Nag-explain rin ako ng kaunting detalye sa mga branch na kakailanganin sa supply namin para wala ni sinuman ang magtatagumpay.

Ang kompanyang lumalaban sa'min ay ang enemy ni Boss, gusto nila itong pabagsakin.

"We're not going to fight back to they're fucking company, if we don't have more fucking vote!" galit ng sigaw ni Lei kaya nagbaba nalang ng tingin ang isang emplyedo.

Nag-suggest lang yung tao!

Sinigawan na kaagad! Kung sulsulan ko 'yang bunganga mo!

Nananakot ka, eh!

Tahimik lang sila dahil sa takot na masigawan.

"Then we need to prepare more supply and we're going to invest it to other." ako na ang sumabat. Napa-tingin naman sila sa'kin sa pag-sagot ko.

Sige, subukan mo akong sigawan!

Mas lalong kinabahan sina Ash at Ally sa'kin!

"How?" taas kilay na tanong ni Khae. Nag-aabang naman sila ng isasagot ko.

"Why don't we try to invest more employee? Or suggest some of our products to they're company." naka-ngiting sagot ko kay Khae. Napapahiyang nag-baba naman siya ng tingin.

"You're a good, Secretary!" bati sa'kin ni Xi-A.

Siyempre, chos.

"Thank you, Mr. Yariso." tango ko.

Marami na ang nagbubulungan sa narinig kay Xi-A.

"Boss, bakit di mo naman pinakilala sa'min ang bagong secretary?" nahihiyang tanong ng isang emplyedo.

Nakita ko sa mga mata nila ang gulat lalo na ang mga kaibigan ko.

Hehe, sa sobrang ganda ko kasi tinago nalang nila ako!

Tumayo si Lei sa tabi ko.

"She is my Secretary from now on." agad na sabi ni Lei.

Bat naman ganyan, wala bang thrill ganon?

"Boss, but 'my? Hindi ba our's?" nang-aasar na tanong ni Xi-A.

Marami naman ang nagtawanan sa narinig. Tumikhin muna si Lei bago magsalita ulit. "Rather our's. Introduce your name, Sec. Garrette," utos na niya sa'kin.

Dapat ganyan!

"Goodmorning everyone. I'm Secretary Garrette Louiza Chin, Sec. Garrette nalang for short." nakangiting pakilala ko.

"Ganda naman ng secretary mo, boss!" tumatawang sabi ng isang empleyado.

"Tumahik ka nga." sabat ni Yass.

"You guys introduce your name." sabi ni Boss at naupo na sa swivel chair niya.

"Hi, I'm Artem John Tabori." pakilala ng isang matangkad na lalaki, gwapo 'din naman ito pero di'ko type.

"Jolo Azon." pakilala 'din ng katabi niya.

"Biatrice Almino." sunod naman ng isang magandang babae, pero mas matangkad ako.

"Abie Ish Tan." naka-ngiting sabi naman ng isa.

"Ashanthy Shanelle Yanxay." taas kilay na pakilala sa'kin ng kumag 'kong kaibigan. "Ash nalang for short." kindat niya pa sa'kin.

"Allyson Cahite." pakilala rin ng isa 'pang kumag 'kong kaibigan. "Ally." irap niya sa'kin.

"Dyren Elejo!" ngiti ng isang lalaki. Tumango naman ako sa kanila. Nagpakilala 'rin ulit ang mga kaibigan ni Lei.

"Yasser Lee. 'Yass."

"Xianne Andrei Yariso. 'Xi-A."

"Zandi Monic Blare. 'Zam." pakilala ng matabang babae. Mukha 'rin siyang mabait.

"Aiza Mia Santos. 'Ami'." pakilala ng mataray na babae.

Maganda 'din siya pero mas maganda nga lang ako! Mas matangkad pa me.

Nagpakilala pa ang ibang emplyedo at kahit papaano eh, marami na'rin akong naikabesa. Alam ko na'rin ang pangalan ng janitor at janitress nila dito kaya hindi na ako magkakamaling tawagin sila. Lalo na sa cafeteria sa baba kilala ko na'rin sila. Kilala na'rin nila ako.

"And, I'm Mr. Mark Harlei Watson." pagpapakilala rin ni Lei...

Hindi ko tinatanong.

Tumango nalang ako bilang tugon.

Nag-taas ang isang empleyado ng kanyang kamay kaya doon na napunta ang aming atensyon.

"Yes, Mr. Elejo," tawag ni Boss.

"Sino 'pong ipapadala niyo sa ibang company para mag-suggest ng products na'tin, boss?" tanong niya.

Tumahik naman silang lahat para makinig.

"Why don't we try sina Ash at Ally?" naka-ngiting suggest ni Khae kaya agad akong na-alarma.

Alam 'kong mahirap ito at delikado dahil hindi lang naman kami ang nangangailangan ng votes kaya malamang may kaagaw kami kaya dapat paunahan.

Alam 'kong sinasadya mo, kunyari kapa!

"Sila yung mag-iinvest sa other company ng products na'tin, total ikaw naman na nag-suggest ikaw yung mag-ga-guide sa kanila." mahabang dagdag na paliwanag pa niya at ngumiti ng plastic.

Alam 'kong mahihirapan itong gagawin ng kaibigan ko kasi per company ito. Mag-aagawan ang dalawang kumpanya.

Pero mas okay naman na iyon dahil ako ang kasama nila at mababantayan ko pa sila.

Kailangan na'min ang boto ng ibang company, mas maraming boto siya ang itatalagang winner ng products of the year. Paghihirapan talaga nila ito dahil kung ang company niyo ang mananalo tiyak na dadami ang investors niyo kaagad. Madami din ang gustong maki-pagshare sa inyo hanggang sa maging kauna-unahang maka-pangyarihan ang company niyo lalo na ang CEO.

Alam ko rin na gagawa at gagawa talaga ng maduming laro ang kalaban kaya mas magandang maunahan mo na ito.

Dahil ako naman na ang nag-suggest, tiyak ako na naman ang ituturo nilang bahala na sa lahat.

Magpasalamat nalang, dahil iisa lang ang kalaban na'min kaya hindi naman na kami gaanong mahihirapan, depende nalang.

Votes ang kukunin na'min sa ibang kumpanya, kaya magiging delikado talaga ang larong ito.

"Sure." matapang na sagot ko. Nakikita ko sa mata ng mga kaibigan ko ang kaba.

Nakikinig lang ang iba sa amin dahil sa takot nilang maituro.

"Then bilang Assistant Secretary, you are the one to guide the other employee na mag-avail sa mga tao." naka-ngiti ko ring dagdag. Natigilan ito at nakikita ko sa mata ang gulat. "Kayo ni Ami, and Jolo I think." plastic din na suggest ko.

You fight with the wrong women. Kinikilala mo talaga ako, then I will introduce my fucking self.

"Any questions or suggestions?" tanong ko sa kanilang lahat at itinaas pa ang kamay. "No questions. Approve it, boss." agad na sabi ko.

"Approve." agad naman na sabi ni Boss, at nagpalakpakan na silang lahat.

"You're cool!" komento sa'kin ni Xi-A. Binelatan ko lang ito.

"Dismiss!" agad na sabi ni Boss.

"Ally and Ash, stay here, mag-uusap tayo!" pigil ko sa kanilang dalawa. Umalis na ang iba pati si Boss. Sina Khae at ang kasama nalang niya ang natitira.

Lumapit sa'kin si Khae at bumulong. "Wag 'kang magkakamaling kalabanin ako." matigas na sabi niya na ikina-ngisi ko.

"Don't worry Khae, I know you are scared." ngiti ko sa kanya. Tinignan lang niya ako ng masama at umalis na silang tatlo, umirap pa sa'kin si Ami.

"Woy! Gaga ka kakayanin ba na'tin 'to?" kinakabahan na tanong sa'kin ni Ash at lumapit na sila ng tuluyan sa'kin.

Kinakabahan 'din ako para sa inyo.

"I don't know, kailangan ko munang gumawa ng plano." hindi ko pinakitang pati ako ay kinakabahan 'din.

Doble trabaho lahat ng gagawin ko.

"Kakausapin ko kayo ulit bukas at sasabihin ko ang planong iisipin ko mamaya." dagdag ko. Tumango naman sila kaagad.

Kung gagana utak ko.

"Teka nga..." pinalo ni Ally ang balikad ko. "Langya ka, bakit di'mo sinabi na secretary ka na pala!" malungkot niyang sabi.

Nakalimutan ko kasi...teka nga kayo rin naman ah!

"Aba, sino kaya sa atin ang naglihim kung saan sila nagtratrabaho ngayon?" taas kilay na tanong ko.

"Alam mo, Garrette Louiza, nakita na'min sa details mo na dito ka sa Watson Interpreneur Company magtratrabaho kaya inilihim na'min ni Ally na wag sabihin sa'yo para i-surprise ka, duhh!" mahabang paliwanag niya at umirap na parang ang tanga-tanga 'kong umintindi.

Depunggol na'to!

"So, bakit ka naging secretary agad?" taas kilay na tanong ni Ally. Umirap ako sa kawalan at bumuntong hininga ng malakas. Kinwento ko sa kanila lahat hanggang sa kung saan ako nakatira ngayon.

"Pa'no sila Tita at Tito 'don?" tanong ni Ash.

"Andon naman na si CL! At saka bumibisita naman ako, kaya nalate ako kanina galing ako 'don!" sagot ko.

"Okay fine!"

"Tandaan niyo 'to, wag na wag kayong magsasalita tungkol sa mga plano na'tin, kahit kanino, maliwang?" paalala ko sa kanila.

"Sure."

"Ikaw, Ash, 'yang bunganga mo."

"Eto naman, oo na!" masama na ang tingin sa'kin.

"Good."

"Wait...magka-away ba kayo ni Ms. Khae?" nagtatakang tanong ni Ash.

Sabi ko na nga ba, daldalera na nga chismosa pa!

Ngumiwi ako. "Mainit ata dugo sa'kin!" natatawang sagot ko.

"Halata nga, inggit ata sa'yo na naging secretary ka!" sabi naman ni Ally.

"Tumahimik nga kayo, baka may makarinig." sita ko sa kanila.

"Kilala mo ba mga kaibigan niya?" tanong nila sa'kin.

"Hindi." iling ko.

"Eh, kung ganun tama ka nga ng pinili." thumbs up pa ni Ally sa'kin.

Kumunot naman ang noo ko. "What do you mean?" tanong ko.

"Kaibigan ni Ms. Khae, si Ami at malapit na kaibigan niya rin si Jolo." natatawang sagot niya.

Kaya pala natigilan siya ng baggitin ko ang pangalan ng mga kaibigan niya.

"Bahala siya, eh kayo, bakit niya kayo agad na tinuro?" nagtatakang tanong ko.

"She knows that we we're friends. Dahil nakita niya ito sa IG namin, lol." sagot na naman niya.

Gagawa ako ng paraan para mas makilala pa kita, Khae.


You are reading the story above: TeenFic.Net